เข้าสู่ระบบKakauwi pa lamang ni Cecily mula sa bahay ni Professor Alonso, kung saan matagal nilang pinag-usapan ang direksyon ng kanyang doktoral na pananaliksik at ang mga hakbang na kanyang tatahakin kasunod ng kanyang pakikipaghiwalay, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
Nang silipin niya ang screen, bahagyang napahinto ang kanyang paghinga.
Lilibeth Shaw.
Ang ina ni Linus.
Kahit ang pangalan lamang nito ay sapat na upang magpabigat sa kanyang dibdib. Saglit siyang huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.
“Hello… Mommy?” magalang ngunit malamig ang kanyang tinig. “May problema po ba?”
“Problema?!” sigaw ng boses sa kabilang linya, matinis, puno ng panghahamak. Hindi iyon pagbati kundi isang akusasyong matagal nang naghihintay ng pagkakataong sumabog. Napaatras si Cecily at bahagyang inilayo ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.
Sunod-sunod na ibinuhos ni Lilith ang sisi at galit sa kanya. Ayon sa mga kasambahay, ilang araw na raw wala si Cecily sa bahay, iniwan daw nito ang munting Mara na walang maayos na nag-aalaga. Dahil dito, napilitan si Linus na dalhin ang bata sa opisina, bagay na para kay Lilith ay malinaw na patunay ng kapalpakan ni Cecily bilang asawa at ina-inahan.
“Hindi mo nga maalagaan ang bata! Wala ka nang sariling anak, pero kahit ito, hindi mo magampanan!” galit niyang sigaw.
Mga salitang matagal nang kinikimkim ni Cecily. Mga insultong ilang taon niyang tiniis. Mga panunumbat tungkol sa kanyang pagkabaog, sa halaga niya bilang babae, sa lugar niya sa pamilyang iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, may kakaibang katahimikan sa kanyang dibdib.
Pinakalma niya ang sarili at nagsalita nang malinaw, matatag.
“Hindi lang po ako ang may responsibilidad kay Mara,” mahinahon niyang sagot. “Ama niya si Linus. May tungkulin din siya. Bukod doon, marami kayong kasambahay. Kaya nilang mag-alaga sa bata. Limang taong gulang na si Mara, matagal ko nang iminungkahing ipasok siya sa kindergarten. Noon pa, pumayag na kayo ni Papa tungkol dyan.”
May sandaling katahimikan.
At pagkatapos ay pagsabog.
Inakusahan siya ni Lilith ng panlilinlang, ng pagnanais na ipasok ang bata sa paaralan para lamang makaiwas sa responsibilidad. Mga paratang na paulit-ulit na, ngunit ngayon ay hindi na siya apektado.
Hindi na umatras si Cecily.
“Mom,” mariin niyang sambit, “maghihiwalay na po kami ni Linus. Pagkatapos nito, hindi niyo na kailangang ikonsulta sa akin ang tungkol kay Mara, at huwag niyo nang iaasa sa akin ang kalagayan niya.”
Pinindot niya ang end call.
Sa kabilang linya, napatitig si Lilith sa tahimik na cellphone.
Talaga bang sinabi niya iyon?
Hindi siya makapaniwala.
Sa tabi niya, hinila ni Mara ang laylayan ng kanyang amerikana, litong-lito. Hindi pa man lubos na nauunawaan ng bata ang salitang divorce, ramdam niya ang bigat nito. Namuti ang labi niya, at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata.
Agad siyang binuhat ng kanyang lola at hinalikan sa pisngi, isang yakap na sinadyang maging aliw, ngunit hindi tuluyang umabot sa puso ng bata.
“Huwag mo nang pansinin ang mommy mo,” bulong niya. “Nagtatampo lang ‘yon. Babalik din siya. Huwag nang malungkot ang baby, okay? Dadalhin kita sa amusement park!”
Biglang lumiwanag ang mga mata ni Mara.
Sa isang iglap, napalitan ng pananabik ang lungkot. Sa mga salitang iyon, nakalimutan niya ang kanina lang ay namumuong pagkabigo dahil sa paglisan ng ina.
Pagsapit ng gabi, nasa opisina pa rin si Linus, abala sa mga numero, schedule, at plano ng kompanya. Halos hindi siya lumingon nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina, pagod at gusot ang damit, karga ang mahimbing na natutulog na si Mara.
Bumagsak si Lilith sa sofa nang mailapag si Mara at napabuntong-hininga. “Mas mahirap alagaan ang batang ‘yan kaysa sa’yo noon!” reklamo niya na may halong tawa, hindi napansing halos hindi siya pinapansin ng anak.
Tahimik na kinuha ni Linus ang bata, maingat na inihiga sa sofa bed, at inutusan ang sekretarya na ipagtimpla ng tsaa ang kanyang ina. Walang emosyon sa mukha.
Nang muling punahin ni Lilith si Cecily, na nagsinungaling daw ito at ayaw talagang alagaan si Mara, bahagyang tumingala si Linus mula sa mga papeles.
Kalmado pero nasa malayo ang atensyon.
Sa payak at halos walang pakialam na tinig, inutusan niya ang staff na ipag-schedule ang kanyang ina ng spa at wellness session. Pagkatapos, bumalik siya sa trabaho, wala nang dagdag na salita.
Sa isip niya, ang lahat ng ito, ang usapang paghihiwalay, ang mga reklamo, ang drama, ay simpleng emosyonal na pagsabog lamang ng isang babae. Isang pagtatampo para ang atensyon niya’y mamonopolyo.
Paanong makikipaghiwalay siya sa akin? Imposible.
Isang ideyang hindi niya kailanman seseryosohin.
Samantala, malayo sa gusali ng korporasyon at gulo ng pamilya, pumasok si Cecily sa isang tahimik na library. Maingat ngunit buo ang kanyang hakbang. Hindi siya naroon para tumakas, kundi para magpatuloy.
May bitbit siyang mga aklat tungkol sa AI image restoration at tradisyonal na teknik ng pagpipinta. Sa may pintuan, saglit siyang huminto at huminga nang malalim.
Ito ang kanyang research. Ang pangarap na minsang isinantabi para maging asawa at ina-inahan. Ngayon, muli niya itong binabalikan, hindi bilang pagtakas, kundi bilang paghubog ng kinabukasan. Ang bukas na gusto niya. Ang bukas na hindi na niya bibitawan.
Nang matapos ang kanyang pagbabasa ay dapit-hapon na. Lumabas siya ng aklatan, mahigpit na niyayakap ang mga libro laban sa malamig na hangin. Naalala niya si Mara, ang mga awit nito tungkol sa kendi at tawanan, at kung paano marahil ay mahimbing na itong natutulog sa bisig ng iba.
Halos awtomatiko niyang binuksan ang photo album sa kanyang cellphone, mga larawan nila ni Mara, ni Linus, mga kaarawan, hapunan, tahimik na sandali ng isang pamilyang minsan niyang minahal nang buo.
Sa loob ng limang taon, hindi lang siya nakisama, nagbigay siya ng puso ng kanyang sarili. Ngunit ni minsan, hindi siya binigyan ng tunay na paggalang, pagpapahalaga o respeto.
Isinara niya ang album.
Tumayo.
At naglakad palayo.
Ngayong gabi, mag-isa siyang kakain, hindi dahil wala si Linus, o dahil nalulungkot siya.
Mag-isa siyang kakain dahil malaya na siya at pinili niya na ang sarili.
