Masuk“H–Hoy!” sigaw ko sa mga malalapit na mangingisda, kahit pa halos walang tao sa oras na ‘yun. “May tao rito! May sugatan!”
May dalawang lalaki na agad lumapit—kilala ko sila, taga-baryo rin: si Mang Rudy at si Kiko. “Ano na naman ‘yan, Lavender?” sabi ni Mang Rudy, na parang laging suplado pero mabait naman talaga. “May natagpuan po akong lalaki,” halos hindi ko na hinihingal, “nalunod yata o—o may sugat sa ulo—hindi ko po alam—pero kailangan nating dalhin!” Nagkatinginan silang dalawa, tapos tiningnan ‘yung lalaki. “Naku… baka turista ‘yan,” sabi ni Kiko. “Ang dami daw nawawala kapag may bagyo.” Hindi ko na inintindi. “Pwede po bang tulungan niyo akong buhatin?” Agad naman silang lumapit at hinila ang katawan ni Adrian mula sa buhangin. Kita ko kung paano nanginginig ang kamay ko habang pinapanood sila. May dugong pumapatak sa noo niya—hindi sobra, pero sapat para kabahan ako. “Dahan-dahan po… baka lalo siyang masaktan,” mahina kong sabi. “Ngayon ka pa mag-aalala?” matigas pero may pag-aalalang tono ni Mang Rudy. Hindi na ako sumagot. Bumalik kami sa baryo, mabagal, habang halos nakahiga pa rin siya sa mga braso nina Mang Rudy at Kiko. Ang bawat yapak namin parang mas lumalalim sa isip ko ‘yung tanong—sino siya? At bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko tuwing titingin ako sa mukha niya? Pagdating namin sa bahay, halos sumigaw si Nanay nang makita kami. “Ay Diyos ko! Lavender! Ano na naman ‘yan?!” “Nay! Natagpuan ko po siya sa dalampasigan,” humihingal ako, “basang-basa, sugatan, tapos—may nakasulat sa pendant ng kwentas niya na Adrian, kaya Adrian ata ang pangalan niya” “Adrian?” ulit ni Nanay, parang nilalasap ‘yung pangalan. “Hindi ‘yan taga-rito.” “Hindi nga rin po siya mukhang taga-rito,” sabat ni Kiko, “tingnan niyo po damit. Para pong galing Maynila.” Maynila. City. Layo nun sa amin. “Ilapag niyo na sa banig!” utos ni Nanay. “Bilisan!” Dahan-dahan nilang inilapag sa sahig si Adrian. Ang bahay namin maliit lang, gawa sa kahoy, may mga lumang kurtina, at may amoy ng niyog at sinabawang isda. Pero sa araw na ‘yun, parang lumaki ang bahay dahil sa presensya ng isang estranghero. Inayos ni Nanay ang tela niya, tinignan ‘yung ulo ni Adrian, at napabuntong-hininga. “May malalim na hiwa sa noo. Kailangan tahiin—pero wala tayong karayom pang-medikal. Lavender, hawakan mo nga ‘tong basang bimpo.” Kinuha ko agad, pinagpupunas ang dugo na dumadaloy pa rin ng kaunti. “Masakit ‘to,” bulong ko kahit hindi pa siya gising. “Ngunit wag ka muna mamatay… hindi pa pwede.” Hindi ko alam bakit ko ‘yon nasabi. Pero naramdaman ko sa sarili ko—ayoko siyang mawala. Hindi pa. Habang nililinis ni Nanay ‘yung sugat, nakita ko kung paano gumagalaw ‘yung dibdib niya—mabagal pero buhay. “Ay naku, Diyos ko,” sabi ni Nanay, “buti nalang hindi malalim. Pero hindi ‘yan pwedeng ipagwalang-bahala. Kailangan natin bantayan, baka may lagnat, baka may tama sa ulo.” “Opo, Nay,” sagot ko agad. “Mang Rudy, maraming salamat po,” sabi ko. “Wala ‘yon,” sagot niya, “mag-ingat lang kayo. Ibang tao ‘yan. Hindi natin alam kung sino o anong problema meron ‘yan.” Pero sa isip ko: hindi ko ramdam ang takot. Ang nararamdaman ko… kawawa siya. Pagkaalis nila at matapos gamutin ni Nanay ang sugat niya, tumayo na si Nanay para magluto. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla niyang hinaplos ang buhok ko bago tumalikod. “Lavender, bantayan mo ‘yang tao. Baka magising… baka magwala… o baka… magtangkang tumayo.” “Opo, Nay.” Pagkaalis niya, kami na lang dalawa. Tahimik ang bahay, at ang tanging maririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng hangin mula sa bintana. Umupo ako sa tabi niya, mabagal, parang natatakot na masyadong lumapit. Tinitigan ko ang mukha niya. Tisoy. Maputi. Parang hindi sanay sa araw. Parang taga-opisina sa Maynila na puro aircon ang mundo. Pero bakit siya napadpad dito? Bakit