LOGINMatapos lisanin ni Cecily ang kanyang tirahan, muling nabalot ng tila normal na katahimikan ang mansyon.
Bandang hapon, bumalik si Linus kasama si Mara at ang kanyang assistant na si Julie. Pagpasok pa lamang nila sa bahay, agad na naalala ng bata kung saan inilalagay ang pamahid para sa paso. Hindi siya nag-atubiling tumakbo paakyat ng ikalawang palapag, dala ang pagmamadali at inosenteng layunin.
Sa master bedroom, tumingkayad siya upang abutin ang lalagyan sa ibabaw ng aparador. Sa kanyang paggalaw, natamaan ang isang maliit na kahong nasa dresser. Isang bahagyang tunog ang umalingawngaw, ting!, habang gumulong ang isang kumikislap na singsing, dumulas pababa, at tuluyang nawala sa ilalim ng kama.
Hindi iyon napansin ni Mara.
Bitbit ang pamahid, mabilis siyang bumaba.
Sa kalagitnaan ng hagdan, bigla siyang tumigil at napaisip. Tumingin siya sa paligid bago nagtanong sa isa sa mga katulong, “Nasaan si Cecily?”
Nagkatinginan ang mga kasambahay bago may sumagot, maingat ang tono.
“Umalis po si Madam kaninang umaga. May dala siyang maleta. Hindi po niya sinabi kung saan siya pupunta.”
Nanlaki ang mga mata ng bata.
Umalis?
Sa isip ni Mara, tiyak na nagtatampo lamang si Cecily. Gaya ng dati, babalik din ito pagkalipas ng isa o dalawang araw. Dahil sa murang edad, hindi pa niya lubos na naunawaan ang bigat ng salitang pag-alis.
Sa ibaba, napansin ni Linus ang katahimikan ng bahay, isang kakaibang kawalan, hindi bago ngunit hindi rin ordinaryo. Nang mapadaan ang kanyang tingin sa mesa, nakita niyang wala na ang card na iniwan niya.
Wala rin si Cecily.
Bahagya siyang napatigil, saka nagpakawala ng malamig na buntong-hininga.
Hindi niya ito binigyang halaga. Sa loob ng ilang araw, babalik din iyon, gaya ng dati.
Hindi niya inisip pa ito.
Samantala, sa kabilang panig ng lungsod, huminto ang taxi sa harap ng isang apartment na nakaharap sa ilog.
Tahimik, simple, at pamilyar.
Ito ang tirahang pag-aari ni Cecily bago siya ikasal, isang lugar na matagal na niyang iniwan, ngunit hindi kailanman nakalimutan. Ilang araw bago siya umalis, nakipag-ugnayan na siya sa caretaker. Nilinis nito ang unit, inayos ang mga kasangkapan, at ibinalik ang dating kaayusan. Tila hinihintay na lamang ang kanyang pagdating.
Pagpasok niya, huminga siya nang malalim.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi mabigat ang dibdib niya.
Isa-isa niyang inilabas ang mga tropeo, sertipiko, at plake mula sa maleta, mga alaala ng panahong siya ay may sariling pangalan, sariling halaga. Inilagay niya ang mga iyon sa estante, parang tahimik na panata sa sarili. Na parang ang oresensya ng mga iyon ay mistulang palatandaan niya sa tuwing madadako ang kanyang tingin dito.
Ito ang kanyang mundo. At babawiin niya ito.
-
Kinabukasan, nagising si Cecily nang walang alarm.
Walang kailangang ihanda para sa eskuwela. Walang asawang aasikasuhin. Walang kailangang suunging emosyonal na tensyon.
Tahimik siyang nag-almusal habang sinusuri ang mga dokumento para sa paparating na charity auction. Nakatuon ang kanyang isip, malinaw ang mga mata. Hindi lamang bilang isang propesyonal, kundi bilang babaeng muling bumabalik sa sarili.
