MasukKabanata 3
Nagsindi ng sigarilyo si Hades, ibinaba ang bintana ng kotse at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang inis at bigat ng loob niya. Pagkatapos masilip si Persephone na nawala na sa reception hall, kinuha niya ang cellphone at may tinawagan. “Alamin mo kung anong nangyari kaya pumunta rito si Persephone Ocampo.” Sa kabilang linya ay ang personal bodyguard niya na si Clifford. “Yes, sir,” sagot nito nang may paggalang. “Sabihin mo agad sa akin pag may nalaman ka.” “Yes!” Pagkababa ng tawag, umilaw ang screen saver ng phone niya. Isang batang babae na may dalawang nakatirintas. Napabuntong-hininga ang lalaki. “Little seductress, hanggang ngayon marunong ka pa rin na paikutin ako.” ‘Persephone, hihiintayin kong ikaw na mismo ang lumapit at magmakaawa. Tignan natin kung ano ang gagawin ko sa’yo!’ ani Hades sa isipan. * Sa kabilang banda naman, dumating na si Persephone sa 18th floor at huminto sa harap ng Box 1804. Tatlong beses siyang huminga nang malalim bago kumatok at pumasok. Nang makita niyang si Mr. Culimbat lang ang nasa loob, bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Lumapit siya na may ngiti. “Hello, Mr. Culimbat, pwede ba tayong mag-usap?” Medyo nagulat si Mr. Culimbat nang makita siya. “Miss Ocampo, bakit kayo nandito?” Bago pa man makapagpaliwanag si Persephone, agad na nagsalita si Mr. Culimbat, halatang nahihiya. “Miss Ocampo, pasensya na po sa nangyari tungkol sa exhibition.” Nakitaan ni Persephone ng pagiging mahinahon si Mr. Culimbat kaya hindi na niya pinilit. Alam naman niya na verbal agreement lang ang meron sila at wala pang kontratang pirmado. Kahit may kontrata pa, sa laki at kasikatan ng Fashion Exhibition Hall, madalas pa ring may mga under-the-table deals at biglang pagbabago ng usapan. Kaya dumiretso na siya sa punto. “Mr. Culimbat, gusto ko lang itanong, may kinalaman ba ito sa booth f*e?” Diretso niyang ipinakita ang kagustuhang makipag-cooperate. “Kung booth f*e ang problema, kaya naming magbigay ng same f*e, or we can even pay double.” Umiling si Mr. Culimbat, medyo nahihiya. “It’s not about money.” Napabuntong-hininga siya. “Alam mo naman, ako lang ang in-charge dito sa Southern District. Galing sa headquarters ang order, at wala akong choice kundi sundin.” Kumabog ang dibdib ni Persephone. Malinaw na may mas malakas na tao sa likod nito. Sabi nga nila, money makes the world go round, pero minsan mas mabigat pa ang hatak ng power at connections. Kaya imbes na direktang tanungin, dumiskarte siya nang palihis. “Mr. Culimbat, kaninong favor po ba ito galing sa headquarters?” Pinaliwanag niya, “I mean, kung posible lang, baka pwede kong lapitan sila mismo at makiusap na kahit kalahati lang ng booth ay mapunta sa amin. Ang alam ko po, foreign liquor ang sa kanila, samantalang sa amin white wine at yellow wine. Hindi naman siguro magkakaroon ng conflict.” Saglit na nag-isip si Mr. Culimbat, tapos kinuha ang cellphone. “Let me call them. Kung nandito na sila, mas maganda kung pag-usapan na rin natin sabay-sabay.” Ngumiti si Persephone. “Thank you in advance, Mr. Culimbat.” Tinawagan ni Mr. Culimbat si Madam Rica at in-on ang speakerphone. “Madam Rica, nandito na ba kayo?” Mula sa kabilang linya, may malakas na boses ng babae. “Mr. Culimbat, nandito na kami sa labas ng pintuan.” Pagkasabi niyon, bumukas ang pinto. Isang babaeng nasa edad kuwarenta ang pumasok, naka-burgundy suit, halatang isang strong woman. Kasunod niya ang isang babae na naka-white dress. Nanigas ang mukha ni Persephone nang makita kung sino iyon. Si Daniela! Paano ito napunta