Share

The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)
The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)
Author: Georgina Lee

Chapter 1

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-10-11 22:20:51

"Your son is suffering from a high risk acute lymphoblastic leukemia, Miss Aurelio..."

Umawang ang mga labi ni Natalie sa kanyang narinig mula sa doctor na kanyang kaharap. Halos hindi maiproseso ng kanyang utak ang impormasyon na inilahad ng doctor sa kanya.

Dahan-dahan siyang napalingon kay Nigel na kasalukuyan na nakahiga sa ibabaw ng hospital bed. Limang taon palang ang anak niya tapos may malaking dagok na sa buhay nito.

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya at sinalubong ang mga mata ng doctor. "A—ano po ang pwede kong gawin para gumaling ang anak ko, Doc?" Nanginginig ang boses niyang tanong.

Inayos ng lalaking doctor ang salamin nito bago nagsalita. "Kailangan dumaan sa seryosong gamutan ang anak mo, Miss Aurelio. And the treatment isn't just one go. Buwan-buwan siyang dadaan sa treatment hanggang sa gumaling siya mula sa kanyang sakit."

Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. "Magkano naman po ang gagastusin kung sakali, Doc?" Muli niyang tanong.

"Tatapatin na kita, Miss Aurelio, your son will be needing an initial one million pesos for the treatment and as time goes by, the payment will increase depending on the patient's needs for additional treatments and chemotherapies."

Muli siyang natahimik. Isang milyon para sa paunang lunas? Saan naman siya kukuha ng ganun kalaking halaga? Isa lang siyang ordinaryong mamamayan na nagtatrabaho bilang isang cashier sa convenience store na malapit sa inuupahan niya.

"Pero wala pa po akong pera na ibabayad para sa pagpapagamot sa kanya, Doc."

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang doctor bago ito muling nagsalita. "I can refer you to the hospital's medical social worker so you can explore available assistance. But Miss Aurelio, I will just remind you, kailangan na mapagamot agad ang anak mo dahil delikado ang sakit niya."

Sa ikawalang pagkakataon ay sinulyapan niya si Nigel na ngayon ay gising niya. Dali-dali siyang lumapit sa kanyang anak at hinawakan ang kamay nito.

"Mama..." Mahina nitong sambit.

Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago hinalikan ang kamay ni Nigel. "Nandito lang si Mama, anak. May masakit ba sa'yo? May gusto ka bang kainin?" Masuyo niyang tanong.

Parang dinudurog ang puso niya sa labis na awa na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Masiglahing bata si Nigel subalit nang magsimula na ang sakit nito, naging matamlay na ang anak niya. Ang dating malusog at mamula-mula nitong pisngi at labi, ngayon ay naging maputla at nauwi sa payat na katawan.

Marahan na umiling si Nigel. "Wala po. Uwi na tayo, Mama."

Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Okay. Uuwin tayo ngayon din," aniya at agad na inasikaso ang bill nila sa ospital.

Mabuti nalang at may kaunti pa siyang savings sa kanyang bangko mula sa sweldo niya nitong mga nagdaang taon. Subalit hindi naman iyon magkakasya para sa magiging gamutan ni Nigel sa susunod na araw.

Pagdating niya sa inuupahan niyang bahay, agad siyang dumiretso sa kanyang kapitbahay at malapit na kaibigan na si Alana.

"Nat, kumusta? Anong nangyari kay Nigel? Ayos lang ba siya?" Sunod-sunod nitong tanong.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago ikinuwento sa kanyang kaibigan ang tungkol sa naging sakit ng kanyang anak.

"Ano ng gagawin mo ngayon?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Alana sa kanya.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Maghahanap ako ng pera, Alana. Kailangan na maipagamot ko si Nigel sa mas lalong madaling panahon. At kakailanganin ko ang tulong mo, Alana. Habang maghahanap ako ng pera, pwede bang... pwede bang dito muna sandali si Nigel?"

Agad namang tumango ang kanyang kaibigan. "Walang problema, Nat. Gawin mo na kung ano ang kailangan mong gawin. Ako na muna ang bahala sa inaanak ko."

Maluha-luha siyang ngumiti bago yumakap kay Alana at nagpasalamat. Alam niyang abala din ang kaibigan niya lalo pa't may dalawa itong anak na halos kasing edad lang ni Nigel subalit bukod kay Alana, wala na siyang iba pang mahingan ng tulong dahil wala narin naman siyang pamilya.

