LOGINDAHAN-DAHANG hinaplos ni Yumi ang tela ng puting gown habang nakatayo sa harap ng salamin. Manipis ang sheer fabric sa may balikat at braso, at sa bawat galaw niya ay kumikislap ang maliliit na diamond details na tila mga bituin na nakakalat sa tela.Bigla siyang hinila ni Lola Chandria upang humarap nang maayos sa salamin.“Tingnan mo nga, napakaganda ng fit sa’yo,” masayang sabi nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Perfect ang shoulder line… konting adjust lang sa waist, magiging flawless na.”Napangiti si Yumi, ngunit hindi pa siya nakakapagsalita nang marahang hinawakan ni Lola Chandria ang kanyang kamay.“Apo, may hihilingin sana si Lola.”Napatingin naman si Yumi sa matanda.“Yung apo namin… halos kasing-size mo,” dagdag nito. “Pero mahiyain. Hindi namin alam kung anong style ang babagay sa kanya.”Sumingit naman si Lolo Alejandro, kalmado ang boses.“Kami, hindi na nakakasabay sa taste ng kabataan. Ikaw, may mata ka. Tulungan mo kami pumili, para hindi kami magkama
“HELLO.”Malamig at mababa ang boses ni Adrian nang sagutin niya ang tawag.Sa kabilang linya, agad na sumambulat ang boses ni Clyde, puno ng inis at pagod. Ni hindi napansin ang boses ng lalaking sumagot “Yumi? Tama na ‘to. Ilang araw na. Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganyan? Hindi ka na ba talaga magpaparamdam sa’kin?”Biglang dumilim ang ekspresyon ni Adrian sa narinig at unti-unting tumigas ang kanyang panga. Ang babaeng nasa kama sa likod niya ay halos mawalan ng malay kagabi sa sakit at para sa lalaking ito, nag-iinarte lang? Pero hindi siya kumibo at tahimik lang niyang pinakinggan pa ang mga sinabi nito.Akala ni Clyde ay si Yumi ang nasa linya kaya bahagyang lumambot ang tono nito ng mga sandaling iyon.“Yumi, ikaw ang pinakaimportante sa’kin. Kahit anong gusto mo, kahit unreasonable pa ‘yan, gagawin ko. Sabihin mo lang kung nasaan ka. Susunduin kita ngayon din.”Mariin na kumuyom ang kamao ni Adrian matapos marinig ang mga pambibilog ng ulo ng lalaki sa kabilang linya.
DAHAN-DAHANG humigpit ang hawak ni Adrian kay Yumi habang buhat niya ito palabas ng conference room. Ramdam niya ang bigat ng katawan ng dalaga, ngunit higit pa roon, mas ramdam niya ang panghihina nito.Mahina ang paghinga ni Yumi, at ang noo nito ay basa ng malamig na pawis. “It hurts…” halos pabulong nitong sabi habang nakasandal sa dibdib niya.Nanigas ang panga ni Adrian. “Masakit na nga, nag-overtime ka pa hanggang madaling-araw?” aniya na may halong inis. Ngunit sa kabila ng tono, maingat ang bawat galaw niya. Na para bang takot siyang masaktan pa ito lalo.Marahan namang napailing si Yumi, halos hindi na maintindihan ang sarili. “I’m sorry…” bulong niya.Saglit na natahimik si Adrian, saka bahagyang lumambot ang ekspresyon. “You don’t need to apologize to me,” mas mahinahon na niyang sagot.Sandaling napapikit si Yumi at mas lalong sumiksik sa binata. Hindi niya maipaliwanag, pero sa yakap ng lalaki, tila nababawasan ang sakit na nararamdaman niya.“Ikaw lang kasi ang pwede ko
SA MISMONG tapat ng elevator, napatigil si Yumi nang makita ang babaeng paparating mula sa kabilang hallway. Si Bianca.Maayos ang bihis nito, suot ang mamahaling dress at may dalang branded na handbag na mukhang regalo pa ni Clyde. Sa isang kamay ay hawak nito ang mga dokumento ng proyekto, habang sa kabila naman ay may dalang kape. Kasama pa nito ang isang receptionist na tila gumagabay sa kanya papunta sa meeting room. Halatang naroon ito para sa iisang dahilan— sa investment.Ngunit sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, biglang nagbago ang ekspresyon ni Bianca. Ang kumpiyansa ay napalitan ng hindi maitagong galit at iritasyon.Sa loob lamang ng ilang araw, nagkagulo ang Monteverde Group. Nawalan ng direksyon ang kumpanya, nag-resign ang mga tauhan, at maging ang pamilya Monteverde ay nadamay sa gulo. At ang lahat ng iyon ay nagsimula nang umalis si Yumi. Matagal ding iniisip ni Bianca kung nasaan ito.Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito. Sa isang high-leve
TAHIMIK na nakatayo si Adrian sa loob ng study, ang malamlam na ilaw mula sa chandelier ay tumatama sa kanyang matalim na mga mata. Ilang segundo siyang hindi nagsalita matapos marinig ang ulat ni Axel.“Estimated, around 150 million,” ulit ni Axel, maingat ang tono.Hindi agad sumagot si Adrian. Dahan-dahan niyang tinapik ang mesa gamit ang kanyang mga daliri, tila may malalim na iniisip. Pagkaraan ng ilang sandali, saka lamang siya nagsalita, kalmado ngunit mabigat ang bawat salita.“My investment subsidiary is also involved in this project,” aniya. “Double the amount. Increase the funding.”Bahagyang napataas ang kilay ni Axel, ngunit mabilis din itong tumango.“Yes, Sir.”“Don’t mention me,” dagdag pa ni Adrian. “Sabihin niyo lang that the proposal is strong and the project has potential. Kaya proactive ang investment.”Muling tumango si Axel. Ngunit sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang magtaka. Kilala niya ang kanyang boss bilang sobrang istrikto pagdating sa risk assessment.
TUMAWA nang malakas ang isa sa mga lalaki, tila ba walang bahid ng paniniwala sa sinabi ni Yumi. Umiling pa ito habang nakasandal sa upuan, hawak ang baso ng alak.“Kung totoo nga ‘yan,” may pangungutyang sabi nito, “kakain ako ng bubog.”Sumingit naman ang isa pa, may halong yabang sa boses.“Tama. Kung talagang may kontrol ka sa Zamora Group, bakit ka nandito? Bakit kailangan mo pa kaming kausapin para sa investment?” anito habang nakangisi. “Mas mabuti pang makipag-inuman ka na lang, Miss Zamora. Doon tayo magkakaintindihan.”Ang pangatlo naman ay tuluyang nawalan ng disiplina. Umabot ang kamay nito para akbayan si Yumi, ngunit mabilis siyang umiwas.“Pinapakisamahan ka na nga namin,” iritadong sabi nito. “Huwag mong abusuhin.”Tahimik lamang si Yumi habang pinagmamasdan ang mga ito. Walang galit sa kanyang mukha, ngunit ang mga mata niya ay unti-unting lumalamig.Mayamaya ay dahan-dahan niyang inilabas ang isang maliit ngunit eleganteng kahon mula sa kanyang bag. Mula roon ay kinu







