MasukCHAPTER 7: ASSESSING THE TARGET(Julian’s POV)—Nakatayo ako sa madilim na sulok ng executive hallway sa 50th floor ng Villareal-Zamora Tower. Mula sa kinaroroonan ko, kitang-kita ko ang loob ng napakalaking glass conference room sa pamamagitan ng one-way tint. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking likuran habang nakatitig ako sa babaeng nasa gitna ng mahabang lamesa.Si Yvaine Zamora-Villareal. Ito ang unang buong araw ng aking pagbabantay sa kanya bilang Head of Tactical Security. Bago ako pumasok sa kumpanyang ito, marami na akong binuong haka-haka sa aking isip tungkol sa kanya. Inasahan ko na ang isang tulad niya na isang pinalaki sa karangyaan, protektado ng pamilya, at ibinigay ang lahat ng kagustuhan ay walang ibang alam kundi ang maging maarte, spoiled, at pabigat sa negosyo. Akala ko ay isa lang siyang magandang palamuti sa board room na umaasa sa pangalan ng kanyang ama.Subalit habang pinapanood ko siya ngayon, dahan-dahang nagbabago ang aking mga kalkulasyon."The Q3
CHAPTER 6: MEETING THE CAGE(Yvaine’s POV)—Ilang oras ang mabilis na lumipas matapos ang usapan namin ni Dad, ay dumiretso na rin ako kaagad sa opisina. Nakasandal ang dalawa kong kamay sa gilid ng aking mahogany desk habang nakatingin ako sa malaking glass window. Nakasuot na ako ng aking pormal na navy blue pantsuit at black stilettos. Maayos ang aking makeup para maitago ang anumang bakas ng puyat mula sa ambush kagabi.Pero sa kabila ng maayos kong porma, naroroon pa rin ang matinding inis at kaba sa aking dibdib. Si Julian Vance. Iyon ang pangalang paulit-ulit na binabanggit ni Daddy at ni Athan ngayong umaga. Ang taong ipinadala para maging panibago kong hawla. Ang taong hahawak ng bawat oras at bawat galaw ng buhay ko simula ngayong araw.Ilang sandali pa'y bumukas ang malaking double doors ng aking opisina."President Yvaine, he is here," pormal na anunsyo ng aking sekretarya.Huminga ako nang napakalalim at dahan-dahang humarap patungo sa pintuan. Inangat ko ang aking baba
CHAPTER 5: THE CHAIRMAN'S ORDER(Yvaine’s POV)—Nakatayo ako sa gitna ng kwarto habang nakayuko. Nakapalit na ako ng isang simpleng white silk blouse at black trousers, pero ang nanginginig kong mga kamay at ang maliit na pasa sa aking pulso ay paalala pa rin sa naganap na ambush kagabi sa Tagaytay.Sa harap ko, nakaupo sa kanyang malaking leather armchair si Daddy Adrian.Naka-white dress shirt si Daddy na nakatupi ang sleeves hanggang siko. Ang kanyang pormal na ayos ay bahagyang magulo, at ang mga mata niyang may taglay na matinding kapangyarihan ay pinalilibutan ng matinding pagod, galit, at takot. Sa kanyang tabi ay nakatayo si Mommy Yumi, nakahawak ang kamay nito sa balikat ni Daddy habang may matamis pero nag-aalalang tingin sa akin.Si Athan naman ay nakasandig sa gilid ng mahabang bookshelves, hawak ang kanyang encrypted tablet habang patuloy na nagbabasa ng mga ulat mula sa NBI at sa aming private intelligence team."Eighteen bullet holes, Yvaine," basag ni Daddy sa katahim
CHAPTER 4: THE AMBUSH(Yvaine’s POV)—Kagagaling ko lang sa isang tatlong oras na high-level corporate gala at charity auction sa isang eksklusibong golf club estate. Bilang President ng Villareal-Zamora Group, kailangan kong maging perpekto sa harap ng mga investors at media. Nakangiti, nakikipag-hands shake, at nagpapakita ng walang katulad na autoridad habang nakasuot ng isang fitted champagne-gold gown.Nang sa wakas ay makapasok ako sa likod ng aking armored SUV, mabilis kong inalis ang aking high heels at isinandal ang aking ulo sa leather headrest."Dideretso na po ba tayo sa Forbes Park, President Yvaine?" tanong ng aking senior security driver habang dahan-dahang pinalalabas ang sasakyan sa gate ng estate."Yes, please," mahina kong sagot habang pikit ang mga mata. "Gusto ko nang magpahinga."Nakahilera ang aming convoy. Sa unahan ay ang lead security van, sa gitna ang aking bulletproof SUV, at sa hulihan ay ang backup security vehicle. Apat na nakabaril na bodyguards ang ka
CHAPTER 3: THE MISSION AND THE VENGEANCE(Julian’s POV)—Huminto ang kulay itim kong SUV sa tapat ng naglalakihang iron gates ng Villareal-Zamora Headquarters sa Bonifacio Global City. Nakatingin ako sa limampung palapag na gusali habang nakasandal ang aking mga kamay sa manibela. Ang matayog na tower na 'to ay isa sa mga simbolo ng pinakamayamang kumpanya sa buong bansa. Para sa public eye , ito ang tahanan ng tagumpay, karangyaan, at kapangyarihan nina Mayumi Zamora at Adrian Villareal. Pero para sa akin? Ito ang monumento ng kasinungalingan at pagtataksil na sumira sa pamilya ko noong araw.Inayos ko ang kulay itim kong suit, ang silk tie sa aking leeg, at dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan. Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako papasok sa malawak na marble lobby ng tower. Bawat hakbang ng aking leather shoes ay may kasamang bigat at pait na itinago ko sa loob ng dalawampung taon."Good morning, Sir. Do you have an appointment?" pormal na tanong ng receptionis
CHAPTER 2: MIDNIGHT ROYALTY(Yvaine’s POV)Gabi na nang matapos ang dinner meeting ko kasama ang marketing team sa isang eksklusibong fine dining restaurant sa BGC. Sumakay ako sa likod ng aking armored SUV habang kasunod ang dalawang backup vehicles ng security detail ko."Ma'am Yvaine, dideretso na po ba tayo sa Forbes Park estate?" tanong ng aking head security driver habang nakatitig sa rearview mirror."No. Drop me off at my Makati condo," pormal kong utos habang nakatitig sa aking phone. "I have paperwork to finish tonight. At ayaw kong magpaabala.""Copy, Ma'am."Pagdating sa aking high-rise residential building sa Rockwell, Makati, naglakad ako pumasok sa VIP elevator habang nakabuntot ang dalawa kong guards hanggang sa pinto ng aking penthouse unit."You can stay in the hallway or the lobby," pormal kong sabi bago ko pinalukso ang aking fingerprint scanner. "I don't want anyone inside my apartment tonight.""Yes, President Yvaine. Tumawag lang po kayo kapag may kailangan kayo
ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakir
HINDI na nagsalita si Adrian, at bahagya lamang siyang tumango na para bang mayroon silang isang lihim na kasunduan.Paglabas nila ng restaurant, lumapit kaagad kay Adrian ang assistant nitong si Axel at may ibinulong. Nahalata naman kaagad niyang tila may importante pang lakad ang lalaki kaya hind
NANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap.
TUMIGIL sandali ang Bentley sa gilid ng kalsada. Bahagyang lumingon si Victor Zamora kay Yumi bago niya muling binuksan ang pinto ng sasakyan.“Come,” mahinahon niyang sabi. “Pag-usapan natin sa loob ng kotse.”Sandaling nag-alinlangan si Yumi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari sa loo







