Share

Chapter 2

Nakangiting hinahalo ni Camila ang dilaw at orange na pinta upang umayon sa nakikita niyang kulay ng kalangitan tsaka niya ito ipinahid sa patapos niya nang obra. Kay gandang pagmasdan. Kuhang-kuha niya ang katiwasayan ng mala-paraisong pantalan.

Subalit sa isang iglap lamang, nagbago ang kanyang timpla. Nabitawan niya ang palete at brush na hawak niya dahilan upang sumaboy ang kulay nito sa buhangin.

Kitang-kita sa balintataw ng kanyang mga mata ang anino ng dalawang taong naglalampungan. Tumagis ang kanyang panga nang makompirma ang pagkakakilanlan ng lalaking wagas makipaglandian na animo'y walang kasintahan. Walang duda, si Luigi iyon.

Kumirot ang puso niya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa sitwasyon niya. Ilang beses niya nang pinalampas ang ganitong pangyayari sa paniniwalang mahal siya ng nag-iisang lalaking binigyan niya ng lugar sa puso niya. Marahil ay tama nga ni Jessica. Once a cheater; always a cheater.

Kinuha niya ang cellphone na nasa kanyang bulsa at dinial ang ilang kombinasyon ng numero. Maya-maya pa'y natigilan ang dalawang naglalandian nang tumunog ang cellphone ng isa sa kanila. Bahagyang lumayo ang lalaki upang tingnan kung sino ang tumawag ngunit nang makita ito ay agad naman niyang ibinulsa ang cellphone.

Tila pinilipit nang labis ang puso ni Camila matapos makita ang ginawang pagbabalewala ni Luigi sa tawag niya.

Ipinagpatuloy ni Camila ang pagtawag hanggang sa mapilitan itong sagutin ni Luigi. Inis man ay sinubukang palitan ng lalaki nang malambing na tono ang kanyang boses.

"Oh, Cuddle bear, napatawag ka?"

"Nasaan ka? Busy ka ba?"

"Ah, oo eh. Andito ako sa studio. Tinatapos ko lang photoshoot ng customer ko."

At tuluyan na nga siyang napatawa. ‘Studio? At nagawa pa talaga niyang magsinungaling!’

"Kita ko nga. Sa harap ko pa talaga kayo pum'westo," malamig na sagot niya.

Nagitla naman ang lalaki at napalibot ng tingin. Nang tumama ang paningin niya sa babaeng nakatayo sa may hindi kalayuan, dali-daling niyang nilakad ang pagitan nila.

"Cuddle Bunny, andito ka pala! Di ba nasa Palaw—"

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanyang paghinto sa harap ni Camila. "Akala mo nasa Palawan ako that's why you grab the opportunity to cheat on me? Sinabi ko na sa iyo noon, di ba? Gawin mo na ang lahat nang maari mong gawing kasalanan sa akin, 'wag lang makipagrelasyon ka sa iba. Pinatawad na kita sa una at pangalawa. Paulit-ulit na lang ba?"

“Nagkakamali ka, Camila, wala kaming relasyon ni Aleia,” depensa ni Luigi.

“Ah, talaga ba? Kaya naman pala parang linta kung makadikit sa iyo ang babaeng iyon. Wag mo nang ika-ila. Kitang-kitang ng mga mata ko, Luigi, hinalikan ka niya!”

“No. That’s not it. Hear me! Let me explain –”

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Camila. “Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko; kung paniniwalaan pa ba kita. Hindi ito ang unang beses na naghanap ka ng aruga sa iba-“

"Masisisi mo ba ako kung magagawa ko ang bagay na iyon?” pagpuputol ni Luigi. “Lagi ka na lang busy sa pagpipinta. Ni-wala ka nang oras para sa akin. Lalaki ako, Camila. Hindi mo naman binibigay ang pangangailangan ko kaya hindi mo rin ako masisi kung hanapin ko iyon sa iba."

"So, ako pa ngayon ang mali? Dahil hindi kita mabigyan ng sapat na oras kaya okay lang na lukohin mo ako, ganun? 'Wag mong ibuntong ang sisi sa akin. I am not to be blamed for your incapacity to stay loyal. Tama nga siguro si Jessica. Dahil pinapalampas ko ang mga kalukuhan mo kaya nagagawa mong gawin ito ng paulit-ulit. I already gave you enough chances, didn't I?"

