Share

Chapter 3

Dahan-dahang bumakas ang malaking pinto kasabay ng pagtugtog ng malambing na plawta. Maya-maya pa'y lumitaw ang isang babaeng nakasuot ng magara at mahabang damit pangkasal. Hindi pa gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas.

"I swear

by the moon and the stars in the sky

And I swear

like the shadow that's by your side."

Panimulang awit ng isang napakalambing na tinig.

Lahat ng bisita ay nakatanaw lang sa babaeng nakatayo pa rin sa bulwagan, inaasahan ang paglapit upang mas matanaw pa nila nang malinaw ang mukha nitong natakpan ng puting veil.

Nanghihina ang mga tuhod ng bride, hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, kung makakatakas pa ba siya sa sakit, kung anong bukas ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng araw na ito.

"I see the questions in your eyes

I know what's weighing on your mind."

Kumirot ang puso niya nang marinig ang lyrics ng kanta. Napangiti siya nang mapait.

'Kung alam mo lang, Luigi, kung gaano ko pinangarap na maglakad sa mahabang pasilyo at humantong sa iyo...kung gaano ako kasaya nang lumuhod ka sa harapan ko at ialay ang singsing na gustong-gusto ko.'

"You can be sure I know my heart

'Cause I'll stand beside you through the years."

'Pero hindi na mangyayari iyon. Masakit sa akin na i-let go ang tatlong taon nating pagsasama, ang mga ala-alang ibinaon mo sa isip at puso ko, ngunit narito na ito at kailangan kong pangatawanan. Para sa papa ko...at para takasan ang sakit na naidulot ng pagtataksil mo.'

"You'll only cry those happy tears

and though I make mistakes I'll never break your heart."

'You did let me cry happy tears before but now it's all but pain.

You smashed my heart hundred folds now I'm but a numb damsel in distress.'

Bahagya niyang itinaas ang mga mata upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Oo't nakasuot nga siya ng magarbong damit pangkasal pero hindi siya matatali sa taong kanyang lubos na minahal.

Dumating siya sa gitnang bahagi ng aisle kung saan naghihintay ang lolo ni Lilybell. Nakausap niya na ito bago pa man sapagkat ito ang nag-briefing sa kanya ng mga bagay-bagay na dapat niyang malaman maging ang sakop ng kontratang pinapirmahan sa kanya.

Kasama rin dito ang paggaya niya sa kilos at wangis ng orihinal na Lilybell, ang babaeng iniligtas niya mula sa pagpapakamatay.

"You've given us a big favor, Camila. Rest assured that we'll support your father's medical expenses. Just make sure that they'll not know you're not the real Lilybell," pabulong na pagpapaalala ng matanda saka pinaskil ang kanyang pekeng ngiti upang masilayan ng lahat.

While walking on the red carpet toward the aisle, sinilip ni Camila ang magiging groom niya. Ngiti ang nakaukit sa labi ng dalawang matitipunong lalaking nasa magkabilang gilid, samantalang umiwas naman ng tingin ang lalaking naka-cream colored na tuxedo.

'Siya ba?' tanong ni Camila sa sarili. 'Marahil siya nga.'

Naisip niya siguro na gaya niya ay napilitan lang din ito sa kasal. Nababakas kasi sa seryoso't gwapo nitong mukha na hindi ito masaya.

"Mr. Brent Austin Myer, here, take my granddaughter, Lilybell," pagpapakilala ng lolo ni Lilybell nang huminto sa harap ng groom.

Inabot ng lalaking naka-cream colored tuxedo ang malambot at malamig na kamay ni Camila. Napuna ito ng lalaki pero hindi niya na binigyan ng pansin. Paano’y kung ano ang kasalukuyang kondisyon ng mga kamay ni Camila ay ganoon din ang mababanaag sa kanyang makinis at maputing mukha.

"I thought you're going to dump me on our wedding day," malamig na parinig nito habang naglalakad papalapit sa presider.

His deep set eyes narrowed nang tinapunan lamang siya ni Camila ng halatang pilit na ngiti. Halos maitaas nito ang makapal at maitim na kilay sa inasta ng babae.

Tiningnan niya ito nang maigi. Waring binabasa ang buong pagkatao ni Camila. Then, he did a mental smirk.

'This is going to be fun.'

Wala sa loob ni Brent ang pag-aasawa pero para makuha ang posisyon as CEO ng kompanya, kinailangan niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang lolo. He's not committed to any woman. Pampalipas oras lang niya ang mga naging kaluguyo before, well, after Sophia, ang tanging babaeng sineryoso niya ngunit iniwan siya sa hindi makatarungang dahilan.

Nagpatuloy ang seremonya habang ang bride ay malayo ang tingin. Namamanhid ang damdamin ni Camila at hirap mag-sink in sa kanya ang mga sinasabi ng presider pero may malakas na kalabog sa kanyang dibdib na nagnanais kumawala. Iniiwasan niyang tumingin kay Brent kahit pa nang nagpalitan sila ng vows at singsing. Pakiramdam niya'y lalo lamang nanghihina ang tuhod niya.

Napagod siya sa byahe, sa katunayan ay muntik na siyang hindi makaabot sa kasal. Wala rin siyang maayos na tulog dahil sa paghahabol sa araw ng kasal. Parang kahapon lang nang mapagpasyahang siya’y magiging fake bride at ngayon nga’y nangyari na.

“You may now kiss the bride,” dinig nilang sabi ng presider.

Dumating na sa puntong kailangan na siyang halikan ng groom. Napipilitan ma'y hinarap niya ito at nagkatitigan sila mata sa mata. Kay ganda sanang pakatitigan ng true sapphire eyes nito pero hindi maiwasan ni Camela ang ma-intimidate at maging uncomfortable dahil sa tingin ng mapapangasawa. Idagdag pa ang paglala ng kanina pa niyang nanginginig na mga tuhod.

'Those eyes are beautiful but why do they reflect the state of my heart? Broken. Numb,' naitanong niya sa sarili.

Ang mga mata niyang nais pang mag-usisa ay unti-unting nanlambot hanggang sa siya ay tuluyang panghinaan ng tuhod at bumagsak sa matitikas na bisig ng lalaking ngayon ay opisyal na niyang asawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status