Share

Chapter 2

Penulis: Georgina Lee
last update Tanggal publikasi: 2026-10-11 22:21:19

“Maganda ang resulta ng trust rating mo ngayong buwan, Gov,” ani Janus, ang personal assistant ni Nyle, habang naglalakad sila sa hallway ng kapitolyo. Hawak nito ang tablet kung saan nakatala ang pinakabagong ulat tungkol sa gobernador.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nyle. “That's good to hear.”

Akmang papasok na siya sa kaniyang opisina nang makarinig sila ng nagmamadaling mga yabag mula sa likuran. Unang lumingon si Janus, dahilan upang mapahinto rin si Nyle nang makita ang isa sa mga security personnel na papalapit sa kanila.

“What is it?” tanong ni Janus.

“Gov, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas. Sinabihan ko na po siyang hindi kayo puwedeng makausap ng walang appointment, pero ayaw pong umalis,” paliwanag ng security.

“Ano raw ba ang sadya niya?” kunot-noong tanong ni Nyle.

“May sakit daw po ang anak niya at kayo lang daw po ang makatutulong sa kaniya.”

Napabuntong-hininga si Janus bago muling hinarap ang security. “May mga ahensya naman tayong puwedeng mag-asikaso sa mga nangangailangan ng medical assistance. Doon mo siya i-refer. Sigurado akong matutulungan siya.”

“Iyon na nga po ang sinabi ko, Sir Janus, pero ayaw pong makinig. Gumagawa na nga po ng eksena sa labas at nakukuha na ang atensiyon ng mga taong napapadaan.”

“Ako na ang kakausap sa kaniya,” anang assistant, ngunit napahinto ito nang iangat ni Nyle ang isang kamay.

“No need. Ako na ang lalabas.”

“Pero, Gov, baka—”

“I am a public servant, Janus. It's part of my job to listen to the people,” seryosong sagot ni Nyle.

Wala nang nagawa si Janus kundi sumunod sa kaniyang boss na naglalakad na palabas ng kapitolyo.

Pagdating nila sa reception area, agad na napansin ni Nyle ang isang babaeng nakatalikod sa kanila. Napapalibutan ito ng ilang security personnel na halatang hindi na alam kung paano ito pakalmahin.

“What's going on here?”

“Gov,” halos sabay-sabay na bati ng mga tauhan.

Dahan-dahang lumingon si Natalie nang marinig ang pamilyar na boses.

Halos anim na taon na ang lumipas mula nang huli niyang marinig iyon, ngunit hindi niya inakalang muling maririnig niya ito nang ganito kalapit. Gayunpaman, wala siyang panahong namnamin ang sandaling iyon. Hindi ang nakaraan ang dahilan ng pagpunta niya roon, kundi ang buhay ng kanyang anak.

Nang tuluyan siyang humarap kay Nyle, halos mawalan siya ng hininga.

Minsan na niyang nakita ang lalaki sa telebisyon, ngunit ibang-iba pa rin ang pakiramdam kapag kaharap na niya ito. Mas tumindi ang presensiya nito, at ang dating pamilyar na mukha ay tila mas naging banyaga sa paglipas ng mga taon.

Subalit nang magtagpo ang kanilang mga mata, mabilis na naglaho ang anumang bahid ng pagkagulat sa mukha ni Nyle. Napalitan iyon ng malamig na ekspresyon, patunay na hindi ito natutuwa sa kanyang presensya.

Ilang beses siyang napalunok.

Kanina lamang ay paulit-ulit niyang inensayo sa isip ang mga sasabihin niya. Ngunit ngayong kaharap na niya si Nyle, tila naglaho ang lahat ng iyon.

“Leave us,” malamig na utos ng gobernador.

Agad na nagsialisan ang mga tauhan, pati si Janus, at iniwan silang dalawa sa reception area.

Nang matiyak na wala nang ibang nakikinig, ibinaling ni Nyle ang malamig na tingin kay Natalie.

“What are you doing here?”

Humugot siya ng malalim na hininga. “Kailangan ko ng tulong mo—”

“If it's about medical assistance, my secretary can accommodate you. There's no need for you to look for me or cause a scene here in the capitol. My services are for the people of Santa Catalina, and you are not exempted from them.”

Pagkasabi niyon, tinalikuran siya ni Nyle.

Agad na kumilos si Natalie at hinawakan ang braso nito.

Nanigas ang lalaki bago marahas na inalis ang kanyang kamay. Tiningnan siya nito na para bang nadumihan ito sa simpleng paghawak niya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Madiing tanong ng lalaki.

“I'm sorry, pero may kailangan akong sabihin sa iyo, Nyle.”

Pinilit niyang lakasan ang loob.

Kung hindi lamang dahil sa anak niya, hinding-hindi na siya lalapit sa lalaking ito. Mas gugustuhin pa niyang harapin ang lahat nang mag-isa kaysa muling humingi ng tulong sa taong minsan ng dumurog sa kanya.

Ngunit buhay ni Nigel ang nakasalalay. Wala siyang karapatang unahin ang sariling pride.

