Share

CHAPTER 51

HABANG nag-aalmusal sina Milagros at Monica ay isang tawag ang nag-rehistro sa cellphone ng huli. Pagtingin ni Monica sa cellphone na nasa side table ay agad siyang napasimangot nang malaman na tumatawag si Valentina. Bumalik siya sa pagkain at hinayaan na mag-ring iyon.

“Sino `yong tumatawag?” usisa ni Milagros.

“As usual, si mama. Alam ko na ang sasabihin niya. Papasukuin niya ako.” Pabalewala niyang tugon habang ngumunguya ng pandesal. “Pero hayaan mo siya. Tapusin na natin `tong breakfast kasi kailangan na nating umalis.”

Panay ang tawag ni Valentina at talagang hindi yata ito titigil hangga’t hindi niya ito kinakausap. Papatayin na sana niya ang kaniyang cellphone para hindi na makatawag si Valentina pero naisip niya na dapat niyang masabi rito ang mga nasa loob niya upang huminto na ito sa pakikipag-usap sa kaniya.

Dapat lang na malaman ni Valentina na aware siya sa mga plano nito at hindi siya makakapayag na maging biktima nito. Ngunit bago niya sagutin ang tawag ng ina ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status