Share

Chapter 5

Author: Sir Haze
last update publish date: 2026-05-27 08:21:30

Samantha's POV

"Bakit ngayon ka lang nakauwi, Samantha? Aba'y uwian ba 'to nang matinong babae?"

"Ma! Nag-ayang makipag-inuman si Karen pagkatapos ng OT kaya'y pareho kaming nalasing kagabi. We stayed at the hotel together last night," sagot ko kay mama.

"Karen! Karen! Karen! Puro ka nalang, Karen! E kung nagdoktor ka nalang sana't hindi iyang pagiging chemical engineer mo ang inaatupag mo, edi sana ay nasa abroad ka na ngayon at malaki ang sahod, hay! Ang hirap ng bagong henerasyon ngayon. Matitigas ang ulo!" Iniwan ako ni mama sa nakabukas na pintuan upang umakyat sa kwarto niya.

Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga ay hindi ko na mababago ang desisyon ni mama sa kursong pinili kong maging parte ng buhay. She wanted to become a doktor ngunit nabuntis siya nang maaga kaya'y sa'kin niya gustong ipakuha iyon, ngunit ibang field naman ang napusuan ko.

Kaya marahil, ang inis niya sa'kin ay abot hanggang langit dahil sabi niya'y anak 'raw ako ng suwail.

Mula sa kusina ay nakita kong lumabas si papa. Hawak ang sandok at apron na nakasabit sa leeg, nagluluto ng agahan para sa pamilya namin.

"Pasensya ka na sa mama mo at masyadong mainitin ang ulo. Ako nalang ang bahala sa kanya. O sige, na! Tumungo ka na sa kwarto mo't magpahinga. Pero sana, Sam, anak. Huwag mo nang ulitin itong uuwi ka nang ganitong oras."

"Opo, itay," nagmano ako kay papa at yumakap na rin. He messed my hair saka niya inamoy ang ulo ko. "Bakit ganito ang amoy, mo! Amoy alak ka, Samantha!"

"Nalasing nga po, hindi ba?!"

"Haynaku! Ayusin mo nga ang sarili mo doon! Kababae mong tao, maligo ka na't nang makababa mamaya dahil mag-aagahan tayo," itinulak niya ako paakyat sa hagdanan. "Palagi mong tatandaan ang sinasabi ko ha? You should take care always of yourself dahil babae ka." Pahabol ni papa.

Tumango ako saka tuloy-tuloy na umakyat diretso sa kwarto ko.

Agad kong isinaksak sa outlet ang charger dahil na-lowbat ang cellphone ko kagabi pa lang. Si Karen ay ang tanging dahilan kung bakit ngayong umaga pa lang ako nakauwi.

Marami siyang mensahe na ipinadala sa'kin. Lahat ay hindi ko na maalala dahil labis akong nalasing. Ang iilang nakapaloob ay upang magtanong kung ano ang nararamdaman ko o kung may hang-over ba ako, kaya'y nireplayan ko ang isa sa kanyang mensahe.

Hindi na ako makapaghintay na makita siya bukas. Marami akong gustong itanong. Marami akong sasabihin. Naiinis ako sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawa.

Buong araw akong nakahiga sa kwarto na ayaw makipaghalubilo kahit sa pamilya ako. I was so damn tired kaya'y tulog ako buong araw at sa gabi naman ay ganoon rin.

Tulog!

Kinabukasan ay sinalubong ako ni Karen na nakangiti. Binigyan ko siya nang hindi maitsurang mukha. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon kaya'y mabilis niya akong inakbayan.

"Sorry na! Lasing rin kasi ako kaya hindi na kita nasamahan pauwi. Tumawag kasi sa'kin si papa kaya'y nauna ako sa'yong umuwi noong byernes nang gabi."

"Okay," walang gana kong sabi.

"Samantha naman e," niyugyog niya ako. Masama pa rin ang loob ko sa kanya kaya'y inunahan ko siya sa paglalakad.

Pagdating namin sa main entrance ng laboratory ay nagulat kami ng makitang nakahilera ang lahat na empleyado kaya'y napatingin ako sa relo.

Alas otso pa lang naman ng umaga. Ano ang meron at bakit tila seryoso ang lahat, may assembly ba, o may nangyari kaya?

"Kayong dalawa," napitlag ako nang marinig ang boses ni Adrian. Tiningnan niya ako saka niya ibinaling ang paningin kay Karen. "Ikaw," dugtong niya na tila ay may kahulugan at gustong may sasabihin.

"Mr. de Luca. B-Bakit po?" Tanong ni Karen.

Humarap siya sa mga nakahilerang empleyado. "Lahat kayo ay bumalik na sa kanya-kanyang trabaho," pagkatapos ay muli niyang hinarap kami. Particularly kay Karen, seryoso ang mukha niya. "Ikaw, sumunod ka sa opisina ko,"

"Po! Bakit po? May kasalanan ba ako? May nagawa ba akong mali? Kung nagalit po kayo sa Cosmetics Department dahil hindi nakapag-representa noong byernes. Itong si Samantha, siya! Siya ang dapat mong kwestiyonin at hindi ako. Siya ang team leader ng—" hindi niya pinatapos si Karen, sa halip ay malamig niyang sinabi,

"Hindi tungkol doon ang dahilan. May gusto akong itanong. Nang tayong dalawa lang, sumunod ka," ibinulsa niya ang kamay saka naglakad patungo sa pribadong opisina nito.

Hinawakan ako ni Karen sa braso. Nanginginig siya, marahil ay natakot.

"Sam! Ikaw na ang sumunod sa kanya. Kompara sa'kin, wala akong ideya tungkol sa mga combinations at mixture ng bawat produktong nagagawa mo! At saka hindi ko alam kung bakit bigla niya akong ipinatawag. Ayaw ko pang mawalan ng trabaho! Baka sisantehin niya ako! Sam, tulungan mo ako!"

"Sa sinabi niya pa lang, Karen, hindi tungkol sa trabaho ang dahilan kung bakit ka niya gustong kausapin. Isa pa, hindi mo rin malalaman ang totoong pakay niya kung hindi mo susubukan. Malay mo, bibigyan ka niya ng promotion. Oras mo na rin siguro para magtayo ng sarili mong prelibihiyo sa buhay."

"Eeeee! Ayaw ko nga! Ikaw na roon. Crush mo naman—" tinakpan ko ang bibig niya. "Hinaan mo ang bunganga mo, Karen!"

"Ikaw na kasi do'n!" Pagtutulak niya sa'kin.

Napairap ako. "Ako ba si Karen Robles?" Tanong ko, bahagyang iritado. "Sumunod ka na dahil baka mas papagalitan ka pa kung masyado kang magtagal," susog ko sa kanya.

Bagsak ang kanyang balikat at malakas na napabuntong-hininga. Ako naman ay humakbang palapit sa locker upang kunin ang mga gamit ko sa trabaho lalong-lalo na ang laboratory gown.

Sinimulan ko ang ginagawa na tila ay wala sa sarili. Muntikan ko pang mahalo ang kemikals sa hindi katugma ng aking ginagawa. Pinuna ako sa isa kong kasamahan, tinatanong kong may lagnat ba ako o masama ba ang pakiramdam ko subalit wala naman.

"Kanina pa kasi kita napapansin parang may hindi maganda sa'yo ngayong araw. May nangyari ba, Sam?"

Umiling ako. Pansamantala ko munang idiniposito sa kahon ang mga test tubes dahil bahagya akong nakaramdam ng pagod saka mabilis na naupo.

Ang babaeng kasamahan ko na may edad na ay sinipat ako sa noo. "Diyos ko, hija! Ang init-init mo! Bakit pumasok ka pa ngayong araw?"

Wala ako sa sariling sinapo ang noo. Tama nga siya't nilalagnat ako!

"Tamang-tama at nandito si sir, maari tayong maka-request ng assistance ng doktor o kahit nurse doon sa infirmary..."

"Okay lang po ako." Mahina kong bulong bago ko naramdaman ang paglabo ng paningin ko.

"Huwag matigas ang ulo—Diyos ko!"

Iyon ang huling boses na naalala ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 75

    Samantha's POVKailangan kong magmadali. Kailangan kong kumbinsihin si Adrian.Wala akong sinayang na oras. Pagkatapos kong maisulat ang pangalan ni Adrian bilang blood donor, tinanong ako ng doktor kung ano ang koneksyon niya kay Miel."Siya ang ama ng anak ko, dok.""That's great. Then call him. Papuntahin mo agad dito, I'll give you time. Call me when everything's ready."Mabilis akong nakalabas sa ospital. Hindi ko pinasama si Yvren at sinabihan ko siyang bantayan ang walang malay kong anak. Kasama rin niya si mama sa ward.Wala akong isinamang isa sa kanila.Mabilis kong natawagan si Adrian."Now you need me, but with those times I want to talk to you, saka ka naman wala.""Please, Adrian, this is urgent!" Pahayag ko, halos nagmamakaawa.Mula sa kabilang linya ay rinig ko ang kanyang masidhing pagsinghap."Ano ba iyang sinasabi mong urgent?""Nasaan ka ngayon at pupuntaha

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 74

    Samantha's POVHaplos niya ako sa braso. Inalalayan niya akong maupo sa waiting area. Pinakalma niya ang katawan ko sa pamamagitan ng pagkulong nang mainit niyang mga palad sa palad ko.Kailangan ko siya. Kailangan ko ng katuwang!Kailangan siya ni Miel."Samiel will be fine. You have a tough son, Samantha." Pampalubag-loob ni Yvren sa'kin.******Alas dyes ng umaga natapos ang operasyon. Hindi ako nakaramdam ng antok, tahimik kong pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog kong anak sa operating room.Dulot ng anaesthesia, mananatili siyang tulog sa loob ng twenty-four hours.It was long time to wait, pero dahil ang sabi ng doktor na posibleng magigising siya bago ang dalawampu't-apat na oras, napanatag ako.Ipinagbabawal muna ng mga doktor na pumasok dahil maselan ang naging operasyon. Nakuntento na lamang ako sa pagnanakaw ng tingin sa anak ko.I received lots of messages from Adrian pero wala

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 73

    Samantha's POVSa klasikong Spanish restaurant ako ni Adrian dinala. Ang light mellow music ang tanging naririnig mula sa grupo na bumuo ng banda. Sila ngayon ay ang nasa dulo ng stage, tumutugtog at kumakanta.Pinaghila niya ako ng upuan. Naupo siya sa tapat. Natapos siyang makapag-order, nangungumusta naman siya tungkol sa trabaho ko."Okay naman. Everything seems normal. How about you?""It's fine. Doing well, I guess." Mahinahon niyang tugon.Kusang dumating ang kanyang inorder na pagkain kaya'y nagkaroon ako ng interes upang magtanong pagkatapos ma-iserved ng crew ang mga dishes."Nagtungo pala sa kompanya ko ang fiancee mo kanina." Panimula ko. Pinag-aralan ang kanyang reaksyon, nakita ko kung paanong nagulat si Adrian."She did that?"Tumango ako. "She even spilled the tea. Was it true that you suffered from any anxieties or worse depression when—""I don't want to talk about it, Samantha." Malam

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 72

    Samantha's POVMatagal akong humalik sa pisngi ni Miel.Hawak ko ang working bag sa bisig dahil handa na sa pag-alis. Papasok ako sa trabaho ng yakapin niya ako nang mahigpit. Nagkatinginan kami ni mama. Sa likuran niya ay si Kristoff na nakababa ang tingin sa pamangkin. Sa bawat galaw ni Samiel, lahat kami ay nahihinuha kong ano ang ibig sabihin.Samiel doesn't want me gone for a long time.Ang anak ko mismo ang nagsabi sa'kin tungkol doon, kagabi ng ako ay makauwi. I was worried. Na-miss niya ako sa buong linggo na hindi ako nakikita at nakakasama. Dahil sa tanang buhay ko, iyon ang unang pagkakataong naghiwalay kami sa isa't-isa.Pagkatapos niya akong yakapin ay nagmungkahi naman siyang halikan ko siya sa labi. Yumukod ako.Kinintalan siya ng malambot at mapagmahal na halik ng isang ina sa nangungulilang anak sa labi gaya ng kanyang request. Hindi siya nakuntento, niyakap niya ako muli nang mahigp

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 71

    Samantha's POVUmakto akong walang nakikita. Umakto akong walang napansin.Si Adrian mismo ay hindi nagtanong. Parang binibigyan niya ako ng kahungkagan sa sariling isipan upang buuin ang mga haka-haka sa utak ko.Simpleng pagpapagamit niya sa cellphone, kalahati ng nakaraan ay biglang naungkat. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaisipang nalaman ko ang mga 'yon?Patuloy ang araw. Lumipas ang gabi, hanggang sa mag-umaga.Nanatili ang closure naming dalawa. Nagtatalik na parang tunay na mag-asawa. Ini-enjoy namin ang mga araw na libre pa.Habang pababa sa bangkang de-motor ay napahiyaw ako sa labis na pagod.Lumipad ang mga mata ko kay Adrian.Kausap niya ang lalaking nagmamaniobra sa bangka. Hawak niya ang dulo niyon at tinatali naman ng lalaki ang de-motor upang hindi tangayin ng alon palayo.Malapit rin ang loob ng lalaki sa kanya.Kakatapos lang naming aliwin ang sarili. We already r

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 70

    Samantha's POVPareho kaming pagod. Habol namin ang hininga at hikahos. Nakatalukbong ang aming mga katawan sa kumot. Ang ulo ko ay nakaunan sa bisig niya habang niyayakap niya ako mula sa likuran gamit ang braso.Walang ni isa sa'min ang nagsalita. Parang nagpapakiramdaman lang sa pamamagitan ng tahimik na puso na nakaramdam ng tuwa at galak.Aminado ako noong una'y hindi ko nagugustuhan ang isiping magkasama kaming dalawa. Subalit ngayon, nilunok ko lang pala ang sariling laway. Nakalimutan ko pansamantala ang responsibilidad ko sa syudad.Bandang alas tres ng hapon ng tumigil ang pagbagsak ng ulan.Pareho kami ni Adrian na lumabas. Tanaw ko ang buong karagatan na nanatiling malalakas ang bawat hampas ng alon. Ang iilan sa mga dahon ng niyog at mangga ay nagkalat kung saan-saan. Pero ang nakakamanghang isipin ay walang ni isa ang nagkaroon ng danyos o pinsala.Lalo na ang bawat kabahayan.Nilingon ko si Adrian. Nakita

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 4

    Adrian's POVHinagkan ko siyang muli, sa puntong ito ay mas mapusok, mas marahas, habang nilalaro ko ang kanyang pagkababae. She doesn't have a big size of boobs ngunit sapat sa'kin upang kainin ang kanyang utong.Pabalik-balik ako at palipat-lipat. Siya naman sa kabilang banda ay pabiling-biling s

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 3

    Adrian's POV"Sino iyang mga babae sa kabilang lamesa. Kakilala mo ba, Adrian?" Tanong ni Cross sa'kin ng makalapit kaming dalawa ni Iñigo.Umiling ako. They probably are the workers under my family's corporations, ngunit hindi ko sila kilala sa personal na buhay. Marami akong mga empleyado at hind

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 2

    Samantha's POV"Nakakapagod!" Sigaw ni Karen habang papalabas kami sa laboratory. Karamihan sa mga kasabayan namin ay ang mga ka-grupo ko lang rin sa Cosmetics Department.Ang makalabas sa trabaho ng alas dyes nang gabi ay literal na gusto ko lang na humilata agad sa kama ko't magpagulong-gulong."

  • The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO   Chapter 6

    Samantha's POV Naalimpungatan ako dahil sa masakit na nararamdaman ko sa katawan. Iminulat ko ang mga mata nang makitang nasa loob ako nang puting kwarto. May nakakabit na IV sa likurang bahagi ng kaliwang palad ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ng bumukas ang pintuan at pumasok ang dokto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status