rito? Sa parehong oras, agad din siyang napansin ni Daniela. Pero kung si Persephone ay gulat na gulat, si Daniela ay kalmado. Nginitian pa siya nito. “Perry, long time no see. How have you been this year?” Nagulat si Madam Rica at tumingin kay Daniela. “Magkakilala kayo?” Ngumiti si Daniela at tumango, ipinakilala si Persephone. “Persephone Ocampo, the president of Samaniego Group.” Naliwanagan ang mukha ni Madam Rica at agad iniabot ang kamay. “Miss Ocampo, matagal na kitang naririnig, pero hindi ko alam na bata at maganda ka pala.” Tinanggap naman ni Persephone ang pakikipagkamay. “Thank you for the compliment, Madam Rica.” Sinubukan ni Daniela na hawakan pa ang kamay ni Persephone nang mas malapit, pero mabilis niya itong iniiwas. Sa harap ng pagtataka nina Madam Rica at Mr. Culimbat, pilit na nag-explain si Daniela. “Classmates kami ni Perry noong junior high. Magkakaibigan kami nang mahigit sampung taon, pero…” Bigla siyang nalungkot. “Nagkaroon ng misunderstanding kaya kami naglayo.” Habang nagsasalita, namumula na ang mata ni Daniela. Agad naman siyang kinomfort ni Madam Rica. “Kung misunderstanding lang, mas mabuting ayusin na.” “Naniniwala ako na hindi forgiving ang puso ni President Ocampo.” Ayaw namang maipit ni Mr. Culimbat, kaya sumabat din. “Yes, yes, sigurado akong maaayos ‘yan.” Muli sanang hinawakan ni Daniela ang kamay ni Persephone pero mabilis siyang tinabig nito. “Don’t touch me.” Nataranta si Daniela at nagsimulang umiyak. “Perry, friends tayo ng higit sampung taon. Gusto mo ba talagang sirain ang lahat?” Napabuntong-hininga si Persephone. Actor nga talaga, kayang umiyak on cue. Napangisi siya nang mapait. “Stop acting. It only disgusts me.” Nagningning ang mata ni Daniela pero hindi pa rin umatras. “I already apologized. I know I was wrong. I’ve been living in guilt for years. Can you forgive me?” Huminto si Persephone at ngumiti nang mapait. Nang muling itaas ang tingin, malamig na ang boses niya. “Not good.” Mas lalo pang lumakas ang iyak ni Daniela. “Perry, these past years, I’ve been living in pain every day. My heart aches whenever I think of you. Do you want me to kneel before you forgive me?” Umupo si Persephone at itinulak palapit ang upuan. “Then kneel. If you kneel, maybe I’ll forgive you.” Nagpigil ng galit si Daniela, pero sa huli, napilitang lumuhod. Agad siyang itinayo ni Madam Rica at tiningnan si Persephone nang malamig. “Miss Ocampo, don’t be unreasonable.” Napatawa nang mapait si Persephone. “Ako pa ang unreasonable? Bakit ko siya dapat patawarin gayong mali naman siya?” Nilabas niya ang phone at nilaro ito. “I’m always clear with my grudges. Kung hindi ko siya pinansin noon, ibig sabihin hindi pa timing. Pero ngayon? She betrayed me not just once. At alam naman niyang pinaka-ayaw ko ay betrayal.” Nang marinig iyon, nanginginig na si Daniela. Kahit ayaw niya, kusa siyang napaluhod ulit. “I’m sorry. I was wrong. Please forgive me.” Tumayo si Persephone at biglang nilapitan si Daniela. Bago pa man makagalaw ang iba, malakas na sampal ang ibinigay niya. SLAP! Malinaw at matunog. Napatitig si Daniela sa kanya, puno ng galit ang mga mata. Galit na itinuro siya ni Madam Rica. “Miss Ocampo, sobra ka na. She’s the spokesperson of RCI Cocktails in Philippines. Kung sinampal mo siya, parang sinampal mo na rin ang RCI.” Agad na umawat si Mr. Culimbat. “Madam Rica, calm down. Miss Ocampo, please, huwag kayong padalos-dalos. Hindi pa nga naaayos ang booth issue, mahirap pag lumala pa.” Ngumiti si Persephone at hinaplos ang namumulang palad. “That slap feels like I wasted ten years. Stand