Share

Chapter 62

Masaya ang buong Kunglaw nang muling bumalik sa Chipan sina Eiress. Hindi magkamayaw sa pag-iyak si Nana Saling habang yakap-yakap nito si Liam. Nakangiti naman si Nuno Karding at halata rin ang kagalakan sa mukha ng matanda. Naghanda pa ng maliit na piging ang buong tribo para salubungin ang pagdating nila.

“Natutuwa ako at narito na uli kayo, Eiress. Alang-ala kami sa kalagayan niyo nang mawala kayo ni Liam. Mabuti naman at pareho kayong ligtas ng anak mo,” saad ni Nana Saling habang buhat nito si Liam.

“Nagpapasalamat din po ako, Nana Saling, dahil ligtas kaming nakabalik dito sa Purok. Napakasaya ko at magkakasama na uli tayo.” Nakangiting sabi ni Eiress.

“Hindi lahat ng tao rito ay masaya sa pagdating niyo!” nakasinghal na sabi ni Sarya.

Mabilis naman itong pinalo sa braso ng nanay nito at sinaway. “Tumigil ka, Sarya. Ayusin mo ’yang ugali mo. Nakakahiya kay Eiress.”

“Bakit kayo mahihiya sa kaniya? Dahil naman sa kaniya kaya nagugulo tayo rito. Dapat kasi hindi na siya bumalik di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Traydor talaga itong si Red
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status