Share

Kabanata 14

Kiss

“Liam…” I called him but he remained silent.

Kanina niya pa ako hindi pinapansin simula nang ihatid ni Mang Tanyo ang mga alak at umalis din agad.

Mukhang nagpatulong lang din ito kay Elias sa pagdala ng mga bote. Desidido nga si Mang Tanyo na makipag-inuman kay Liam.

Nanatili siyang nakatalikod sa akin habang nakaharap sa kalan. Tanging hubad na likod lamang niya ang nakikita ko.

Bagsak ang balikat ko ng hindi pa rin siya lumilingon.

“Ano bang problema mo?” naiirita na ako.

“Nothing.”

Napasimangot ako. “Bakit hindi mo ako pinapansin?”

“I am talking to you,” aniya.

Napabuntong hininga ako at tinalikuran siya. Inayos ko na lamang ang mga pinamili namin.

Hiniwalay ko na ang tent na good for 3-4 person ang size na nabili namin pati na rin ang backpack.

Bumili rin kami ng mga simpleng tee shirt and sweat pants na gagamitin namin dahil hindi naman ganoon karami ang nadala namin na gamit.

Ang iba ay paulit-ulit na lang.

Nabalot kami ng katahimikan sa kusina at tanging mahinang huni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status