เข้าสู่ระบบMalalim na ang gabi nang sa wakas ay makatulog si Mara sa mga bisig ni Linus. Tahimik ang buong bahay, walang yabag, walang boses na maririnig, ngunit sa loob ng kanyang isipan, wala ding kapayapaan.
Ilang araw nang hindi umuuwi si Cecily.
Bagama’t puno ng mga kasambahay ang mansyon, may kakaibang pagkakapit si Mara sa kanyang ina. Ayaw nitong maiwan sa kahit kanino. Kaya’t saan man magpunta si Linus nitong mga nagdaang araw, buhat-buhat niya ang bata, sa sala, sa opisina sa bahay, maging sa hapag-kainan.
Para sa isang lalaking sanay sa kontrol mapanegosyo, sa imahe ng pamilya, sa bawat galaw ng kanyang buhay, ito’y isang uri ng pagkabigo na hindi niya inaasahan.
Matigas ang ulo ni Mara. Hindi siya basta napapakalma ng mga estranghero. At sa tuwing magwawala ito, hindi niya maiwasang maalala kung paanong kabisado ni Cecily ang bawat hinga, bawat simangot, bawat luha ng bata. Sa pagkawala niya, si Linus ang napilitang pumalit sa papel na iyon, isang responsibilidad na ngayon lamang niya tunay na naramdaman.
Nang tuluyang maging pantay ang paghinga ni Mara sa mahimbing na tulog, marahang inihiga ni Linus ang bata at naupo sa sofa. Nakatuon ang mga mata niya sa kawalan.
Napakatahimik ng gabi.
Maging ang tunog ng orasan ay tila mas malakas kaysa dati, umaalingawngaw sa maluwang na sala na ngayon ay parang masyadong malaki para sa kanya.
Biglang sumagi sa isip niya ang eksenang hindi niya inaasahang makikita, si Cecily sa auction. Hindi basta dumalo, kundi nakatayo sa entablado, tuwid ang tindig, malinaw ang boses, kontrolado ang buong bulwagan. Siya ang sentro ng atensyon, nagdidikta ng daloy ng bidding, at may hawak ng bawat halaga ng mga auction.
Hindi niya ito matanggal sa kanyang isipan.
Alam niyang pupunta ako roon, naisip niya.
Sinadya niya iyon.
Pinaniwalaan niyang isa lamang itong kalkuladong hakbang ni Cecily, isang paraan para pukawin ang reaksyon niya, para subukin ang kanyang pride.
Binuksan niya ang cellphone at pinuntahan ang thread ng kanilang mga mensahe.
Ang huli niyang natanggap na mensahe mula kay Cecily ay noong isang linggo pa.
Wala nang paalala. Walang reklamo. Walang tanong.
Tahimik.
At ang katahimikang iyon ang higit na nagpabigat sa dibdib niya kaysa sa kahit anong salita.
Napabuntong-hininga siya na alam niyang inis, ngunit may bahid din ng hindi niya maamin na pag-aalala. Nadako siya sa isang banking app.
Ilang pindot lamang, at nakita niya ang account ni Cecily.
Walang pag-aalinlangan, at ni-freeze niya ang card.
Pinutol niya ang direktang access nito sa kanilang pinagsamang pera.
“We’ll see,” mahina niyang bulong sa sarili, na para bang inaasahan niyang ang kilos na iyon ay magbubunsod ng reaksyon, ng pagsisisi, ng pangungulila.
Hindi niya maamin sa sarili ang mga nararamdaman niya ngayon at ayaw niyang pangalanan ang mga iyon. Naniniwala siyang kung talagang nais ni Cecily ang kalayaan, babalik din ito sa kanya, mas lalo na kapag naubusan ng pera.
Isang sugal, na mula sa kanyang pride at walang kasiguraduhan.
-
Samantala, maagang sumikat ang araw kinaumagahan.
Nagising si Cecily na magaan ang pakiramdam.
Nariyan pa rin ang lamig ng nagdaang tag-ulan, ngunit sapat ang init ng apartment upang yakapin siya ng ginhawa. Lumabas siya sa balkonahe, may hawak na tasa ng kape, at minasdan ang ilog na banayad na dumadaloy sa malayo.
Isang katahimikang hindi niya naramdaman sa loob ng maraming taon.
Biglang umilaw ang kanyang cellphone.
Isang message mula sa bangko.
Binuksan niya ito. Hindi siya nagulat, at mas lalong hindi nabahala.
Your account has been frozen.
Bahagyang kumurba ang kanyang mga labi sa isang munting ngiti.
Kaya pala iyon ang galaw niya.
Ibinaba niya ang tasa at sinuri ang balanse ng kanyang isang bank account. Nandoon na ang komisyon mula sa auction, at ang numerong nakasaad ay sapat upang palawakin pa ang kanyang ngiti.
Hindi lang ito sapat, sobra pa.
Mas higit pa sa anumang hawak niya sa loob ng maraming taon.
Uminom siya ng kape at ninamnam ang isang pakiramdam na akala niya’y nakalimutan na niya.
Kalayaan.
Hindi ito kasama ng pera o ng titulo niya bilang isang asawa. Isa itong tahimik na katiyakang kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Hindi nagtagal, tumunog ang doorbell.
Pagbukas niya ng pinto, isang lalaking maayos ang bihis ang bumati sa kanya, ang kanyang divorce lawyer. Sa loob ng briefcase nito ang mga dokumentong ilang beses na nilang napag-usapan.
Walang pag-aatubili si Cecily.
Maingat niyang binasa ang bawat probisyon, malinaw ang mga mata, eksakto ang pag-unawa.
Pagkatapos ng masusing pagsusuri, nilagdaan niya ang mga papeles.
“I won’t exaggerate and be realistic,” propesyunal at kalmado niyang sabi. “We’ve been together for five years; I don’t need more. Just 30% of the assets will do.”
Walang hinanakit sa kanyang tono. Walang sumbat. Tanging kumpiyansa.
Nang maisara ang mga dokumento, ipinadala niya ang mga ito sa opisina ni Linus sa pamamagitan ng courier.
Walang drama. Walang paghihintay. Walang iyakan.
Tapos.
Matapos iyon, umalis si Cecily upang asikasuhin ang iba pang bagay at hindi niya inaasahan na haharap siya sa isa pang emosyonal na yugto.
Tumungo siya sa isang unibersidad.
Isang lugar na minsan niyang pinangarap kung saan sana niya ipagpapatuloy ang doctoral studies sa cultural relic restoration. Isang pangarap na isinantabi niya para sa kanilang kasal ni Linus.
Sa harap ng opisina ng dati niyang mentor, napahinto siya.
Bumalik ang mga alaala ng ambisyon, ng nasayang na panahon, at mga pangarap na kanyang kinalimutan. Pakiramdam niya’y bumalik siya sa oras na iyon, nang kanyang pagkabata. Sariwa ang gaan na kanyang nararamdaman at pananabikk.
Huminga siya nang malalim at kumatok.
Isang matandang propesor ang nagbukas ng pinto. Sa unang tingin, nakilala niya si Cecily, mas payat, mas matatag ang tindig, ngunit pamilyar pa rin.
Noong una’y malamig ang pagtanggap nito sa kanya. Akala mo’y terror na propesor na hindi nagpapasa ng mga estudyante.
“Ako na ang nagsabi noon,” mabagsik nitong wika, “huwag mong sayangin ang buhay mo para sa ibang tao.”
Tumingin si Cecily sa kanya nang buong katapatan. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Marahil hindi sa pait o takot o kaba, kung hindi ay dahil sa ginhawa.
“Tama po kayo,” mahina ngunit matatag niyang sabi. “Humihingi po ako ng isa pang pagkakataon.”
Napabuntong-hininga ang propesor. Matagal itong tumahimik, bago tuluyang buksan ang pinto.
“Tingnan natin kung karapat-dapat ka pa,” sabi nito. “Isang slot lang ang bukas ngayong taon. Kailangan mong makipagkumpitensya. Ang kakayahan mo ang magsasalita.”
Ngumiti si Cecily, isang ngiting puno ng determinasyon. Hindi pa man tiyak pero kumpiyansa siya sa kanyang sarili.
Handa na siyang buuin muli ang kanyang karera. At higit sa lahat, ang kanyang sarili.
Kakauwi pa lamang ni Cecily mula sa bahay ni Professor Alonso, kung saan matagal nilang pinag-usapan ang direksyon ng kanyang doktoral na pananaliksik at ang mga hakbang na kanyang tatahakin kasunod ng kanyang pakikipaghiwalay, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Nang silipin niya ang screen, bahagyang napahinto ang kanyang paghinga.Lilibeth Shaw.Ang ina ni Linus.Kahit ang pangalan lamang nito ay sapat na upang magpabigat sa kanyang dibdib. Saglit siyang huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.“Hello… Mommy?” magalang ngunit malamig ang kanyang tinig. “May problema po ba?”“Problema?!” sigaw ng boses sa kabilang linya, matinis, puno ng panghahamak. Hindi iyon pagbati kundi isang akusasyong matagal nang naghihintay ng pagkakataong sumabog. Napaatras si Cecily at bahagyang inilayo ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.Sunod-sunod na ibinuhos ni Lilith ang sisi at galit sa kanya. Ayon sa mga kasambahay, ilang araw na raw wala si Cecily
Malalim na ang gabi nang sa wakas ay makatulog si Mara sa mga bisig ni Linus. Tahimik ang buong bahay, walang yabag, walang boses na maririnig, ngunit sa loob ng kanyang isipan, wala ding kapayapaan.Ilang araw nang hindi umuuwi si Cecily.Bagama’t puno ng mga kasambahay ang mansyon, may kakaibang pagkakapit si Mara sa kanyang ina. Ayaw nitong maiwan sa kahit kanino. Kaya’t saan man magpunta si Linus nitong mga nagdaang araw, buhat-buhat niya ang bata, sa sala, sa opisina sa bahay, maging sa hapag-kainan.Para sa isang lalaking sanay sa kontrol mapanegosyo, sa imahe ng pamilya, sa bawat galaw ng kanyang buhay, ito’y isang uri ng pagkabigo na hindi niya inaasahan.Matigas ang ulo ni Mara. Hindi siya basta napapakalma ng mga estranghero. At sa tuwing magwawala ito, hindi niya maiwasang maalala kung paanong kabisado ni Cecily ang bawat hinga, bawat simangot, bawat luha ng bata. Sa pagkawala niya, si Linus ang napilitang pumalit sa papel na iyon, isang responsibilidad na ngayon lamang niy
Matapos lisanin ni Cecily ang kanyang tirahan, muling nabalot ng tila normal na katahimikan ang mansyon.Bandang hapon, bumalik si Linus kasama si Mara at ang kanyang assistant na si Julie. Pagpasok pa lamang nila sa bahay, agad na naalala ng bata kung saan inilalagay ang pamahid para sa paso. Hindi siya nag-atubiling tumakbo paakyat ng ikalawang palapag, dala ang pagmamadali at inosenteng layunin.Sa master bedroom, tumingkayad siya upang abutin ang lalagyan sa ibabaw ng aparador. Sa kanyang paggalaw, natamaan ang isang maliit na kahong nasa dresser. Isang bahagyang tunog ang umalingawngaw, ting!, habang gumulong ang isang kumikislap na singsing, dumulas pababa, at tuluyang nawala sa ilalim ng kama.Hindi iyon napansin ni Mara.Bitbit ang pamahid, mabilis siyang bumaba.Sa kalagitnaan ng hagdan, bigla siyang tumigil at napaisip. Tumingin siya sa paligid bago nagtanong sa isa sa mga katulong, “Nasaan si Cecily?”Nagkatinginan ang mga kasambahay bago may sumagot, maingat ang tono.“Uma
Mabilis na inayos ni Cecily ang kanyang damit, ang kanyang kamay ay nanginginig.“I want a divorce,” bigla niyang sabi.Nagbuga ng usok si Linus at malamig na tumawa.“Divorce?” Ang kanyang mata’y nababalot ng poot. “Who will you be without me? Huh? Cecily?”Matalim ang kanyang tingin, walang awa.“Dinala ko si Mara sa abroad for a trip. Nawala ka ng isang linggo at ngayon gumagawa ka ng eksena? Tinatakot mo ba ako?”Mapait na napangiti si Cecily.“At bakit kailangan mong dahil ang babaeng secretary mo?”Hindi niya binanggit ang mga larawan, magkakaparehang lokasyon, at mga ngiting kinukutsa ang kanyang presensya. Pagod na siyang patunayan ang kanyang sarili.“Nasa ospital ako,” tahimik niyang sabi. “Tungkol sa anak natin—”Biglang nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Linus. Tinupok niya ang kanyang sigarilyo at liningon siya, ang boses niya’y malamig at tila kayang bumutas sa hangin.“Sinabi ko na sa’yo noon. Ayoko nang magkaanak. Ang responsabilidad mo lang ay si Mara.”Bumunot ito n
Nanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanh







