Share

Chapter 4

Author: Rixxxy
last update Last Updated: 2023-11-11 00:03:07

Chapter 4

MAINIT na haplos ng sikat ng araw ang gumising kay Eleanor. Dahan dahn siyang nagmulat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Agad na bumungad sa kaniya ang di pamilyar na lugar. Saglit niya pang inilibot ang tingin. Mula sa mga muwebles hanggang sa mga dekorasyon bago agarang napabalikwas ng kama matapos mapagtantong hindi iyon ang kwarto nila ni Herbert.

“Nasaan ako?” aniya sa sarili.

Tulala siya nang magbukas ang pintuan. Mahigpit na napayakap siya sa kumot bago inabangan ang papasok sa kwarto.

Isang babaeng dalagita na nakaunipormado bilang katulong ang nakita niya. Napatigil ito sa paghakbang papasok nang makita siyang nakamulat na ang mga mata. Bumulaga ang mata ng babae bago agarang tumungo sa kaniya at nagsabing, “Magandang umaga po! Kanina ko pa po kayo hinihintay magising. Ako nga po pala si Rita. Hayaan niyo po akong pagsilbihan po kayo!”

Saglit na nangapa ng sasabihin si Eleanor. Nagugulat parin siya at nalilito sa nangyayari. Ang naalala niya ay nakikipag agawan siya ng mga gamit niya sa kaniyang biyenan at sa mga anak nito ngunit natigil iyon nang mauntog ang ulo niya sa sahig. Dumating man ang asawa niya ngunit tandang tanda niya na kasama ng lalaki ang kabit nito. Ang sumunod doon ay hindi niya na matandaan.

Napakagat siya sa labi upang pigilan ang luha dahil sa mga huling memorya. 

“N-Nasaan ako?” tanong niya sa dalagitang katulong. Kailangan niyang malaman kung paanong bigla siya napunta sa lugar na ito.

Nag angat ng tingin ang kausap bago maingat na ngumiti sa kaniya. 

“Siguro po ay si senyora na lamang po ang tanungin niyo. Hinihintay niya na po kayo sa baba. Pero halika na po muna kayo. Maligo na po muna kayo. Naihanda ko na po ang bathtub niyo hehe.”

Tinitigan niya pa muna ang halatang masigla at masayahing katulong. Nanatili namang nakangiti ang isa sa kaniya. Napabuntong hininga siya bago napatango na lamang at ginawa ang gusto nito. Hindi man siya sigurado sa nangyayari, gusto niyang malaman kung sino ang nagdala sa kaniya sa lugar na iyon at kung bakit nandoon siya. 

“Ito po ang susuotin niyo Miss!”

Sa unang pagkakataon ay may tumulong kay Eleanor na mag ayos ng sarili. Ayaw man niya at ilang beses man niyang pilitin si Rita na huwag na siyang tulungan ngunit ayaw siyang iwanan nito. Idinadahilan nitong trabaho niya iyon. Wala siyang nagawa at tinanggap na lang ang mga tulong nito kahit nakakaramdam siya ng hiya sa palaisipang pag aasikaso nito sa kaniya. Kahit na hindi niya naman ito kilala.

Tinulungan siya nitong magbihis ng simpleng bestida ngunit halatang mamahalin ang tela. Yumakap ang puting puti nitong tela sa katawan niya. May mahaba iyong manggas at hanggang tuhod naman ang haba ng palda. Hindi na siya nagreklamo dahil kumportable din naman siya.

Maging sa pagsusuklay ng buhok ay tinulungan siya ni Rita. Nasa likuran niya ito habang pokus na pokus ang mga mata sa may kahabaan niya ng buhok. Pinapanood naman ni Eleanor ang galaw nito.

 

Ang totoo ay kinakabahan siya na may mamuna ito o laitin siya dahil sa mga pasa at sugat niya sa katawan, ngunit sa halip na tungkol doon ang marinig ay pinuri pa siya nito. Na hindi naman niya inaasahan.

“Ang ganda po ng buhok niyo, Miss! Ang haba at ang ganda ng pagkakakulot sa dulo!” 

At nagsunod sunod pa ito.

“May contact lense po ba kayo, Miss? Ang ganda po kasi ng kulay ng mata mo. Parang abo po. Rare po iyan, diba?”

“Miss, ang ganda po ng mukha niyo! Ang liit at ang amo! Parang anghel!”

Sunod sunod nitong papuri. Hindi naman makapaniwala si Eleanor sa mga salitang naririnig. Tiniklop niya ang bibig at nag iwas na lamang ng tingin mula sa sariling repleksiyon sa salamin. Hindi niya mapaniwalaan ang katulong kahit na sinsero ang mga mata nito dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakarinig ng papuri sa kahit na kanino. Sa halip ay pulos panglalait ang tinatapon sa kaniya lalo na ng pamilya ng kaniyang asawa.

