Mag-log inElara's POV
Ilang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale. Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya. Ang mahalaga, maayos akong tingnan. Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan. Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan. "Aalis muna ako. Huwag mong guluhin ang bahay habang wala ako," bilin ko. Ngumiyaw lang siya. "Oo na. Pag-uwi ko, bibigyan kita ng pasalubong." Napangiti ako. Isinara ko ang p***o at lumabas ng apartment. Hindi ko maitatangging kinakabahan din ako kahit papaano. Malaki at kilala ang kumpanyang pupuntahan ko. Hindi rin biro ang dami ng taong gustong makapasok doon. Pero hindi ako pumunta roon para umatras lang. * * * Halos isang oras ang biyahe bago ako makarating sa pangunahing gusali ng Vale Group. Pagkababa ko ng sasakyan, ilang sandali akong napatingin sa mataas na gusaling nasa harapan ko. Napakalaki nito. Halos salamin ang buong harapan, at kitang-kita sa labas ang malaking pangalan ng kumpanya. VALE GROUP. Ilang dekada na ang kumpanyang ito, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglago. Kilala sila sa iba't ibang negosyo, mula sa real estate hanggang sa hospitality at investments. Hindi nakapagtatakang maraming gustong magtrabaho rito. Inayos ko ang bag ko at pumasok sa gusali. Malamig ang hangin sa loob. May ilang empleyadong naglalakad habang may hawak na mga folder at laptop. Ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap sa telepono. Lumapit ako sa reception desk. "Magandang umaga po." "Good morning. How may I help you?" nakangiting sabi ng receptionist. "May appointment po ako para sa application. Mag-a-apply po sana ako bilang archivist." "May appointment confirmation po ba kayo?" Inilabas ko ang cellphone at ipinakita ang email na natanggap ko noong nakaraang araw. Sinuri iyon ng receptionist bago ngumiti. "Yes, Miss Veyne. You may proceed to the Human Resources Department. Nasa ika-18 palapag po." "Thank you." Sumakay ako sa elevator kasama ang ilang empleyado. Tahimik lang ako habang unti-unting nagbabago ang numero sa display. Pagbukas ng elevator, agad kong nakita ang karatulang nakalagay sa pader. HUMAN RESOURCES DEPARTMENT. May ilang taong nakaupo sa waiting area. Karamihan ay may hawak na mga folder at tila naghihintay ng tawag mula sa HR staff. Lumapit ako sa reception desk at ibinigay ang pangalan ko. "Miss Elara Veyne?" "Opo." "Please take a seat. Tatawagin na lang po kayo kapag oras na ng interview ninyo." "Salamat." Pumili ako ng bakanteng upuan at inilagay ang bag sa kandungan ko. Sa paligid ko ay may iba't ibang klase ng aplikante. May isang lalaking paulit-ulit na binabasa ang kaniyang résumé. May babaeng hindi mapakali at ilang beses nang tumingin sa relo. May dalawa ring nag-uusap tungkol sa mga naging karanasan nila sa trabaho. Mukhang lahat sila ay kinakabahan. Hindi ko sila masisisi. Malaking oportunidad ang makapagtrabaho sa kumpanyang ito. Ako naman ay tahimik lang na nakaupo habang tinitingnan ang mga dokumento ko. Hindi ako baguhan sa ganitong trabaho. Halos apat na taon akong nagtrabaho bilang archivist. Sanay akong humawak ng mga lumang dokumento, mag-ayos ng records, at magtago ng mga impormasyong hindi dapat basta nakikita ng iba. Kung may kailangan silang itanong tungkol sa trabaho, handa akong sumagot. "Miss Elara Veyne?" Napatingin ako sa babaeng may hawak na clipboard. "Ako po." "Please follow me. It's your turn." Tumayo ako at sumunod sa kaniya. * * * Hindi ganoon kalaki ang silid na pinagdausan ng interview. May isang mesa, tatlong upuan, at kabinet na puno ng mga folder. May dalawang babaeng nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. "Good morning, Miss Veyne. Please have a seat." "Good morning po." Umupo ako at inilapag ang bag sa tabi ng upuan. "First of all, can you tell us something about yourself?" Nagsimula akong magpakilala at ikinuwento ang naging karanasan ko sa dati kong kumpanya. Tinanong nila ako tungkol sa mga trabahong nagawa ko, sa mga sistemang ginagamit ko sa pag-aayos ng records, at kung paano ko hinahawakan ang mga sensitibong dokumento. Sinagot ko ang bawat tanong nang maayos. "Why did you leave your previous company?" tanong ng isa sa kanila. "After four years, I decided it was time to explore a new opportunity. I also want to gain more experience in handling different types of records." Tumango siya at may isinulat sa papel. "What if you encounter a document with missing information or an unclear record? What would you do?" "First, I would verify the available details and check the related files. I wouldn't make assumptions or change anything without proper confirmation. If necessary, I would report it to the person in charge." Muli siyang tumango. Nagpatuloy pa ang ilang tanong tungkol sa kakayahan at karanasan ko. Hindi naman naging mahirap ang mga iyon para sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto, isinara ng isa sa kanila ang folder na hawak niya. "Thank you for your time, Miss Veyne. That's all for now." "Salamat din po." "Please keep an eye on your email. We'll send you an update regarding the result of your application." "Okay po. Thank you." Tumayo ako at nagpaalam sa kanila bago lumabas ng silid. Mabilis lang ang interview. Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga sagot ko para matanggap ako, pero wala na akong ibang magagawa kundi maghintay. Pagbalik ko sa waiting area, may ilan pang aplikanteng naghihintay. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa elevator. Paglabas ko ng gusali, saglit akong huminto at muling tumingin sa pangalan ng kumpanya. Sana maging maayos ang lahat. * * * Makalipas ang dalawang araw. Nasa apartment ako at nag-aayos ng mga gamit nang marinig ko ang tunog ng notification mula sa laptop. Napatingin ako sa screen. May bagong email. Agad kong inilapag ang hawak kong damit at lumapit sa mesa. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang pangalan ng Vale Group sa sender. Sandali akong hindi gumalaw. Ito na ba? Binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman. [Dear Miss Veyne, We are pleased to inform you that you have been selected for the position of Archivist at Vale Group. Please review the attached documents for further instructions regarding your employment and the next steps of the hiring process. We look forward to having you as part of our team. Regards, Human Resources Department Vale Group] Ilang segundo akong nakatitig sa screen. Natanggap ako. Dahan-dahan akong napaupo sa harap ng laptop. Hindi ako napatalon sa tuwa o napasigaw gaya ng iba. Sa halip, bahagya akong napangiti. Binuksan ko ang kalakip na dokumento at binasa ang mga detalye tungkol sa posisyon ko, sa sahod, at sa mga kailangang isumite bago ang unang araw ng trabaho. May ilang bagay akong kailangang ihanda, kabilang ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpasok ko sa kumpanya. Isinara ko ang email at binuksan ang folder sa laptop ko. Nandoon ang mga impormasyong matagal ko nang kinokolekta. Isa-isa ko iyong sinuri. Unti-unti nang matutupad ang mga planong pinaghandaan ko. Tumayo ako at nagtungo sa kwarto. Binuksan ko ang drawer sa tabi ng kama at kinuha ang lumang litrato na ilang araw ko nang hindi tinitingnan. Umupo ako sa gilid ng kama habang hawak iyon. "Malapit na," mahina kong sabi. Tinitigan ko ang larawan, saka huminga nang malalim. Hindi ko alam kung magiging madali ang mga susunod na araw. Marami pa akong kailangang malaman, at siguradong hindi lahat ng makikita ko ay magiging maganda. Pero hindi na ako puwedeng umatras. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. At ngayon, nasa pintuan na ako ng mundong gusto kong pasukin. Muli kong inilagay ang litrato sa drawer. Pagbalik ko sa sala, nakita kong nakahiga si Snow sa ibabaw ng sofa. "Alam mo ba, Snow? Natanggap na ang mommy mo sa bagong trabaho." Ngumiyaw siya at bahagyang iniunat ang katawan. Napangiti ako. "Oo na. Hindi ka naman interesado." Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang cellphone upang basahin muli ang email. Nandoon pa rin ang mga salitang kanina ko pa binabasa. Selected for the position of Archivist. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko makuha ang mga sagot na hinahanap ko. Pero sisiguraduhin kong hindi masasayang ang pagkakataong ito. Dahil ngayon, hindi na ako basta manonood lamang mula sa malayo. Unti-unti ko nang haharapin ang nakaraan.Cassian's POVHindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko."Seriously?" tanong ko.Ngumisi siya. "Welcome back, Boss.""Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?""Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."Napailing ako.Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking pinto. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay."Welcome back, Mr. Vale!"Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo."Enjoy the welcome, Ian,
Cassian's POVHindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas.Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin.Nakakapagod din pala ang maging ako.Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group.At hindi naman ako binigo ni Jeo.Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo.Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo.Kung tutuusin, mas naging ma
Elara's POVIlang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist.Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department.Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya.Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen."Adam?""Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo."Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?""Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga."Saglit akong natahimik."Sa mismo
Elara's POVIlang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale.Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya.Ang mahalaga, maayos akong tingnan.Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan."Aalis muna ako
Elara's POVHindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko."Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento."Resignation letter," maikli kong tugon.Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya."Ano?""Magre-resign na ako," ulit ko."Elara, seryoso ka ba?"Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin."Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya."Matagal-tagal na rin.""At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako m