Kakauwi pa lamang ni Cecily mula sa bahay ni Professor Alonso, kung saan matagal nilang pinag-usapan ang direksyon ng kanyang doktoral na pananaliksik at ang mga hakbang na kanyang tatahakin kasunod ng kanyang pakikipaghiwalay, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Nang silipin niya ang screen, bahagyang napahinto ang kanyang paghinga.Lilibeth Shaw.Ang ina ni Linus.Kahit ang pangalan lamang nito ay sapat na upang magpabigat sa kanyang dibdib. Saglit siyang huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.“Hello… Mommy?” magalang ngunit malamig ang kanyang tinig. “May problema po ba?”“Problema?!” sigaw ng boses sa kabilang linya, matinis, puno ng panghahamak. Hindi iyon pagbati kundi isang akusasyong matagal nang naghihintay ng pagkakataong sumabog. Napaatras si Cecily at bahagyang inilayo ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.Sunod-sunod na ibinuhos ni Lilith ang sisi at galit sa kanya. Ayon sa mga kasambahay, ilang araw na raw wala si Cecily
Malalim na ang gabi nang sa wakas ay makatulog si Mara sa mga bisig ni Linus. Tahimik ang buong bahay, walang yabag, walang boses na maririnig, ngunit sa loob ng kanyang isipan, wala ding kapayapaan.Ilang araw nang hindi umuuwi si Cecily.Bagama’t puno ng mga kasambahay ang mansyon, may kakaibang pagkakapit si Mara sa kanyang ina. Ayaw nitong maiwan sa kahit kanino. Kaya’t saan man magpunta si Linus nitong mga nagdaang araw, buhat-buhat niya ang bata, sa sala, sa opisina sa bahay, maging sa hapag-kainan.Para sa isang lalaking sanay sa kontrol mapanegosyo, sa imahe ng pamilya, sa bawat galaw ng kanyang buhay, ito’y isang uri ng pagkabigo na hindi niya inaasahan.Matigas ang ulo ni Mara. Hindi siya basta napapakalma ng mga estranghero. At sa tuwing magwawala ito, hindi niya maiwasang maalala kung paanong kabisado ni Cecily ang bawat hinga, bawat simangot, bawat luha ng bata. Sa pagkawala niya, si Linus ang napilitang pumalit sa papel na iyon, isang responsibilidad na ngayon lamang niy
Matapos lisanin ni Cecily ang kanyang tirahan, muling nabalot ng tila normal na katahimikan ang mansyon.Bandang hapon, bumalik si Linus kasama si Mara at ang kanyang assistant na si Julie. Pagpasok pa lamang nila sa bahay, agad na naalala ng bata kung saan inilalagay ang pamahid para sa paso. Hindi siya nag-atubiling tumakbo paakyat ng ikalawang palapag, dala ang pagmamadali at inosenteng layunin.Sa master bedroom, tumingkayad siya upang abutin ang lalagyan sa ibabaw ng aparador. Sa kanyang paggalaw, natamaan ang isang maliit na kahong nasa dresser. Isang bahagyang tunog ang umalingawngaw, ting!, habang gumulong ang isang kumikislap na singsing, dumulas pababa, at tuluyang nawala sa ilalim ng kama.Hindi iyon napansin ni Mara.Bitbit ang pamahid, mabilis siyang bumaba.Sa kalagitnaan ng hagdan, bigla siyang tumigil at napaisip. Tumingin siya sa paligid bago nagtanong sa isa sa mga katulong, “Nasaan si Cecily?”Nagkatinginan ang mga kasambahay bago may sumagot, maingat ang tono.“Uma
Mabilis na inayos ni Cecily ang kanyang damit, ang kanyang kamay ay nanginginig.“I want a divorce,” bigla niyang sabi.Nagbuga ng usok si Linus at malamig na tumawa.“Divorce?” Ang kanyang mata’y nababalot ng poot. “Who will you be without me? Huh? Cecily?”Matalim ang kanyang tingin, walang awa.“Dinala ko si Mara sa abroad for a trip. Nawala ka ng isang linggo at ngayon gumagawa ka ng eksena? Tinatakot mo ba ako?”Mapait na napangiti si Cecily.“At bakit kailangan mong dahil ang babaeng secretary mo?”Hindi niya binanggit ang mga larawan, magkakaparehang lokasyon, at mga ngiting kinukutsa ang kanyang presensya. Pagod na siyang patunayan ang kanyang sarili.“Nasa ospital ako,” tahimik niyang sabi. “Tungkol sa anak natin—”Biglang nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Linus. Tinupok niya ang kanyang sigarilyo at liningon siya, ang boses niya’y malamig at tila kayang bumutas sa hangin.“Sinabi ko na sa’yo noon. Ayoko nang magkaanak. Ang responsabilidad mo lang ay si Mara.”Bumunot ito n
Nanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanh







