ANMELDENTAHIMIK lang si Clyde. Hindi siya sumagot, pero ang katahimikan niya ay tila mas lalong nagpasiklab sa galit ni Helena. “Ano? Wala kang sasabihin?” madiin nitong tanong. Subalit bago pa makasagot si Clyde, isang mahina ngunit kalmadong boses ang biglang narinig mula sa may pintuan. “Ano’ng kaguluhan ’to nang ganitong oras?” Parehong napalingon sina Clyde at Helena. Nakatayo sa may entrada si Lola Beatriz, inaalalayan ng kasambahay. Dahan-dahan itong naglakad papasok, hindi man lang tiningnan si Clyde o si Helena, at diretsong naupo sa gitnang sofa. May bahagyang lungkot sa mukha nito, ngunit mas kalmado kaysa sa galit ni Helena. “Lola…” mahina ngunit magalang na bati ni Clyde, bahagyang yumuko. Hindi ito agad sumagot. Sa halip, sandali muna siyang tumingin sa apo bago nagsalita. “Pinadala mo na sa abroad si Bianca?” diretso nitong tanong. Tahimik na tumango si Clyde. Narinig pala ng matanda ang usapan ng mag-ina kanina. Hindi na ito nagulat. Para sa kanya, inaasahan na niya a
SAMANTALA, sa kabilang panig ng lungsod, sabay na nagising sina Clyde at Bianca dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanilang mga cellphone. Mahigpit na napahawak si Clyde sa kanyang phone nang makita ang screen. Mahigit isang dosenang missed calls at lahat ay galing sa kanyang mommy. Samantala, si Bianca naman ay sunod-sunod na nakakatanggap ng messages. Mga kaibigan, kakilala, pati dating mga kasamahan sa trabaho. Iisa ang laman ng mga tanong tungkol sa kanya. Tungkol sa kumakalat na iskandalo. Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Bianca habang binabasa ang mga iyon. Sa loob lamang ng ilang oras, tuluyan nang lumabas sa publiko ang lahat ng ginawa niya, ang paninira niya kay Yumi. Sa group chat ng kanyang dating mga students, magulo na ang usapan. Maraming nagtatanong, maraming hindi makapaniwala. “Ma'am Bianca, totoo ba ’to?” “Miss Bianca, bakit mo ginawa ’yon?” “Ma'am, bakit mo sinisira ang buhay ng ibang tao?” Sunod-sunod ang messages. At sa isang iglap, siya ang n
HINDI na hinintay ni Adrian ang sagot ni Yumi. Dahan-dahan itong humakbang palapit, saka marahang ipinatong ang isang kamay sa baywang nito at hinila siya papasok sa loob ng condo.Bahagyang yumuko si Adrian at ipinatong ang baba sa ibabaw ng ulo ni Yumi. Huminga ito nang malalim, tila doon pa lamang tuluyang kumalma matapos ang buong araw.“Gusto kitang makita,” mahina niyang saad. “Dumiretso agad ako dito pagbaba ko ng eroplano. Hindi na ako tumawag ulit.”Saglit na natigilan si Yumi, bago marahang ipinatong ang mga kamay sa likod ng lalaki.“Adrian…” mahinahon niyang saad. “Pwede ka namang kumatok. Hindi mo kailangang maghintay sa labas.”Knowing Adrian, alam niyang matagal na itong nakatayo roon.Ngunit imbes na sumagot, mas lalo lamang hinigpitan ni Adrian ang yakap sa babae, na para bang ayaw na siyang pakawalan.Alas-onse na pero nawala ang antok ni Yumi sa sandaling iyon. Dahan-dahan siyang kumalas at tumingin ng diretso sa lalaki.“Come in,” malumanay niyang sabi.Inakay niya
NAPAHIGPIT ang hawak ni Clyde sa manibela. “Nasaan ka?” agad niyang tanong, seryoso ang boses. Hindi na niya pinatagal pa ang usapan. Sa sandaling marinig niya ang estado ni Bianca, agad siyang sumakay ng kotse at diretsong nagmaneho papunta sa condo nito sa BGC.nHindi na niya inisip ang anumang tampo o galit.bSa isip niya, may nangyaring hindi maganda. Pagdating niya, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretsong pumasok sa unit matapos pagbuksan ng kasambahay. At doon niya nakita si Bianca. Nakaupo ito sa sofa, umiiyak, magulo ang buhok at namumugto ang mga mata. Pagkakita pa lang sa kanya, agad itong tumayo at mabilis na lumapit. “Clyde…” Hindi na nito napigilan ang sarili at niyakap siya nang mahigpit. “Sirang-sira na ako…” nanginginig nitong saad. Bahagyang kumunot ang noo ni Clyde, ngunit hindi niya ito itinulak. “What happened?” kalmado ngunit mabigat ang boses niya. “Dahan-dahan mong sabihin.” Sinubukan niyang pakalmahin ang babae, at marahang hinawakan ang balikat nit
HINDI sumagot si Yumi sa sinabing iyon ng lalaki. Nanatili lamang siyang kalmado, tahimik na nakatingin kay Marco, hinihintay itong magpatuloy sa pagsasalita.“Bago ka napunta sa Zamora Family, maiintindihan ko pa kung ano ang mga pinagdaanan mo noon,” dahan-dahang saad ni Marco. “Survival lang iyon. Walang problema doon. Pero ngayon, iba na. Ikaw na ang humahawak sa Zamora Group. Mas malaki na ang responsibility mo. At kung dahil sa ganitong issue ay maapektuhan ang kumpanya…” bahagyang naging matalas ang boses nito, “hindi ko sigurado kung kakayanin mong akuin ang consequence.”Walang pagbabago sa ekspresyon ni Yumi ng mga sandaling iyon. Na para bang inaasahan na niya ang bawat salitang iyon. Bahagya niyang ikiniling ang ulo, nakatingin pa rin kay Marco, ngunit hindi pa rin nagsasalita.Kaya naman na nakapagpigil si Marco, mukhang napikon na sa attitude na ipinapakita ng step-sister niya.“Yumi,” diretso niyang saad, “napag-usapan na namin ito ni Mama. Mananatili ka sa posisyon mo
MATAPOS niyang mai-send ang message na iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Clyde. Pero kasunod nito, agad tumunog ang kanyang cellphone. Si Bianca ang tumatawag. Walang emosyon niyang sinagot ang tawag, subalit agad siyang sinalubong ng matalim at galit na boses ng babae. “Bakit mo ipinagtanggol si Yumi sa group chat? Kahit niloko ka na niya, kakampi ka pa rin niya?” Bahagyang kumunot ang noo ni Clyde. “Bianca, anong sinsabi mo?” malamig niyang sagot. “Malinaw na paninira lang ang article. Kilala ko si Yumi. Hindi siya ganoong klaseng tao.” Sa kabilang linya, biglang nanahimik si Bianca. Kanina lamang, masaya siyang nakikitang katakot-takot na paninira ang nababasa niya tungkol kay Yumi sa group chat. Pero hindi niya inaasahan na si Clyde mismo ang lalabas upang ipagtanggol ito. Sa isip niya, wala namang mali kung malaman ng pamilya Monteverde ang tunay na kulay ni Yumi. Kung mangyayari iyon, mas magiging madali para sa kanya ang makabalik. Subalit ngayon, tila kabaliktaran
BAHAGYANG napayuko si Clyde, iniiwasan ang titig ni Bianca. Mababa ang kanyang boses, tila pagod at bihirang marinig ang ganitong panghihina mula sa kanya.“Gaano katagal ang ‘pansamantala’?” mahinang tanong ni Bianca, hindi na maitago ang pag-aalala. “At si Mico… bata pa siya. Hindi siya sanay na
“MOM, enough!”Halos sumabog si Clyde sa galit. Sa sandaling iyon, sapat na iyon para maunawaan ng dalawang ginang ang katotohanan. Hindi na nila kailangan pa ng ibang ebidensya.Tahimik na itinaas ni Lola Beatriz ang kanyang kamay, pinipigilan si Helena na magsalita pa.“Clyde,” malamig ngunit mab
“SHUT UP.”Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Adrian at matalim na tumitig ito sa babae. Dahilan para makaramdam ng panginginig si Mikaela.Hindi pa niya kailanman nakita ang lalaking tumingin sa kanya ng ganoon, ngayon lang kaya pakiramdam niya ay nanlambot ang tuhod niya sa takot.“You
BANDANG tanghali, tumawag ang mommy ni Clyde kay Yumi. Si Helena Monteverde.“Yumi! Gusto ng kapatid ni Clyde ang luto mo! Pumunta ka agad dito!”Hindi iyon pakiusap. Utos iyon. At sanay na si Yumi sa ganoon. Mula nang dalhin siya ni Clyde sa pamilya Monteverde, hindi siya kailanman tinrato nang ma







