Mag-log inSa Paupahan ni Mira — Gabi ng Parehong Araw
Dumating siya sandaling matapos lumubog ang araw na tulad ng ipinangako niya.
Hindi kami nakatulog nang gabing iyon.
Nanatili kami sa maliit kong balkonahe. Habang ang lungsod sa ibaba'y unti-unting natutulog, kami naman ay parehong gising, magkahawak-kamay, hinihintay kung ano pa ang susunod na problema at katotohanan ang darating na makakapag-pabagabag sa amin."
"Sabihin mo na sa akin ang lahat, Alessandro," sabi ko sa gitna ng aming katahimikan, hindi na kaya ng aking mga tuhod ang patuloy na katahimikan.
"Ngayon na. Wala nang lihim."
Umupo siya nang mas malapit sa akin, kasunod ay paghinga ng malalim, tulad ng isang taong sa wakas ay pinapalaya ang isang bigat na matagal na niyang binubuhat.
"Namatay si Lolo Emilio dalawang taon lang ang nakalipas,"
"Bago siya pumanaw, ipinatawag niya ako at ibinunyag ang lahat --- ang tungkol sa tulay, sa pagtatago ni Tito Renato, sa kamatayan ni Papa na hindi talaga aksidente."
Tumigil siya, mahirap halatang sabihin ang susunod. "At sa testamento niya, may isang kundisyon: hindi ko lubusang mamanahin ang kumpanya hangga't hindi ko natutuklasan at napoprotektahan ang pamilya Villareal."
Nanlamig ako. "Bakit partikular kami ang binanggit sa testamento?"
"Hindi ko rin lubusang alam noong una. Ngunit may isang linya sa sulat ni Lolo na hindi ko pa naiintindihan nang buo." Kinuha niya ang kanyang telepono, binuksan ang isang larawan ng lumang sulat-kamay, at iniabot ito sa akin.
"Kay Alessandro: ang pinsalang ginawa ng pamilya natin kina Villareal ay hindi lamang tungkol sa negosyo. May utang akong hindi mo pa nalalaman, at ang utang na iyon ay may pangalang “Anna."
Napahinto ang hininga ko.
"Anna," bulong ko, "iyon ang pangalan ng nanay ko."
Tumingin sa akin si Alessandro, at sa unang pagkakataon, nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito at kaguluhan na kanyang nararamdaman.
"Alam ko. At hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin nito. Ang tanging alam ko, mula noong mabasa ko ang sulat na iyon ay wala akong ginawa kundi hanapin ka --- hindi lang dahil sa kundisyon sa testamento, kundi dahil gusto kong malaman kung ano talaga ang koneksyon ng pamilya natin."
"Kaya mo ako dinala rito," sinabi ko nang mahina "hindi dahil gusto mo lang."
"Hindi." Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit ngunit banayad.
"Oo, sa simula, dahil ito sa kundisyon. Ngunit Mira, ang lahat ng nangyari sa pagitan natin simula noon --- ang mga hapunan, ang mga gabing pinag-usapan natin ang lahat maliban sa totoong dahilan, ang paraan ng pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita kitang pumapasok sa opisina --- hindi iyon parte ng kundisyon. Iyon ay totoo."
Gusto kong paniwalaan siya. Kahit papaano, gustong-gusto ko.
"Kung totoo iyon," sabi ko, habanng nakatingin sa kanya nang deretso, "kung gayon bakit parang natatakot ka pa ring sabihin sa akin ang buong katotohanan?"
Tumigil siya. Sa unang pagkakataon, hindi niya inalis ang tingin sa akin, kahit alam kong mahirap para sa kanya ang mga susunod niyang.
"Kasi may kinatatakutan pa akong isa," sabi niya.
"Hindi lang tungkol kay Tito Renato. Kundi tungkol sa akin mismo." Huminga siya ng malalim.
"Kung totoong may kinalaman ang nanay mo kay Lolo, ibig sabihin baka mas malalim pa ang koneksyon ng dalawa nating pamilya kaysa sa akala natin. At natatakot akong, sa sandaling malaman natin ang buong katotohanan, may bagay na darating na hindi na natin kayang kontrolin."
"Kahit ano pa iyon," sabi ko, habang dahan-dahang hinawakan ang kanyang mukha ng aking mga kamay,
"mas gusto ko pa ring malaman ito kaysa manatiling bulag. Hindi tayo dapat matakot sa katotohanan, Alessandro. Dapat tayong matakot kung hahayaan nating pigilan tayo nito."
Tumingin siya sa akin nang matagal, at sa unang pagkakataon sa buong gabing iyon, nakita ko ang isang bagay sa kanyang mukha na parang paghanga, halo ng pasasalamat.
"Paano ka naging ganito katapang?" bulong niya.
"Hindi ako laging ganito," aminado ko. "Ngunit natutunan kong kapag hindi mo hinarap ang katotohanan, mas malaki ang magiging epekto nito sa'yo at sa buo mong pagkatao. Iyon ang natutunan ko sa lahat ng nangyari kay Tatay."
Bahagyang ngumiti siya, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi na ito ngiti ng isang taong nag-aalinlangan, kundi ito ay ngiti ng isang taong, sa wakas, nakahanap ng lakas na hiniram mula sa taong minamahal niya. Idiniin niya ang kanyang noo sa akin, at sa saglit na iyon, nawala ang lahat ng ingay sa isip ko --- walang testamento, walang Tito Renato, walang nakaraang hindi pa naitutuwid. Tanging kami lang, sa gitna ng gabi, na natuklasang mas matibay pala ang tiwala nilang dalawa kaysa sa lahat ng lihim na tumatakip dito.
"Alessandro," bulong ko "kahit anong lumabas sa lahat ng ito --- kahit sino pa ako, kahit ano pa ang koneksyon ng ating mga pamilya…. gusto kong malaman mong hindi iyon babago sa kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo."
Humawak siya sa aking mukha nang banayad, ang kanyang paghinga’y bahagyang nanginginig.
"Kahit noong una pa lang, bago ko pa lubusang naunawaan ang lahat ng ito, naramdaman ko na hindi ako lumapit sa'yo dahil sa kundisyon ni Lolo. Lumapit ako dahil sa'yo, Mira."
Sandali kaming nagtinginan, walang salitang kailangan pa, hanggang sa unti-unti niyang idiniin ang kanyang labi sa aking noo.
Ito’y hindi halik na puno ng pagmamadali, kundi isang bagay na mas mabagal, mas totoo, tulad ng isang pangako na hindi na niya kailangan pang sabihin nang malakas dahil naramdaman ko na ito sa bawat segundong hinawakan niya ako.
"Anuman ang dumating bukas," sabi niya, "gusto kong malaman mong hindi na ito tungkol sa proteksyon o kundisyon. Ito na, Mira. Ikaw na ang pinili ko, hindi dahil kailangan kong pumili, kundi dahil ikaw talaga ang gusto ko."
Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay, ang puso ko'y punong-puno ng isang bagay na hindi ko pa naranasang madama nang ganito katindi.
"Kung gayon, kahit anong sabihin pa ng nakaraan natin, tatayo tayong magkasama sa hinaharap. Hindi mo na kailangang gawin ito nang mag-isa, Alessandro. Kasama mo ako, ngayon at sa mga susunod pa."
Doon, sa tahimik na gabing iyon, sa gitna ng lahat ng katanungang hindi pa nasasagot, alam naming dalawa ay ang isang bagay na hindi na kailangan pang patunayan.
Totoo ang pagmamahalan namin, hindi ito naging bunga ng anumang kasunduan o kundisyon, at kahit ano pa ang mangyari, hindi na kami babalik sa dati.
Ngunit habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa, may narinig kaming tunog ng pagpasok na mensahe sa kanyang telepono… at nang basahin niya ito, agad na namutla ang kanyang mukha.
Kung hindi ako ang batang babae sa lumang larawan... sino kaya?
Isang buwan matapos ang hatol, sinamahan ko si Elena sa bilangguan.Noong gabi bago kami umalis, hindi ako makatulog. Nakahiga ako sa tabi ni Alessandro, nakatingin sa kisame, at maya maya, narinig ko siyang magsalita sa dilim."Iniisip mo si Elena.""Paano mo nalaman?" tanong ko."Dahil ganyan ka kapag may inaalala ka sa ibang tao," sabi niya, humarap sa akin. "Mas inuuna mo ang pakiramdam nila kaysa sa sarili mo.""Natatakot ako para sa kanya," aminado ko. "Hindi ko alam kung ano ang aasahan niya, o kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos.""Hindi mo hawak ang resulta," sabi niya, hinaplos ang aking buhok. "Ang kaya mo lang, samahan siya. Iyon na ang pinakamalaking tulong."Tumango ako, at sa wakas, pumikit.Maaga kaming umalis. Hindi gaanong nagsalita si Elena sa biyahe, nakatingin lang sa labas ng bintana, paminsan minsang humihinga nang malalim na parang may inaayos sa loob ng kanyang dibdib. Hawak niya sa kandungan ang isang maliit na sobre."Ano 'yan?" tanong ko, nang makalam
Ilang beses na ipinagpaliban ang pagdinig kay Camila, kaya akala namin, hindi na ito matutuloy sa taong iyon. Ngunit isang umaga, dumating ang tawag mula sa abogado ni Alessandro."Itinakda na po sa susunod na Lunes," sabi niya. "Pangwakas na pagdinig po ito, kasama ang pagbasa ng hatol."Tahimik naming pinakinggan ang balita sa hapag-kainan. Si Anna lang ang hindi nakakaintindi, abala sa paghahati ng kanyang tinapay sa maliliit na piraso."Pupunta ako," sabi ni Elena, bago pa man may makapagtanong.Napatingin kami sa kanya."Hindi para humingi ng awa para sa kanya," dagdag niya, nakatingin sa kanyang tasa. "At hindi rin para humingi ng mas mabigat na parusa. Gusto ko lang naroon ako. Gusto kong marinig ng hukom, mula sa akin, kung ano ang naging epekto ng lahat ng ito.""Sasamahan ka namin," sabi ko."Salamat," sabi niya, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo, nakita kong bahagya siyang ngumiti. "Pero gusto ko sanang ako ang magsalita, kahit nanginginig ang tuhod ko."Lunes
Pagkalipas ng limang buwan, natapos din ang health center sa Batangas.Maliit lang ito, isang puting gusaling may dalawang silid pagamutan, isang maliit na botika, at ang bagong dagdag na silid para sa mga manganganak, ang silid na iminungkahi ng mga residente mismo. Sa harap, may karatulang gawa sa kahoy na pininturahan ng mga bata sa baryo: "BARANGAY HEALTH CENTER, PARA SA LAHAT."Maaga pa lang, puno na ang bakuran. May mga nagdala ng pagkain, may mga nagdala ng bulaklak, at may isang bandang gawa sa mga kapitbahay na tumutugtog ng sirang trumpeta at tamburin."Mama, ang saya po!" sigaw ni Anna, hawak ang isang maliit na watawat, tumatalon sa tabi ko."Oo, anak," sabi ko, natatawa. "Pero huwag kang lalayo, ha.""Opo!" sabi niya, at agad na tumakbo papunta sa mga batang naglalaro sa may puno ng akasya.Lumapit sa akin si Mang Tonyo, nakasuot ng barong na malinaw na ngayon lang niya inilabas mula sa aparador."Handa na po ba ang lahat?" tanong ko."Handa na," sabi niya, may bahid ng p
Hindi kami agad sumagot sa sulat ni Camila. Isang linggo naming pinag-usapan ito sa hapag-kainan, sa sala, at sa balkonahe, hanggang sa dumating ang gabing nagkasundo kaming lahat."Pupunta ako," sabi ni Isabela, hawak ang kanyang tasa ng tsaa, hindi inaalis ang tingin sa mesa. "Hindi dahil gusto ko siyang patawarin. Hindi ko pa alam kung kaya ko. Pupunta ako dahil ayokong dalhin habang buhay ang mga tanong ko.""Ako rin," sabi ni Alessandro. "Gusto kong marinig kung ano ang gusto niyang sabihin, at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kayang saktan ang pamilyang ito."Tumingin sila sa akin."Sasama ako," sabi ko. "Hindi para sa kanya. Para sa inyo."Si Elena ang huling nagsalita. Tahimik siyang nakaupo sa dulo ng sofa, hawak ang isang unan sa kanyang dibdib."Hindi muna ako sasama," sabi niya, mahina ang boses. "Pero kung may ipapasabi siya sa akin, gusto kong malaman. Hindi ko pa kayang makita siya ngayon.""Naiintindihan namin," sabi ko, hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi
Tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Mang Tonyo, sinimulan na ang pagtatayo ng health center sa baryo sa Batangas, ang unang proyektong pinamunuan hindi lang ng pamilya namin, kundi ng mismong mga residente.Tuwing Sabado, sumasama ako kay Alessandro sa lugar, minsan kasama si Anna, minsan si Isabela at ang kanyang pamilya. Hindi namin trabaho ang magbuhat ng semento o magpako ng kahoy, ngunit gusto naming makita ang pag-usad ng proyekto, at higit sa lahat, gusto naming makilala ang mga taong magiging bahagi ng bagong komunidad na ito."Magandang umaga po, Doktora," bati ng isang batang lalaki kay Isabela, isang Sabado, nang dumating kami sa lugar."Hindi pa po ako doktora," natatawang sagot ni Isabela, kahit halatang kinikilig sa tawag. "Si Dr. Santos ang doktor. Ako ay isa lang pong nars na tumutulong.""Pareho lang po 'yon," sabi ng bata, kumindat. "Mukha po kayong doktora."Natawa kaming lahat, at lalo pang lumakas ang tawa nang lumapit si Dr. Santos, dala ang kanyang bag."Ano'
Dalawang linggo matapos ang pulong sa Batangas, dumating si Mang Tonyo sa Nueva Ecija, kasama ang limang residente mula sa kanilang baryo, dala ang mga katanungang matagal na nilang kinikimkim.Hinintay namin sila sa harap ng Rafael Villareal Memorial School, kasama sina Alessandro, Marco, at si Aling Rosa, na kusang loob na nag alok maging tagapagsalita para sa komunidad ng Nueva Ecija."Sila na ba 'yon?" tanong ni Anna, hawak ang aking kamay, nakatingin sa maliit na grupong bumababa mula sa isang lumang van."Oo, anak," sabi ko. "Maging magalang ka, ha.""Opo, Mama," sabi niya, itinuwid ang kanyang tindig, tila isang maliit na opisyal na handang tumanggap ng mga bisita.Lumapit si Mang Tonyo, matigas pa rin ang tingin, ngunit hindi na kasing talim ng sa unang pagkikita namin."Maganda ang gusali," sabi niya, tumingin sa paligid. "Hindi ko inaasahan.""Salamat po," sabi ni Alessandro, ngumiti. "Gusto po naming ipakita ang lahat. Kung may tanong po kayo, kahit ano, huwag po kayong mag







