共有

Chapter 7

作者: noowege
last update 公開日: 2026-04-10 12:17:41

Nagulat si Elena nang mapagbuksan kinaumagahan si Farah.

"Surprise! I bought you a cake-” Natigilan si Farah nang malaman na si Elena pala ang nasa harapan. “Oh.”

Hindi na siya nakapagsalita nang humakbang papasok si Farah sa loob. Tahimik ang mansyon. Umingay lang sa pagdating ni Farah.

Hindi siya pinansin ni Farah at nagtuloy na sa taas na parang sariling bahay ang pinasok nito. Walang pakundangan na nagtungo ang babae sa silid ni Hector.

Paalis na rin naman siya kaya pinili niya na lang na iwan ang dalawa sa bahay. Tiyak na gusto rin iyon ni Hector. Gusto ng lalaki si Farah. Kaya hindi na siya magtaka kung may mangyari sa dalawa. Wala rin naman siyang pakialam. Nandito lang naman siya dahil kailangan niyang magkunwaring fiancee ni Hector.

Sumakay siya ng bus papuntang hospital. Kaya lang sa bus natigilan siya nang may mamukhaan.

Namilog ang mata niya.

Si Luigi. Ang crush niya. Trabahante rin noon sa kainan si Luigi. Magkasabay silang nag-apply noon at malapit ito sa lahat ng babaeng katrabaho nila. Cute, gwapo, lalaking lalaki at mabait din kaya maraming katrabaho nito ang nagkagusto rito. Isa na siya doon. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Luigi ang feelings niya dito.

Napayuko siya at sinikap na itago ang mukha. Hindi naman yata siya nakikilala nito. Matagal na iyong panahong magkasama sila sa trabaho. Tiyak nakalimutan na siya nito.

“Elena?”

Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Namilog ang mata na binalingan niya ang lalaking nasa tabi.

Hilaw at nahihiyang nagbitiw siya ng ngiti.

“Ah, h-hi,” aniya sabay angat ng bahagya sa kamay para sa ‘hi’.

“Kumusta. Ang tagal na'ting hindi nagkita.” Sabay akbay sa kaniya na ikinainit ng mukha niya.

Kaya nami-misinterpret ito ng mga babae noon dahil touchy si Luigi at palangiti. Dagdag mo pang gwapo rin.

“A-Ayos lang. Ikaw pala 'yan.” Nahihiya niyang sambit sabay yuko.

"Saan ka na nagtatrabaho ngayon?” usisa nito.

Natigilan siya. Paano niya ba sasabihing isa na lamang siyang taga aliw ng bored na mafia na pinagkautangan ng Papa niya?

Mafia na gustong maghiganti sa ex nito dahil di maka move on.

"Sa Restaurant pa rin ba?" Kalaunan ay naitanong ni Luigi dahil di na siya makapagsalita.

"Ah, o-oo. Sa restaurant pa rin." Nilakipan niya pa ng pilit na ngiti.

"Oh, sa ibang restaurant?"

Tumango siya. Hindi naman sila close ni Luigi. Pero kung makapagtanong ito, wagas.

Hindi sila masiyadong close dahil... hindi siya iyong tepo ng taong makikipag-close sa taong gusto niya.

Nang makababa sila sa bus ay nagulat pa siya nang habulin siya ni Luigi.

“Pwede bang makuha ang number mo? Kung... ayos lang?” medyo alanganin pa si Luigi nang sabihin iyon.

Napanganga siya. Sinong hindi magugulat kung ang long time crush mo hihingan ka bigla ng numero?

“Baka lang bored ka at nagkataon na may lakad kami. Sama ka namin minsan. As a friend...”

As a friend.

Tila nag echo iyon sa isipan niya. Asa pa ba siyang magugustuhan din nito? Ano bang ini-expect niya? Na kukunin nito ang numero niya tapos liligawan siya? Parang gusto niyang pagtawanan ang sarili.

Nakakahiya ka, Elena. Kastigo niya sa sarili.

“Ah, oo sure...” aniyang sinabayan ng tipid na ngiti.

