Share

CHAPTER 50

     “TUMIGIL ka kundi papaputukan ka namin!” Ang malakas na sigaw ng mga pulis na humahabol kay Milagros ang narinig niya nang pumasok siya sa isang kasukalan.

Maraming matataas na puno at makakapal na halaman sa paligid. Umaga kaya napaka liwanag. Mahihirapan siyang magtago sa mga humahabol sa kaniya.

Wala siyang ideya kung paano siya napunta sa lugar na iyon basta ang huli niyang natatandaan ay nagpunta sila ni Monica sa isang motel. Naguguluhan si Milagros sa kung ano ba talaga ang nangyari. Nalaman ba ng mga pulis kung nasaan sila ni Monica? Ang akala ba niya ay hindi siya suspek pero bakit pati siya ay nais na hulihin ng mga pulis?

Natagpuan na lang niya ang sariling tumatakbo dahil may mga pulis na humahabol sa kaniya at nais siyang hulihin. Tagaktak na ang pawis sa buo niyang katawan at ramdam na niya ang labis na pagod pero ayaw pa ring huminto ng katawan niya sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status