Yumuko si Astrid at tiningnang mabuti ang kaniyang kamay na malakas na hinampas. Makikita ang bakas ng pamumula nito dahil sa ginawa ng ina. Makalipas ang ilang segundo ay nilipat niya ang kaniyang tingin sa babae sa kaniyang harapan.
She knows that she is her biological mother, but she is only nice to her adopted daughter Mira. Hindi man sila magkadugo pero masasabi ng kahit sino sa kanilang paligid na mas mahal at pinapaburan nito si Mira kaysa sa kaniya na sariling dugo’t laman nito.
Namumula ang mata ni Mira dahil sa pagpipigil ng pag-iyak, “Ma, wag mo siyang sisihin. Ako ang may kasalanan nito. Hindi ko dapat inagaw ang fiancé niya—“ Bago pa matapos ni Mira ang pagsasalita ay pinutol na ito ni Astrid.
“How can I blame you? You were born like that. Hindi mo kayang pigilan ang sarili mo na hindi agawin lahat ng makikita mo na pagmamay-ari na ng iba. Wala na akong magagawa kung ganiyan ka na noon pa.”
Hindi makapaniwala si Mira sa mga narinig kaya hindi nito nagawa pang sumagot sa mga sinabi ng kapatid. Makikita ang mabilis na pamumula ng mukha nito dahil sa magkahalong pagkapahiya at galit. Nagpipigil siyang sumabog sa galit dahil kailangan niyang mapanatili ang pagpapanggap na mabait at mahinahong imahe sa kaniyang ina na si Amara at kasintahan na si Conrad.
“Astrid, kapatid mo siya! Paano mo nagagawang sabihin sa mismong kapatid mo iyang mga salitang iyan?” Hindi na maitago ni Amara ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata at mukha.
Hindi mababakas kung ano man ang emosyon ni Astrid, mahirap malaman kung ano ba ang iniisip o nararamdaman nito sa mga oras na iyon.
“Hindi ko siya kapatid. Hindi kami magkadugo.”
Dalawampung taon noon nang mangyari ang malaking trahedya sa pamilya Trinidad. Matapos maipanganak ay aksidenteng naipagpalit ng attending nurse ang mga sanggol na sina Astrid at Mira. Isang pagkakamali na nagpabago ng malaki sa buhay ng dalawa.
Labinlimang taon ang inabot bago nila malaman ang katotohanan at maibalik si Astrid sa kaniyang tunay na pamilya.
Hindi matiis ni Amara na makita ang kaniyang pinalaking anak at nakasama ng maraming taon na si Mira na mamuhay at maghirap mag-isa sa probinsya kaya nagdesisyon siya na alagaan ang dalawa.
Bilang kaniyang tunay na ina, hindi maitatago ang pagkadismaya ni Amara sa kinalakhang lugar at uri ng pamumuhay ni Astrid. Dahil dito ay hindi nito mapigilang ituring ng iba at mas paboran si Mira kaysa sa tunay na anak dahil sa kanilang malaking pagkakaiba. Lumaki ang dalawang bata na alam nila na si Mira ang paborito at mas mahal na anak.
“Paano mo nagagawang sabihin ang masasakit na salitang iyan? Anak ko siya! Kahit hindi kami magkadugo, tinuturing ko siya bilang tunay kong anak. Kapag narinig ko pa na sinabi mo ulit ang mga salitang iyan at masaktan si Mimi, ako na ang nagsasabi sayo na hindi ko na palalampasin pa at sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang sinabi mo.”
Nang malaman ni Amara ang katotohanan ay walang araw na hindi niya hiniling na sana ay isang masamang panaginip na lang ang lahat at si Mira talaga ang kaniyang tunay na anak.
Ilang beses ng narinig ni Astrid ang mga salitang ito sa sariling ina na wala na itong halos epekto sa kaniya.
“I'm busy and I need to leave. I won't be home for tonight.” Matapos itong sabihin ay tumuloy na siya papunta sa pintuan.
“Hindi ka uuwi? Saan ka na naman pupunta at gagawa ng kalokohan?” Galit na tanong ni Amara sa papaalis na anak.
“Wala akong ginagawang kalokohan.” Maikling sagot ni Astrid.
“Kung hindi pala iyan kalokohan, bakit hindi mo magawang sabihin kung anong ginagawa mo?” Pasigaw na tanong ni Amara. Kahit kailan ay hindi nila magawang maging magkasundong mag-ina. Maraming lihim na ginagawa si Astrid kaya hindi maiwasang paghinalaan at patuloy na madismaya ni Amara dahil dito.
Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid, itinikom ang kaniyang mga labi at di kumibo ng ilang segundo bago muling magsalita, “It’s a state secret, I’m afraid I can’t tell you.”
“What do you—“ Bago pa makabawi ng sasabihin si Amara ay nakaalis na si Astrid sa hacienda.
“Ano bang kasalanan ang nagawa ko at binigyan ako ng anak na katulad niya!” Nanghihinang sigaw ni Amara.
Pagkalabas at pagkalayo sa hacienda ay natanaw agad ni Astrid ang maraming bilang ng armadong sasakyan na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Nakalinya ang mga ito at di maiiwasan ng ibang makakakita na humanga sa bihirang pangyayari.
Ilang saglit pa ay may malakas na tunog na maririnig mula kalangitan dahilan upang siya ay tumingala at salubungin ng malakas na hangin. Makikita ang isang dosenang armadong helicopters sa kalangitan na pumapalibot sa kaniya, handang kumilos at sumunod sa utos ano mang oras.
Malalakas at nagmamadaling hakbang ng mga unipormadong sundalo at pulis ang mabilis na lumabas sa sasakyan at nakahilerang luminya at pumalibot kay Astrid.
Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga
Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata
“Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab
“Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni
Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami
Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt