Share

The Forbidden Desires 02

Penulis: Miss IYA
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-22 21:04:52

"Malapit na ba?

He just nodded his head. He never spoke to me again. I pouted and remained silent as well. It's strange but I'm completely comfortable even if he doesn't talk. I feel like I'm used to him being like this.

Hindi niya ipinaliwanag kung paano kami nagkita at hindi ko talaga siya maalala. Pumikit ako at inisip ang mga nangyari ten years ago kagaya ng mga sinasabi niya.

Pilit kong inalala kahit sumasakit ang ulo ko. Malabo, iyon ang naunang pumasok sa isipan ko. It's weird but I don't know what happened ten years ago. My memories from those times were clouded.

Dumilat ako at tinitigan siya. Hindi ko talaga maalala na nagkita na kaming dalawa.

Naging malikot ang mga mata ko nang makalabas kami sa probinsya. Maraming sasakyan at maraming tao sa kalsada. Laking rancho ako kaya nabibigla ako sa mga naglalakihan na building na nadadaanan namin.

Nawala ang buong atensyon ko sa kanya dahil naging abala ang mga mata ko sa labas.

"Nag-aaral ka pa?"

Nagulat ako nang magsalita siya. Tumango ako sa kanya at inilabas ang laptop na nasa bitbit ko na bag.

"Yup! Online classes!"

Binuksan ko ang laptop at ipinakita sa kanya ang account ko at ang mga professor ko sa iba't ibang subject.

"You don't go to normal school?" He asked, his brows were knotted, he looked confused.

"Hindi," nagkibit balikat ako. "Ayaw akong payagan ni Lolo."

"Hindi ka pinayagan? Napag-usapan na namin na-" natigilan siya.

Hindi ko inalis ang mata sa kanya kaya nahuli ko ang biglaang pagkakatigil niya.

"Na ano?"

Tumikhim siya at umiling. Tinitigan ko siya kasi naputol ang sinabi niya kanina. Naghihintay ako ng karugtong.

"Napag-usapan ninyo ni Lolo yung ano?" Kuryuso na tanong ko.

"Wala. Gusto mo ba pumasok sa paaralan?" Masungit na pag-iiba niya sa tanong.

Ngumiti ako at tumango. Mula sa kalsada ay nilipat niya ang tingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango ulit. Nang mapatingin siya sa labi ko, maagap siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi na siya ulit nagsalita. Napalabi ako at tinigilan na siya. Sinusulyapan ko siya at pinagmamasdan. Bakit kaya ang sungit niya?

"Sa daanan ka tumingin. Malapit na tayo."

Napangiti ako. "Paano mo nalaman na nakatingin ako sa 'yo?"

Tinignan niya ako nang masama at hindi ulit nagsalita. Nagugustuhan ko ang pagsusungit niya. Bakit parang pakiramdam ko malapit kaming dalawa sa isa't isa kahit ngayon lang naman kami nagkita? O ako lang ang ngayon lang siya nakita? Pero imposible. Hindi ko kasi talaga siya maalala.

Nawala ang atensyon ko sa kanya pagkakita sa mga tao na nag-aabang sa harapan ng isang simple at mataas na bahay.

"Sila ba ang pamilya mo?" Masaya na tanong ko.

Tahimik siyang tumango at bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako at naghanda ng malaking ngiti.

Titig na titig sa akin ang dalawang matanda pagkababa ko sa sasakyan. Mas matanda sila kay Lolo. Kulubot na kasi ang mga balat nila samantalang si Lolo kahit matanda na ay matikas at wala pang masiyadong kulubot.

"Hi!" Bati ko sa kanilang lahat. Malaki ang ngiti ko.

"Kumusta ka na, Hija?" May pag-aalalang tanong ng Lola niya.

Nagtaka ako at binalingan si Silas. Siguro ay iniisip nila na napagod ako sa biyahe?

"Lola..." si Silas at kinuha ang mga gamit ko na nasa sasakyan.

Bakit parang may sinasabi siya sa kanila sa paraan lang ng pagtingin niya? Ikinibit balikat ko iyon.

Mula sa dalawang matanda'y bumaling ako sa dalawang mas batang babae. Kapatid daw sila ni Silas. Si Laura at Neth. Mga Tita ko sila pero dahil hindi nagkakalayo ang mga edad namin ay ayaw nilang magpatawag na Tita o Ate. Maaga kasing nagkaanak si Lolo kaya maaga din nagkaapo. Sumabay ang panganganak ni Mama sa Nanay nila Silas at si Gineth ang pinagbubuntis kaya siya ang kaedaran ko.

