Tumuloy sa isang hotel sa Polican ang mag-asawang Marcela at Henry, habang si Lord Scion naman ay mas piniling bumalik na lang sa Argenxican. Kahit isang buong araw ang haba ng biyahe, hindi iyon alintana ni Lord Scion. Mas gugustuhin niya iyon kaysa marindi siya sa boses ng tiyahin. Wala ng katapusan ang pagtatanong nito sa kaniya kung bakit hindi niya maalala ang kasunduan sa mga Nesselio. Sumasakit lang ang ulo niya kapag iniisip ang bagay na iyon, lalo na’t wala talaga siyang maalala.“D*mmit! Why did I forget about it? When did it happen?” paulit-ulit niyang tanong sa sarili.Itinigil niya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ginulo niya ang sariling buhok dahil sa frustration.“Ano ba ang pumasok sa isip ko noon at nasabi ko ang bagay na iyon? Imposibleng ma-obsessed ako sa isang tao kung napakabata ko pa. Baka dala lang iyon ng mura kong isipan. Ni hindi ko maalala na ginawa ko iyon.”Gulong-gulo na ang itsura ni Scion. Ngayon lang siya naguluhan ng ganoon. Buong buhay niya a
Madaling araw na nang dumating si Lord Scion sa hacienda Wilt. Tahimik siyang pumasok sa mansiyon. Sa halip na dumeretso sa silid niya para magpahinga, nagtungo muna siya sa kaniyang opisina. Mas gusto niyang mag-trabaho kaysa matulog. Marahan ang kaniyang paghakbang sa tahimik na pasilyo, ngunit napatigil siya pagtapat sa pintuan ng opisina niya. Nakiramdam si Lord Scion at dahan-dahang binuksan ang pinto. Hinala niya ay may tao sa loob.Tulad ng inaasahan ni Lord Scion, isang patalim ang agad niyang iniwasan pagpasok sa loob. Mabilis kumilos ang pigurang nasa loob ng opisina niya. Kaagad siya nitong sinugod pagkatapos maghagis ng patalim. Naiwasan ni Lord Scion ang atake nito, pero ginamit ng pigura ang pagkakataong iyon para makalabas sa pintuan.Prente namang lumabas ng opisina si Lord Scion. Sinundan niya ng tingin ang tumatakbong pigura. Hindi siya nag-abalang habulin ito. Masasayang lang ang pagod niya kung isang tawag lang niya ay mahuhuli na niya ito.Kinuha ni Lord Scion ang
“Lorraine? Bakit nariyan ka?” tanong ni Marlon sa dalaga.Tinakpan naman ni Lorraine ang mukha dahil sa hiya. Nahihiya siya dahil nabisto ni Marlon ang pagtatago niya sa likod ng sasakyan nito. Narinig niya ang usapan ng dalawang guwardiya na pinapaalis ni Lord Scion si Marlon ng Argenxican. Ayaw niyang mapalayo si Marlon sa kaniya, kaya sa takot na maiwan nito ay nagtago na lang siya sa likuran ng kotse. Hindi naman siya nito isasama pag-alis kapag nagpumilit siya. Hindi na rin siya nakapag-palit ng damit dahil sa pagmamadali. Suot pa rin niya ang sports bra at leggings na suot niya habang nag-e-exercise kanina nang makita niya si Marlon. Ni wala siyang dala kahit ano maliban sa sarili niya.“Tinatanong kita, Lorraine. Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit nagtatago ka sa likod ng kotse ko?” muling tanong ni Marlon.Mas lalo namang nagsumiksik si Lorraine sa mga gamit na naroon din sa likod ng kotse. Maliban sa nahihiya talaga siya na nahuli nito, nahihiya rin siya dahil sa ginawa niya noon
Sa opisina ni Scion, seryosong nag-uusap ang dalawa ni Mr. Chan. Nakikinig naman si Scion sa mga sinasabi ng tauhan habang hawak niya ang mga larawan at impormasyon na nagpapatunay sa mga sinasabi nito.“Sir, kumpirmadong si Red Notrice ang dahilan ng aksidente ni Sir William. Nahagip po siya ng camera sa boundary ng Argenxican at Canixer. Tinutumbok niya ng araw na iyon ang daan kung saan na-aksidente si Sir William. Nahagip din siya ng camera mula sa isang convenience store na kinukuha ang mga camera malapit sa nangyaring aksidente. Iyon ang nagsilbing ebidensiya para matukoy na siya ang salarin. Napag-alaman ko rin po na may kikitain si Sir William nang araw na iyon. Hinala ko po ay may nalalaman si Sir William na hindi dapat mabunyag kaya ginawa iyon ni Red sa kaniya,” saad ni Mr. Chan.Napaisip naman si Scion kung ano ang nalaman ni William kaya ito napahamak. Maliban sa paghahanap kay Caroline at Isabella, wala na siyang pinapagawa kay William. Hindi naman ito ang tipo ng tao na
