Share

Chapter 4

Ayiesha POV

NAGISING ako sa isang 'di pamilyar na kwarto. Sa'n na naman ako ngayon? Napasuklay na lang ako sa aking buhok. Bakit ba palagi na lang ako nasasangkot sa ganito?

Tumayo ako at bubuksan ko na sana ang pintuan ng ayaw itong mabuksan.

"Hey! May tao ba dyan? Tulungan nyo naman ako please." sigaw ko mula sa loob.

Pero parang walang nakarinig. Bakit napunta ako dito. Ang natatandaan ko lang ay naglalakad ako tas may huminto na van.

Umupo nalang ako sa kama. Bakit nagkaganito ang buhay ko? Malas ba ako?

Third Person POV

"PINAPADALI lang ni Adelaine ang trabaho natin." ngising sambit ng isang lalaki sabay buga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.

"Matalino pala ang babaeng iyon, akalain mo iyon. Madali nating nakuha ang asawa ni Terrence Alvarez because of her."

"Kasi tanga siya. Nagpapakatanga na nga lang sa lalaki na iyon pa." Ngisi nito.

"Ipaalam mo ito kay Alvarez. T'yak nagkukumahog na iyon sa paghahanap sa asawa niya."

"Ok! Right away,"

Tumayo ito at nag dial. Abala na ito sa pakikipag usap sa kabilang linya. Habang ako naman ay abala sa kung anong dapat gawin sa asawa ni Alvarez.

Terrence POV

"NAHANAP nyo na ba si Ayiesha?!" Tanong ko sa mga tauhan ko.

"Hindi pa sir." sagot nito sa akin.

"Shit, where are you, Love! Nasaan ka na ba ngayon!" nag alala kong utas.

"Sir, may tumatawag!"

Agad ko itong kinuha at sinagot. "Hello!"

"Alvarez, Alvarez, your wife is with us. Give us what we want." sabi ng kabilang linya. "Or else. Your wife will be dead, tomorrow." Napakuyom ako sa aking kamao.

"Shit, f*ck! Sino ka ba?" sigaw ko. Mula sa kabilang linya. Pero wala nang tao sa kabilang linya.

"What's happening dude, bakit ka sumisigaw?" tanong sa akin ni Ezekiel.

"Nakidnap si Ayiesha." sagot ko.

"Gano'n ba, sino ang kumuha sa kanya?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam. Baka isa sa kalaban ng organization natin. Sinasamantala nila ang nangyari sa amin ni Ayiesha. Dahil alam nilang, madaling makuha si Ayiesha. Kung wala ako sa tabi niya." Nakakuyom ang aking mga kamao. Kung sino man ang may gawa nito. Magtago na lang ito.

Dahil di ko siya sasantuhin. Bakit kasi hinayaan ko pa si Ayiesha na umalis. Di sana di ito mangyayari.

Tiyak na natatakot na si Ayiesha ngayon. Napasabunot ako sa buhok ko.

"Hanapin nyo, kung saan pwede siyang dalhin." utos ko sa mga tauhan ko.

 Kailangan kung mailigtas si Ayiesha sa lalong madaling panahon.

Ayiesha POV

HINGAL na hingal na ako sa kakatakbo. Nakatakas kasi ako kanina sa pagkidnap sa akin. Di ko sila kilala. Patuloy parin ako sa pagtakbo.

Di ko alam kung saang eksaktong lugar ako. Nasa isang kagubatan kasi ako. Nataranta na kasi ako kanina. Nang makita kung hinahabol na nila ako.

Huminto muna ako sa may puno.

"Doon! Baka nandoon!" sigaw ng mga lalaking humahabol sa akin. Mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa katawan ng malaking puno, kung saan ako nagtatago ngayon.

"Kailangang mahanap natin ang babaeng iyon. Patay tayo kay boss pag nagkataon." sabi naman ng isang lalaking kasama ng mga humahabol sa akin.

Napahawak nalang ako sa aking dibdib. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, at isa pa pagod na pagod na akong kakatakbo.

Nang makapag ipon ng konting lakas ay agad akong pumunta sa isang dako ng kagubatan. Kanina pa ako takbo ng takbo sa isang hanggan na walang kasiguraduhan.

Nagpahinga muna ako sandali. "Ayon!" sigaw ng mga lalaking humahabol sa akin.

Nilingon ko sila at agad naman akong tumakbo. Tumakbo ako kung saan ako dapat makatakbo.

Hanggang sa di ko namalayan ang isang bangin. Natalisod ako at nagpagulong-gulong. Nagpatuloy sa pag gulong ang pagod at pagak kong katawan.

Nang mahinto ako sa pag gulong ay agad akong tumayo. Pero sobrang sakit ng aking katawan.

Hingal na hingal ako. Nasa isang malawak na sapa ako. Di ko alam kung saang parte na ito. Sinubukan kung tumayo, kahit masakit ang katawan ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sinusundan ko lang ang agos ng sapa. Hanggang sa makalabas ako. May nakita akong highway.

Nang may paparating na sasakyan ay agad ko itong pinara. Di pa man nakalapit ang sasakyan ay natumba na ako at nawalan ng malay.

Terrence POV

"HANDA na ba ang lahat?" sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Yes, Sir." sigaw naman nila.

"Make sure na marescue nyo si Ma'am Ayiesha nyo." utos ko sa kanila.

"Yes, Sir."

"Sige na magsipag handa na kayo." sabi ko sa kanilang lahat.

"Susugal ka pa rin. Kahit alam mong wala na si Ayiesha doon?" tanong sa akin ni Carlo.

"Kailangan, Carl. Susuyurin ko ang buong bundok doon. Para lang mahanap si Ayiesha. Hindi ako titigil." sambit ko dito. Nanatili ang atensyon ko sa baril na inaasembol ko ito. I am desperate now, gusto kong mahanap na aking asawa.

Alam kong wala na si Ayiesha, kung saan siya dinala. Pero kailangan kung masiguro kung saan nagpunta si Ayiesha. Handa ang lahat ng lumabas ako sa kwarto kung saan ako galing.

"Move!" utos ko sa kanilang lahat.

"Dude. Maabutan pa kaya nating buhay si Ayiesha." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kaya nga magmamadali tayo di ba?" galit kong sambit kay Craige.

Nauna na ako sa kanila, alam kong nakasunod sa akin ang iba ko pang mga tauhan.

Sumakay ako sa sasakyan ko. Di nagtagal ay nasa daan na kami, papunta sa bundok kung saan nila dinala si Ayiesha.

Na Trace kasi namin si Ayiesha. Base na rin na track ng location ay nasa isang bundok ito.

 

Third Person POV

"MGA tarantado. Isang babae lang natakasan kayo? Ang bobo nyo naman." sigaw ng boss nila sa mga tauhan na nagbabantay kay Ayiesha.

"Nawala kasi boss eh!"

"Nawala? Ang sabihin nyo mga tarantado at gago kayo. Umalis kayo sa harapan ko." Pag papaalis ko sa mga tauhan nito.

"Enough, yang BP mo baka tumaas." sambit ng babaeng nasa harapan nito.

"Kung alam ko lang na makakatakas ang babaeng iyon. Di sana mas hinigpitan ko ang pagbabantay." nakakuyom nitong sambit.

"May sa pusa talaga ang babaeng yon. Di mamatay-matay."

"F*ck. Bakit ngayon pa nagka bulilyaso ang plano ko. Alam kong papunta na si Alvarez dito." tumaas ang kilay nito.

"Pupunta pa rin siya dito? kahit wala na dito ang asawa niya? Magpapakamatay na siya?"

Nilingon ko ang babae. Kumunot ang noo ko. Bakit ba hindi. Magkamukha sila ni Ayiesha ang babaeng kinababaliwan ni Alvarez.

"You were be the replacement of Ayiesha Alvarez." nakangisi nitong sambit sa babae.

"Are you out of your mind? May balak ka atang patayin ako." galit na sambit ng babae.

"Magpapanggap ka lang naman." sabi nito sa babaeng kaharap.

Marami ka ng nalalaman, oras na para patahimikin ka.

"Baka mamatay ako dyan. Ayaw ko pang mamatay no." sigaw nito.

"Don't worry. You won't die." Ngiti ko dito. Mamamaalam ka na.

Terrence POV

NAKARATING kami sa lugar kung saan nila inilagay si Ayiesha. Sobrang tahimik ng bahay, abandonado na ata ito. Nagsipagkalat na ang mga tauhan ko. Isa-isa na silang pwesto.

"Alvarez." tawag sa akin ng isang lalaki. Kumunot ang noo ko. Di ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Sino ka? Nasaan ang asawa ko."

Kahit alam ko na wala si Ayiesha ay hinanap ko parin ito.

"Relax. Alvarez. Makikita mo rin ang asawa mo, yon nga lang sa kabilang buhay na." sabi nito sabay halakhak.

"Ilabas mo ang asawa ko."

Nawala ang ngiti nito. "Di gano'n kadali, yon Alvarez. You need to beg. Before i'll give you, your wife."

I smirk. "You, wish. I never beg."

Nawala ang ngisi nito sa labi. "Ilabas ang babae."

"Bitawan nyo nga ako." sigaw ng isang babae.

Tumaas ang kilay ko. "Ano ang tingin mo sa akin? Gago? Kahit magkamukha sila ay 'di yan ang asawa ko." seryoso kong sambit dito. Inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa kong kamay. Impressive. Kahit saan tingnan ay parang si Ayiesha talaga ito.

Pero hindi, kilala ko ang asawa ko. Hindi ko minahal si Ayiesha para sa wala lang.

"Ang asawa mo iyan, Alvarez." giit nito. Talagang iginigiit nitong asawa ko ang babaeng yan.

"Bakit parang kilala mo yata kung sino ang asawa ko."

"Wag ng masyadong maraming dada, Alvarez. Masyadong mahal ang oras ko."

"What do you want? Kapalit ng asawa ko kuno." Sarcastic kong sambit dito.

"Your position and your head."

"Sa tingin mo, makukuha mo? Dream on! Libre ang mangarap." Pang aasar ko dito.

"Patayin ang babaeng yan." U

utos niya sa tauhan niya.

"Teka, wala sa usapan na patayin ako!" sigaw ng babae.

Bumunot ng baril ang lalaki at binaril sa ulo ang babae.

"Ayan wala ka ng asawa." ngisi nito sa akin. Pero tinignan ko lang ito ng seryoso.

"Sinayang mo ang buhay niya. Wala naman talaga ang asawa ko dito 'di ba?" nakapamulsa kong tanong sa kanya.

Ngumisi ito. "Alam mo pala. Bakit nagpunta ka pa dito."

"To know you. Kung sino ang nagkidnap sa asawa ko. Pero di ko pala kilala. Kaya mga tauhan ko na lang ang bahala sa iyo. You waste my time." sabi ko dito, sabay talikod.

"Craige. Kayo ng bahala dito. Hahanapin ko pa si Ayiesha." Pagkasabi ko ay agad akong umalis.

Alam kung kaya na nila  Craige iyan. May tiwala ako sa mga tauhan ko.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
kilala mo nga ang totoong asawa,kung bakit at nd mo xa pinaniwalaan at sinaktan mo ng hustong husto ang kalooban nya...ikaw ang dpat sisihin s lahat ng ito
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
buti naman terrence at kilala mo ang totoo mong asawa
goodnovel comment avatar
Carissa Lagare Landoy
may book din po b kau s Gonovel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status