Matapos makapagpaalam kay Nigel, umuwi siya sa inuupahan nila at hinalungkat ang kanyang drawer para maghanap ng pwede niyang maibenta. Ilang sandali pa'y nadampot niya ang isang pamilya na kwintas. May pendant iyong hugis puso at may initials na dalawang letra.

N & N...

Pikit mata niya iyong inilagay sa kanyang bag kasama na ang iba pang alahas na pwede niyang maibenta.

Pagkatapos niyang manggaling sa pawnshop, pumunta siya sa bawat kakilala niya na pwede niyang mahiraman ng pera. Nakalimutan na nga niya ang hiya, ang importante ay maipagamot niya ang kanyang anak.

Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa isa pa niyang kakilala na nagpapagihiram ng pera nang makatanggap siya ng tawag mula kay Alana.

"Natalie! Kailangan mong umuwi! Si Nigel ayaw na matigil sa pag-iyak at sobrang taas na ng lagnat!"

Mula sa kabilang linya, dinig niya ang pamilyar na iyak ng kanyang anak. "Okay. Pauwi na ako!" Aniya at agad na pinatay ang tawag.

Mabilis siyang sumakay ng traysikel at nagpahatid sa kinaroroonan ni Nigel. Pagdating niya doon, inaapoy nga ng lagnat ang bata kaya ng sinabi ni Alana. Nagkaroon narin ng ilang pantal-pantal ang balat nito sa braso at binti.

"Mama... masakit po katawan ko," humihikbi at nahihirapan nitong bigkas.

Marahas niyang pinahid ang mga luhang kumawala sa kanyang pisngi. "Wag kang mag-alala. Dadalhin ka ulit ni Mama sa ospital para mawala na ang sakit," alo niya dito at mabilis itong binuhat palabas ng bahay ni Alana.

Muli niyang ibinalik si Nigel sa ospital kung saan sinuri ito ng mga doctor. Halos hindi naman siya mapakali habang naghihintay ng resulta sa labas ng emergency room.

Maya-maya pa'y lumabas ang pamilyar na doctor na siyang nag-asikaso sa kanyang anak kanina. "Miss Aurelio, your son's condition is getting worse. Kailangan na niyang sumailalim sa treatment dahil maaaring magkaroon ng iba pang kumplikasyon ang sakit niya ngayong mahina ang immune system ng bata," seryoso nitong turan.

Muling nalaglag ang maasahan luha mula sa kanyang mga mata bago siya napatingin sa bag na kanyang dala. Seventy five thousand palang ang pera na naipon niya at ang kalakihan doon ay mula sa kwintas na ibinenta niya. Kahit saang anggulo tingnan, kulang na kulang parin iyon para sa gamutan ni Nigel. Subalit hindi naman siya pwedeng sumuko.

Mula sa unahan ng waiting area, natanaw niya sa unahan ang isang TV kung saan isang pamilyar na pigura ang lumitaw at kasalukuyan na nagbibigay ng pahayag sa harapan ng mga reporters.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag na kanyang dala kasabay ng pagpasok ng isang ideya sa kanyang isipan. Kailangan niyang iligtas ang anak niya at handa siyang gawin ang lahat sa abot ng kanyang makakaya.

At iisang solusyon lang ang sa ngayon ay naiisip niya. Ang ipaalam sa ama ni Nigel ang tungkol sa kalagayan nito. Kailangan niyang makausap si Nyle Emmanuel Barcelona—ang ama ng anak niya…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 5

    "Ano?" Halos pabulong niyang tanong."C'mon Natalie... Stop acting like you don't hear me at all. My words were loud and clear. In order for you to be with my son, you have to marry me," nakangisi nitong wika.Umawang ang kanyang mga labi habang nakatingin sa mukha ni Nyle. Kung ang iba, matutuwa at maglulupasay sa kilig pero siya hindi. Dahil sigurado siyang kaakibat ng alok nito ang pagdurusa niya.Marahan na pinasadahan ni Nyle ang kanyang mukha gamit ang likod ng daliri nito. "Even if I hate you, you still could be useful to me," makahulugan nitong bigkas.Mabilis niya iniiwas ang kanyang mukha mula sa kamay nito nang sa ganun, matigil ang pagdapo ng balat nito sa kanya."You're a monster!" May diin at nanginginig ang boses niyang bigkas."This monster can save the life of the person you cared the most, Natalie," anito bago tumayo.Ngayon ay nakatingala na siya sa lalaki habang nakatunghay naman ito sa kanyang na para bang diyos na niluluhuran niya.May hinugot si Nyle mula sa wal

