LOGIN“MISS LEE."Napatingala si Bianca nang marinig ang tawag. Bahagyang ngumiti si Art Mendez habang inilalapit sa kanya ang isang envelope at ilang dokumento."May ipapagawa sana ako.""Yes, sir."Marahan nitong itinulak ang invitation sa ibabaw ng mesa."Bukas ng hapon, lilipad tayo pabalik ng Metro Manila."Bahagyang natigilan si Bianca. "Tomorrow?"Agad niyang binuksan ang invitation. Isa pala itong imbitasyon para sa Philippine Future Industries and Global Investment Summit. Mabilis niyang sinilip ang listahan ng mga dadalo. Naroon ang ilan sa pinakamalalaking investment firms sa Asya. May mga international venture capital groups. Mga pharmaceutical companies, Energy corporations. At ilan sa pinakamalalaking business conglomerates sa Pilipinas.Ngunit isang pangalan ang agad na pumukaw sa kanyang atensyon. Ang Zamora Group.Tahimik siyang napatitig roon nang ilang segundo. Noon pa man ay balitang-balita na muntik nang makipag-partner ang Monteverde Group sa Zamora Group. Ngunit hindi
NANG marinig ni Clarisse ang sinabi ni Daniel ay bahagyang humupa ang galit na bumabalot sa kanya.Alam niyang tama ang asawa. Ang paghahanap kay Yumi ay hindi makakatulong sa pagbangon ng kanilang pamilya. Magbibigay lamang iyon ng pansamantalang ginhawa sa galit na nararamdaman niya. Kung nais nilang makabangon muli, kailangan nilang unahin ang mas mahahalagang bagay.---TAHIMIK silang umuwi. Ngunit pagkapasok pa lamang sa bahay ay agad na inilabas ni Clarisse ang kanyang cellphone. Hindi man niya makontak si Yumi, may isa pa siyang taong kailangang kausapin.Si Bianca Lee.Agad niyang pinindot ang numero nito. Hindi ito sumagot kaya tumawag siyang muli, at muli. Paulit-ulit. Hanggang sa wakas ay sinagot din ng kabilang linya."Clarisse," malamig na boses ni Bianca ang agad niyang narinig. "Sana mahalaga ang dahilan kung bakit paulit-ulit kang tumatawag."Napangisi naman si Clarisse. "May mahalaga talaga. Pero kahit wala, dapat sinasagot mo pa rin ang tawag ko. Tandaan mo, asawa ka
SAMANTALA, matapos ang nangyari sa ospital, sabay na umalis sina Clarisse at Daniel.Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita. Pareho silang may kani-kaniyang iniisip.Mula nang magsimulang bumagsak ang Monteverde Group, sunod-sunod na ring nagbago ang buhay ng kanilang pamilya..At isa sa pinakamalaking naapektuhan ay ang pagsasama nina Clarisse at Daniel.Noong una, pilit pang inaayos ni Clarisse ang kanilang relasyon. Ngunit nang makita niyang unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo ng asawa matapos humina ang impluwensiya ng kanilang pamilya, tuluyan na rin siyang natauhan.Hindi na siya ang dating Clarisse na handang magtiis para lamang mapanatili ang kanilang kasal..Tahimik niyang inayos ang lahat ng personal niyang ari-arian. Lahat ng investment na naipundar niya bago pa ang kasal ay nailipat na sa sarili niyang pangalan.Pati ang condominium, mga lupa, at iba pang assets na minana niya ay matagal nang may legal documents. Hindi maaaring angkinin ng kahit sino ang mga iyon. Dahil
NANATILING walang imik si Clyde. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig lamang sa sahig. Ngunit bago pa siya tuluyang makalakad palayo, isang lalaki mula sa kanilang grupo ang tila may naalalang bagay."Clyde."Mabagal siyang napalingon.Nagkamot ng batok ang lalaki na tila nag aalinlangan kung dapat ba niyang sabihin ang nasa isip. "May naalala lang ako."Tahimik ang lahat."Noong hindi pa kayo ni Yumi... naaalala mo ba si Bianca?"Bahagyang kumunot ang noo ni Clyde. "Ano'ng tungkol sa kanya?"Huminga muna nang malalim ang lalaki. "May isang beses na niyaya niya akong mag dinner kasama ang ilan pa nating kaibigan."Napatingin ang iba."Akala namin noon simpleng get together lang."Napailing siya."Pero habang tumatagal ang usapan... napansin naming halos ikaw lang ang laman ng bawat tanong niya."Nanigas ang mukha ni Clyde. "Anong ibig mong sabihin?""Halos lahat ng itinatanong niya tungkol sa'yo.""Kumusta ka raw noong college.""Ano raw ang mga hilig mo.""Paano ka raw
TAHIMIK na nanatili si Clyde.Hindi niya narinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.Paulit ulit lamang na bumabalik sa isip niya ang malamig na mga mata ni Yumi habang sinasabi nitong wala na itong nararamdaman para sa kanya. Pakiramdam niya ay may humihigpit sa kanyang dibdib sa bawat paghinga.Napansin iyon ng isa sa mga dating kaklase nilang lalaki. Bahagya itong napabuntong hininga bago lumapit."Clyde, huwag mo nang dibdibin ang sinasabi ng mga tao."Tumango naman ang isa pa. "Tama. Ang mga bagay na tungkol sa pag ibig, hindi talaga madaling ipaliwanag.""Nagkakamali ang lahat. Kahit ang pinakamatinong tao, nadadala rin ng damdamin."Isa pa ang sumingit."Kitang kita naman naming naging seryoso ka kay Yumi noon. Hindi mo rin naman siya pinabayaan sa loob ng maraming taon. Kung ganito na siya kalamig ngayon, siguro kailangan mo na ring tanggapin."Tahimik lamang na nakikinig si Clyde. Wala siyang lakas para sumagot. Ngunit si Clarisse ay unti unting nabubuo ang larawan ng nan
BAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang
“YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,”
PAKIRAMDAM ni Yumi ay unti-unting umiingay ang paligid habang nakatitig siya sa screen ng cellphone niya. Hindi siya interesado sa comments ng netizens o sa entertainment article mismo.Ang gumugulo sa isip niya ay ibang bagay. Business trip ba talaga iyon ni Adrian kasama si Mikaela Yu? Kung oo, b
SA MGA salitang iyon, tuluyan nang nahubad ang tunay na laman ng isip ni Clyde. Sa harap niya, bahagyang ngumisi si Yumi, halatang hindi na niya kayang tiisin pa ang pagpapanggap ng lalaki. “Clyde…” malamig niyang sambit, ang boses ay magaan ngunit punong-puno ng pangungutya, “kahit maubos pa ang
KINAHAPUNAN, marahang kumatok si Marco sa pinto ng private ward ni Mikaela, bitbit ang isang mamahaling fruit basket.Sa loob, nakatagilid lamang si Mikaela sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana. Walang emosyon ang kanyang mukha. Tahimik lang ito at parang wala nang natitirang lakas.Kaninang mada







