Share

Chapter 58

HINDI mapakali si Dimitri habang lulan ng kotse. Pauwi na rin siya kaso buhol-buhol na ang traffic. Naka-ilang tawag na siya kay Kira pero hindi ito sumasagot simula pa alas dos ng hapon. Noong tawagan naman niya si Conard, sinabi nito na nakauwi na ang mga ito. Isinama umano ni Kira si Shaira sa bahay.

Imposibleng natulog si Kira na naroon si Shaira. Gabi na, hindi man lang nagtanong si Kira kung magluluto ba ito, bagay na madalas nitong gawin. Minsan kasi ay nagdadala na siya ng lutong pagkain kaya hindi niya ito pinaluluto.

Pagpasok sa kaniyang property, sinalubong siya ni Conard sa parking lot. Kaagad siyang bumaba bitbit ang bag ng kaniyang laptop.

“What happened?” bungad niya rito.

“Uh, kasisilip ko lang po sa bahay n’yo, madilim naman sa loob. Naka-lock ang gate at walang abiso n’yo kaya hindi ako pumasok. Naisip ko baka nakatulog si Ma’am Kira,” ani Conard.

“What about Shaira? Umuwi na ba siya?”

“Hindi pa nga po. Baka nariyan lang sila sa loob. Pumasok din kanina sina Ate
Rhod Selda

Malapit na po matapos ang kwentong ito. Few chapters to go kaya wag bibitiw. Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa!

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
josephine 💚
naku c Luther ang kumuha ky kira,naudlot pa ang celebration
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status