"…"

"Maliit na bagay ang kakulangan sa paglalaan ng oras kung ikukumpara sa pag-che-cheat. Pasensya ka na, Cuddle Bear, hmm?" Tinapunan niya si Luigi nang pilit na ngiti saka ipinagpapatuloy ang sasabihin. "Pero pagod na ako. Pagod na ako kaka-asa na magbabago ka!"

"No, Camila, please don't say that. Hindi ko nga kasi ginawa ang iniisip mo," pagmamakaawa niya habang hinihigit nang yakap si Camila. Sa sobrang lapit niya kay Camila ay hindi maiwasang maamoy nito ang alcohol sa hininga niya. "Nangako na ako na hindi ko na uulitin, di ba? Maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko."

"At umiinom ka na rin pala ngayon. Sabi mo nang una hindi ka katulad ng papa ko pero...pero pumapantay ka na pala sa kanya." Tinanggal ni Camila ang pagkakahawak ni Luigi sa baywang niya saka hinarap siya at tiningnan mata sa mata, nangungusap at nagtatanong...bakit.

"Maghunos dili ka, Camila. We can talk this out. Ikakasal na tayo, di ba? Magsasama na tayo sa isang bubong. Kailangan natin ang tiwala sa isa’t isa. Hindi ba't pangarap mo nang magarang kasal? Ibibigay ko sa iyo iyon. Just let this one go. “

"Sana naisip mo iyan bago mo nagawang makipaglandian sa iba!" maiyak-iyak na sabi ni Camila.  "Luigi, hindi ka na batang mag-aaral na parurusahan lang tapos maya't-maya'y patatawarin na. Lalong hindi ako guro na mag-aalo sa iyo't aasang matututo ka sa pagkakamali mo. Salamat sa pangako pero sa iba mo na lang ipako. Tatapusin ko na ang katangahan ko rito. We're over, Luigi!" Pagkasabi’y tumalikod na siya at pinunasan ang luha sa mga mata.

"Sigurado ka na ba riyan, Camila?" Natigilan siya sa narinig. Sa totoo lang hindi niya alam kung kakayanin niya pero ayaw niya nang magpakatanga pa.

"Tandaan mo ako lang ang lalaking naglakas ng loob ligawan ka. Sa tingin mo makakahanap ka pa ng iba na magtatagal sa sobrang kahihinhinan at pagiging Maria Klara mo? Wala nang magtitiyaga sa 'yo kaya babalik at babalik ka rin sa akin! Nasisiguro ko iyan!" malamig at preskong singhal ni Luigi sa kanya.

Wala nang magtitiyaga sa 'yo.

Wala nang magtitiyaga sa 'yo.

Wala nang magtitiyaga sa 'yo.

Paulit-ulit na nag-echo ang sinabi ni Luigi. Gusto niyang harapin ito at sampal-sampalin. Iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman niya pero wala siyang lakas.

Wala na siyang paki-alam kung hindi na talaga matutuloy ang kasal nila. Kung ano na naman ang magiging komento ng pamilya niya at sasabihin ng iba. Malinaw nang hindi siya pinagtapos ng koleho ng kanyang ina para magpakatanga sa pag-ibig na hindi niya deserve. Wala na rin siyang pakialam kung tumanda man siyang dalaga. Mas mabuti na iyon kaysa magpasakal sa lalaking hindi marunong makuntento.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa marating ang mahabang tulay na lubid. Doon ay sinigaw niya lahat ng inis at galit sa lalaking hinayaan niyang lukohin siya sa loob ng tatlong taon. Isinumpa niyang darating ang panahon na pagsisihan ni Luigi na niloko niya siya. Ipinangako niyang kailanman ay hindi niya na ito bibigyan ng lugar sa puso niya.

Nagsisisi siyang pinatagal niya pa ito. Dapat noon pa'y nakinig na siya sa kaibigan niya. Napakatanga niya.

Lumipas ang ilang oras ng pagkabalisa at pag-iyak. Nang halos wala nang luhang lumalabas sa kan'yang mga mata ay saka lamang niya napansin na nabalot na pala ng kadiliman ang kan'yang paligid. Tanging ang mga dilaw na bombilyang nakakabit sa mga puno ang pinagmumulan ng liwanag sa paligid.