“Siguro po… kaya lalong gumagwapo si Ser Noah dahil kayo po ang girlfriend niya? Bagay na bagay po kayo Miss, hehe.”

Napaangat siya ng tingin sa babae habang inaayusan parin siya nito ng buhok. Bumuka ang bibig niya sa gulat matapos ang narinig dito.

“Noah? Anong…sinasabi mo? Gilfriend ako?”

Napatuptop ng bibig ang isa habang pinanlalakihan din ng mga mata. “Ay! Sorry po! Hindi po ba kayo girlfriend ni Ser N-Noah? N-Nakita ko po kasi kayong  buhat buhat niya. Siya nga po ang nagdala dito sa kwarto. A-Ako din po ang tumawag ng doctor kaya—ay!”

Mabilis na napatayo si Eleanor at hinawakan ito sa braso. Natumba ang inuupuan niyang upuan at nahulog naman ang suklay na hawak ni Rita ngunit wala siyang pakealam sa mga bagay na iyon. “Sinong Noah ang sinasabi mo?”

“P-Po?” halatang gulat na tanong ng katulong.

“Ang sabi ko, sinong Noah ang sinasabi mo?! Bakit ako dinala ng lalaking iyon dito?!”

Medyo pamilyar kay Eleanor ang pangalang iyon. Tila narinig niya na iyon sa kung saan ngunit hindi niya lang maalala. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung paanong ang estranghero ay dinala siya sa lugar nito.

“Pasensiya na po! P-pero si Senyora po nasa b-baba na po.” Dahilan ng katulong na tulirong tuliro na dahil sa mga tanong ni Eleanor.

Mapasensiyang binitawanan ito ni Eleanor. Hinilot niya ang gilid ng noo dahil sa biglaang pagkirot niyon. “Samahan mo ako sa kung sino mang nagdala sakin dito.” sambit niya.

Aligagang tumango naman ang isa sa kaniya bilang sagot bago iginaya siya papalabas ng kwarto. Sumunod siya at doon niya mas nakita kung gaano kaaliwalas at kaganda ang classic style na mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng pintuan ay tila yelong natunaw ang pagkairita niya para sa nakakalitong sitwasyon.

Nilipad ang isip niya sa dahil sa magadang disenyo ng malapalasyong lugar, lalo pa nang makita ang mga antique na gamit at mga paintings sa malalapad na pader. Hindi niya tuloy maiwasang ipagkumpara ang modernong bahay ng mga Jimenez sa mansion. 

Alam niyang mayaman ang mga Jimenez ngunit mukhang may mas mayaman pa pala sa mga ito.

Dumaan sila sa mahabang hallway na mayroon red carpet sa sahig bago sila bumaba ng engrandeng hagdanan. Humigpit ang kapit niya sa may bandang dibdib. Kinakabahan siya.

Napunta nga lamang ang mata niya sa itaas kung saan may mga naglalakihang chandelier bago sa kisame na mayroong detalyadong guhit at ukit naman ng mga tila anghel na nagsasayawan. Natigilan siya at namangha sa kaakit akit na larawan. 

Muli nga lamang bumaba ang mata niya nang makarinig nang mahinhing boses.

“Mabuti naman at mukhang maayos kana hija.”

Nahanap niya ang pamilyar na mga mata ng matandang babaeng nakita niya sa hospital at siya ring tumulong sa kaniya.

Ngumiti ito sa kaniya at marahang nilapad ang mga kamay na tila naghihintay ng isang yakap.

Napakurap kurap ng mga mata si Eleanor bago dahan dahang humakbang pababa. Nag aalinlangan siyang lumapit sa matanda. Wala rin naman talaga siyang balak na gawin ang tila nais nito ngunit ikinagulat niya na lamang nang ito na ang kusang lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit.

“I know we are bound to meet again.” Ani ng matanda sa kaniya matapos siyang yakapin. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitigan ng mayroong kislap sa mga mata at maliit namang kurba sa mga labi.

Pinisil ni Eleanor ang mga daliri bago naghihiyang nagsalita. “B-Bakit po ako nandito? Ano pong ibig sabihin nito?”

The old woman stared at her for few more seconds bago napabuntong hininga. Ang mga naghihintay na katulong sa gilid ay sinenyasan nitong umalis bago siya iginaya nitong maupo sa mga sofa doon.

“I guess we shouldn't still eat yet.” Medyo natatawang sabi ng matanda bago umupo sa single sofa. Si Eleanor naman ay hindi pa muna naupo. Nakatayo siya hindi banda kalayuan sa matanda. Nang tumingin ito sa kaniya ay saka lamang niya naisipang maupo na rin.

Napatitig sa kaniya ang matanda bago napahinga ng malalim. “Alam mo bang pinag alaala mo ako nang dumating ka ditong duguan? Lalo pa nang ilang araw kang walang malay?” 

“P-Po?” bulalas ni Eleanor. Tumango naman ang matanda bilang sagot habang may pag aalala parin sa mukha.

“Tatlong araw kang walang malay hija at dahil iyon sa lagnat mo. At dahil na rin sa pagkakauntog mo?”

Pinagdikit ni Eleanor ang mga labi bago nagsalita. “Paano po ako napunta dito?” 

Hindi niya alam kung paanong alam ng matanda ang nangyari sa kaniya at kung paanong naging posible na magkita silang muli na ngayon nga ay nasa harapan na naman ng isa't isa.

Pinaglapat at pinagtiklop ng matanda ang mga kamay bago ngumiting muli kay Eleanor. “Before I answer your questions. Hayaan mo munang magpakilala ako sayo, hija.” 

Nananatili parin ang magandang ngiti nito. "Ako nga pala si Lucianna. Ngunit gusto kong tawagin mo akong Lola Lucy, hija."

Nagtagal ang mga mata ni Eleanor sa matanda bago dahan dahang tumango dito. Lumapad ang kurba sa labi ng matanda bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

“Alam kong nalilito ka ngayon Eleanor. Ngunit gusto ko munang malaman kung ano ba ang huli mong natatandaan?”

Kumuyom ang mga kamay niyang nakapatong sa kaniyang binti. Nagbaba siya nang tingin at napatitig sa nakikitang pasa sa kaniyang binti. 

Nanginginig ang labi niya. Ayaw niyang sabihin dito. Ayaw niya ng magtiwala pa kahit na kanino.

“Eleanor, hija?”

Dahan dahan niyang itinaas ang tingin sa matanda. Nawala ang ngiti ng isa nang makita ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni Eleanor. Napaiwas si Eleanor at agad na napatayo.

“P-Pasensiya na po sa abala. Aalis na po ako—” aniya ngunit hindi natuloy nang putulin siya ng matanda.

“Bakit? Saan ka pupunta? Babalik ka bang muli sa asawa mo? Ngunit hindi ba't maghihiwalay na kayo?”

Umurong nag luha niya at nakita naman ng matanda ang pagkagulat niya. Medyo nataranta ito.

“P-Paano niyo po nalaman iyan?”tanong ni Eleanor.

Tumayo ang matanda na mayroong malungkot at guilty na ekspresyon ang mukha. “Pasensiya kana hija. Hindi ko sinasadyang pa imbestigahan ka—”

Suminghap siya.

“Pinaimbestigahan niyo po ako? Pero bakit? Sino ba kayo?”

Ngunit na imbes na ito ang sumagot ay ibang boses ang narinig ni Eleanor. Napatuptop ng noo ang matanda na tila dismayado at stress. Si Eleanor naman ay napako ang mata sa bagong dating.

“Hindi ba dapat magpasalamat ka? Kailangan pa bang laging ipaalala sayo iyan?” sagot ng lalaki.

“Jusmiyo naman Noah.” rinig niyang daing ng matanda.

Napatikom siya ng bibig at dumiin ang kamao niya nang makita ang apo ng matanda. Natatandaan ni Eleanor na ito ang kasama ng matanda sa hospital. At natatandaan niya na ring Noah ang pangalan ng lalaki.

Gumilid ang tingin ng lalaki sa kaniya mula sa kaniyang paa hanggang sa ulo bago nagsalitang muli. 

“Mukhang magaling kana nga.” Sarkastiko nitong sabi. 

Ginaya ni Eleanor ang pagtingin dito mula sa ibaba paitaas. Nakasuot lamang ng jogging pants ang lalaki habang pawisan. Wala itong pang itaas na suot kaya kitang kita niya ang kurba at ukit sa bandang tiyan nito. May hawak itong baso ng tubig at nakasampay naman ang isang malinis na face towel sa balikat nito.

 

Napalunok si Eleanor nang magtamang muli ang mga mata nila. Napaayos siya ng tayo nang magtaas ito ng isang kilay sa kaniya. Gusto man niyang makipagtagisan ng tingin dito ngunit hindi niya kaya lalo na dahil itsura nito. Inilipat na lamang niya muli ang tingin kay Lola Lucy.

“Bakit po ako nandito?” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 33

    “THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 32

    MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 31

    DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 30

    TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 29

    PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya

  • The Fierce Comeback of the Ex-Wife   Chapter 28

    NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status