“May sakit ang anak ko.” Saglit siyang natigilan, saka itinama ang sarili. “I mean, may malubhang sakit ang... ang anak natin. Kailangan niya ng tulong mo.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Nyle. Ang lamig sa mga mata nito ay napalitan ng nag-aapoy na galit.

“What the fúck are you saying?!”

Napayuko si Natalie. Alam niyang hindi siya basta paniniwalaan ng lalaki, ngunit kailangan niyang subukan.

“Nagsasabi ako ng totoo, Nyle. May anak tayo, at nanganganib ang buhay niya ngayon. Please, kailangan ko ng tulong mo.”

Mabilis na lumapit si Nyle, animo'y nais tiyaking hindi siya nagkamali ng dinig. Marahas nitong hinawakan ang braso niya at mariing pinisil.

“After what you did to me in the past, you expect me to believe you?” Madiin nitong tanong. “You bítch! Ano ba talaga ang kailangan mo? Pera? Dream on! Wala kang makukuhang kahit isang kusing mula sa akin!”

Napangiwi si Natalie sa sakit, ngunit pinilit niyang huwag magpadaig sa takot.

Akmang sasagot siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang masulyapan niya ang screen, nakita niyang ang doktor ni Nigel ang tumatawag. Hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin iyon.

“Miss Aurelio, you need to return to the hospital immediately. Your son has just experienced a seizure. We're treating him now, but his condition requires urgent attention.”

Nanlamig ang buong katawan ni Natalie.

“S—seizure?” nanginginig niyang ulit. “Doc, kumusta po siya?”

“We're attending to him right now. Please come back to the hospital as soon as possible.”

“O—okay. Papunta na ako.”

Agad niyang ibinaba ang tawag. Wala na siyang pakialam kung ano ang magiging reaksyon ni Nyle. Kumawala siya sa pagkakahawak nito at mabilis na tumakbo palabas ng kapitolyo upang maghanap ng taxi.

Naiwang nakatayo si Nyle habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ni Natalie.

Seeing her again after all these years did nothing to ease the fury he had carried for so long. Sa halip, lalo lamang bumalik sa isip niya ang nakaraan at ang galit na nararamdaman niya.

Napabuntong-hininga siya at akmang babalik na sa loob ng kapitolyo nang muling umalingawngaw sa kanyang isip ang mga salitang binitiwan ni Natalie.

"May anak tayo, at nanganganib ang buhay niya ngayon. Kailangan ko ng tulong mo...'

Mariin siyang napapikit.

What the fucking trick is she pulling this time?

Maaaring nagsisinungaling si Natalie. Maaaring isa na naman itong pakana upang makakuha ng pera mula sa kanya. Ngunit paano kung totoo ang sinabi nito?

Hindi niya malalaman ang sagot kung mananatili lamang siya roon.

“Janus, cancel my remaining appointments,” utos niya sa assistant nang makalapit ito.

“Gov?”

“I'm going somewhere.”

Hindi na naghintay ng tugon si Nyle. Agad siyang nagtungo sa kaniyang sasakyan at pinaandar iyon.

Kung talagang may anak silang dalawa, gusto niyang makita ito sa sarili niyang mga mata. At kung nagsisinungaling si Natalie, sisiguraduhin niyang hindi na ito makalalapit muli sa kanya.

Sa iisang bagay lamang siya sigurado: hindi niya hahayaang lokohin siya ng babaeng minsan nang sumira sa kanya!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 84

    Kinunutan niya ito ng noo. Hindi ba nito kayang maunang matulog at kailangan pa talaga siyang hanapin? O baka naman..."What? You're not going to sleep?""If you want have séx with me just tell me straight to the point. Hindi mo na ako kailangan na sabihang matulog na," diretsahan niyang bigkas.Kita niyang nagulat si Nyle sa naging sagot niya at maya-maya pa'y mahinang natawa. "Ako ba talaga ang may gustong makipagséx o ikaw? As far as I have remembered, I haven't mentioned that thing since I have come home," anito sa mapaglarong boses.She saw how amused Nyle is based on his reaction. Lumunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan subalit hindi siya nag-iwas ng tingin at matapang na hinarap si Nyle."Hindi ba't iyon naman ang role ko dito sa bahay mo?"Unti-unting nawala ang ningning sa mga mata nito maging ang ngiti sa labi nito. "I was about to ask you that thing pero nawalan na ako ng gana," masungit nitong sagot at tiwala na siya.Nakahinga siya ng maluwag nang mawala

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 83

    "What do you mean by that earlier?" Tanong ni Nyle nag silang dalawa nalang ni Natalie ang naiwan sa loob ng kitchen.Hindi na nag-abala pa si Natalie na lumingon at ipinagpatuloy lang ang paghuhugas ng pinggan.Nakaramdam naman ng inis si Nyle sa pambabalewala sa kanya ng babae kaya naman hinawakan niya ang braso nito at pilit itong pinaharap."I'm asking you a question, Natalie!" May diin niyang bigkas.Humugot ng malalim na paghinga si Natalie bago sinalubong ang naniningkit na mga mata ni Nyle. "Ano na naman bang problema mo, Nyle?""Can you stop acting coy? Alam mo kung ano ang ibig kong sabihan, Natalie."Ilang sandali pa niya itong tinitigan bago siya walang buhay na natawa. "Ano bang meron sa sinabi ko? Totoo naman na hindi na ako kumakain ng cupcakes. Dapat mo bang ikagalit yun?""Yes. Dahil sinasadya mo talagang hindi kumain dahil magrerebelde ka sakin. Am I right? Stop acting like I don't know anything about you, Natalie. We've been together before."Napakurap-kurap siya.