siya nag-iisa sa dagat? Bakit parang ang lungkot ng mukha niya kahit mahimbing ang tulog? Hindi ko alam. Pero may isang bagay akong naramdaman: parang hindi aksidente ang pagkakatagpo namin. “Adrian…” bulong ko, tiningnan ang kilay niyang may nakita akong sugat na bahagya lang. “Bakit ikaw?” “Bakit dito? Bakit sa amin?” Lumingon ako sa paligid ng bahay namin. Luma, sira ang ilan sa dingding, at madalas, kapag malakas ang ulan, tumutulo ang bubong. Hindi ito lugar para sa isang taong kagaya niya. Pero ngayong nandito na siya, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa sarili ko na dapat wala akong pakialam. Lumipas ang ilang oras. Hindi pa rin siya nagigising. Hinawakan ko ang mangkok ng tubig sa tabi niya at pinunasan ko ulit ang noo niya. Hindi ko alam kung tama ginagawa ko. Hindi ako nurse. Hindi ako doktor. Pero todo ingat ako. Parang natatakot akong baka masaktan ko siya. Nakakagulat na tao lang naman siya, pero parang fragile. “Gising ka na,” bulong ko, “para naman hindi ako kabado dito mag-isa.” Huminga siyang malalim. At doon ko napansin—may konting pighati sa mukha niya. Para bang kahit tulog, may binubuhat siyang mabigat sa dibdib. Napalunok ako. “Sino ka ba talaga, Adrian?” Mabagal siyang gumalaw. Napaatras ako nang konti nang marinig ko ‘yung munting ungol niya. “Ra…” mahina niyang sambit. Napakunot noo ako. “Ano po?” Huminga siya ulit nang malalim—pero hindi niya tinapos. Sinubukan niyang idilat ang mata niya pero parang mabigat pa rin ang talukap niya. “Lavender…” tawag ni Nanay mula kusina, “ayaw kumulo nitong tubig oh, pakisilip!” “Sandali lang po Nay!” sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Adrian. “Adrian,” bulong ko, “magising ka na please…” Pero hindi. Bumaling lang siya ng ulo, parang mas lalong lumalim ang tulog. Parang may tinatakbuhan siya, kahit nakahiga lang dito sa lumang banig namin. Sinapo ko ang hintuturo ko sa kanyang noo, marahan ko lang hinaplos ang bahagi na walang sugat. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kailangan ko siyang pakalmahin kahit hindi pa siya gising. “Safe ka rito,” bulong ko, mahina, parang kinakausap ang hangin. “Hindi kita pababayaan.” At hindi ko alam bakit, pero nang sabihin ko iyon, parang may bigat na umalis sa dibdib ko—at may panibagong bigat namang dumating. “Kung anong problema mo,” napabuntong-hininga ako, “sana wag mo munang dalhin dito sa amin.” Pero kung totoo man na nawawala o may naghahanap sa kanya… siguro, tulad namin—may sugat rin siya na hindi nakikita. At doon na ako napahawak sa dibdib ko, nakatingin sa kisame, habang pinapakinggan ang banayad na paghinga niya. Hindi ko alam kung paano, pero parang may parteng nagising sa loob ko… at alam ko na, kahit hindi ko sabihin nang malakas—CHAPTER 4 — AdrianMainit pa rin ang hangin mula sa apoy na nagpapatuloy pagliyab sa bungad ng kuweba, ngunit sa loob ay may kakaibang lamig na tila gumapang sa balat ni Lavender habang pinagmamasdan ang lalaking hindi pa rin bumabangon. Nakahiga pa rin si Adrian sa banig na nilatag niya kanina, nakatingin lamang sa kisame ng kuweba na para bang sinusubukang hanapin ang mga sagot doon.Tahimik muna si Lavender—hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan. Nanginginig pa rin ang dibdib niya sa eksenang halos malunod ang lalaki nung gabing iyon. Ngunit higit pa roon ang bumabagabag sa kanya ngayon—ang katotohanang wala itong maalala, kahit ang mismong pangalan nito.Pinagmasdan niya ang mukha ng estranghero. Maputi, may matangos na ilong, makapal ang kilay, at may mahabang pilik. Halatang sanay sa matitinding trabaho ang katawan nito—broad shoulders, defined arms, pero may kakaibang lambot ang ekspresyon ng mukha nito habang tulala lamang.Humugot ng malalim na hininga si Lavender a
“H–Hoy!” sigaw ko sa mga malalapit na mangingisda, kahit pa halos walang tao sa oras na ‘yun. “May tao rito! May sugatan!”May dalawang lalaki na agad lumapit—kilala ko sila, taga-baryo rin: si Mang Rudy at si Kiko.“Ano na naman ‘yan, Lavender?” sabi ni Mang Rudy, na parang laging suplado pero mabait naman talaga.“May natagpuan po akong lalaki,” halos hindi ko na hinihingal, “nalunod yata o—o may sugat sa ulo—hindi ko po alam—pero kailangan nating dalhin!”Nagkatinginan silang dalawa, tapos tiningnan ‘yung lalaki.“Naku… baka turista ‘yan,” sabi ni Kiko. “Ang dami daw nawawala kapag may bagyo.”Hindi ko na inintindi. “Pwede po bang tulungan niyo akong buhatin?”Agad naman silang lumapit at hinila ang katawan ni Adrian mula sa buhangin. Kita ko kung paano nanginginig ang kamay ko habang pinapanood sila. May dugong pumapatak sa noo niya—hindi sobra, pero sapat para kabahan ako.“Dahan-dahan po… baka lalo siyang masaktan,” mahina kong sabi.“Ngayon ka pa mag-aalala?” matigas pero may p
Chapter 2 — Adrian(Adrian’s POV)Madilim. Tahimik. At ang bigat ng katawan ko—parang may humihila pababa, pero sabay akong inaangat na parang ayaw akong pakawalan. Hindi ko alam kung saan ako dapat mapunta. Ang alam ko lang, may kumikirot sa ulo ko, malalim, kumakagat.Parang may tunog ng alon. Malapit.Saan ako?I tried opening my eyes, pero puro liwanag ang sumalubong—masakit. Parang may araw na diretso sa mukha ko. Naramdaman kong basang-basa ako, malamig ang hangin, at may buhangin sa palad ko.May boses… mahina, nanginginig.“—sino ka…?”Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, at sa harap ko, may babaeng nakatayo, nanginginig ang balikat, parang hindi sigurado kung tatakbo ba o lalapit.Mahaba ang buhok niya, nangingislap sa araw. Parang may sarili siyang liwanag.Gumalaw ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may salitang pilit lumalabas kahit hindi ko alam saan nanggaling.“A… Adrian…”Narinig ko ang boses ko—paos, mahina, halos hindi akin.“Ha?” tanong niya, parang hindi
Chapter 1 — Lavender (Lavender’s POV) Madalas kong marinig ang hampas ng alon bago pa ako magising. Ganito lagi tuwing umaga rito sa isla — hangin, alat, at ang amoy ng dagat na parang bahagi na ng balat ko. “Lavender! Anak, halika nga rito sandali!” sigaw ni Nanay mula sa labas habang tinatahi ‘yung mga lumang damit ng mga taga-baryo. Lumapit ako, hawak-hawak pa ‘yung basang buhok ko. “Bakit po, Nay?” “Puntahan mo nga tatay mo ro’n sa may tabing-dagat,” sabi niya, medyo humihingal. “Baka nakarating na ‘yung bangka nila galing pangingisda. Sabihin mo, magmeryenda muna bago magtupi ng lambat.” Tumango ako. “Opo, Nay. Dalhan ko rin po ng tinapay, ha?” “‘Wag mo kalimutan ‘yung bote ng tubig, anak,” paalala niya habang patuloy sa pananahi. “Mainit na naman ‘tong araw, baka ma-heat stroke na naman tatay mo.” Napangiti ako. “Sige po.” Bitbit ko ‘yung lumang basket na may tinapay at tubig, tapos nagsimula na akong maglakad papunta sa dalampasigan. Mahaba ang daan, puro buha
Title : The Forgotten ZillionaireBy : Yshanggabi DreameThere are nights that define you.And then there are nights that destroy every version of who you thought you were.That night… I was both the man who had everything and the man who lost it all in one breath.I held the black velvet box tightly — the ring I’d kept for months, waiting for the perfect moment to ask Rafaela to spend forever with me. She was my calm, my reason for coming home after every endless meeting. My world.Or so I thought.The restaurant was glowing — soft lights, quiet music, waves kissing the shore just beyond the glass walls. Montreux Haven. My own property. Every detail I arranged myself. For her.But when I opened the private lounge door, the world I built came crashing down.Rafaela… was in someone else’s arms.Her lips on another man’s mouth — deep, sure, deliberate.My fingers loosened. The velvet box almost slipped.I just stood there. Watching. Breathing through the ache burning in my chest.“Rafa,







