เข้าสู่ระบบNapakurap-kurap ako habang pinuproseso ang sinabi ni Sage. Bumalik din ang tanong sa akin ni Azi kanina sa parke tungkol sa pagiging mommy ko sa kaniya.
Naintindihan ko pa ang anak niya sa tanong nito kanina lalo na at naging malapit na rin sa akin ang bata. Pero, si Sage Villaruel ay gusto akong maging nanay ng anak niya? In short maging asawa niya? Hibang na ba siya? Ni hindi nga kami personal na magkakilalang dalawa! “Tingin ko hindi ko nasusundan ang gusto mong sabihin,” ang naguguluhan kong sambit. Hindi naman nagbago ang seryoso niyang tingin sa akin. Umayos siya ng pagkakaupo bago muling magsalita. “I need someone who can be a mother to my son. At sa kaso ko, ikaw lang ang nakikita kong makakasundo niya—” “Wait! Sandali,” pigil ko agad sa kaniya. “Ito ba ang rason kaya mo binayaran ang utang ko sa club? Para hindi ako makatanggi kapag inalok mo ako ng kung ano man ‘to?” Kumunot ang noo niya. “Hindi ‘yon ang intensyon ko.” “Well, gano'n ang pagkakaintindi ko, Mr. Villaruel. Una sa lahat, ganito ba kadali sa ‘yo na ipagkatiwala ang anak mo sa iba? Paano kung hindi pala ako tulad ng iniisip mo?” ang sambit ko habang inaalala ang eksena kanina sa parke kasama si Penelope. “Pangalawa, bakit ako ang inaalok mo nito gayong may girlfriend ka naman—” “I don't have one,” ang agad na pagputol niya sa akin. Kung gano’n ano palang sinasabi ng Penelope na iyon sa anak niya tungkol sa pagiging mommy nito kay Azi? Gusto ko iyong itanong sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili dahil labas na iyon sa isipin ko. “Ang punto ko lang, hindi basta-basta ang pagiging magulang. Alam kong alam mo iyon. Alam ko rin na wala ako sa pusisyon pero sana sa bagay na ‘to ay hinihingi mo rin ang opinyon ng anak mo, dahil siya ang mas maaapektuhan sa desisyon mong ‘to.” Tuluyan akong tumayo sa upuan ko. “At tungkol sa pagkakautang ko sa ‘yo, hindi ko maipapangako na mababayaran agad kita ng buo pero sisiguraduhin kong mababayaran kita kahit paunti-unti.” Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at tuluyan ng nilisan ang hapag. Malalaki ang hakbang na tinahak ko ang daan papalabas ng mansyon. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Sage pero hindi ko na siya inabalang lingunin maging ang mga mata ng tauhan sa mansyon. “Ihahatid na kita,” ang boses niya sa likuran ko ng makalabas kami sa main door. “Hindi na kailangan,” ang pagmamatigas ko bago maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ‘king bulsa. Nang makita ang number ng ospital kung nasaan naka-confine ang papa ko ay agad ko iyong sinagot at napahinto sa paghakbang. “Hello?” “Hello? Is this the guardian of patient Emmanuel Dela Merced?” Kumalabog ang dibdib ko. “Yes, ako nga po. May nangyari po ba sa Papa ko?” “Isinugod po kasi ngayon sa operation room ang paseyente para sa emergency operation, makakapunta po ba kayo ngayon sa ospital?” “O-opo! Papunta na ako!” ang tarantang sagot ko bago ibaba ang tawag. Agad nagtagpo ang tingin namin ni Sage ng mapabaling ako sa kaniya. Nang makita ang itsura ko ay agad niyang pinatunog ang sasakyan niya dahil mukhang narinig niya ang usapan. “Ihahatid na kita.” Sa puntong ‘to ay hindi na niya hinintay ang sagot ko at dumeretso na sa driver seat. Hindi na rin ako nagmatigas pa at sumakay na rin doon. Sa buong biyahe papuntang ospital ay tahimik lang kaming dalawa kahit ramdam ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin. Nagdarasal na ako sa isip ko at halos tawagin na ang lahat ng santo dahil sa takot. Mawala na sa akin ang lahat sa buhay na ‘to pero ‘wag lang si Papa. Siya na lang ang meron ako ngayon. Pagdating sa ospital ay halos takbuhin ko ang daan papuntang operating room kung nasaan dinala si Papa. Nasa loob na siya nang dumating ako kaya ang isa niyang doktor na lang ang nakausap ko. Ang sabi ay dahil nag-critical ang kondisyon ni papa ay kailangan na siyang maoperahan agad lalo na at sa utak ang tama nito. Binalaan na rin agad ako ng doktor na malaki ang aabutin kung sakali ng operasyon at kailangan itong ma-settle agad. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatulala sa labas ng operating room pagkatapos akong iwan ng doktor. Tahimik akong naupo sa labas ng OR, hindi ko magawang maiyak sa kabila ng halo-halong nararamdaman dahil tila nabablanko na ako. Nanatili ako roon hanggang sa tuluyan kong pilitin ang sarili na tumayo para asikasuhin ang iba pang kailangan ni Papa. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pero alam kong magagawan ko iyon ng paraan—kailangan kong makagawan ng paraan. “Bayad na po ang lahat ng bills niyo,” ang sambit ng tauhan ng ospital sa billing area ng magtungo ako rito. Hindi makapaniwalang pina-check kong muli ang record at tama nga ito. Nabayaran na ang balance namin maging ang bill para sa operation ngayon ni papa. Halos takbuhin ko ang waiting area sa lobby para hanapin ang nag-iisang taong nasa isip ko na magbabayad ng utang namin sa ospital. At tama ako, sa isang hilera ng bench sa waiting area ay nakita ko si Sage na tahimik na nakaupo doon. Hindi pa rin talaga siya umaalis. Nang makita ako ay agad siyang napatayo. Agad nagtagpo ang mga mata namin nang marahan kong naglakad palapit sa kaniya. Sa hindi ko malamang dahilan, ang bawat emosyon na pilit kong isinasantabi kanina ay tuluyan ng bumuhos isa-isa hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harapan niya na ako at umiiyak sa kaniyang bisig. “Uminom ka muna,” ang alok niya ng tubig nang tuluyan akong tumahan at maupo na kami. Kinuha ko naman ang bottled water na inaalok niya at uminom doon. Ngayong bahagya nang humupa ang nararamdaman ko ay naramdaman ko naman ang hiya sa biglaang pag-iyak sa kaniya kanina. Paniguradong nabigla siya, kahit din naman ako. “Narinig kong binayaran mo ang bill dito ni Papa,” ang panimula ko na bahagya niyang ikinatigil. “Tungkol d'yan. Alam kong hindi dapat ako nakikialam pero narinig ko ang usapan niyo ng doctor kaya—” “Salamat,” ang marahan kong pagputol sa kaniya nang lingunin siya. “Maraming salamat.” Siya naman ang nag-iwas ng tingin sa akin. “Isipin mo na lang na pagbawi ko ‘to dahil ikaw ang nagbalik kanina kay Azi sa amin.” Bahagya akong natawa. “Magkaiba naman ‘yon. Dalawang beses mo ng sinasalba ang buhay ko.” Hindi siya nagsalita. Napatulala naman ako sa kawalan habang inaalala ang una naming pagkikita. “Nakakatawa na nakakahiyang nakita mo na ako sa mga kritikal na sitwasyon ng buhay ko tulad nito, na kahit ang malalapit sa akin ay hindi alam.” Marahas akong napabuntong hininga bago umayos ng pagkakaupo at balingan siya na ikinabaling din niya sa akin. Masasabi kong mapaglaro nga talaga ang tadhana. “Pumapayag na ako.” Kumunot ang noo niya na tila ay hindi agad naintindihan ang tinutukoy ko. “Pumapayag na akong maging mommy ni Azrielle.”Aldous Sage Villaruel’s POV“This is ridiculous!”Napatayo ang mommy ko sa sobrang galit. Nanatili naman akong nakaupo at sumisimsim sa baso kong may lamang tsaa.“I cannot allow this nonsense, Sage,” ang seryosong tinig ni Dad.Ibinaba ko ang hawak na baso sa lamesa at kapuwa silang tiningnan. “I’ve already decided. No one can change my mind now.”Bumakas lalo ang galit sa mukha nilang dalawa. Nasa mansyon ngayon ang parehong magulang ko matapos nilang malaman ang tungkol sa plano kong pagpapakasal. I don’t want to disclose this yet with them pero masyadong madaldal ang kapatid ko at nagsumbong agad sa kanila.Masyado na talagang na-spoiled ang isang ‘yon, tsk.“Ni hindi mo pa nga naihaharap sa amin ang babaeng ‘yan and now you are telling us that no can change your mind about marrying her? I don’t even know her name or family status!” my mother burst. “You’re not marrying that woman.”Imigting ang panga ko bago padarag na tumayo sa kinauupuan ko. Kapuwa silang napabaling sa akin.
Napakurap-kurap ako habang pinuproseso ang sinabi ni Sage. Bumalik din ang tanong sa akin ni Azi kanina sa parke tungkol sa pagiging mommy ko sa kaniya. Naintindihan ko pa ang anak niya sa tanong nito kanina lalo na at naging malapit na rin sa akin ang bata. Pero, si Sage Villaruel ay gusto akong maging nanay ng anak niya? In short maging asawa niya? Hibang na ba siya? Ni hindi nga kami personal na magkakilalang dalawa!“Tingin ko hindi ko nasusundan ang gusto mong sabihin,” ang naguguluhan kong sambit.Hindi naman nagbago ang seryoso niyang tingin sa akin. Umayos siya ng pagkakaupo bago muling magsalita.“I need someone who can be a mother to my son. At sa kaso ko, ikaw lang ang nakikita kong makakasundo niya—”“Wait! Sandali,” pigil ko agad sa kaniya. “Ito ba ang rason kaya mo binayaran ang utang ko sa club? Para hindi ako makatanggi kapag inalok mo ako ng kung ano man ‘to?”Kumunot ang noo niya. “Hindi ‘yon ang intensyon ko.”“Well, gano'n ang pagkakaintindi ko, Mr. Villaruel. Una
“Daddy!”Tumakbo si Azi papalapit sa lalaking kararating lang. Sa itsura nito ay mukhang galing pa ito sa trabaho at dumeretso lang rito. Muntikan ko ng makalimutan na siya ang pinunta ko rito, pero ngayong nasa harapan ko na siya ay muli na naman akong nilalamon ng kaba.“Sage,” ang mahinhin na sambit ng babaeng ngayon ay abot-langit na ang ngiti. “Penelope,” ang banggit ng lalaki sa pangalan nito matapos buhatin si Azi. Dumako rin ang tingin niya sa akin na agad kong ikinaiwas.“Sa bahay ka na sana dumeretso. Sinusundo ko lang si Azi,” si Penelope.Halos mapairap ako dahil sa pagiging two faced niya pero dahil sa mariin na tingin sa akin ni Sage na tila nagtatanong ang mga mata ay pinigilan ko ang sarili.“You are here,” ang pagkausap sa akin ni Sage na ikinabaling ko sa kaniya.“Binili po ako ni teacher ng ice cream!” si Azi.“Ah! Yes, siya ang nakakita kay Azi. Sobrang thankful nga ako nung tumawag siya sa bahay. Sobrang nag-aalala talaga ako kanina,” ang madramang sabi ni Penel
Kung nakatutunaw lang ang tingin ay kanina pa siguro nalusaw ang papeles ng bahay at lupa namin sa harapan ko. Pagkatapos ng nalaman ko sa nightclub ay halos hindi ako patulugin ng pag-iisip ng mga sagot sa tanong kung bakit iyon ginawa ni Sage. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako tinutulungan?Nagtatalo ang isip ko sa kung dapat kong gawin gayong alam na nito ang isa sa pinakatatago ko.“Walang mangyayari kung hindi ko siya pupuntahan,” ang tuluyang pagsuko ko bago tumayo sa aking upuan.Kung alam na niya lahat ng dahilan kaya ako nasa nightclub ng gabing iyon ano pa bang ikahihiya ko?Ang totoo ay nang gabing iyon ang unang araw ko sa club matapos kong pumayag na maging dancer doon para mabayaran at makuha agad ang titulo ng bahay at lupa ng bahay namin, na isinanla ng madrasta kong iniwan na kami pagkatapos maospital ni Papa. Iyon na lang choice na mayroon ako para hindi mawala ang nag-iisang alaala na mayroon ako sa mga magulang ko.Nasa ospital pa rin si Papa at halos ba
Felicity Hera Dela Merced’s POV“Good bye, Teacher! See you tomorrow!” ang masiglang pagpapaalam ng isa sa mga estudyante ko sa Grade 1.Nakangiting kumaway ako sa kaniya at sa nanay niyang nakangiti rin sa akin.“Bye! Ingat sa pag-uwi.”Pinanood ko silang makaalis bago dumeretso sa faculty para ilagay ang ibang gamit ko. Naabutan ko pa ang co-teachers ko na galing din sa kanilang mga klase.“Kapagod,” ang malamyang sabi ni Jessie matapos ibaba sa mesa niya ang mga notebook na dala.“Stress ka na naman sa mga grade 6 mo?” ang mapang-asar na tanong ko sa kaniya na lalo lang ikinalukot ng kaniyang mukha.“Ano pa ba? Mabuti nga ikaw e mukhang maganda ang naging weekends kaya sobrang blooming ngayon,” ang balik na panunukso nito na ikinawala ng ngiti ko. “Nakipag-date ka siguro.”Napatikhim ako. “Na parang may oras pa ako para d’yan,” pekeng ngiting sambit ko habang pinipilit hindi alalahanin ang nangyari sa weekend ko.Bago pa man makapagtanong ng kakaiba sa akin si Jessie ay nagpaalam
Third Person’s POV“Alam mo anong sagot sa problema mo bro?” ang sambit ni Lorrence na kaibigan ni Sage. Ngumuso ito sa stage ng club kung saan naglabasan ang mga babaeng nakasuot ng sexy na damit. “Babae.”Tinungga ni Sage ang laman ng kaniyang baso bago muling magsalin dito.“O? ‘Di ba? Kung gusto ni Azi ng mommy, marami kang mahahanap. Baka pumila pa nga sila para asawahin mo,” ang dugtong pa nito na ikinailing ng lalaki.“Nanay ang gusto ni Azrielle, hindi kung sinong babae lang na mahanap ko sa tabi,” ang sagot niya bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso.Lalong umingay sa loob ng nightclub kung nasaan ang dalawa nang magsimulang sumayaw ang mga babae sa itaas ng stage na ikinahiyaw ng mga lalaking nanonood. Nakihiyaw rin ang kaibigang niyang si Lorrence.“E bakit kasi hindi mo na lang pansinin si Penelope? Simula College tayo patay na patay na sa ‘yo ‘yon! Malay mo maging mabuti pa siyang nanay kay Azi,” pangungumbinsi pa ni Lorrence sa kaniya. “Isa pa boto sa kaniya ang







