LOGINTHE GODFATHER CHAPTER 62LOGAN’S POV“Logan..” Napalingon ako kay Angela, nang magising siya. Balak ko sanang tumayo, para tawagan ang tauhan ko, pero mukhang hindi ko ito matawagan, dahil ito gising na naman siya at tiyak na susunod na naman siya sa akin kung lalabas ako. “Saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin, habang tumayo. “Kukuha lang ako ng tubig sa baba.” Sagot ko, habang binuksan ang pinto. “Bumalik ka agad, baka magising ‘tong anak mo.” Wika niya, habang tumango ako sa kanya. Nang makababa ay agad akong kumuha ng tubig. Hindi ko nadala ang phone ko, dahil nagising si Angela, kaya hindi ko matawagan ang tauhan ko. KINABUKASAN ay maaga akong nagising para pumunta sa opisina. Kailangan ko ring agahan, dahil balak kong kausapin si Mara. “Papasok ka sa opisina?” Napalingon ako kay Angela, dahil sa tanong niya sa akin. “’Wag mong sabihin na wala ka nang balak na papasukin ako?” Tanong ko, habang nilapitan niya ako. “Alam mo naman ang anak mo, hahanapin ka no’n.” “Ako na an
THE GODFATHER CHAPTER 61LOGAN’S POV“Daddy!” Malawak akong napangiti, habang nakikita ang Anak kong si Audrey, na tumatakbo papalapit sa akin. “’Wag kang tumakbo Baby, baka madapa ka!” Saway ko sa kanya, habang sinalubong siya. Nasa airport kami, dahil sinundo nila ako. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. “Na-miss mo ba si daddy?” Tanong ko, habang mabilis siyang tumango sa akin. “Kaya nga kanina pa kami rito, dahil gusto niyang aabangan ka babe.” Ngumiti ako at tumingin kay Angela, dahil sa kanyang sinabi. “Akala ko kasi nando’n pa kayo sa probinsya.” “Naku! Ayaw ng anak mo ro’n, dahil ikaw ang hinahanap.” Nailing ako, habang may ngiti pa rin sa labi ko na tumingin kay Audrey. “Naging pasaway ka pala kay mommy?” Tanong ko sa kanya, habang pilya na umiling ang Anak ko. “Kita mo, mana talaga sa ‘yo..” Iling na wika ni Angela, habang pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko, habang nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa kotse. “Sa
THE GODFATHER CHAPTER 60LOGAN’S POV“’Wag kang mag-alala Baby, uuwi na si daddy, at bibilhin ni daddy ang lahat ng gusto mo, kaya ‘wag ka nang umiyak..” malambing kong wika sa kanya, sa phone. “Pangako mo ‘yan daddy..” “Oo Baby, kaya ‘wag ka nang umiyak,” sagot ko sa kanya. “Daddy, ayokong may iba kang anak ha! Gusto ko ako lang ang anak ninyo ni mommy.. “ natigilan ako, dahil sa narinig ko mula sa kanya. “Naririnig mo ba ako daddy?” “Oo Baby, ‘wag kang mag-alala, dahil wala ng balak si daddy, na susundan ka pa.” Sagot ko, habang mabilis siyang nagpa-alam sa akin. Napa-upo naman ako sa sofa, habang binaba ko ang phone ko. “Paano nalang kung totoo ang hinala ko, na Anak ko rin si Sandy...” “Sir..” Napatingin ako sa pinto, nang marinig ko ang katok ng tauhan ko, kaya agad akong tumayo at binuksan anh pinto. “Ito na po ang resultant sir.” Wika niya, habang inabot sa akin ang isang brown envelope. Agad ko itong kinuha, at isinara muli ang pinto. Bang makita ko ang laman, ay hin
THE GODFATHER CHAPTER 59LOGAN’S POV“Nang makita kong nakatulog na si Sandy, ay agad na akong lumabas sa silid nito, dahil nakaramdam na rin ako ng antok. Nang makita ko si Mara na naka-upo at may binabasa ay agad ko siyang nilapitan. “Tulog nas siya, aalis na ako.” Wika ko, habang nag-angat si Mara ng kanyang mukha at tiningnan ako. “Salamat sa pakikipaglaro mo sa kanya.” “Wala ‘yon, babae rin kasi ang Anak ko, kaya pareho lang sila ng gusto,” sagot ko habang napansin ko ang lungkot sa mukha niya. “Kasali ka rin ba sa meeting bukas?” Tanong ko, habang tumango siya sa akin. “Sabay nalang tayong umuwi, mukhang pareho lang din tayo ng schedule.” “Hanggang bukas lang kami rito,” sagot sa akin ni Mara, habang bigla akong nakaramdam nang lungkot, iwan ko ba hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, dahil kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na layuan siya, ay mukhang hindi ko na naman ito magagawa ngayon, lalo na at nakikita ko siya.“Kung gano’n, pwede ko bang yayain kayong
THE GODFATHER CHAPTER 58LOGAN’S POV“Habang namimili ako ng laruan, para kay Audrey ay bigla kong naalala ang anak ni Mara at Nathan, kaya naisipan ko nalang na bilhan din ito ng lauan. Nang matapos akong mamili, ay tinawagan ko ang tauhan ko, para ipahanap kung saang hotel sila nag-stay. Gusto ko kasing ibigay ngayon sa bata, ang mga binili ko.“Sa hotel na tayo,” utos ko sa driver ko, matapos akong makapasok sa loob ng kotse. Narinig ko naman ang tunog ng phone ko, kaya mabilis ko itong sinagot. “Daddy!” malawak akong napangiti, habang narinig ko ang boses ng Anak kong si Audrey. “Daddy, uuwi kana?” tanong niya sa akin, kaya bigla akong nakaramdam nang lungkot, dahil kahit gugustuhin kong umuwi agad ay hindi pa pwede, dahil may apat na meeting pa akong dadaluhan, at kailangan ko pang puntahan ang ibang negosyo ko rito. “’Wag kang mag-alala Baby, malapit ng umuwi si daddy pero hindi muna ngayon, dahil may work pa si daddy.” “Sige, basta uwi ka agad daddy, kapag tapos na ang wo
THE GODFATHER CHAPTER 57LOGAN’S POV“May anak na pala kayo?” “Opo ninong, magka-edad lang yata sila ng anak niyo ni ninang.” Wika ni Nathan, habang muli siyang napatingin sa bata. “Bakit kayo nandito ninong?” “May meeting ako sa ibang bansa, kaya rito muna ako sa hotel.” “Bakit ang aga niyang nagising?” “Naghahanap siya, ng pagkain ninong kaya lumabas kami,” sagot niya sa akin, habang napatingin ulit ako sa bata. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. “Sige ninong, aalis na kami.” Paalam niya sa akin, habang tumango ako. Nang maka-alis sila ay agad ko na ring pinuntahan ang silid ko, para makapag-pahinga. “Daddy!” malawak akong napangiti, nang marinig ko ang boses ng Anak ko, sa phone. “Daddy, kailan ka uuwi? Gusto ko rito ka..” hindi ko mapigilan na ma-miss si Audrey, habang naririnig ko ang boses niya. Parang gusto ko nang umuwi at buhatin ang siya.“’Wag kang mag-alala, Baby, uuwi agad si daddy, kapag tapos na ang trabaho ko.” “Daddy! Bilhan m







