Share

Chapter 4

Penulis: yshanggabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-08 17:27:36

CHAPTER 4 — Adrian

Mainit pa rin ang hangin mula sa apoy na nagpapatuloy pagliyab sa bungad ng kuweba, ngunit sa loob ay may kakaibang lamig na tila gumapang sa balat ni Lavender habang pinagmamasdan ang lalaking hindi pa rin bumabangon.

Nakahiga pa rin si Adrian sa banig na nilatag niya kanina, nakatingin lamang sa kisame ng kuweba na para bang sinusubukang hanapin ang mga sagot doon.

Tahimik muna si Lavender—hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan. Nanginginig pa rin ang dibdib niya sa eksenang halos malunod ang lalaki nung gabing iyon. Ngunit higit pa roon ang bumabagabag sa kanya ngayon—ang katotohanang wala itong maalala, kahit ang mismong pangalan nito.

Pinagmasdan niya ang mukha ng estranghero. Maputi, may matangos na ilong, makapal ang kilay, at may mahabang pilik. Halatang sanay sa matitinding trabaho ang katawan nito—broad shoulders, defined arms, pero may kakaibang lambot ang ekspresyon ng mukha nito habang tulala lamang.

Humugot ng malalim na hininga si Lavender at nag-ipon ng lakas ng loob.

“Uh… Adrian?”

Dahan-dahang lumingon ang lalaki, tila nagulat pa.

Lavender cleared her throat. “Ang ibig kong sabihin… iyon kasi ang nakasulat sa kwentas mo.”

At saka niya marahang inangat mula sa bulsa ang kwentas na nakuha niya nang iligtas ang lalaki. Lumang silver chain, may maliit na black stone pendant na may nakaukit na pangalan.

A D R I A N.

Nanlaki ang mata ng lalaki. Halatang sinusuri nito ang pendant na parang hiyas na may kasamang alaala na hindi niya maabot.

“Sa’yo ‘to,” dagdag ni Lavender habang marahang isinabit sa leeg niya.

Hinawakan agad iyon ni Adrian na para bang iyon lang ang bagay na konektado sa kaniya sa ngayon.

Napalunok siya. “Adrian…” marahan niyang ulit, parang sinusubukang kilalanin ang salitang iyon. “So name ko pala ‘yan…”

Tumango si Lavender kahit ramdam niya ang pagkabagabag sa tinig ng lalaki.

“M-may naaalala ka ba? Kahit konti lang? Kung taga saan ka? O kung paano ka napunta sa ilog?”

Umiling si Adrian, marahang pero puno ng bigat.

Wala talaga…

Natahimik sila. Tanging tunog ng alon sa labas ang maririnig.

“Wala… kahit anong pilit,” mahinang sambit ni Adrian. “Parang blangkong papel yung isip ko. Lahat puti. Wala man lang kahit isang pangalang iba, lugar, tao, kahit boses o mukha.” Tumingala siya. “Pati sarili ko… hindi ko maramdaman.”

Tinapik ni Lavender ang tuhod nito, pilit na ngumiti. “At least ngayon may pangalan ka na.”

Hindi man malaki, pero doon nagsimula ang kaunting saya sa mata ng lalaki.

“Lavender?” tawag niya bigla.

Napakurap si Lavender. “O?”

“Kung—kung wala akong matandaan… puwede bang sabihin mo sa’kin kung anong nangyari sa’kin?”

Huminga siya nang malalim at tumabi sa higaan ng lalaki. Sinimulan niyang ikuwento ang lahat—kung paano niya narinig ang sigaw mula sa ilog, kung paano niya ito hinila papunta sa batuhan, kung paano niya kinabahan na baka hindi na ito huminga. Lahat, mula simula hanggang wakas ng gabing iyon.

Tahimik lang si Adrian habang nakikinig. Nakasunod ang mata niya sa bawat salitang lumalabas sa labi ni Lavender, para bang iyon lang ang hawak niyang realidad.

“Kung hindi dahil sa’yo…” bulong ng lalaki pagkatapos. “Siguro wala na ako.”

Napailing si Lavender. “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ginawa ko lang naman ang kaya kong gawin.”

Tumingin si Adrian, diretso sa mata niya. “Hindi lahat ng tao gagawin ‘yon.”

Nag-iwas tingin si Lavender dahil biglang naging mabilis ang t***k ng puso niya.

Hindi niya alam kung dahil ba nakakahiya ang papuri… o dahil sa kakaibang tingin ni Adrian—malalim, seryoso, at parang may ibig sabihin.

Nagpasya si Lavender na maghanda ng halamang gamot para sa natamo nitong pasa. Kumuha siya ng dahon at dinikdik sa isang bato. Habang ginagawa iyon, bumalik siya sa tabi ni Adrian at sinimulang pahiran ang gasgas nito sa noo.

Napahinto si Adrian nang maramdaman ang malamig na haplos ng gamot sa balat.

“Ano ‘yan?”

“Pangpahid. Para gumaling ang sugat mo.”

Napatingin si Adrian sa kamay niya. “Sanay ka bang gumamit niyan?”