"Ang cute ninyo dito! Sino ito?" Turo ko sa isang picture ng batang lalaki.

Nalilibang ako sa mga kwento nila. Lahat kasi madaldal at tuwang tuwa na makipag-usap sa akin. Si Silas lang ang hindi. Nakaupo siya malapit sa amin pero nagkakape lang mag-isa.

"Ah! Si Kuya yan!" Natatawang sagot ni Laura.

Tinitigan ko ulit ang lalaki sa picture, pamilyar talaga siya. Masungit ang tingin niya sa camera dahil walang paalam na kinuhanan siya.

"Dapat Kuya din ang itawag mo sa kanya kasi mas matanda siya sayo," sabi ni Gineth na kaedaran ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Silas. Nginitian ko siya nang nilingon niya ako.

"Hindi niya ako kailangan tawagin na kuya. Hindi ko siya kapatid."

Masungit ang pagkakasabi niya. Lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Kahit na Kuya! Mas matanda ka sa kanya!"

Umiling si Silas.

"Kapatid ko lang ang pwedeng tumawag sa akin na kuya."

Malamig ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon. Hindi ko pa siya tinatawag na kuya pero parang nagbabanta na.

"Bakit si Penny pinayagan mo na tawagin ka na kuya?" Singit ni Laura na kakalabas lang galing kusina.

"That was before. She's not calling me kuya anymore-"

"Dahil may gusto na siya sayo!" Natatawang bulalas ni Laura.

Si Gineth naman ay bumungisngis sa tabi ko ngunit natigilan nang samaan siya ng tingin ng kuya niya.

Malawak din ang bahay nila at mataas. Hanggang tatlong palapag at mayroon rooftop sa itaas.

Hindi nagsalita si Silas at nagpatuloy lang sa pag-inom ng kape. Ayaw niya sa akin kaya ayaw niya magpatawag ng kuya?

"Silvanus..." Marahang banggit ko.

Nagulat kaming lahat at napatingin kay Silas. Bumagsak kasi ang hawak niya na baso at nabasag. Nakaawang ang labi niya at gulat na nakatingin sa akin.

"You..." Nakatingin siya sa akin. "How did you remember my name?"

Tiningnan ko ang dalawang babae sa aking tabi. Napatitig sila sa akin pagkatapos iyon itanong ni Silas. Kapwa sila mga gulat kaya kinain ako ng pagtataka at napakunot noo.

Pangalan niya? Yumuko ako at tiningnan ang pangalan na nakasulat sa picture na nasa album. Nag-angat ulit ako ng tingin kay Silas at nakitang hindi nagbago ang reaksiyon niya. Gulat na gulat siya. Ni hindi na pinansin ang pagkabasag ng baso niya.

"Binasa ko lang. Nandito sa album..."

Binuhat ko ang album at iniharap sa kanya para maipakita kung saan ko nabasa.

"Silvanus ang pangalan mo?"

Napalunok siya at tumayo si Laura para linisin ang nabasag na baso. Tiningnan ako ni Silas ng masama. Huminga siya ng malalim at tumayo para umakyat sa itaas.

Anong nangyari doon?

Nginitian ako ni Laura nang harapin ko siya. Magtatanong sana ako tungkol sa reaksiyon ni Silas pero nag-iwas siya ng tingin at inabot sa akin ang juice at pagkain na dinala niya kanina.

Umakyat kami pagkatapos magmiryenda. Itinuro ni Gineth at Laura ang kwarto nila na magkatabi sa pangalawang palapag. Katabi rin nila ang kwarto ng Lolo at Lola nila. Umakyat ulit kami sa huling palapag at itinuro niya ang kwarto ni Silas na nasa kaliwang pasilyo. Ang kwarto ko ay katabi nang sa kanya.

Pumasok ako at inayos ang mga gamit. May sariling banyo ang kwarto kaya doon na rin ako naligo para makapaglinis ng katawan. Pagkarating ko kasi nakipag-usap kaagad sila sa akin kaya hindi na ako nakapag-ayos ng gamit at nakapag-palit ng damit.

Nagpupunas ako ng buhok at tinitingnan ang kabilang dingding. Katabi ko ang kwarto niya? Ano kayang ginagawa niya? Nagalit siya kanina nang banggitin ko ang pangalan niya. Naalala ko? Kung ganoon talagang kakilala ko siya? Umupo ako sa kama at sandaling natulala.

Paano mangyayari iyon kung sigurado ako sa sarili ko na ngayon ko lang siya nakita?

