UMAGA na nang magising si Eleanor. Masakit at mahapdi ang mga mata niya nang magmulat. Akala niya noong una ay nananaginip pa siya nang makita ang sarili sa kwarto nila ng kaniyang asawa dahil ang pagkakatanda niya ay nasa hospital siya ngunit nang bumukas ang pintuan at pumasok si Herbert, nakumpirma niyang hindi siya nananaginip. Nakauwi na siya.
Magtatanong palang sana siya tungkol doon at sa mga taong tumulong sa kaniya nang naunahan siya ng asawa sa pagsasalita.
“You're awake. Uh, I already…file our divorce paper.” Anito at inabot sa kaniya ang isang brown envelope. Ni hindi man lamang siya nito kinamusta. Ang pakay lang talaga ng lalaki ay ipakita ang papel sa kaniya.
Muling dumagan ang bigat sa dibdib ni Eleanor. Akala niya ay magbabago ang isip ng asawa. Umaasa siyang hindi sila maghihiwalay, na siya parin ang pipiliin nito ngunit naglaho ang pag asa niya nang marinig ang mga salita nito.
“Desigido kana talaga…”puna ni Eleanor sa garalgal na boses.
Umiwas naman ng tingin si Herbert bago dahan dahang tumango. Sumulyap ito, tumikhim, bago nagsalitang muli. “Look, Eleanor, I'm very sorry. I'm sorry if we end up like this. That I hurted you. But yeah… maybe, this is just really meant to happen. Atleast…we tried, right? Let's just accept that…this is where we bound to end, okay?”
Ngunit hindi para kay Eleanor. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng asawa niya. Hindi bukas ang isip niya sa rason nito at lalo na sa walang halong sinseridad nitong paghingi ng tawad. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng galit para dito at nadadagdagan pa iyon dahil sa walang pusong mga sinasabi nito.
“Don't worry, you will get your right alimony.” Dagdag pa ng lalaki.
Mariin niyang tinignan ang lalaki bago napabuntong hininga at binuklat ang envelope. Nanggigigil at nanggagalaiti niyang binasa iyon. May pirma na si Herbert doon at tila atat na atat na ring hintayin ang pirma niya dahil binigyan pa siya ng ballpen nito.
“Atat na atat kaba dahil balak niyo na ring magpakasal ng kabit mo?” tanong niya nang hindi inaalis ang tinging ipinupukol sa dokumento. Nagpapantasiya na siyang isampal iyon sa lalaki.
“Eleanor pirmahan mo na lang. Huwag na tayong mag away pa—”
Inangat niya ang tingin dito. Nag iinit muli ang sulok ng mga mata niya. Ngunit walang luhang lumandas, tila napagod na sila.
“Ang kapal ng mukha mo.”putol niya sa asawa. “Ang kapal kapal ng mukho mo, Herbert. Paano mo nagawa sakin ito?”
Ginulo ng lalaki ang buhok, naiiinis. Bago tumalikod sa kaniya. Hindi napigilan niyon si Eleanor. Tumayo siya at pilit na pinaharap ito sa kaniya.
“Dahil lamang sa hindi tayo mabiyayaan ng anak? Iyon ba? Kung ganoon, nasaan na ang mga pangako mo? Sinabi mo saking kahit hindi tayo magka anak, hindi mo ako iiwan Herbert! Sinabi mo saking hindi mo ako sasaktan! Pero nasaan na iyon—”
“Tama na, Eleanor! Ayoko na, okay? Tanggapin mo na lang. Hayaan mo na lang akong maging masaya—”
Dumapo na ang kamay niya sa mukha nito. Isang beses lamang iyon ngunit agad na nanigas at humapdi ang palad niya.“Tapos ako nagdurusa?!” Huminga siya ng malalim dahil sa sumisikit na dibdib bago tinuro ang sarili.
“Ako ba, Herbert? Tinanong mo man lamang ba ako kung naging masaya ba ako? Tinanong mo man lamang ba ako kung anong gusto ko? Binigay ko ang lahat sayo! Tiniis ko ang pangungutya at insulto ng pamilya mo sakin! Hindi ako kailanman nagreklamo, Herbert…”
“Tinanggap ko lahat. Kahit ang sakit sakit na. Tinitiis ko parin dahil mahal na mahal kita pero sobra na ito, Herbert. Sobra kana.”
Namumula ang matang nag iwas nang tingin sa kaniya ang asawa.
“Kung ayaw mo pang pirmahan, bibigyan kita ng isang linggo.” Anito na tila walang narinig sa mga sinabi niya. Mapait siyang ngumiti at pinanood ang pagtalikod nito. Wala na talaga. Wala na silang pag asa.
Tinignan niya ang divorce paper. Isang desisyon ang ginawa niya bago siya umalis ng mansion ng mga Jimenez. Pumunta siya ng simbahan. Ipinagdasal niya ang lahat lahat ng nararamdaman niya. Kahit sa ganoong sitwasyon ay naniniwala parin siyang may dahilan ang lahat.
Inubos niya ang oras sa simbahan hanggang sa dumilim na. Wala paring laman ang sikmura niya ngunit hindi parin siya nakakaramdam ng gutom. Wala siyang ganang kumain at hindi niya alam kung kailan siya magkakaroon.
Ayaw man niyang umuwi sa mga Jimenez, wala naman siyang mapupuntahang ibang lugar. Kailangan niya rin ng pera para makaalis. Bumaba siya ng taxi di kalayuan ngunit natigilan nang makita ang kaniyang biyenan at mga anak nitong babae na tinatapon ang mga damit niya sa tapat lamang ng gate nila. Tumatawa ang mga ito habang pinaghahahagis ang mga gamit niya.
Agad siyang tumakbo papalapit doon at sinubukang pulutin ang mga iyon. Nakita siya ng mag iina.
“Oh? Nandito kana pala. Mabuti naman. Ayan na ang mga gamit mo at lumayas kana. Hindi kana maaari pang makapasok dito! Hala tsupi!” sigaw ng biyenan niya.
Tinignan niya ito, mangiyak ngiyak.
Kailanman ay hindi niya ito binastos. Ginagalang niya parin ito sa kabila ng pang aapi nito sa kaniya. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi na siya nakapagtimpi pa.
“Napakasama niyo!” sigaw niya.
Humakbang papalapit sa kaniya ito bago hinaklit ang kaniyang buhok. Napadaing siya sa sakit.
“Ah talaga? Kaya pala pinatira kapa namin dito ng ilang taon? Pasalamat ka nga at nakatikim ka ng kaginhawaan dahil sa anak ko! Dahil kung hindi ka lang talaga pinakasalan ng anak ko, matagal na kitang ipinatapon!” tinulak siya nito pagkatapos.
Maaaring dahil sa pagkagutom, sa sakit, at pagkahina ay hindi niya na napigilan ang pagkawala ng balanse. Naumpog ang ulo niya sa sahig. Ramdam niya ang pag iinit sa kaniyang ulo at pagkahilo. Bumigat ang hininga niya at humina ang pandinig niya.
“Ohmygod! Mom, she's bleeding!” rinig niyang nagpapanic na sigaw ni Shiela. Ngunit wala siyang lakas magmulat.
Pinilit niya lamang buksan ang mga mata nang marinig ang boses ng asawa na tumatawag sa kaniya. Nakkaramdam siya ng pag asa nang marinig ang pag aalala sa boses nito. Ngunit nawala iyon nang makita niya itong papalapit, kasunod ang kabit nito. Dismaya at galit lamang ang naramdaman niya hanggang sa balutin ng dilim.
“WHAT happened mom?” sigaw ni Herbert at agad na nilapitan si Eleanor na wala ng malay sa semento. Kabado ang kaniyang ina maging ang kambal. Hindi nila nilapitan si Eleanor at hinayaan lang ito sa sahig dahil inaakala nilang nagdradrama lamang ito. Ngunit nang makakita ng dugo sa bandang ulohan nito ay natakot na sila at tinawagan siya.
“H-Hindi ko alam! Nadulas siya dahil siguro ay patanga tanga siya!”sigaw ni Suzanna at nilingon ang kambal na agad ding mga sumang ayon.
Mariin niyang tinignan ito bago ang mga gamit ni Eleanor sa sahig. Gusto niyang kumprontahin ang mga ito patungkol doon ngunit hindi iyon ang oras para doon.
“Call the ambulance mom!” sigaw ni Herbert sa ina. Nag aatubiling kikilos na sana ito ngunit natigilan dahil sa limousine na pumarada sa harapan nila.
Napatingin silang lahat nang bumukas iyon at bumaba sa back seat ang isang lalaki na pinagbuksan ng nakaunipormadong lalaki. Malamig silang tinignan nito bago dumapo ang mata kay Eleanor.
“N-Noah? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Clarisse ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Sa halip ay lumapit ito kay Herbert na matalim naman ang tingin sa kaniya.
“What are you doing here, Madrigal? Naliligaw ka yata?” tanong ni Herbert sa madiin na boses.
Noah flashed a grin, para lalo lamang sumidhi ang inis sa mukha ng isa.
“I am not here for you, Jimenez.” Sumulyap din siya sa ibang naroon bago bumaba ang mata kay Eleanor.
“I am here for her.” Matigas na ingles na dagdag niya.
Hindi kaagad naka react ang mga ito kaya agad niya nang binuhat at dinala sa bisig ang walang malay na si Eleanor.
“W-What? Bakit?” ani Suzanna.
“Noah?!” si Clarisse naman at lumapit. “What are you doing?”
Blanko ang mukha niyang sinulyapan lang ang mga ito bago dinala ang mga mata kay Herbert na tulala lang sa kaniya at tila hindi makapaniwalang binuhat niya ang asawa nito. He gave him a sarcastic smile.“You're stupid.” Aniya dito bago pumasok sa sasakyan at iniwan ang mga ito.
“THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa
MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya
DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu
TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya
NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na