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 4

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Natalie sa narinig. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitiwan ni Nyle.“Hindi mo puwedeng gawin iyon,” mahina ngunit mariin niyang sagot. “Ako ang nagpalaki sa kanya. Ako ang kasama niya sa bawat araw at kahit na ngayong nagkasakit siya. Hindi mo siya pwedeng basta nalang kunin sakin!” Halos maghisterikal na niyang bigkas.Umangat ang sulok ng labi nito kasabay ng isang nakakalokong ngisi. “Then perhaps you should have thought about that before you decided to keep him from me.”“Hindi ko siya itinago sa iyo!” mariin niyang pagtutol. “Hindi mo alam na buntis ako noon!”“Because you made sure I wouldn't find out!”Napailing nalang si Natalie. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paniniwala ng lalaki. Kahit anong sabihin niya, tila nakahanda na itong hatulan siya nang hindi man lang pinakikinggan ang kaniyang panig.“Please, Nyle. Huwag mong idamay si Nigel sa galit mo sa ak

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 3

    "Doc? Kumusta po ang anak ko? Ayos lang ba siya? Bakit siya nagkaroon ng seizure?" Significant na tanong ni Natalie nang makarating siya sa ospital.“Stable na ang kalagayan niya sa ngayon, Miss Aurelio. Pero sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung ano ang magiging takbo ng kanyang kondisyon hangga't hindi natin nakukuha ang resulta ng mga pagsusuri," paliwanag ng doctor."Please Doc, gawin niyo po ang lahat para gumaling ang anak ko," puno ng pagsusumamo niyang wika.“Gagawin namin ang lahat ng nararapat para sa kanya. Pero kailangan ko ring ipaalala sa inyo na ang leukemia niya ay nangangailangan ng tuloy-tuloy at agarang paggamot. Hindi natin puwedeng ipagpaliban ang kanyang cancer treatment.”Napayuko si Natalie. Alam na alam niya iyon. Iyon mismo ang dahilan kung bakit siya lumapit kay Nyle—dahil hindi na niya kayang sagutin ang mga gastusin para sa pagpapagamot ni Nigel.Pero sa naging takbo ng pag-uusap nila kanina, mukhang mahihirapan siya na kumbinsihin ang lalaki.Nang magpa

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 2

    “Maganda ang resulta ng trust rating mo ngayong buwan, Gov,” ani Janus, ang personal assistant ni Nyle, habang naglalakad sila sa hallway ng kapitolyo. Hawak nito ang tablet kung saan nakatala ang pinakabagong ulat tungkol sa gobernador.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nyle. “That's good to hear.”Akmang papasok na siya sa kaniyang opisina nang makarinig sila ng nagmamadaling mga yabag mula sa likuran. Unang lumingon si Janus, dahilan upang mapahinto rin si Nyle nang makita ang isa sa mga security personnel na papalapit sa kanila.“What is it?” tanong ni Janus.“Gov, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas. Sinabihan ko na po siyang hindi kayo puwedeng makausap ng walang appointment, pero ayaw pong umalis,” paliwanag ng security.“Ano raw ba ang sadya niya?” kunot-noong tanong ni Nyle.“May sakit daw po ang anak niya at kayo lang daw po ang makatutulong sa kaniya.”Napabuntong-hininga si Janus bago muling hinarap ang security. “May mga ahensya naman tayong puwedeng mag-

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 1

    "Your son is suffering from a high risk acute lymphoblastic leukemia, Miss Aurelio..."Umawang ang mga labi ni Natalie sa kanyang narinig mula sa doctor na kanyang kaharap. Halos hindi maiproseso ng kanyang utak ang impormasyon na inilahad ng doctor sa kanya.Dahan-dahan siyang napalingon kay Nigel na kasalukuyan na nakahiga sa ibabaw ng hospital bed. Limang taon palang ang anak niya tapos may malaking dagok na sa buhay nito.Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya at sinalubong ang mga mata ng doctor. "A—ano po ang pwede kong gawin para gumaling ang anak ko, Doc?" Nanginginig ang boses niyang tanong.Inayos ng lalaking doctor ang salamin nito bago nagsalita. "Kailangan dumaan sa seryosong gamutan ang anak mo, Miss Aurelio. And the treatment isn't just one go. Buwan-buwan siyang dadaan sa treatment hanggang sa gumaling siya mula sa kanyang sakit."Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. "Magkano naman po ang gagastusin kung sakali, Doc?" Muli niyang tan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status