MasukTatlong oras na akong naghihintay sa lobby ng Verande Tower nang biglang huminto ang lahat sa kanilang mga ginagawa.
Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino ang pumasok. Naramdaman ko na ito sa paraan ng pagbabago ng hangin sa buong silid… na parang ang bawat tao ay kahit hindi tumitingin, ay bigla na lang nakaramdam ng presensyang hindi puwedeng balewalain.
Pero tumingin pa rin ako.
Mataas siya, mas mataas pa sa palagay ko batay sa mga larawan niya sa Forbes na nakita ko noong nag-research ako bago pumunta rito. Nakasuot ng itim na suit, na parang ginawa mismo para sa kanya -- eksakto, walang sobra, walang kulang, tulad ng buong pagkatao niya. Hindi siya nagmamadali kahit alam kong may pupuntahan siyang meeting. Naglalakad siyang parang oras mismo ang naghihintay sa kanya.
Si Alessandro Verande.
Hindi ko dapat siya tinitigan nang ganito katagal. Pero may kakaiba sa paraan niya ng paglalakad na tila parang may hinahanap. At bago ko pa maiwasan, tumigil ang kanyang mga hakbang.
Sa harap ko mismo.
At sa loob ng isang saglit, pakiramdam ko’y wala nang ibang tao sa buong lobby.. Nag-init ang mukha ko sa gitna mismo ng malamig na hangin ng silid.
"Ikaw," sabi niya. Hindi tanong. Parang pagkumpirma lamang ng isang bagay na matagal na niyang alam.
Napalunok ako. "Ako po?"
Hindi niya inalis ang tingin sa akin. May kung anong bagay sa mga mata niya na hindi ko maunawaan---hindi ito ang tingin ng isang taong nakakakita lang ng bagong mukha. Mas malalim ito. Parang may sinusukat siya, may hinahanap na sagot sa mukha ko na hindi ko alam kung nasaan. At sa ilalim ng pagtataka, may isa pang bagay na hindi ko inaasahan…isang bagay na para bang nabighani siya, kahit ayaw niyang aminin ito sa sarili.
"Anong pangalan mo?"
"Mira po. Mira Villareal."
Bahagyang lumiit ang kanya mga mata. Napansin ko ang kunot sa noo niya --- saglit, bago ito nawala, na parang hindi ko dapat nakita.
"Dito ka para sa interview."
Hindi rin ito tanong, pero tumango ako. "Opo. Para sa junior accountant."
"Wala nang interview."
Nanlaki ang mga mata ko. "Po?"
"May trabaho ako para sa'yo. Isa lang ang kundisyon." Naglakad siya papunta sa elevator, hindi na hinihintay ang sagot ko, na parang alam nang sasama ako.
Nag-alangan ako sandali …. dalawang buwan na akong walang trabaho, lumalaki ang utang ng aking ama bawat linggo, at heto ang isang estranghero na nagsasalita na parang alam na niya ang lahat tungkol sa akin. Ngunit may kung anong bagay sa kanya na, sa halip na takutin ako, ay may halo ng kaba sa paraang hindi ko lubusang maunawaan.
Sumunod ako.
Sa loob ng elevator, mas naramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin.--- ang lapad ng kanyang balikat, ang amoy ng pabango niyang simple ngunit mabigat. Napansin kong hindi na siya tumitingin sa akin nang deretso ngayon, tulad ng kanina ---sa halip, nakatingin siya sa nakasarang kamao sa harapan niya, na parang kailangan niyang pigilan ang sarili sa isang bagay.
"Anong kundisyon po, Sir?"
Hindi niya agad sinagot. Pinindot lang niya ang pindutan patungo sa ika-apatnapung palapag --- ang executive floor, alam kong hindi dapat mapuntahan ng ordinaryong aplikante.
Nang magsara ang p***o, saka lang niya ako muling tiningnan, at sa pagkakataong ito, mas malapit, mas matagal.
"Personal secretary kita. Direktang mag-uulat sa akin, walang ibang puno."
Kumuha siya ng isang sobre mula sa loob ng kanyang suit parang inihanda na niya ito bago pa man ako makapasok sa gusali.
"Basahin mo ito bago ka pumirma. May mga kundisyong hindi karaniwan."
Kinuha ko ang sobre nang nanginginig ang kamay, at sa saglit na iyon, magkadikit ang mga daliri namin --- sapat para makaramdam ako ng kakaibang init na tumakbo pataas sa aking braso. Batay sa paraan niya ng bahagyang pagtigil, alam kong naramdaman din niya ito.
"Kailan po ninyo ito inihanda?"
"Kaninang umaga."
"Pero hindi n'yo pa po ako nakikilala kaninang umaga."
Tumigil ang kanyang kamay sa paggalaw. Sa unang pagkakataon, may nakita akong bagay sa mukha niya na hindi ko inaasahan mula sa lalaking kilala bilang pinakamalamig na CEO sa buong Ortigas, ito’y hindi pagkalito, hindi pagtataka.
Takot.
Saglit lang ito, bago tuluyang nabalot muli ng kalmadong hitsura. Ngunit nakita ko ito. Sigurado ako.
"Basahin mo na lang ang kasunduan, Miss Villareal," sabi niya, ang tinig niya'y bumalik sa dating kontrolado, ngunit mas mahina ngayon, na parang pinipilit niyang lumayo mula sa kung ano man ang naramdaman namin kanina sa loob ng elevator. "May mga sagot akong hindi pa oras para ibigay."
Tumunog ang elevator. Bumukas ang p***o patungo sa isang malawak na opisina na mas malaki pa sa buong bahay namin sa probinsya… malalaking bintanang hanggang sahig, tanawin ng buong lungsod, at isang mesang gawa sa itim na marmol na mukhang mas mahal pa sa kabuuan ng aming lupang sinilangan.
Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, hinihiling sa akin, sa payak na galaw ng kamay, na umupo rin sa harap. Ngunit sa halip na dumiretso agad sa usapin, naupo lang siya roon, tinititigan ako nang may bahagyang kunot sa noo, na parang may sinusubukang alalahanin.
"May kilala ka bang tao mula sa Nueva Ecija?" tanong niya bigla, hindi inaasahan.
Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit tila ang bigat ng tanong na iyon.
"Doon po ako lumaki. Bakit po ninyo tinatanong?"
Hindi niya sinagot agad. Sa halip, bahagyang umiling siya, tila pinipilit tanggalin ang isang partikular na detalye sa kanyang isipan . "Wala lang. Basahin mo na lang ang kasunduan."
Ngunit sa paraan niya ng pagtayo, at paglayo papunta sa bintana habang hinihintay niya akong magbasa, alam kong hindi "wala lang" talaga ang ibig niyang sabihin. May bagay siyang tinatago, isang bagay na mas malalim kaysa sa simpleng alok ng trabaho na ibinibigay niya sa akin.
Binuksan ko ang unang pahina ng kasunduan, ngunit ang mga mata ko'y patuloy na pabalik sa kanya…. sa paraan niya ng pagtayo nang tuwid, tulad ng isang taong sanay pigilin ang sarili mula sa anumang bagay na maaaring magpakita ng kahinaan.
Isang tanong ang paulit-ulit na tumatak sa isip ko, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y hindi ko ito basta-bastang matatanggap na sagot:
Bakit ako? At bakit parang matagal na niya akong hinahanap?
Tatlong oras na akong naghihintay sa lobby ng Verande Tower nang biglang huminto ang lahat sa kanilang mga ginagawa.Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino ang pumasok. Naramdaman ko na ito sa paraan ng pagbabago ng hangin sa buong silid… na parang ang bawat tao ay kahit hindi tumitingin, ay bigla na lang nakaramdam ng presensyang hindi puwedeng balewalain.Pero tumingin pa rin ako.Mataas siya, mas mataas pa sa palagay ko batay sa mga larawan niya sa Forbes na nakita ko noong nag-research ako bago pumunta rito. Nakasuot ng itim na suit, na parang ginawa mismo para sa kanya -- eksakto, walang sobra, walang kulang, tulad ng buong pagkatao niya. Hindi siya nagmamadali kahit alam kong may pupuntahan siyang meeting. Naglalakad siyang parang oras mismo ang naghihintay sa kanya.Si Alessandro Verande.Hindi ko dapat siya tinitigan nang ganito katagal. Pero may kakaiba sa paraan niya ng paglalakad na tila parang may hinahanap. At bago ko pa maiwasan, tumigil ang kanyang mga