Tiyak may girlfriend na naman ito. Kada taon paiba iba ang girlfriend nito. Minsan hindi umaabot ng isang taon.

“Call you later!” ani Luigi at kumaway saka umalis na.

Nakarating na siya ng bahay nang biglang tumunog ang phone niya. Inasahan niyang si Luigi iyon.

“Hello? Luigi?”

“What the fvck are you talking about?” boses ng galit na si Hector ang pumailanlang sa kabilang linya.

“Uh, sorry. Akala ko...”

“Umalis ka kanina.” anito iritado pa rin.

“Nandiyan si Farah. Ayokong isturbuhin kayo.” Napalunok siya at agad kinabahan.

“And you don't wear the ring. Iniwan mo dito.”

“H-Hindi naman kasi akin iyon. Nagtaka ako kung bakit nasa daliri ko.” Nakagat niya ang ibabang labi.

“Damn it, that's yours!”

Napakurap kurap siya sa bulyaw ni Hector. Natataranta na bumaba ulit siya. Naka-short at sando lang siyang umalis. Usually, nakasuot siya ng maong at maluwag na shirt. Pero dahil sa pagmamadali hindi niya na napansin ang suot.

Natatakot siyang baka may gawin na naman ito sa kaniya kapag hindi niya nasunod ang gusto nito.

“Paparating na ako-”

Naputol ang sasabihin niya nang ibaba na lang bigla ni Hector ang tawag. Nag-taxi siya para lang makarating agad sa mansyon ni Hector.

Nagmamadali siyang umakyat sa silid ni Hector at sumalubong sa kaniya ang nakakunot noong si Hector. May dilim sa mukha at nasa kamay ang singsing na sinasabi nito.

“Pasensiya na. Hindi ko alam na kailangan kong suotin iyan. Hayaan mo at susuotin ko iyan araw araw." Humihingal niya pang paliwanag dito.

“Who's Luigi?”

Namilog ang mata niya.

“H-Ha?”

Napalunok siya. Paano niya sasabihin ang tungkol kay Luigi?

“Boyfriend mo?” umangat ang kilay nito nang itanong iyon.

Wala itong suot pang itaas. Kita ang tattoo nito sa dibdib na gumagapang tungo sa leeg. May nagiisang hikaw sa kabilang tainga si Hector na agaw pansin sa tuwing gagalaw ito.

Umigting ang panga nito nang hindi siya agad makapagsalita.

“Do I need to call my assassin to look for that fvcking Luigi?”

Namilog ang mata niya. Bakit magha-hire ito ng mamamatay tao para kay Luigi? Wala namang ginagawang masama iyong tao.

“Singsing ang pinunta ko dito. Bakit nasali sa usapan si Luigi?”

“Coz I'm your fiance. At wala kang karapatang magkagusto sa ibabang lalaki habang tayo pa.” Malamig at mabigat ang boses nito nang sabihin iyon.

Nakagat niya ang ibabang labi. Huwag mo sabihing lahat ng taong mapapalapit sa kaniya ay mapapahamak dahil sa kademonyuhan ni Hector.

Maging si Luigi.

Tumayo si Hector at humakbang palapit sa kaniya.

Mabibigat ang mga hakbang nito palapit sa kaniya. Dumungaw ito sa kaniya nang makalapit na sa kaniya.

Mas nadipena ang laki ng katawan at tangkad ni Hector nang makalapit ito sa kaniya. Halos tabunan ng pigura nito ang pigura niya.

Gusto niyang umatras pero hawak siya nito sa baywang. Napasinghap siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinawakan ang palasingsingan niya.

Dahan dahan nitong pinadausdos sa daliri niya ang mamahaling singsing.