Tumango siya. “Dito ako lumaki. Alam ko halos lahat ng halamang kailangan para mabuhay dito.”

“Dito ka nakatira talaga?” may pagtatakang tanong ng lalaki.

Oo,” mahinang sagot niya. “Ako lang.”

Nagtagal ang katahimikan.

“You live alone?” ulit ni Adrian, ngayon ay tila may bahid ng pag-aalala.

“Yes,” sagot niya, diretsahan, pero may pinipigil na panginginig. “Simula pa nung bata ako.”

Hindi niya na gustong i-detalye kung bakit. Hindi niya gustong isipin ang mga taong dapat ay kasama niya ngayon pero pinili siyang iwan. Ngunit ramdam ni Adrian ang bigat sa boses niya. Kahit walang alaala, tila may instinct siya sa pakiramdam ng tao.

Takip-silip, tinitigan niya si Lavender, parang ngayon niya lang napagtanto ang bigat ng mag-isang buhay sa isang isla.

“Lavender…” tawag niya, mas malumanay ngayon. “Salamat.”

“Para saan?”

“Sa lahat. Sa pagligtas sa’kin. Sa pagkain. Sa… pagkilala mo sa pangalan ko bago ko pa maunawaan ang sarili ko.”

Napakamot si Lavender. “Huwag ka masyadong sentimental, okay? Hindi ako sanay.”

Ngumiti si Adrian—ang unang totoong ngiti mula nang magising siya. At hindi iyon basta ngiti, kundi parang may lamig sa dibdib ni Lavender na biglang natunaw.

Hindi niya inaasahan na ang estrangherong ito na halos mamatay ay magpapabilis ng tibok ng puso niya sa isang simpleng ngiti lang.

Lumalim ang gabi at tumabi si Lavender sa maliit na bungad ng kuweba. Nakatingin sa ilaw ng buwan, naglalaro sa isip ang tanong na hindi niya masagot—ano kaya ang pinanggalingan ni Adrian? Sino siya bago magising dito? At bakit siya napadpad sa lugar na halos imposible makaligtas ang isang tao kung mag-isa lang?

Pero ang pinakamahirap isipin… ay ang posibilidad na isang araw, kapag bumalik ang alaala nito… baka iwan siya nito.

Natigilan siya.

Bakit niya biglang naisip iyon?

Hindi niya alam. Pero ramdam niya—may koneksyon silang hindi niya maipaliwanag. Parang may invisible na tali na nagdurugtong sa kanila kahit hindi nila alam kung saan nanggaling.

At doon nagsimula ang takot sa puso ni Lavender.

Takot na baka isang araw, kapag bumalik lahat ng alaala ni Adrian, magising itong hindi na siya kilala.

At mas masakit pa—

Baka may ibang naghihintay sa kanya.

Habang pinagmamasdan niya ang lalim ng gabi, napansin niyang tinititigan siya ni Adrian mula sa loob—hindi pala tulog tulad ng inaakala niya. Nakahiga pa rin ito, pero ang mata ay gising, nakatuon sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung bakit pero biglang nag-init ang pisngi niya.

“Lavender…” tawag ni Adrian, mahina pero malinaw.

“Hmm?”

“Bakit mo ako iniligtas?”

Napahinto siya.

Maraming sagot ang pumasok sa isip niya pero wala ni isa ang sapat. Kaya ang sagot niya ay simpleng totoo.

“Hindi kita kilala—but I didn’t want to lose you.”

Napakulat si Adrian.

Lavender blushed. “I mean—tao ka! Hindi ko gustong may mamatay sa harap ko!”

Adrian chuckled softly. “That’s not what you meant.”

Lavender tumingin sa malayo, iniiwas ang tingin. “Matulog ka na nga lang diyan.”

Ngunit bago siya tumalikod, muling bumulong si Adrian.

“Goodnight… Lavender.”

At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, may boses na gumising ng damdamin

ni Lavender na matagal nang natutulog.

Hindi niya alam kung sino talaga si Adrian.

Pero sigurado siya sa isang bagay—

Simula ngayong gabing ito, hindi na magiging pareho ang buhay niyang mag-isa.

TO BE CONTINUED…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Forgotten Zillionaire   Chapter 4

    CHAPTER 4 — AdrianMainit pa rin ang hangin mula sa apoy na nagpapatuloy pagliyab sa bungad ng kuweba, ngunit sa loob ay may kakaibang lamig na tila gumapang sa balat ni Lavender habang pinagmamasdan ang lalaking hindi pa rin bumabangon. Nakahiga pa rin si Adrian sa banig na nilatag niya kanina, nakatingin lamang sa kisame ng kuweba na para bang sinusubukang hanapin ang mga sagot doon.Tahimik muna si Lavender—hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan. Nanginginig pa rin ang dibdib niya sa eksenang halos malunod ang lalaki nung gabing iyon. Ngunit higit pa roon ang bumabagabag sa kanya ngayon—ang katotohanang wala itong maalala, kahit ang mismong pangalan nito.Pinagmasdan niya ang mukha ng estranghero. Maputi, may matangos na ilong, makapal ang kilay, at may mahabang pilik. Halatang sanay sa matitinding trabaho ang katawan nito—broad shoulders, defined arms, pero may kakaibang lambot ang ekspresyon ng mukha nito habang tulala lamang.Humugot ng malalim na hininga si Lavender a

