“Ibig mong sabihin ang boss sa likod ng Villa?” Biglang tumingala si Maxwell sa kanya.
“Malapit-lapit na rin ‘yon. Kahit hindi siya mismo, siguradong may kinalaman siya ro’n.”
Napailing si Maxwell.
“Ano bang gusto ng boss na ‘yan? Kumuha na lang ng pera, ‘di ba? Kahit nga pagbebenta ng bahay, chine-check muna ang background ng buyer, tapos ‘tong taong ‘to, parang may sarili siyang intelligence network.”
“Siguro may espesyal na kahulugan ang bahay na ‘to para sa kanya, kaya ayaw niyang malasin,” sabi ni Shane, habang pinapaikot-ikot ang hawak niyang ballpen nang walang pakialam.
“Anong espesyal na kahulugan pa? Kung ako ‘yan, pera na agad! Sayang ‘pag ‘di mo pinakinabangan.”
Hindi sang-ayon si Maxwell.
Kinabukasan ng umaga, bumaba si Charlotte matapos mag-ayos ng sarili. Kumuha siya ng isang bote ng orange juice mula sa refrigerator.
Umupo siya sa sofa, habang inaalala ang mga impormasyon na nakuha niya kagabi.
Labinlimang taon na ang nakalipas mula nang mawala ang bunsong anak na babae ng pamilyang Castillo. Hindi ito lihim sa mga mayayamang pamilya.
Matagal nang naghahanap ang Castillo at Chu na pamilya para sa nawawala nilang anak.
Kilala sina Charles Castillo at Clarisse Chu bilang ideal couple sa mundo ng mayayaman.
Mula nang ipasa ni Charles ang pamamahala ng kumpanya kay Chase, naging inseparable na silang mag-asawa. Taon-taon silang naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo para hanapin ang nawawala nilang anak na babae.
Kapag tinawag mo ang isa sa kanila, siguradong darating din ang isa pa—baka pati buong pamilya nila, kasama na.
Si Chase Castillo, ang panganay sa pamilya Luo, ay sumasalamin sa imahe ng isang tipikal na CEO — kalmado, composed, at bihirang magpakita ng emosyon.
Ang pangalawang anak na lalaki, si Liam Castillo, ay isang top star sa Philippine entertainment industry — 22 taong gulang at tatlong beses nang nanalo ng major awards. Maingay siya, prangka kung magsalita, at masyadong madaldal. Sobrang daming camera, sobrang ingay.
At paano naman ‘yung ikatlong anak, si Lance Castillo? Ang fraternal twin brother niya ay estudyante pa — nasa klase. Bakit pa siya tatawagin? Para pagalitan?
At nandoon pa ang apat na matatanda: mga tiyo, tiya, pinsan dito, pinsan doon.
Sa totoo lang, nang maisip ni Charlotte ang buong network ng koneksyon sa pamilya nila, sumakit ang ulo niya.
Kaya, base sa lahat ng ‘yon, mas ligtas sigurong makipagkita muna kay Chase. Yung iba tignan na lang natin kapag andiyan na.
Ano kayang mangyayari pagkatapos ng meeting? Sa ngayon, gusto lang muna niyang manatiling tahimik hangga’t maaari.
Matapos niyang pag-isipan nang mabuti, tinawagan ni Charlotte ang private number na nahanap niya dati pa — kay Chase.
Sa mga sandaling iyon, sa loob ng president's office ng Castillo Corporation,
Ine-explain ni Assistant Oliver kay Chase ang progress ng mga proyekto.
“Boss, nagsimula na po ang construction ng resort project sa Lemery, at inaasahang matatapos ito sa katapusan ng susunod na taon. Yung bidding para sa lupang nasa labas ng Ibaan ay magsisimula sa susunod na Miyerkules. Tapos, si Bruce, ayaw pa ring magbigay. Baka kailangan ninyong personal na pumunta sa Continent O ngayong weekend. Tungkol naman sa branch office—”
Biglang tumunog ang private phone, kaya natigil si Oliver sa pagsasalita.
Napatingin si Chase sa screen. Isang hindi pamilyar na numero ang nakarehistro — walang note o pangalan — kaya bahagyang kumunot ang noo niya.
