Share

XXVIII - Friends

Elaine's Point of View

Pagkayari kong patayin ang tawag ay dali-dali akong nagpunta sa closet room dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy Hacel na nandoon daw ang mga damit na sinisigurado raw niya na kailangan ko.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang cabinet na magkakakonekta na pumapaikot sa buong silid. Katabi lang nito ang silid namin ni Louis na ngayon ay kaniya na lang.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ngunit una kong binuksan kung ano ang mas malapit sa akin.

Nagsimula na akong maghanap ng maisusuot na damit. Ayaw kong mapahiya sa party na pupuntahan namin lalo na at nandoon si Louis at posibleng may ka-partner siyang ibang babae. At hindi lang iyon, nakakahiya naman kay Kaizer kung hindi man lang ako mag-aayos.

Mabuti na lamang ay naisipan ni Mommy Hacel na maglagay ng isang closet room na may iba't ibang uri ng damit. Ang sabi kasi niya ay para hindi na ako bumili ng mga damit sa tuwing may okasyon kaya't naisipan niyang magpa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status