Nagmamadaling bumalik si Eiress at Lord Scion patungo sa loob ng Alpha’s Den kasama si Trigger. Gusto rin malaman ni Eiress kung ano ang nangyari sa Argenxican kaya nagmamadali kanina si Trigger nang puntahan sila sa forestry.“What exactly happened, Trigger?” seryosong tanong ni Lord Scion nang makapasok sila sa opisina nito.“Nasagap ng satellite footage ang isang pagsabog sa gitna ng bayan. Tinawagan ko si Mr. Chan para alamin ang nangyari. Kumpirmadong may sumabog sa Argenxican at kasalukuyan kumikilos ang mga nakatanim na tauhan ng mga Villarama sa bayan.”“Gaano kalawak ang naapektuhan ng pagsabog?”Binaling ni Trigger ang monitor ng computer sa harap ni Lord Scion. Naka-display roon ang mapa ng Argenxican at halos kalahati ng mapa ay kulay pula.“Almost half of the city,” sagot ni Trigger.“D*mmit! Paano sila nakakuha ng ganoon kalakas na pasabog?”Bahagyang natahimik si Scion at Trigger. Nalulong sa malalim na pag-iisip ang dalawa. Tahimik naman si Eiress dahil sa kasalukuyang
Nagkaroon ng munting pagsasalo sa Purok dahil kaarawan ni Aline. Pasimple namang lumapit si Aline kay Eiress. Tumitingin pa ito sa paligid na parang humahanap ng timing. Alam naman ni Eiress ang sadya nito sa kaniya kaya inunahan na niya itong magsalita.“Sinabi ko na sa kaniya ang pinasasabi mo kahapon. Hindi ko lang nasabi sa ’yo dahil gabi na ako umuwi,” saad niya kahit wala pa itong sinasabi.Plano talaga niyang sabihin kay Aline ang tungkol sa pinapasabi nito kay Trigger, kaya lang hindi na niya nakita kagabi ang kaibigan no’ng umuwi siya. Hindi na rin niya nakuha si Liam sa bahay ng mga ito para ilipat sa bahay nila. Hinayaan na lang muna niyang magpalipas ng gabi si Liam sa bahay ng mga ito. Maliwanag pa nang umalis siya sa Alpha’s den kahapon, pero nagtungo muna siya sa boundary para tignan ang mga nagkakampong tauhan ni Ronie Villarama malapit sa Chipan. Ilang araw na rin simula nang mapansin niya ang mga nakatayong tent doon. Kahina-hinala ang pananatili ng mga ito sa lugar
Nanghihina si Eiress bago makarating sa Purok. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa walang humpay na pagtakbo, pero halos matuyuan na rin siya ng tubig sa katawan dahil sa labis na pag-iyak. Tinupok ng pagsabog ang buong purok. Wala na siyang nakikitang kahit anong puno na nakatayo roon. Isa na ’yong malaking butas ngayon.“H-Hindi. L-Liam, anak ko? A-Aline? Nuno Karding? Nana Saling? Nasaan kayo?” Para na siyang mababaliw kapag nakikita niya ang mga bangkay ng mga kasama niya sa tribo habang naglalakad siya. “P-Please, magpakita kayo sa ’kin!” sigaw niya.Halos mawalan na siya ng lakas habang naglalakad sa natupok na lugar. Ang dating masayang Purok, ngayon ay abo na. Ang lugar na dating puno ng tawanan, ngayon ay pag-iyak na lang niya ang maririnig sa buong paligid. Wala na ang mga ngiti ng buong tribo dahil bangkay na ang mga ito. Ang iba ay sunog na sunog at hindi na makilala. Meron din natakpan ng lupa at kalahati na lang ng katawan ang nakikita.“H-Hindi totoo ’to! Panaginip lan
Nakangiti at dinadama ni Luciano ang magandang awitin mula sa lumang music player na ipinadala niya kay Lamica sa kaniyang silid sa Nesselio’s hospital. Nakapikit siya at marahang kumukumpas ang mga kamay na parang isang maestro sa teatro. Maganda ang mood niya ngayon dahil natupad ang mga plano niya ayon sa kagustuhan niya. Hindi pala mahirap makuha ang mga gusto niya basta walang humahadlang sa mga desisyon niya.Bahagya siyang tumigil sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng silid niya.“Lamica, pagbuksan mo ng pinto ang kumakatok sa labas,” saad niya kay Lamica nang hindi nag-abalang tingnan ito. Patuloy lang niyang dinadama ang magandang musika. Mas’yadong maganda ang mood niya para sirain iyon sa mukha ng tagasilbi niya.“Opo, senior!” sagot ni Lamica.Ilang sandali pa nang marinig ni Luciano ang pagbukas ng pinto.“I’m glad that you’re enjoying your stay here, Butler Luciano.”Kaagad binuksan ni Luciano ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Tumingin siya sa direksy