ALIRA
"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon."We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa."Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin."I love you, Alira," he said sincerely kaya yumakap na lang ako sa tagiliran niya at lunapit naman sa amin sila Mama."I'm happy dahil magiging isang pamilya na tayo! Akala ko ay hindi mo na aayain magpakasal si Alira, anak. Botong-boto pa naman ako sa kanya." Saad ni Tita kaya natawa naman ako at napayakap sa kanila.Naalala ko pa dati noong una akong dinala ni Laxon sa bahay nila, ang sabi niya ay ipapakilala na raw niya ako sa magulang niya dahil nakahalata at nagtatanong na ang mga ito tungkol sa akin.Tandang-tanda ko pa kung paano ako panlamigan ng katawan dahil sa kaba at takot na baka hindi nila ako magustuhan pero lahat ng 'yon ay nawala dahil ibang pagsalubong ang ginawa sa akin.Hindi tahimik na lamesa, masusungit na mukha at malalamig na mga mata ang bumungad sa akin noong mga oras na 'yon. Kundi isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap ang ginawad nila sa akin lalo na ang Mama ni Laxon.Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya ako yakapin ng mahigpit at grabe ang pasasalamat dahil binago ko raw ang anak nila. Ngayon ay mas lalo ko pang naramdaman ang pagmamahal nila ng sabihin namin ang engagement na naganap."I'm happy because you're the woman that my son wants for the rest of his life. Noong una ay natatakot ako na baka sukuan mo ang anak ko pero ibang-iba ang pagmamahal niyong dalawa. Can't wait to call you as my daughter, Alira." Emosyonal na saad ni Tita kaya niyakap ko rin siya pabalik at tinapik sa balikat."Thank you po, Tita. Thank you for trusting and loving me na para bang sarili mo na akong anak." Nang bumitaw ako sa yakap niya ay kay Mama naman ako napatingin at niyakap siya. Narinig naman namin ang pinag-uusapan ni Laxon at Papa."Laxon, iho. Alam kong ilang beses ka ng nagpaalam sa akin na magpo-propose ka na sa anak ko pero lagi kitang pinipigilan dahil natatakot ako na baka mamaya ay masaktan mo lang siya, kaya pasensya na," rinig kong saad ni Papa kaya mahina naman kaming natawa."Talagang pinakita mo sa akin na si Alira talaga ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Kitang-kita ko kung paano mo siya alagaan, protektahan at mahalin. At kung dumating man ang araw na sasaktan mo ang anak ko, ibalik mo na lang siya sa amin."Nang marinig ko ang huling sinabi ni Papa ay tuluyan na akong umiyak at niyakap siya. Engagement pa lang ang inaannounce namin pero parang kasal na ang speech ni Papa."Mas gugustuhin ko pang ako ang saktan ni Alira kaysa ako ang manakit sa kaniya. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at patuloy ko pa po siyang mamahalin."JUST IN: Governor Laxon Montemayor is now engaged to her long time girlfriend.Governor ng Laguna walang iba kundi si Governor Laxon Montemayor ay engaged na sa 5 years niyang girlfriend at sikat na painter na si Alira Rain Mendoza.Ayon sa I*******m post ng Governor ay kahapon lamang nangyari ang magandang bagay na ginawa niya sa buong buhay niya. Masaya siya dahil saktong fifth years anniversary siya nakapag-propose sa long time girlfriend niya at sa mismong University pa nila ito mismong nangyari."I'm so grateful and content because she's the one that I want to spend my life with. Finally, this is the most beautiful answer that I heard in my whole life, her yes."Ito ang caption sa naturang I*******m post ng Governor. Marami man ang nabigla ay grabeng suporta ang ibinuhos nila sa Governor ng Laguna.Good luck to your new journey, lovely couple!Ito agad ang bumungad sa akin pag-uwi ng bahay. Sumabay na ako kila Mama dahil dito muna ako magpapalipas ng gabi. Habang si Laxon naman ay dumiretso sa bar kasama sila Damon para mag-celebrate.Malaki naman ang tiwala ko sa kanila dahil nakilala ko na rin sila at masasabi kong mapagkakatiwalaan sila.Habang paakyat naman ako sa kwarto ay ngayon ko lang napansin na parang wala si Kuya. Nasaan kaya 'yon? Hindi ba siya umuwi dito? Hindi ko tuloy masabi na engaged na kami ni Laxon paniguradong tuwang-tuwa 'yon."Ma, kailan uuwi si Kuya?" Tanong ko kaya napalingon naman siya sa akin bago pumasok sa kwarto nila."Bukas na raw, Alira. Nalaman na rin ng Kuya mo ang tungkol sa engagement niyo ni Laxon kaya excited umuwi." Aniya kaya napatango na lamang ako at nagpaalam na.Pagpasok ko ay kumuha ako ng damit sa closet para maglinis na rin ng katawan. Pero nagbago ang isip ko dahil pagpasok ko sa banyo ay nag-hot bath na lang ako. Halos isang oras din ang tinagal ko dahil nilinis ko na rin ang banyo ko.Habang nagbo-blower ng buhok ay siya namang pagtunog ng cellphone ko indikasyon na may tumatawag. Nang makita ko ang caller ay mabilis ko itong sinagot dahil si Laxon."Hey, bakit ka napatawag?""Hello Alira, si Damon 'to. Pwede bang sunduin mo dito ang fiance mo, ayaw magpahawak sa secretary niya. Gusto niyang ikaw ang humawak sa kanya," aniya kaya kumunot naman ang noo ko at sumagot na lamang.Pagkapatay ng tawag ay mabilis na lang akong kumuha ng jacket at pati na rin susi ng sasakyan ko. Hindi na ako nagpaalam kila Mama dahil tulog na ang mga ito.Habang binabaybay ko ang daan patungo sa bar ay napapaisip ako kung bakit nandoon ang secretary ni Laxon. Sinundan ba nito at humanap ng pagkakataon na malapitan ang fiance ko? Kahit naiinis ay pinakalma ko ang sarili ko dahil ayoko ng gulo.Pagpasok sa bar ay kakaunti na lamang ang tao, nagtungo ako sa isang VIP room at nakita ko doon sila Damon na pinipigilan si Ria sa paglapit kay Laxon na ngayon ay hawak-hawak na ang noo. Siguro ay may tama na ang isang 'to kaya napatawag na sa akin Damon."Just go home, Ria. Stop flirting with me, I have a fiance now and I will remain loyal to her. Umalis ka hangga't nakakapagtimpi pa ako sa'yo, ayokong makapanakit ng babae," rinig kong pagbabanta ni Laxon kaya mabilis na akong kumilos at nilapitan sila."Hey, calm down," pagpapakalma ko ng makalapit na sa kanya kaya mabilis siyang lumingon sa akin at yumakap na ikinabigla ko. Para bang walang nakatingin sa aming dalawa."Babe, bakit mag-isa kang pumunta dito? Sinong tumawag sa'yo?" Pagtatanong niya at inalalayan ko naman siyang tumayo dahil pasuray-suray na siya."Si Damon and it's okay. Uwi na tayo, medyo lasing ka," aya ko kaya tumango siya at inakbayan pa ako. Bago pa kami tuluyang makalayo ni Laxon doon ay narinig ko ang pagbabanta ni Ria dahilan para mapatigil ako sa paglalakad."Bantayan mo 'yang si Laxon, Alira. Kung ang boyfriend nga ay naaagaw, 'yang fiance mo pa kaya."LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong
ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na
ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k
ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin
ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny