MasukTahimik ang silid sa loob ng ilang segundo matapos sumenyas sa dalawang kasamahan si Alliyah ang kamay niya. Isang uri ng katahimikan na hindi likas—parang hinihila ang hangin palabas ng dibdib, parang may nag-aabang ng unang pagkakamali.“Pabagsakin sila. Iyong sakto lang na mabubuhay pa sila ng tatlong araw. Kapag hindi nagpakita si Gray sa loob ng tatlong araw, saka sila patayin.”Hindi sigaw ang utos. Hindi rin galit. Isa lang itong pahayag na binitiwan nang sanay, parang matagal nang alam ang mangyayari pagkatapos.Sa magkabilang gilid niya, gumalaw ang dalawa niyang kasama.Sabay.Eksakto.Parang salamin ng isa’t isa ang kilos—isang hakbang pasulong, sabay ang pag-angat ng armas, sabay ang pagtutok.Hindi umatras si Alliyah.Hindi rin siya nagkubli.Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng liwanag, tuwid ang tindig, nakataas ang baba, ang mga mata’y hindi kumukurap habang pinagmamasdan sina Rio at Theo.Hindi siya kalahok sa laban.Isa siyang manonood.Isang hukom.“Get ready!” siga
Nanatiling bukas ang bakal na pinto sa likuran nina Rio at Theo, ngunit tila wala nang saysay ang daan palabas. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, parang bawat paghinga ay may kasamang alaala at kasinungalingang matagal nang itinago.Nakatayo si Alliyah sa gitna ng liwanag. Hindi na siya ang batang huling nakita ni Rio—ang batang nakatago sa likuran ni Gray, ang batang umiiyak sa tuwing sumasabog ang putok ng baril.Tumanda siya. Humaba ang tindig. Tumalim ang mga mata. Ngunit kahit anong pagbabago ang idinulot ng sampung taon. Ganito na katapang at puno ng galit ang batang minsang kinarga niya sa kanyang mga bisig habang tumatakbo ito palabas sa paguhong compound ni Zayed.“Anong ibig mong sabihin?” paos na tanong ni Rio, halos hindi niya marinig ang sariling boses.Bahagyang ngumiti si Alliyah. Hindi iyon masaya. Hindi rin panunuya. Isa iyong ngiting sanay nang maghintay ng tamang sandali.“Pinaniwala ka lang nila na patay na siya,” sagot niya, diretso ang tingin kay Rio.Paran
Tahimik ang loob ng silid, ngunit hindi iyon katahimikang payapa. Ito ang katahimikang bago pumutok ang baril. Bago gumuho ang isang mundo. Bago maglaban ang dalawang paniniwalang parehong hinubog ng dugo at kasinungalingan.Nakatayo si Rio sa mismong bungad ng liwanag, mabigat ang baril sa kamay, mabigat ang hininga sa dibdib. Sa harap niya—sa gitna ng malawak ngunit malamig na chamber na puno ng bakal, monitor, at mga simbolong matagal nang tinatakasan ng mundo—nakatayo ang isang babaeng kilalang-kilala niya kahit imposible dapat.“Alliyah...” Marahang lumabas ang pangalan mula sa labi niya, parang dasal na matagal nang kinimkim.Ang batang limang taon lang noon ay ganito na ang pinagbago. Hindi lang sa edad, kundi pati na rin sa awra nito, na para bang hindi siya labinglimang taong bata. Ang mga mata nito ay puno ng galit at mukhang iyon ang dahilan kung bakit parang trentahin na ito.Tumayo si Alliyah sa ilalim ng ilaw, diretso ang tindig, walang bakas ng pag-aalinlangan. Mas mata
Mas bumigat ang hangin habang palalim nang palalim ang pasilyong binabagtas nina Rio at Theo. Ang liwanag na dati’y dilaw at mahina ay unti-unting nagiging malamlam na puti—artipisyal, kontrolado, at malinaw na hindi basta naiwan lang ng panahon.Bawat hakbang pababa ay may kasamang mahinang ugong. Hindi iyon hangin. Hindi rin makina na luma.Aktibo ang lugar.“Distance check,” bulong ni Theo habang nakapwesto ang baril sa harap. “Ayon sa mapa ni Briane, dapat may central chamber sa loob ng isang daang metro.”“Copy,” sagot ni Rio. “Tahimik lang.”Sa comms, ramdam ang tensyon kahit walang nagsasalita. Sina Juliet at Briane ay sabay na nagmo-monitor ng bawat signal spike, bawat anomalya sa camera feed. Sina Collin at Sven ay nananatiling nakaabang, handang gumalaw sa isang utos lang.“May nararamdaman ka ba?” tanong ni Theo, halos pabulong.“Meron,” sagot ni Rio. “Parang pamilyar.”Hindi niya na kailangang ipaliwanag.May mga lugar na kahit hindi mo pa napupuntahan ay parang kilala ka
Hindi tuwid ang daan papasok sa isang kabundukan na parte ng Southeast Asia. Paikut-ikot ito, tila sinadyang lituhin ang sinumang magtatangkang pumasok—makipot ang ilang bahagi, basag ang lupa sa iba, at ang hamog ay nakadikit sa mga puno na parang bantay na ayaw magpaistorbo.Tahimik ang sasakyan nina Rio at Theo habang paakyat sila. Walang musika. Walang biro. Tanging ang tunog ng gulong sa lubak-lubak na kalsada at ang mahinang ugong ng makina ang sumasabay sa paghinga nila.Dalawa lang sila sa field.Hindi dahil kulang sila sa tao—kundi dahil ito ang uri ng lugar na mas maraming paa, mas maraming bakas. At kung may isang bagay na hindi nila gustong gawin, iyon ay ipaalam sa kalaban na paparating sila.“Elevation check,” boses ni Juliet mula sa comms, malinaw kahit may bahagyang static. “Nasa one thousand two hundred meters na kayo. Paglagpas niyan, mawawala na ang civilian signal.”“Copy,” sagot ni Rio, hindi inaalis ang tingin sa daan.Si Theo ay nakasandal sa upuan ng pasahero,
Hindi agad sumikat ang araw sa La Union para kay Rio.Sa katunayan, wala nang malinaw na paghihiwalay ang araw at gabi mula nang manatili sila roon. Ang oras ay naging sunod-sunod na paghinga, mga hakbang, at desisyong kailangang gawin bago pa mag-alinlangan ang konsensya.Sa loob ng tatlong araw matapos ang pag-uusap nila kina Emmanuel at Raquel, binuksan ang mga pintuang matagal nang nakasara.Hindi literal na pinto—kundi mga account, koneksyon, at yamang itinago para sa panahong hindi sana darating.Ngunit dumating ito.Ginamit nina Emmanuel at Raquel ang mga pondong hindi kailanman naitala sa kahit anong libro. Hindi galing sa dugo ang pera—galing ito sa mga huling legal na negosyo na itinayo nila bago tuluyang isara ang Alliance. Mga kumpanyang binura sa mata ng publiko, ngunit buhay sa ilalim ng lupa.At sa tulong ng mga iyon, muling bumangon ang isang bagay na matagal nang tinapos.Hindi ang Alliance.Isang hideout.Hindi ito mukhang base militar. Walang watawat. Walang simbolo







