Share

CHAPTER 30

     UMAAMBON na nang naghihintay na sina Milagros at Martin ng masasakyan na tricycle papunta sa bahay ng huli. Medyo nababahala si Milagros na baka mauwi iyon sa malakas na ulan at maabutan sila na nasa labas. Matapos nilang kumain ay nakatuwaan pa kasi nilang dumaan sa mall para magpalamig nang kaunti. Paglabas nila ay doon lamang nila napansin na late na pala at kapag ganoong oras ay mahirap nang makahanap nang masasakyan pauwi sa kanilang lugar.

Mabuti na lang at may dumaan na tricycle na agad na pinara ni Martin.

“Hindi kaya abutan tayo nang malakas na ulan?” tanong ni Milagros. Nilakasan niya ang pagsasalita para marinig siya ng nobyo.

“Sa tingin ko ay hindi iyan. Makakauwi ka pa sa inyo ngayong gabi kung iyan ang inaalala mo.”

Ngunit pagkasabi no’n ni Martin ay biglang bumuhos nang ubod lakas ang ulan. Sinabayan pa iyon nang hangin na tila may kaaway dahil galit na galit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status