Share

Chapter 1

Four months ago.

“Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa lalaking iyon?”

Nakatalikod man sa kaibigan ay hindi masukat ang ngiti sa labi ni Camila. Mababakas ang kilig at saya sa kanyang tinig nang sagutin ang tanong ng kaibigan. "He's masculine, charming, witty, humorous, caring at syempre…mahal ako."

“Mahal ka pero nakukuha kang ipagpalit sa iba," sabat ni Jessica na hindi natutuwa sa kabaliwan ng kaibigan. Umupo siya sa upuan na nasa gilid nito saka seryosong tiningnan ang kaibigan. "Camila, hindi ko alam kung bakit hindi ko makita ang mga katangiang ‘yan sa boyfriend mong wagas mo kung ibida."

“Correction, it’s fiancé!” Camila flexed the silver wedding ring on her ring finger and disregarded the seriousness in her bestfriend's voice. “He is just not your type of guy but he sure has everything I wish for my dream guy,” depensa ni Camila habang pinapahiran ng puti ang asul na kalangitan sa canvas niya.

Napabuntong-hininga naman si Jessica at pinuna na lang ang pinagkakaabalahan ng kaibigan. “Ano ang pinipinta mo? Iyan na ba ang ipapasa mo kay boss Harrison?"

“Hindi. Ito lang ang lugar na pangarap kong pagdausan ng kasal ko. Ipopropose ko ito kay Luigi," nakangiti niyang sabi sa kaibigan na hindi naman napigilang kitokan ang ulo niya.

"Aray naman!" angal ni Camila.

“Gaga! Desidido ka na ba talagang magpakasal sa babaerong iyon?”

Camila pouts her lips saka tumango-tango.

“Nasaan na ang sinabi mo noong never kang magpapakatanga sa lalaki, nilunok mo rin pala agad?”

"Wag kang mag-alala, Jessica. Huli na iyon dahil hindi niya na uulitin iyon," sagot niya saka binalingan ng comforting na ngiti ang kaibigan. "Nangako na siya sa akin. Ako lang daw ang nag-iisang mahal at mamahalin niya.”

Naging seryoso naman ang mukha ni Jessica sa tinuran ng kaibigan. “Camila..." sambit niya na animo'y maiiyak sa maaring kahantungan ng kaibigan. "You’re my best friend that’s why I don't want to keep things from you…”

Natigilan si Camila sa ginagawa. May kutob siya sa sasabihin ng kaibigan pero ayaw niya itong marinig kaya naman nang nagbukas ang pinto ng room niya ay nakahinga siya. Hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin dahil tumayo na si Camila.

“Hi, my cuddle bunny!” bati ng boyfriend ni Camila, si Luigi Gonzales, na may dala-dalang bouquet ng mga bagong pitas na white roses. Hinalikan niya sa pisnge ang kasintahan saka iniabot ang bulaklak.

"Thank you, snuggle bear. Look! I painted how I visualize our wedding venue. Ano sa tingin mo? Pwedi na ba ang beach wedding?"

“Whatever my cuddle bunny wants,” he says. He flashes his killer smile and squeezes Camila's pointed nose.

To Camila, Luigi's smile is like a sweet-toned orchestra swinging her joyful spirit to infinite felicity. Nagpalitan sila ng magagandang salita na animo'y nakalimutan nang may ibang tao sa room maliban sa kanila.

“I’m sorry. I can’t take the sight.” Jessica scrapes her seat and raises both palms freely in the air. “I’m gonna go now," paalam niya pero bago pa man siya makaalis ay may naalala siyang sabihin kung kaya't bumalik siya. "Oh, by the way, Camila, I know a perfect spot with picturesque scenery. I'll inform you about it tomorrow. Baka gusto mong ipinta at iyon na rin ang ipasa mo kay sir Harrison?"

"Sure," optimistikong sagot ni Camila. "Ingat ka sa pag-uwi."

Nang makaalis na si Jessica ay ibinaling ni Luigi sa kanya si Camila.

"Busy ka na naman bukas? Yayayain sana kitang lumabas."

"I'm sorry, sunggle bear. Kailangan ko nang simulang gawin ang bagong set nang ni-request ni sir na mga artwork sa akin. Baka mga apat na araw rin akong hindi makikipagkita sa iyo. Babawi ako pagbalik ko, 'wag mo akong ipagpapalit sa iba ah?"

"S'yempre hindi. Ikaw lang ang nag-iisang cuddle bunny ko. Ang babaeng pakakasalan ko at magiging ina ng mga anak ko," sambit ni Luigi. “Promise mo na you’ll make time for us after painting, okay?”

“Promise!” nakangiting sabi ni Camila na gumuhit pa ng krus sa kanyang dibdib.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Brent saka h******n ang kasintahan. Hindi man niya makakasama si Camila sa shooting project sa Batanes ay masaya na rin siya kahit papaano. Alam naman niyang ang pagpipinta ang isa sa mga bagay na nagpapasaya kay Camila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status