Nang bahagyang gumaan ang pakiramdam niya ay tumayo na siya, ngunit bago paman tuluyang makatalikod ay nasagi ng kan’yang paningin ang isang babaeng balisang naglalakad sa gilid ng tulay. Kung multo man iyon ay hindi ito ang tamang panahon upang takutin siya. Namamanhid pa rin ang puso niya sa natuklasan kung kaya’t wala siyang kahit na anumang maramdaman.

Balisang ipinagpatuloy niya ang paglalakad palayo nang biglang umihip nang malakas ang malamig na hangin, dahilan upang tangayin ang sumbrerong regalo sa kan’ya nang yumaong ina pabalik sa kung saan siya nakaupo kanina.

Sa paghahabol ay saka lang niya napansin na ang babaeng nakita kanina ay nakatayo na sa hangganan ng tulay at nagbabadyang magpakatihulog.

Tila bumalik ang kan’yang kaluluwa sa katawang lupa. Nahimasmasan siya sa nakita. "T-teka!" pagpipigil niya. "W-Wag mong itutuloy ang binabalak mo…"

Walang ganang ibinaling ng misteryosong babae ang paningin papunta sa kaniya. Mababakas sa maputlang mukha nito ang lungkot at kasawian.

Nanindig ang balahibo sa katawan ni Camila pero hindi niya maaatim na pabayaang gawin ng babae ang magpakamatay sa harap niya; hindi sa ikalawang pagkakataon. Hindi niya kakayanin. "W-ag mong itutuloy ang binabalak mo. Kung kailangan mo ng kausap, andito ako. M-makikinig ako," sabi niya habang bahagyang lumalapit sa babae.

Hindi siya binalingan pang muli ng tingin nito bagkus tuwid itong tumingin sa kawalan.

"M-may b-buwaya sa ilalim ng ilog na babagsakan mo. Kapag tumalon ka, hindi ka agad mamatay. Kapag natiyempuhan ka ng gutom na buwaya eh pagpipirapirasuhin ka. G-gusto mo ba ng ganoong kapait na kamatayan?"

Lumapit pa siya lalo sa babaeng tila biglang nagdawang-isip tumalon. Iniabot ni Camila ang kanyang kamay pero nagbanta pa rin ito na tutuloy sa pagpapakatihulog.

Inalo-alo niya ang babae at sinubukan ang lahat ng makakaya upang makuha ang tiwala nito.

"Miss, kung ano man ang problema mo, malalampasan mo rin iyan. Huwag kang panghihinaan ng loob at magtiwala ka lang. Matatapos din ang pinagdaraanan mo pero hindi sa paraang ito. M-minsan ang solusyon sa problema natin ay nasa pa-paligid lang. Andito ako, h-ayaan mong tulungan kita."

Tiningnan siyang muli ng babae na may bakas ng pagsusuri saka ito malamig na nagsalita. "Gusto akong ipakasal ng aking pamilya sa lalaking hindi ko naman mahal. Kaysa maikasal sa kanya at malayo sa tunay kong iniibig, nanaisin ko na lang mamatay," sigaw nito saka tumalon.

Sa kabutihang palad ay nahagip pa ni Camila ang kamay nito. Madulas at mabigat ngunit pinipilit niya pa ring hilahin ito pataas.

"Dahil lang sa bagay na iyon, sasayangin mo ang buhay mo? Kay simple-simpleng problema hindi mo kayang hanapan ng solusyon?" Pangangaral niya rito habang hirap pa ring hinawakan ang kamay ng babae.

"Solusyon?" sigaw na tanong nito. "Eh, hindi nga magawang pakinggan ng pamilya ko ang opinyon ko. Ito lang ang solusyon para matigil na sila sa pagbibingi-bingihan nila kaya bitawan mo na ang kamay ko!" naghihimutok na sigaw ng babae saka pilit na inalis ang pagkakawak ni Camila sa kamay niya.

Nagdulot ito ng sobrang bigat at sakit sa tiyan ni Camila na tumatama sa lubid na nakaharang sa kanila.

"Meron pang solusyon. Ako! Handa akong maging substitute bride kung kinakailangan huwag mo lang sayangin ang buhay mo!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status