Labinlimang pahina ang kasunduan.Binasa ko ito nang tatlong beses sa loob ng maliit na conferrence-room na inalok niya sa akin, habang siya mismo ay nasa kabilang silid.Bawat pahina ay may bagong bagay na nagpapataas ng kaba ko.Sahod: apat na beses ng inaasahan kong sahod.Tirahan: libreng apartment unit sa gusaling pag-aari ng Verande Group. Kundisyon Blg. 7: hindi maaaring magbitiw ang empleyado sa loob ng labindalawang buwan.Ngunit ang pinakanakakabahala:Kundisyon Blg. 12: hindi papayagang magtanong o mag-imbestiga ang empleyado tungkol sa personal na buhay, pamilya, o nakaraan ni Alessandro Verande.Binasa ko ito nang paulit-ulit, parang aasa akong magbabago ang mga salita kapag mas matagal ko itong titingnan. Hindi ito karaniwang kasunduan sa trabaho. Ito’y parang isang pananggalang. Parang gustong protektahan ni Alessandro ang sarili niya mula sa kung sino man ako.Bumukas ang pinto. Pumasok siya nang walang katok, tulad ng inaasahan ko sa isang taong sanay laging pinaghih
(Makalipas ang tatlong linggo)Hindi ko na pilit tinanong ang tungkol sa larawan.Tatlong linggo na akong nagtatrabaho bilang personal secretary ni Alessandro Verande, at sa tatlong linggong iyon, natutunan kong mayroon siyang paraan ng pag-iwas sa mga tanong na hindi siya komportableng pag-usapan, at babaguhin lang niya ang paksa nang napaka-natural, halos hindi mo mapapansin hangga't hindi mo na-realize na wala ka pa ring sagot.Ngunit hindi ko ito kinalimutan. Lalo na tuwing hahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg, pakiramdam ko'y may mata siyang laging naka masid rito."Villareal." Boses niya mula sa likod ko, sa loob ng aklatan ng bahay niya sa Forbes Park --- kakaunti lang ang alam kong empleyado ang pumapasok dito. "Naibigay mo na ba 'yung quarterly report ng Cebu branch?""Opo. Nasa mesa n'yo na." Itinigil ko ang pagsasaayos ng mga dokumento at lumingon.Pero may napansin akong kakaiba sa mga numero.” Yung inilaan para sa pondo sa community relations na halos trip
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon."Matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa buildini ko."Umikot ang mga salitang iyon sa isip ko nang paulit-ulit, kasabay ng larawan ng lumang bahay namin sa kanyang telepono. Bago ko pa masagot, may tumawag sa kanya tungkol sa isang proyekto sa Batangas, at kailangan niyang umalis, iniwan akong may mas maraming tanong kaysa dati.Kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko: hinanap ko ang katotohanan mismo.Naghanap ako gamit ang aking telepono ng lumang balita tungkol sa proyekto ng Verande Group malapit sa aming dating tirahan sa Nueva Ecija. Halos hatinggabi na nang makita ko ang unang resulta … isang lumang talaan mula sa isang lokal na peryodiko, may petsang labing-anim na taon na ang nakalipas."TULAY SA BRGY. VILLAREAL, GUMUHO. TATLO ANG NASAWI."Nanlamig ang buong katawan ko sa pagbasa ng pangalan ng barangay na may ilang minutong lakad lamang mula sa dating bahay namin.Binasa ko ang buong artikulo: sub-standard mat
Sa Paupahan ni Mira — Gabi ng Parehong ArawDumating siya sandaling matapos lumubog ang araw na tulad ng ipinangako niya.Hindi kami nakatulog nang gabing iyon.Nanatili kami sa maliit kong balkonahe. Habang ang lungsod sa ibaba'y unti-unting natutulog, kami naman ay parehong gising, magkahawak-kamay, hinihintay kung ano pa ang susunod na problema at katotohanan ang darating na makakapag-pabagabag sa amin.""Sabihin mo na sa akin ang lahat, Alessandro," sabi ko sa gitna ng aming katahimikan, hindi na kaya ng aking mga tuhod ang patuloy na katahimikan."Ngayon na. Wala nang lihim."Umupo siya nang mas malapit sa akin, kasunod ay paghinga ng malalim, tulad ng isang taong sa wakas ay pinapalaya ang isang bigat na matagal na niyang binubuhat."Namatay si Lolo Emilio dalawang taon lang ang nakalipas,""Bago siya pumanaw, ipinatawag niya ako at ibinunyag ang lahat --- ang tungkol sa tulay, sa pagtatago ni Tito Renato, sa kamatayan ni Papa na hindi talaga aksidente."Tumigil siya, mahirap h