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 82

    Napatingin si Natalie sa may pinto nang marinig niya ang ugong ng sasakyan mula sa labas. Maging si Nigel ay ganun din ang naging reaksyon."Mama, nandito na si Giant Friend," anito habang nakatingin sa may pinto.Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Gusto mo ba siyang salubungin?" Masuyo niyang tanong.Napalingon si Nigel sa kanya at ilang beses pang napakurap-kurap bago nagsalita. "Gusto ko po, Mama."Lumapit siya kay Nigel at tinulungan itong bumaba sa silya kung saan ito nakaupo. "Dahan-dahan lang sa paglalakad ha. Baka mahilo ka at madulas," paalala niya.Tinanguan lang siya nito at mabilis na naglakad palabas ng kusina. Hinatid tanaw pa niya si Nigel at nang makita niyang bumukas na ang pintuan sa salas, saka palang siya bumalik sa kanyang ginagawa."Hello Giant Friend!" Bahagyang nagulat si Nyle nang makita si Nigel na nakatayo sa kakabukas lang na pinto pero saglit lang iyon at agad din siyang lumapit sa bata saka ito dinala sa kanyang mga bisig."Hello there little man? How w

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 81

    Inilapag ni Knoxx ang hawak niyang kubyertos dahilan para lumikha iyon ng ingay na nakakuha ng atensyon ng dalawa."Hey, that's foul Cilian. How could you advise him with something like that," reklamo ng nakababata niyang kapatid.Sarkastiko namang natawa si Cilian. "Then tell me what's worse, making her fall inlove to get even or her sleeping around while dating Nyle? Care to tell me the answer?""It's making her fall inlove dude. I basically slept with any women and I don't see any problem with that. It also applies to women. No double standards.""Tangina mo pala eh! Eh di ikaw na ang malandi," masungit na sagot ni Cilian bago ibinaling ang tingin sa kanya. "But seriously, you should try my advise, Nyle. I'm sure it'll be fun and satisfactory.Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang labi bago siya nagsalita. "Thanks for the idea, Cilian."Cilian shrugged his shoulder with a smile on his lips as he glanced at Knoxx. Napailing naman ang huli at tila hindi nagustuhan ang naging takb

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 80

    Pinili niyang hindi nalang pansinin si Nyle at kumain na subalit ilang sandali pa'y bigla nalang hinawakan ni Nigel ang kanyang kanang kamay dahilan para matigilan siya. Mabilis naman siyang lumingon. "May sasabihin ka ba ulit kay Mama?" Marahan ang naging pag-iling nito. "Hurt po ikaw Mama?" Tanong nito habang nakatitig sa kanyang daliri na may benda gawa ng pagkasugat sa basag na tasa kanina. "Ah, konting sugat lang to, Nigel. Hindi hurt si Mama." Napanguso ito bago lumapit sa kanya at hinipan ang kanyang sugat. Bahagya naman siyang nagulat sa ginawa nito at hindi nakapagsalita. "Blow ko din ang sugat mo, Mama kasi ganun din ang ginawa mo sa sugat ko noon," inosente nitong bigkas. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi para hindi maiyak sa sinabi nito. Who would've thought she had such a sensible little boy? Sa hindi sinasadya, dumako ang kanyang tingin sa gawi ni Nyle. Gaya kanina, nakatingin parin ito sa kanilang dalawa ni Nigel subalit nang mapansin nitong nakatingi

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 79

    Mas lalo pang bumilis ang tíbok ng kanyang puso kasabay ng pagkawala ng kanyang lakas. At bago paman siya makahuma, bumagsak na sa sahig ang dala niyang baso at lumikha iyon ng ingay.Napaatras naman si Nyle palayo kay Natalie dahil sa gulat pero kalaunan ay naningkit din ang kanyang mga mata. "What the fúck! Are you breaking things now because you're mad?!" Pagalit niyang asik.Subalit wala siyang nakuhang sagot mula kay Natalie. Nanatili parin itong nakatalikod sa kanya dahilan para makaramdam pa siya ng inis. Muli siyang lumapit kay Natalie at hinawakan ang braso nito. Akmang pipihitin niya paharap ang babae nang maramdaman niya ang panginginig nito.Unti-unting nangunot ang kanyang noo at nagtungo sa harapan ni Natalie. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng pagtataka nang makitang nakatulala lang ito. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan si Natalie bago mahinang natawa."Damn! Anong klaseng arte na naman yan Natalie? Pagkatapos mong magbasag ng gamit tutunganga ka diyan? What kind of tr

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status