Pero naalala niyang naka-activate ang scam call blocker ng phone niya, at iilan lang ang nakakaalam ng numerong ito, kaya sinagot na rin niya ang tawag.
"Hello?" Isang malamig na boses ng babae ang narinig mula sa kabilang linya. "Hello, ako si Charlotte."
Hindi agad naintindihan ni Oliver ang narinig, pero nakita niyang biglang tumayo ang boss niya, at nahulog pa ang mga dokumento mula sa kamay nito.
"Sino ka?!" Naiinis na tanong ni Chase.
Pero agad niyang naalala kung ilang tao na ang nagpanggap na kapatid niya — may mga nagpa-retoke pa para lang magmukhang kamukha ng nawawala nilang kapatid, umaasang makakakapit sa kapangyarihan ng pamilyang Castillo. Pero sa huli, puro peke. Pati mga DNA test, pawang negatibo.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang damdamin niya, at unti-unting nawala ang pagkasabik.
Napangiti siya ng pilit sa sarili.
Paano nga ba makikita ng isang nawawala nilang kapatid na matagal na nilang hinahanap, nang kusa lang?
Mula sa kabilang linya, may mahinang buntong-hininga.
"Ako si Charlotte. Ayon sa mga impormasyon na nakuha ko, kung walang ibang balakid, malamang ako ang totoong kapatid mong nawawala na sa loob ng labinlimang taon. Kailan ka ba libre para samahan akong magpa-DNA test?"
"Sige, nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon." Sandaling nag-isip si Chase, pero agad ding pumayag.
Alam pa nito ang private number niya. Totoo man o hindi, kapatid man o kalaban, malalaman niya ‘pag nagkita sila.
Sanay na rin naman siya. Ilang DNA test na rin ang pinagdaanan niya sa mga nakaraang taon. Wala namang mawawala.
Paano kung?
May bahagyang pag-asa ang lumitaw sa mga mata ni Chase Luo.
"Hindi na kailangan. Kita tayo sa loob ng kalahating oras sa harap ng private hospital ng pamilya Castillo."
Matapos makuha ang kumpirmasyon, ibinaba na ni Charlotte ang tawag at agad na umalis sakay ng kanyang itim na kotse. Pagkalabas na pagkalabas niya sa villa, isang itim na Maybach din ang lumabas mula sa villa sa tapat ng kalsada.
Walang pakialam si Charlotte at agad siyang umalis sakay ng kotse.
Sa loob ng itim na Maybach, si Maxwell ay nakaupo sa passenger seat, nakadikit ang mukha sa bintana habang sinusundan ng tingin ang itim na sasakyan ni Charlotte.
"Grabe! The Sound of the Night! Isa lang ang Bugatti Sound of the Night sa buong mundo! Ang astig! Gusto ko siyang hawakan! Iaalay ko ang buhay ko basta makapag-drive lang ako niyan kahit isang beses!"
Tahimik lang si Shane. Abala siya sa pagbubukas ng mga files sa laptop niya. Alam niyang may dumaan na sasakyan, pero wala siyang pakialam kung anong kotse ‘yon.
Hindi dahil hindi niya kayang bumili nun. Hindi ‘yon ang dahilan!
Patuloy pa rin sa pagmumuni-muni si Maxwell.
"Gaya ng inaasahan mula sa CEO ng Villa. Tsk tsk tsk… kung hindi man sa iba, aba, sa yaman pa lang”
Makalipas ang kalahating oras, sa harap ng private hospital ng pamilya Castillo.
"Boss, sa tingin mo kaya, ito na ba talaga ang panganay na anak na babae?" Tanong ni Oliver, habang siya’y nasa driver's seat. Sandali siyang lumingon kay Chase.
Tatlong henerasyon na ng pamilya nila ang naglilingkod sa Castillo family, at magkasabay lumaki sina Olver at Chase — mag-amo sa trabaho, pero halos magkapatid na rin sa turingan.
Kaya kapag sila lang ang magkausap, mas malaya sila sa pagsasalita.
Nakatulala si Chaseat mukang malalim ang iniisip "Totoo man o hindi, malalaman natin ‘pag tapos na ang DNA test."
Kahit hindi siya ang tunay, hindi pa rin sila titigil sa paghahanap sa nawawala nilang kapatid. Sa dami ng taon na lumipas, kahit ilang beses silang nabigo, hindi pa rin nila pinalagpas ang kahit anong posibilidad.
Tuwing may naririnig silang balita tungkol sa isang babae na kamukha ng nawawala nilang kapatid sa isang lungsod, kahit gaano pa ka-busy, may isa sa pamilya na personal na pumupunta roon.
Sa mga sandaling iyon, kararating lang ni Charlotte sa ospital at kakapark lang ng kanyang kotse. Lumapit siya at kumatok sa bintana ng sasakyan ni Chase.
Binaba ni Chase ang bintana, handang tanungin kung ano ang kailangan, pero agad siyang natigilan nang makita ang mukha ng babae.
Nakita niyang hindi ito nagsasalita, kaya si Charlotte na ang naunang bumigkas. "Pasensya na, naipit ako sa traffic. Late ako ng dalawang minuto."
"Ah hindi ayos lang!" Mabilis na binuksan ni Chase ang pinto at tumayo sa harap ni Charlotte.
Magkamukhang-magkamukha! Ang babaeng nasa harap niya, naka-white T-shirt at jumper, ay kamukhang-kamukha ng mama nila noong kabataan nito!
Ipinagmamalaki ni Chase na isa siyang taong praktikal — naniniwala lamang sa mga konkretong ebidensya.
Isa sa mga unang aral na tinuro sa kanya ng kanyang lolo, noong inihahanda pa siya bilang tagapagmana ng pamilya, ay ang manatiling kalmado at composed sa lahat ng oras.
Noong mga nakaraang taon, tuwing may nagpapakilalang nawawalang kamag-anak, kalmado lang niyang pinapapunta sa DNA test — magalang, pero may distansya.
Pero ngayon, pagkakita pa lang niya kay Charlotte, parang may boses sa loob ng utak niya na nagsabing:
“Siya ‘yon! Kapatid mo siya!”
Para siyang batang wala pang labindalawa.
"Ikaw ‘yung tumawag sa akin, tama?" Napakuyom nang bahagya ang mga daliri ni Chase, at tila aligaga siya.
Tiningnan siya ni Charlottena parang tanga.
“Ako nga. Pwede na ba tayong pumasok?"
Bahagyang napatigil si Chase, saka umubo ng mahina, sinusubukang itago ang kanyang pagkapahiya.
"Oo, oo, siyempre. Tara na."
Tsk. Hindi nabanggit sa mga dokumento na nauutal pala si Chase.
Naunang naglakad si Charlotte papasok sa ospital, habang si Chase ay agad na sumunod sa kanya, halos dikit ang hakbang.
Habang sinusundan ang dalawa, Si Oliver napabuntong-hininga ng malalim at nagreklamo sa sarili.
Tatlo silang nagtungo diretso sa Genetic Counseling Department. Agad na tumayo ang direktor ng departamento nang makita sila.
"Mr. Luo, anong maipaglilingkod ko sa inyo ngayon...?"
"Paternity test, pinakamabilis na proseso." Pagkasabi nito, bumunot si Chase ng isang hibla ng kanyang buhok at iniabot sa direktor.
Napakurap si Charlotte, pero sumunod rin — kumuha rin siya ng isa.
“O-okay! Ako na ang bahala." Kinuha ng direktor ang mga buhok at inilagay ito sa sealed na bag, handang siya mismo ang magsagawa ng test.
Habang tinititigan ang dalaga sa harap niya, hindi maiwasang mapaisip ang direktor. Kamukhang-kamukha niya ang misis ng pamilyang Castillo noong kabataan nito.
Sana totoo na ‘to, kasi kung hindi, sobrang nakakapagod na itong mga paternity test na ‘to.
Noong simpleng attending physician pa lang siya, siya na ang gumagawa ng paternity test para sa pamilyang ito. Ngayon na direktor na siya ng buong department, paternity test pa rin ang inaasikaso niya.
"Tatagal nang mga tatlong oras ang resulta ng DNA test. Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain muna tayo?"
Bahagyang nag-alinlangan si Chase Luo bago lumingon kay Charlotte at nagtanong.
Tumango si Charlotte.
"Sige, tara."
"Oliver, dito ka muna. Ipapabalot ko na lang ang para sa'yo mamaya."
Pagkasabi ni Chase, lumakad na silang dalawa palabas.
"Okay po, boss."
Sa kabilang banda, ang kawawang Dean ng ospital ay biglang nataranta nang mabalitaang paparating ang “big boss.”
Mabilis siyang bumaba mula sa opisina halaos matagtag pa ang wig niya sa pagmamadali—pero pagdating niya sa baba, wala na ang bisita!
Grabe! Nakakainis!
Kailangan na naman niyang ayusin ang nakakalat na wig pieces.
Habang nasa loob ng elevator, maingat na nagtanong si Chase. "Anong gusto mong kainin? Merong restaurant sa tabi lang—may investment doon ang Castillo Corporation. Masarap ang braised short ribs nila. Okay lang ba sa ‘yo doon tayo kumain?"
Sandaling napahinto si Charlotte.
Totoo ba ‘to? Paborito niya talaga ang braised short ribs. Sa katunayan, ilang beses pa niyang pinapaulit-ulit sa chef ng restaurant ang pagluto nito para lang makuha ang perfect na timpla na gusto niya.
Pagbalik sa ulirat, tumango si Charlotte. “Sige.”
Nagpunta sila sa private room ng restaurant. Inabot ni Chase ang menu sa kanya. “Anong gusto mong kainin?”
“Braised short ribs at sweet and sour pork with pineapple. Ikaw na bahala sa iba.” Pagkasabi nito, ibinalik na ni Charlotte ang menu sa kanya.
Napansin ni Chase na ilang beses tumingin si Charlotte sa larawan ng braised prawns, kaya nagdagdag siya niyon sa order at naglista pa ng ilan pang putahe.
Napatingin si Charlotte sa kanya, may bahagyang pagtataka sa mga mata nito.
“Kung gusto mo, orderin mo. Ako na ang magbabalat.” Ngumiti si Chase, nahulaan na agad ang iniisip ni Charlotte.
“Salamat.”
Sakto namang dumating ang waiter. “May bawal po ba kayong kainin? Ayaw po ba ninyo ng chopped green onions o cilantro?”
“Walang green onions.”
Sabay silang sumagot, at sabay din silang napatingin sa isa’t isa. Si Charlotte, medyo nahiya, kaya agad siyang umiwas ng tingin.
Noong bata pa siya, ang bunsong kapatid niyang babae ay sobrang mahilig sa hipon at sweet and sour dishes. Pero ayaw na ayaw nito ang magbalat, kaya laging ipinapagawa sa mga kuya niya.
At tungkol sa green onions — hindi talaga iyon ginagamit sa lamesa ng pamilya Castillo.
Doon lalo lumakas ang kumpiyansa ni Chase.
Pagkaalis ng waiter, saglit na nag-alinlangan si Chase bago siya nagsalita.
“Paano mo ako nahanap? At paanong alam mo ang private number ko?”
“May nakahanap sa akin.”
Sabay ngiti ni Charlotte, parang wala lang.
(His subordinates are human, too, hmm.)
Well, may silbi rin pala minsan ang mga tauhan niya, ‘no?
Pero sa narinig ni Chase, iba ang nabuo sa isip niya.
Isang batang babae, gutom, giniginaw, naghuhugas ng pinggan sa kusina para lang mabuhay. Tinitiis ang pagod habang nag-iipon ng pera para makapag-hire ng isang high-level private detective para hanapin ang kanyang totoong pagkatao. Hindi basta-basta 'to, kasi ang ordinaryong investigator, hindi kakayanin 'yon.
Ang tagal bago siya nakabalik sa pamilya ang kawawa naman.
Pero si Charlotte, kalmado lang. “Salamat. Limang minuto lang, at wala akong ginastos ni isang kusing.”
Napa wow reaction si Chase at napakurapkurap
“So saan ka ba napunta nitong mga taon na ‘to? Inampon ka ba? Ayos ka lang ba? Maayos ba ang buhay mo?”