up. I forgive you for betraying our friendship.” Nanlaki ang mata ni Daniela. “What about me and Narcissus…” “He’s my soon-to-husband.” “You—” Ngumisi si Persephone. “And you should know what mistress means.” “Perry!” halos pabulong na sabi ni Daniela, puno ng panic. “You don’t want the booth anymore, right?” Ngumiti lang si Persephone. “Are you threatening me?” Hindi siya sinagot ni Daniela. “I’ll give you half of the booth. Can we erase the grudge between the three of us?” Persephone, “And what if I don’t want to?” Tumingin si Daniela kina Mr. Culimbat at Madam Rica. “Persephone, you’ve been preparing for this exhibition for six months. Do you really want Samaniego's to be ruined in your hands?” Tama ang sinabi ni Daniela. Pero hindi siya papayag na matalo ng banta. Kinuha niya ang bag at tumayo. Habang dumadaan sa tabi ni Daniela, ngumiti siya nang sarkastiko. “Half a booth isn’t worth swallowing two flies like you.” Nataranta si Daniela at hinawakan ang braso niya. “Persephone, wait—” Sa lakas ng pagkakahila, napunit ang kuwelyo ng damit ni Persephone. Agad niya itong tinakpan. “Are you crazy?” Natigilan si Daniela nang makita ang sariwang marka sa leeg niya. “Persephone… is that a hickey on your neck?”Chapter 143Tumanim sa isip ni Saul ang mga sinabi ni Narcissus.Tama.Ang pinaka-urgent ngayon ay ayusin ang problema kay Hubert, ang ticking time bomb na ‘yon.Kapag naayos na ang kay Hubert, kasabay na ring maaayos ang problema niya. Tungkol naman kay Mrs. Ocampo, marami siyang paraan para pigilan at parusahan ang pagiging malandi at magulo nito.Doon lang niya naalala sina Sandra at Narcissus.“Kayong dalawa,” tanong niya nang malamig, “paano kayo nagkatuluyan?”“Kailan pa ‘to?”Natakot si Sandra na tutol ang ama niya, kaya dali-dali siyang sumagot. “After nag-break sina Narcissus at Persephone, saka kami naging kami.”Agad namang sumingit si Narcissus. “Yes, Uncle.”“Wala na kaming feelings ni Persephone sa isa’t isa.”Matagal na tinitigan ni Saul si Narcissus bago nagsalita. “Hindi kayo bagay.”Sa totoo lang, hindi niya gusto si Narcissus.Matapos ang iskandalo ng mga malalaswang larawan at video nito na naging malaking balita noon, ayaw na ayaw niyang ipakasal ang pinakamamahal
Chapter 142Halos manginig sa galit si Saul. “Persephone, ano bang balak mo? Gagawin mo talagang ganitong kagulo ang Ocampo family?”“Masasatisfied ka lang ba kapag tuluyan mo na kaming sinira?!”Natawa si Persephone nang may pang-iinsulto. “Chairman Ocampo, mag-isip ka nga nang mabuti. Ikaw ang nagmakaawang dalhin ko si Hades dito. Hindi ko ginustong pumunta.”“Alam mo naman ang ugali ko. Maliit akong tao, mapagkwenta. Ngayong nandito na ako, hindi ko hahayaang wala akong makuha.”Saul ay napasinghap. “Ikaw—”“Hubert,” biglang singit ni Persephone.Nanliit ang mga mata ni Saul. “Ano?!”Ngumiti si Persephone, saka tuluyang inilabas ang tunay niyang pakay. “Dinampot na ng pulis si Hubert dahil sa pagbebenta ng company secrets ng Samaniego Company.”Tiningnan niya si Saul nang diretso, ramdam ang bigat ng titig nito, pero nagtanong pa rin siya na may ngiti. “Alam mo ‘to, ‘di ba?”Sumigaw si Saul, “Hindi ko alam!”“Paano ko malalaman ang mga bagay tungkol sa kumpanya mo?”Parang inaasaha
Chapter 141Sa isang malakas na “thud,” nahulog ang baso ng tubig mula sa kamay ni Saul at bumagsak sa sahig.Nabasag ito sa pira-piraso.Agad na lumapit si Mrs. Ocampo, halatang nag-aalala. “Okay ka lang ba?”“Ang clumsy mo naman. Paano kung napaso ka?”Hindi maipinta ang itsura ni Saul. Nanginginig ang mga kamay niya at matagal bago siya tuluyang nakapag-react.“Okay lang,” maikling sagot niya.Habang palihim niyang inoobserbahan ang reaksyon ni Hades, tumingin din siya kay Mrs. Ocampo. Mabilis niyang inutusan ang kasambahay na walisin ang mga bubog, saka hinila si Mrs. Ocampo palayo.“Hindi naman mainit yung tubig,” sabi niya.“Wag mong hahawakan yung mga bubog, baka masugatan ka.”Kitang-kita ni Persephone ang itsura ni Saul. Napangiti siya nang may halong pangungutya.“Mukhang kilala ni Chairman Ocampo si Hubert.”Napalingon si Saul. “Anong pinagsasasabi mo?”“Sinong Hubert? Hindi ko siya kilala.”Pagkatapos sabihin iyon, sinulyapan niya si Persephone nang mariin, puno ng babala
Kabanata 140Tumingala si Persephone at tumama ang tingin niya sa mga mata ni Hades. “Bakit mo ako tinutulak?”Masyado itong banayad gumalaw, pero ramdam na ramdam pa rin niya.Nalilito, umatras siya ng isang hakbang, pero pinigilan siya ni Hades.“Bakit ka umiiwas?”“Huwag kang gagalaw.”Persephone: “Ano bang problema?”Mahigpit na hinawakan ni Hades ang kamay niya. “Ano sa tingin mo?”Nang makita niyang tila natigilan pa rin si Persephone, napabuntong-hininga siya at yumuko palapit sa tenga nito.“Takpan mo muna.”Parang may sumabog sa utak ni Persephone, sabay-sabay ang gulo ng isip, puso, at konsensya niya.Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Hades.“Ikaw naman…”Gusto na niyang sigawan ito ng, “Bakit palagi mo akong ginaganito?!”Pero wala ring magawa si Hades. Kagabi lang ulit nangyari iyon matapos ang matagal na panahon.Hindi pa siya satisfied.Idagdag pa ang usapan nila tungkol sa “30/70 split,” at ang itsura ni Persephone kanina na umiiyak sa mga bisig niya, hindi n
Kabanata 139Napahiya lang si Persephone at itinulak siya palayo nang marinig niya ang busina ng sasakyan sa likod nila.“Mag-drive ka.”“Kailan ka pa naging ganyan ka-sentimental?!”Umupo muli si Hades sa driver’s seat, isinuot ulit ang seatbelt, at pinaandar ang sasakyan.“Sentimental talaga ako kasi may isang taong desididong ipadala ako sa impiyerno para mamatay mag-isa at hindi na mag-reincarnate.”Sa totoo lang, pinagsisihan agad ni Persephone ang mga sinabi niya.Masyadong mabigat ang mga salita. Hindi na rin niya mabawi.Kaya napabuntong-hininga na lang siya. “Kung ipagkanulo kita, pwede mo ring gawin sa akin ‘yon. Hayaan mo rin akong mamatay mag-isa at hindi makapag-reincarnate.”Ngumiti si Hades. “Sa tingin ko, hindi ko kakayaning gawin ‘yon.”Tumingin si Persephone kay Hades. Nang makita niya ang ngiting puno ng lambing, parang gusto na naman niyang umiyak.“Hades, huwag ka nang ganyan.”Kahit anong anggulo, parang sobra-sobra na ang pagmamahal niya sa kanya.May init na ku
Kabanata 138“Hades, sobrang manyak mo!”Akala ni Persephone, mali lang ang dinig niya.Kung hindi, paano nangyari na ang dignified na pinuno ng Zobel de Ayala Group, ang CEOe ng ZDA, at ang tagapagmana ng pamilyang Zobel ay bumagsak sa ganitong level?!Aminado siya, sa nakaraang anim na buwan, halos hindi sila nagkasama.Pero kung tutuusin, sa isang buong taon bago iyon, hindi naman niya siya pinabayaan.“Kailan ka pa nagtiis nang ganito katagal?”Sobrang flirtatious ni Hades ngayon na literal siyang napatigil.Sa totoo lang, natakot si Persephone. Pakiramdam niya, balang araw, baka talagang mamatay siya nang maaga… sa kama.Natatawang sagot ni Hades sa galit niya, “Sagutin mo lang ako. Yes or no?”Habang naglalakad papunta sa elevator, tinakpan ni Persephone ang phone speaker.Baka may makarinig sa mga “nakakagulat” na sinasabi ni Hades.Tutal, pera naman ni Saul ang kukunin nila.Libre na nga, bakit hindi pa samantalahin?Ang problema lang, kailangan pa niyang ibigay ang 30% kay Ha