“Habang nasa poder kita. Akin ka... Elena.” paanas nitong bulong sa kaniya na nagbigay ng sikip sa dibdib niya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
nice story miz A...thanks
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 38

    “E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi iyon at dapat na hinayaan man lang siya nitong magdesisyon para sa sarili niya. Kaya lang kahit papaano ay nagpapasalamat siya rito dahil talagang totoo itong nag-alala sa kaniya. “P-Pwede ba akong pumasok?” anito sa nanginginig na boses.Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan. Parang may kinatatakutan ang lalaki. Alanganin siyang tumango. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito sa mga oras na ito pero iniisip niyang mas mabuti nga'ng sa loob na sila mag-usap sa ngayon upang mas maayos silang magkaharap.Nagtimpla siya ng juice para kay Luigi. Halos hindi makainom ng maayos si Luigi. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso ng juice.“Anong problema, Luigi?” aniya na may pagtataka sa

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 37

    Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Nang dumating ang pagkain nila ay nagulat pa siya dahil lahat ng nandoon ay ang in-order niya noong nakaraan. Lahat ay naalala nito. Kahit ang inumin naalala nito.“Any problem?” usisa nito. Tila kanina pa siya nito pinagmamasdan. Napapansin nito kahit ang kakarumpot na reaksyon sa mukha niya. Umiling siya. “Wala.”Aside from that. Hector usually does his work at home. Nandoon ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong kahit na hindi niya naman iyon hinihingi. Ayaw niyang isturbuhin ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ito kapag gusto nitong makialam sa ginagawa niya sa garden.“Still have some stuff for your garden? May kailangan na bang bilhin?” ani Hector habang inaayos ang pot ng

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 36

    Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pagtatamnan nito ng petchay at kung anu-ano pang gulay.He thought that Elena and Farah have the same taste and hobbies, that's fond of expensive things is a common dinaminator of all girls. Kaya binibigay niya ang mga gusto ng babae base sa mga nakasanayan niyang gusto at hinihingi ni Farah noon. But now he realizes that Farah and Elena are not the same person. They share the same face but not the personality. But think about it, he prefers this side of Elena. Tinapos niya kaagad ang meeting through his laptop. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang secretary na isulat lahat ng napag-usapan at ire-review niya mamaya.Inilihis niya ang sleeve ng suot niyang dress shirt pataas tsaka siya umal

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 35

    Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya kung maari ay iignorahin niya ang mga pagpapa-sweet ng lalaki. Kailangang maghirap ito sa pakikisama sa kaniya. “Hindi niyo po kakainin ngayon, Ma'am? Ilalagay ko na lang po sa ref,” ani katulong na siyang tumanggap sa pinadala ni Hector na cake.“Oo, ayoko.” Tapos ay tinalikuran niya na ang katulong. Kaya lang na-tempt siya nang dumating ang tanghali. Ang ganda kasi talaga tingnan ng strawberry cake. Feeling niya ay mukhang masarap iyon lalo pa at personalized iyon mula sa mamahalin at kilalang brand.Sinulyapan niya ang kusina. Tapos ay nagtungo naman siya sa sala. Siniguro niya munang walang tao bago niya lantakin ang cake sa ref. Dahan dahan niyang inilagay ang cake sa center island n

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 34

    Pinagmasdan ni Elena ang kisame ng silid. Inaasikaso siya ng staff ng isang kilalang derma clinic. Pinapa-laser ni Hector ang mga peklat niya na ito rin ang may gawa. Binubura nito ang mga ibedensiya ng pagiging bayolente nito. “Pambihira,” anas niya at nagbitiw ng sarkastikong ngiti.Kalakip niyon ay pait sa mga mata niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng gustong gawin ni Hector. Pakiramdam niya'y inaalisan na siya ng lalaki ng karapatang magreklamo at mabuhay ng ayon sa gusto niya.Naiinis siya sa bawat araw na nangyayari ang ganito. Ngunit kailangan niyang tiisin. Mananatili siya roon hanggang sa mapabagsak niya si Hector. “Ma’am? May sinasabi po kayo?”Natauhan siya nang magsalita ang staff ng clinic. Ngumiti siya rito at umiling. Saka nagpatuloy ito sa ginagawa. Isang buwan nang hinahatid siya ni Hector sa parehong derma. Sa paulit ulit niya roon ay malaki na rin ang naging improvement ng skin niya. Pakiramdam niya'y mas malaki pa ang maintenance niya ka

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status