Share

The Forbidden Desires 13

(TFD) Chapter 13

Mabilis kaming nakauwi sa bahay nila dahil sa bilis ng patakbo ni Silas. Walang nagsalita kahit nang makababa na kami sa sasakyan at makapasok sa mga kwarto namin.

Sandali akong natulala sa dingding ng kwarto. Hindi ako nagpalit ng damit o naglinis ng katawan. Masiyado akong tinatamad na kumilos ngayon. Hindi naman din kasi ako nanlalagkit dahil nakaligo ako kanina bago kami bumiyahe pauwi.

Nagising ako kinabukasan sa isang katok. Nasilip ko ang bintana, hindi pa tirik ang araw pero maliwanag na. Ginamit kong panuklay sa buhok ang mga daliri at tumayo para makita kung sino ang nasa labas.

Napagbuksan ko ang nakatayo na si Silas at bihis na bihis. Amoy din ang panlalaking shower gel niya at basa pa ang buhok.

"Mag-ayos ka na. Ihahatid na kita."

Iyon lang ang sinabi niya pagkasilip ko at umalis kaagad sa aking harapan. Hindi ko pa kaagad isinara ang pinto, tiningnan ko pa ang likod niya na papalayo. Nagbuntong-hininga ako at pumasok na sa loob para makapag-ayos katulad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status