  • The Forgotten Zillionaire   Chapter 3

    “H–Hoy!” sigaw ko sa mga malalapit na mangingisda, kahit pa halos walang tao sa oras na ‘yun. “May tao rito! May sugatan!”May dalawang lalaki na agad lumapit—kilala ko sila, taga-baryo rin: si Mang Rudy at si Kiko.“Ano na naman ‘yan, Lavender?” sabi ni Mang Rudy, na parang laging suplado pero mabait naman talaga.“May natagpuan po akong lalaki,” halos hindi ko na hinihingal, “nalunod yata o—o may sugat sa ulo—hindi ko po alam—pero kailangan nating dalhin!”Nagkatinginan silang dalawa, tapos tiningnan ‘yung lalaki.“Naku… baka turista ‘yan,” sabi ni Kiko. “Ang dami daw nawawala kapag may bagyo.”Hindi ko na inintindi. “Pwede po bang tulungan niyo akong buhatin?”Agad naman silang lumapit at hinila ang katawan ni Adrian mula sa buhangin. Kita ko kung paano nanginginig ang kamay ko habang pinapanood sila. May dugong pumapatak sa noo niya—hindi sobra, pero sapat para kabahan ako.“Dahan-dahan po… baka lalo siyang masaktan,” mahina kong sabi.“Ngayon ka pa mag-aalala?” matigas pero may p

  • The Forgotten Zillionaire   Chapter 2

    Chapter 2 — Adrian(Adrian’s POV)Madilim. Tahimik. At ang bigat ng katawan ko—parang may humihila pababa, pero sabay akong inaangat na parang ayaw akong pakawalan. Hindi ko alam kung saan ako dapat mapunta. Ang alam ko lang, may kumikirot sa ulo ko, malalim, kumakagat.Parang may tunog ng alon. Malapit.Saan ako?I tried opening my eyes, pero puro liwanag ang sumalubong—masakit. Parang may araw na diretso sa mukha ko. Naramdaman kong basang-basa ako, malamig ang hangin, at may buhangin sa palad ko.May boses… mahina, nanginginig.“—sino ka…?”Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, at sa harap ko, may babaeng nakatayo, nanginginig ang balikat, parang hindi sigurado kung tatakbo ba o lalapit.Mahaba ang buhok niya, nangingislap sa araw. Parang may sarili siyang liwanag.Gumalaw ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may salitang pilit lumalabas kahit hindi ko alam saan nanggaling.“A… Adrian…”Narinig ko ang boses ko—paos, mahina, halos hindi akin.“Ha?” tanong niya, parang hindi

  • The Forgotten Zillionaire   Chapter 1

    Chapter 1 — Lavender (Lavender’s POV) Madalas kong marinig ang hampas ng alon bago pa ako magising. Ganito lagi tuwing umaga rito sa isla — hangin, alat, at ang amoy ng dagat na parang bahagi na ng balat ko. “Lavender! Anak, halika nga rito sandali!” sigaw ni Nanay mula sa labas habang tinatahi ‘yung mga lumang damit ng mga taga-baryo. Lumapit ako, hawak-hawak pa ‘yung basang buhok ko. “Bakit po, Nay?” “Puntahan mo nga tatay mo ro’n sa may tabing-dagat,” sabi niya, medyo humihingal. “Baka nakarating na ‘yung bangka nila galing pangingisda. Sabihin mo, magmeryenda muna bago magtupi ng lambat.” Tumango ako. “Opo, Nay. Dalhan ko rin po ng tinapay, ha?” “‘Wag mo kalimutan ‘yung bote ng tubig, anak,” paalala niya habang patuloy sa pananahi. “Mainit na naman ‘tong araw, baka ma-heat stroke na naman tatay mo.” Napangiti ako. “Sige po.” Bitbit ko ‘yung lumang basket na may tinapay at tubig, tapos nagsimula na akong maglakad papunta sa dalampasigan. Mahaba ang daan, puro buha

  • The Forgotten Zillionaire   Prologue

    Title : The Forgotten ZillionaireBy : Yshanggabi DreameThere are nights that define you.And then there are nights that destroy every version of who you thought you were.That night… I was both the man who had everything and the man who lost it all in one breath.I held the black velvet box tightly — the ring I’d kept for months, waiting for the perfect moment to ask Rafaela to spend forever with me. She was my calm, my reason for coming home after every endless meeting. My world.Or so I thought.The restaurant was glowing — soft lights, quiet music, waves kissing the shore just beyond the glass walls. Montreux Haven. My own property. Every detail I arranged myself. For her.But when I opened the private lounge door, the world I built came crashing down.Rafaela… was in someone else’s arms.Her lips on another man’s mouth — deep, sure, deliberate.My fingers loosened. The velvet box almost slipped.I just stood there. Watching. Breathing through the ache burning in my chest.“Rafa,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status