KABANATA 2: PAGKAWALA SA SARILI (Out of Control)ㅡ JullianaNaramdaman ko ang senseridad sa boses ng lalaking nakayakap sa akin. Ngunit hindi ko siya kilala. Marahil ay sa kaniyang paningin ay ako si Clarisse. Siguro ang Clarisse na 'yon ang tinutukoy ng mga dumukot sa akin na sinabing pinatakas ng isa sa mga kasamahan nila.Pero bakit ba narito ang lalaking ito? Bakit siya binugbog at pinapahirapan? Hindi naman siya mukhang masama, ngunit base dito ay nilango siya ng droga at ang ibig sabihin no'n ay maaaring paunti-unti na siyang mawala sa sarili.But I can't kill someone! Hindi ako ganoong tao. Pero paano kung may gawin ito sa akin na mali? Hindi ko rin naman hahayaan na masaktan ako at hindi ko pa gustong mamatay."Give me a damn good show, G-Dragon," sambit ng isang boses lalaki mula sa speaker.Kung gano'n ay may nanunuod sa amin? Napakuyom ako ng kamao. Ano bang kasalanan ng taong 'to kung bakit siya ginaganito? At sa sitwasyon ko ngayon ay parang naiipit ako. Narinig ko naman
KABANATA 3: ANG KATOTOHANAN (The Truth)ㅡ JullianaNapatayo ako mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napahawak sa aking sintido dahil sa nararamdamang sakit at kirot nito. Ipinalibot ko ang aking paningin nakasalukuyang malabo pa, at doon ko lamang napagtanto na nasa isang malawak na kwarto ako.Pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang isang bisig na nakayakap sa akin. Hindi ako nakagalaw at nanlaki kaagad ang mga mata ko saka unti-unting tumingin sa side nito.Sino ang lalaking ito?!Pinakiramdaman ko ang sarili ko at doon ko napagtanto na wala akong suot kahit isa! Magkadikit ang aming balat at tanging kumot lamang ang nagtataklob sa hubad na katawan naming dalawa. At ang ibig sabihin no'n ay may nangyari sa amin! Hindi 'yon maitatanggi mula sa huling alaala na mayroon ako. F*ck! Anong ginawa ko? Bakit ko hinayaang maibaba ng lalaking ito ang bandera?!Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito sa aking tiyan, saka ako tumayo. Literal na nara
KABANATA 04: MAPANAKIT NA ASAWA (Abusive Husband)"Wala ka talagang kwenta!"Malakas na sampal ang tumama sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at pagkamanhid ng aking pisngi at halos ikaluhod ko ang pagsampal sa 'king 'yon ni David. Gustuhin ko mang umiyak pero wala ng luhang lumalabas. Marahil ay napagod na ang mga mata kong lumuha.Limang taon na ang nakalipas simula nang ikasal kami at tanggapin niya ang anak kong si Misha. Tunay na itinuring niya itong parang tunay na anak. Ngunit pagdating sa akin ay tila isa akong maruming babae, isang parausan, isang tauhan."Napakasimple lang ng pinapagawa ko sa 'yo pumalpak ka pa?!" muling sigaw nito. "Aakitin mo lang naman si Mr. Cortez, iyon lang ay nag inarte ka pa? Now, ayaw na niyang mag invest sa company ko!" hinila ni David ang buhok ko saka ako ibinalibag sa lamesa nito.Ang tinutukoy nitong Mr. Cortez ay isang matandang lalaki na siyang CEO ng EFGHI Company sa America. Pinag-aagawan ito ng iba't-ibang company dito sa Pilipin
KABANATA 05: PANG-AAKIT KAY MR. MARIANO (Seducing Mr. Mariano) "Anak, sigurado ka na ba? Tumakas na lang kaya tayo, tutulungan ko kayo magtago ng anak mo sa probinsya kung gusto mo. Huwag ka ng tumuloy, hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin mo," bakas sa boses at hilatya ng mukha ni Manang Lolit ang labis na takot at pag-aalala. Marahan akong ngumiti at saka hinimas ang balikat nito. Kung tutuusin ay sobra na ang naitulong sa akin ni Manang Lolit. At ayokong madamay siya sa galit ni David. Hanggat kaya ko ay gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang silang dalawa ni Misha, dahil siya na rin ang tumayo bilang mga magulang ko. "Hindi na po Manang Lolit. Wala na pong atrasan ito, kayang-kaya ko po iyon. Magtiwala po kayo sa akin. Sa tingin ko naman po ay madali lang akitin ang lalaking tinutukoy ni David. Pagtapos naman niya pong pumirma ng contract ay hindi namuli kami magkikita." Ngunit sa totoo lang ay natatakot ako at kinakabahan. Bakas iyon sa malamig kong mga kamay at paki
KABANATA 06: HELP ME! (Tulungan niyo ako!)Napangisi si Phoenix nang tila ba namutla si David dahil sa sinabi niya habang si Julliana naman ay nakayuko't nanginginig na rin sa takot. Upang hindi mahalata ang takot ni David ay sandali itong napangiti. Hindi niya hahayaan na bumagsak siya pati na ang company at tuluyang mawala si Mr. Mariano. "Mr. Mariano, mukhang nagkakamali po kayo. Hindi po 'yon magagawa ng secretary ko," taas noong sambit ni David. Phoenix chuckled. "Then why she's wearing like that?" sabay turo nito sa katawan ni Julliana, na halatang hindi komportable sa suot. "Hindi lang 'yon, nagawa niya pang ipadausdos sa aking hita ang kaniyang paa. Hindi ba't nang-aakit ang tawag don?" Napayuko si David at ang mga mata nito ay palihim na nanlilisk at nakatitig kay Julliana. Gusto niyang sampalin o sapakin si Julliana ngayon ngunit matindi ang pangangailangan niya at kailangan niyang magtimpi. Hindi niya inaasahan na ganito katindi ang presensya ng Mr. Mariano na ito at mukh
KABANATA 07: THE SYMBOL (Ang Simbolo)Dahan-dahang iminulat ni Julliana ang kaniyang mga mata. Puting kisame ang sumalubong sa kaniya at tila amoy gamot sa paligid. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin hanggang sa makumpirmadong nasa hospital siya."M-Mommy... are you awake?" mahinhin at masarap sa pandinig ang boses na iyon mula sa kaniyang anak.Napangiti siya, ngunit kaagad na naalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Mabilis pa sa alas-kwatrong niyakap niya ang kaniyang anak. At tumingin sa paligid sa isiping naroon si David."Mommy, wala dito si Daddy. Lola said they will talk to her. They told me, na lasing daw si Daddy kaya ka niya sinaktan.""I-Ikaw, sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya.Umiling si Misha, "Hindi po, mabuti na lang po at dumating sila Lola para tulungan ka nila Mommy."Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mata ni Julliana. Ngayon ay alam na ng mga magulang ni David ang sitwasyon niya sa poder ng anak nito. Siguradong lalong titindi ang g
KABANATA 08: SOLD TO BE A SLAVE "Sino ba kayong mga hayop kayo! Pakawalan n'yo ako! Kung pera ang gusto o kailangan niyo ay mali kayo ng dinukot na tao dahil wala ako no'n!" sigaw ni David habang nakaupo sa isang upuan. Nakatali ang mga kamay at paa habang ang mga mata ay nakapiring. Hindi niya alam kung nasaan siya o ilang oras na siyang naroon sa lugar na iyon. Wala siyang kilala na gagawa sa kaniya nito, dahil kahit palugi na ang kompanya ay iniiwasan niyang umutang sa kahit na sino. "Tulong!!! Tulungan niyo 'ko!!!" sigaw niyang muli. Kanina pa siya sigaw ng sigaw at namamaos na rin ang kaniyang boses. Masakit na sa litid ng kaniyang lalamunan, ngunit hindi siya tumitigil. Wari ba ay walang tao sa paligid dahil kanina pa siya walang naririnig na nag-uusap o kahit yabag man lang. "Where is he? Gising na ba?" Isang pamilyar na boses ang narinig niyang nagsalita ngunit hindi tiyak kung sino ito. Pilit na kinakalagan niya ang kaniyang sarili ngunit masyado itong mahigpit kaya nama
KABANATA 09: CLAIR DE LUNATatalikod na sana si Phoenix nang maalala niya ang isang tanong na bumabagabag sa kaniyang isipan. Muli siyang humarap kay Julliana at tiningnan ito sa mga mata. Hindi niya naman alam kung nararapat niya ba itong tanungin ngunit para sa ikakatahimik ng isip niya ay gagawin niya."Is your daughter... ilang taon na siya?"Bahagyang nangunot ang noo ni Julliana kasabay ng matinding kaba."S-She's five years old. Why?""Is she really David's daughter?""Y-Yes, at bakit mo tinatanong? Hindi naman siguro kasama ang anak ko sa pagbili mo sa 'kin."Naiiling na umalis si Phoenix. He just can't believe na tinanong niya pa ang bagay na 'yon. Kahit alam niya mula sa impormasyon na nakalap ng tauhan niya na matapos nitong magpakasal ay nabuntis kaagad.Ano bang iniisip niya?Nang makaalis na si Phoenix at maisarado ni Julliana ang pinto ay unti-unting nanghina ang kaniyang tuhod saka napaupo. Ganito na lang ba ang buhay niya? Puro takot.Kinabukasan ay ipinasyal niyang mu