Sa venue ng auction, ipinakilala siya ng organizer bilang star auctioneer ng gabi.
Sa gitna ng abalang bulwagan, may isang lalaking napahinto sa paglalakad.
Nagkatitigan sila.
“Cecily?”
“Travis?”
Isang lalaking may nakabibighaning presensya, suot ang isang eleganteng itim na trahe de boda, at tila kumislap ang mata nang makita siya.
Isang matagal nang kakilala, isang pamilyar na presensyang hindi niya inaasahang makita. Nagpalitan sila ng mainit na pagbati at nagpasiyang magtungo muna sa coffee area upang magkumustahan bago magsimula ang event.
Hindi nagtagal, dumating din si Linus sa venue, kasama si Mara at si Julie. Sa gitna ng masikip na bulwagan, biglang huminto ang bata at itinuro ang isang direksyon.
“Daddy— Cecily!”
Sinundan ni Linus ang direksyon ng maliit na daliri nitong may tinuturo.
At doon niya siya nakita.
Si Cecily, nakikipag-usap sa isang lalaking hindi niya kilala. Hindi basta usapan. Buhay ang kanyang mukha, maliwanag ang ngiti, kulubot ang mga mata sa tunay na kasiyahan, isang ekspresyong matagal nang hindi niya nakita.
Hindi niya inaasahang makikita iyon muli.
Saglit siyang tumigil, tahimik na nagmasid.
Biglang kumawala si Mara mula sa kanyang mga bisig at tumakbo papunta kay Cecily, ang maliliit na hakbang ay puno ng pananabik.
“Cecily! Why are you hereee?” malakas na tawag ng bata, umalingawngaw sa marmol na sahig.
Naputol ang usapan ng dalawa.
Nagulat si Cecily at napalingon. Nang makita niya si Mara, napilitan siyang ngumiti, isang ngiting kalmado, ngunit may bahid ng higpit sa dibdib. May kakaibang kirot sa damdamin niya habang tinitingnan ang batang minsang walang pag-aalinlangang tumatakbo sa kanyang mga bisig.
Ang lalaking katabi niya ay bahagyang yumuko, magalang ang tono.
“Anak ng kaibigan mo?” tanong niya.
Hindi nais ni Cecily na ilantad ang anumang kahinaan. Pinili niyang panatilihin ang distansya sa kanilang dalawa.
“Anak ng isang kaibigan,” magaang niyang sagot.
Narinig iyon ni Linus.
At agad na napako ang kanyang tingin sa kaliwang kamay ni Cecily, walang singsing sa kahit ano mang daliri.
Nanlamig ang kanyang paningin.
Lumapit siya, dinampot si Mara, at mahigpit na niyakap ang bata.
“Dad…” mahina nitong bulong, may bahid ng pagkabigo na hindi niya maipaliwanag.
Hindi nagtanong si Linus. Isang malamig na sulyap lamang ang ibinigay niya kay Cecily bago tumalikod, dala ang anak. Sumama sila kay Julie at unti-unting naglaho sa karamihan.
Hindi gumalaw si Cecily, ngunit bahagyang lumubog ang kanyang dibdib. Ang malamig at mapait na kape sa kanyang kamay ay tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman.
Hindi nag-usisa ang lalaking kasama niya. Ngumiti lamang siya at itinuro ang mga upuan.
“Aren’t the organizer too prepared for this?”
Huminga si Cecily at tumango.
Nang magsimula ang auction, umakyat siya sa entablado, maayos, elegante, at puno ng kumpiyansa. Suot niya’y isang marangya at asul-marino na gown na may mahahabang manggas na hitik sa kinang ng mga sequins, at isang dramatikong lambong ng makintab na satin sa tagiliran, na nagbibigay-diin sa kanyang mapangahas na ganda. Ang kanyang boses ay malinaw, ang bawat paliwanag ay eksakto, pinagsasama ang kasaysayan at merkado sa bawat bigkas.
Humanga ang mga bisita.
Si Travis ay tahimik na nagmasid, kitang-kita ang paghanga sa kanyang mga mata. At isang nakatagong ngiti ang pilit lumalabas.
Sa kabilang panig ng bulwagan, unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Julie. Ang dating pagmamaliit ay napalitan ng pagkagulat. Nakikita niya ngayon si Cecily, sa entablado, hindi bilang isang asawa lang, kundi bilang isang propesyonal na may tunay na kakayahan.
Makapangyarihan.
Sa pagtatapos ng gabi, nang maibenta ang huling slot sa isang rekord na halaga, umalingawngaw ang palakpakan.
Ngumiti si Cecily, hindi dahil sa papuri, kundi dahil muli niyang naramdaman ang sarili.
Sa ilalim ng ambon ng gabi, inihatid siya ni Travis pauwi. Nagpasalamat siya dito.
Habang naglalakad siya patungo sa lobby ng apartment, payapang sinasalag ng payong ang ulan, mistula siyang isang babaeng tuluyan nang kumawala sa anino ng nakaraan.
Matagal-tagal ding nanatili si Cecily sa silid-aklatan ni Don Herrera. Habang tumatagal, lalong nahuhulog ang loob ng matanda sa talinong ipinamamalas ng dalaga; kampante niyang ipinagkatiwala ang kaniyang mga yaman sa mga kamay nito.“Iha, sa iyo ko ipinauubaya ang pangangalaga sa aking mga kayamanan,” wika ng matanda na may halong tiwala.“Makaaasa po kayo, Don Herrera. Gagawin ko ang lahat upang makuha ng mga obrang ito ang halagang nararapat para sa kanila.”Paglabas ng silid, dumiretso si Cecily sa bulwagan upang ipagpatuloy ang trabaho. Ngunit laking pagtataka niya nang makitang tila nagkakagulo ang mga tao sa may pasukan, habang ang gitna ng hall ay halos mabakante na.“Mag-iingat ka, Mr. Shaw!”“Mr. Shaw, mag-dinner naman tayo minsan!”Matapos makipagpalitan ng pormalidad sa mga negosyante, bumaling si Linus sa babaeng nasa tabi niya. Ang kaniyang tin
Sinulyapan ni Cecily ang dambuhalang aso sa loob ng elevator. Bagama’t pilit siyang sumisiksik sa pinakasulok, hindi niya mapigilan ang panginginig ng kaniyang kalamnan sa takot.Para sa kaniya, isang estranghero lang si Siera na nagkataong naging kapitbahay niya. Alam niyang sa mga susunod na araw, malabong magkaroon pa sila ng malalim na ugnayan. Kaya naman, magalang niyang tinanggihan ang masiglang paanyaya nito.“Salamat pero ayaw ko ring makigulo sa inyo.”Eksaktong bumukas ang pinto sa kaniyang palapag. Mabilis na humakbang palabas si Cecily habang nakangiting nagpaalam naman si Siera. Sa muling pagpinid ng elevator, naglakad siya patungo sa kaniyang yunit at binuksan ang pinto.Sinalubong siya ng madilim at tila sakal na hangin sa loob ng silid. Upang makahinga nang maluwag, binuksan niya ang lahat ng bintana bago dahan-dahang nahiga sa sofa. Ipinikit niya ang kaniyang mga ma
Saka napagtanto niya na baka narito ito hindi dahil sa sining, kundi upang samahan ang blind date na kunin ang biniling painting.Maya-maya pa’y pumanhik na si Victoria.Bakás ang kagalakan sa kaniyang mukha matapos ang isang malaking transaksyon. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit kay Cecily ay nakangiti na siyang nagbalita.“I hit the jackpot today! Libre ko na ang engrandeng tanghalian natin ngayon!”Huminto sandali si Victoria at bumuntong-hininga. “Hay, heto na naman tayo sa pagka-inggit sa pag-ibig ng iba! Nakita mo ba ’yung lalaking umalis ngayon lang? Si Linus ’yun, ang presidente ng Shaw Group. Ang painting na naibenta ko ay regalo niya para sa dalagang kasama niya.”Dagdag pa ni Victoria, “Nabalitaan kong ikinasal si Linus five years ago. Iniisip ko lang kung asawa niya kaya ’yung kasama niya? Tingin mo?” 
Napatitig si Cecily sa kanyang cellphone sa hindi malamang dahilan. Hindi niya pa pala nabubura ang mga larawan ni Mara at Linus.Marahil ay dahil sa isang pamilya sa kabilang mesa kaya bigla niyang namiss ang presensya ng dalawa.Bago pa siya makahiwa ng kanyang steak ay napalingon siya sa pumasok.May kasamang babaeng hindi pa niya kailanman nakikita ang kasama ng mag-ama.Naglalakad ito sa tabi ni Linus; likod lang nito ang kita at malabo ang pigura, ngunit hindi maikakaila ang angking gilas at de-kalibreng tindig. Habang masinsinang nag-uusap ang dalawa, lumingon si Linus sa babae. Bakas sa kanyang mga mata ang isang uri ng lambing na hindi kailanman naramdaman ni Cecily sa buong buhay nila.Karga-karga pa rin ni Linus ang bata sa kanyang mga bisig.Nang papalapit na ang mga ito, kusa ring napayuko si Cecily, pilit na nagtatago sa anino upang hindi siya mapansin. Sa ka
Ang unang tawag mula sa daycare ay hindi agad binigyan ng bigat ni Linus.Abala siya sa isang meeting nang ipasa ng sekretarya ang mensahe mula sa St. Bridgette’s Academy. Maikli lamang ang nakasulat: nais siyang makausap ng adviser ni Mara tungkol sa “recent changes in behavior.” Hindi iyon emergency. Walang salitang “urgent” kaya ipinagpatuloy niya ang diskusyon tungkol sa expansion proposal na mas matagal nang naka-schedule kaysa sa anumang concern ng isang daycare.Tinawagan niya ang adviser makalipas ang dalawang oras, sa pagitan ng dalawang appointment.“Hindi naman po siya pasaway, Mr. Shaw,” maingat na paliwanag ng guro. “Pero tila hindi siya makapag-focus. Hindi siya sumasagot kapag tinatawag. At may mga pagkakataong hindi niya ipinapasa ang requirements niya.”Saglit siyang natahimik bago sumagot. “May problema ba sa klase?”“Wala naman po. Pero may mga pagbabago po ba sa bahay?”Hindi agad niya sinagot ang tanong. Sa halip, sinabi niyang kakausapin niya ang anak at babalika
May isa pang bahagi ng report na mas lalo niyang pinagtuunan ng pansin.Educational registration.Graduate-level enrollment inquiry.Application fee payments.Research grant submissions.Naitikom niya ang labi habang binabasa ang mga detalye. Hindi niya akalaing bumalik ito sa pag-aaral nang hindi niya alam. Hindi niya akalaing naghahanda ito para sa sariling career path na walang kaugnayan sa Shaw Group.Doon niya napagtanto na hindi divorce ang pinaghandaan ni Cecily kung hindi ang pagbawi ng buhay na naipagkait sa sarili nang matali ito sa kanya.Sa loob ng limang taon, inakala niyang ang mundo ni Cecily ay umiikot sa bahay, sa mga social functions, at sa pagpapalaki kay Mara kapag nasa bahay ito. Hindi niya nakita ang unti-unting pagbuo nito ng sariling sistema ng kanyang seguridad.Hindi niya naramdaman ang paglayo nito.May bahagi sa kanya na gustong ipatawag si Julie at mag-utos na bantayan ang bawat galaw ni Cecily. Kayang-kaya niya iyon. Isang tawag lamang at may team na susu