Tumayo ako at nagpasya na kausapin siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at marahan na lumapit sa pintuan niya na katabi lang. Nagdadalawang isip akong kumatok pero gusto ko talagang maalala kung paano kami nagkita.

Pinaglalaruan ko ang manipis at malambot na suot na pantulog. Nakayuko ako at nag-iisip kung kakatok ba pero bago pa man ako makapagdesisyon sa gagawin ay bumukas na ang pinto.

Nagtama ang tingin namin paghakbang niya palabas. Napatingin siya sa nakaawang na labi ko. Magkalapit ang mga mukha namin dahil sa biglaan na paghakbang niya palabas at hindi alam na narito ako.

"Athena..." Tawag niya sa malambing na boses.

Napakurap ako at isang beses na napaatras. Tumikhim siya at parang natauhan bigla nang gumalaw ako. Naging masungit muli ang bukas ng mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ah..." Tinuro ko ang kwarto na katabi ng kwarto niya. "Dito kasi ang kwarto ko..."

Nagdilim ang mata niya. Pairap niyang inalis ang tingin sa akin at saka siya humakbang palapit sa kwarto ko. Binuksan niya 'yon at sinipat ang loob. Pagkaraan, nagsalita siya.

"Ililipat kita ng kwarto."

"Bakit?"

"Hindi ka pwede rito," sabi niya sabay sara sa pinto.

"Bakit nga? Ayos na ako rito!" Ngumiti ako nang humarap siya.

Tinitigan niya ako. Binalikan niya ng tingin ang aking pinto bago sulyapan ang pinto niya. Umiling siya nang hinarap ulit ako.

"Hindi ayos sa akin. Ililipat kita."

Sinundan ko siya ng tingin nang lagpasan niya ako. Diretso ang lakad niya pababa. Siguro para tingnan kung mayroon kwarto roon na pwede kong matulugan at malipatan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   TFD Special Chapter

    "I'm flying! We're flying!"Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro."Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya."Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila."What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me."A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   Silas (POV) 04

    Silvanus POV 04"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinip

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   Silas (POV) 03

    Silvanus POV 03Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya."Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan."What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table. Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   Silas (POV) 02

    Silvanus POV 02She's almost thirteen and I was seventeen when we were kidnapped.Akala ko malakas na ako para maprotektahan siya. Ngunit wala akong binatbat sa mga dumukot sa amin. They are many and bigger than me. They have guns, I don't have. They are trained, I'm not.I tried to protect her with just my fists. I shouted at her to run. When I saw that she had escaped, I was relieved. Napanatag ako nang makalayo na siya. Kahit pa may posibilidad na sa kalsada mismo ay patayin nila ako dahil sa paglaban na ginawa ko sa kanila. Hindi ko iyon ininda. Hindi na iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang kaligtasan ko, ang kanya na lang."Bakit hindi na lang natin patayin ito! Hindi naman ito ang kailangan natin!"Huling sigaw at tadyak bago ako tinutukan ng baril. Nakapikit na ang isang mata ko at alam ko na ilang suntok na lang ay bibigay na ang katawan ko."Mas malaki ang makukuha natin kung kasama iyan! Bugbugin niyo na lang at huwag niyo munang papatayin!"Nakita ko siya na naka

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   Silas (POV) 01

    Silvanus POV 01"Who is she?"I was fourteen years old when I first saw her. Nakikipaglaro siya sa ibang mga bata na kamag anak namin. Kauuwi lang namin galing sa Manila at naimbitahan kami ni Uncle na dumalo sa salo-salo sa mansion nila."Agatha's daughter," sagot ni Lolo na katabi ko sa pabilog na lamesa."Ate Agatha? I thought their daughter died with them in States?" Nagtataka na tanong ko.Namatay si Ate Agatha na pinsan ko at ang asawa niya sa ibang bansa. Naging sikreto iyon sa karamihan dahil alam ni Uncle na mayroon nagpapatay sa anak niya. Patago ang pag-i-imbestiga at paghahanap sa tao na may gawa."Nakaligtas ang anak nila. Pagkatapos ng isang taon. Dumating ang yaya ni Agatha na si Lupe at mayroon bitbit na bata.""What? After a year? Are you sure she's Ate Agatha's daughter?""Si Lupe ang may dala at hindi kung sino sino lang," sabi niya at para bang sapat na iyon na dahilan.I shrugged my shoulders. Lolo has a point. Matagal nang taga-silbi si Manang Lupe ng mga Alvarez

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   The Forbidden Desires 70

    (TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   The Forbidden Desires 69

    (TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   The Forbidden Desires 68

    (TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c

  • The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5)   The Forbidden Desires 67

    (TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status