LOGINCassian's POV
Hindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas. Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin. Nakakapagod din pala ang maging ako. Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group. At hindi naman ako binigo ni Jeo. Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo. Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo. Kung tutuusin, mas naging maayos pa ang ilang bagay nang wala ako. Pero limang taon na rin iyon. Panahon na para bumalik. "Sir Ian, sigurado po ba kayong hindi ko na tatawagan si Aling Marta?" tanong ng driver habang papalapit kami sa mansyon. "No need." Ian ang tawag sa akin ng mga taong malapit sa akin. Pero sa kumpanya at sa karamihan ng mga empleyado, mas kilala nila ako bilang Cassian Vale. Gusto ko lang makauwi nang walang abiso. Ayokong magkaroon ng kung anu-anong paghahanda dahil lang babalik ako. Hindi naman ako bisita sa sarili kong bahay. Nang tuluyang huminto ang sasakyan sa tapat ng entrance, agad akong bumaba. Inabot ng isang staff ang maleta ko, habang ang isa naman ay nagbukas ng malaking p***o. "Good evening, Sir Cassian." Tumango lang ako bilang sagot. Hindi pa ako nakakalayo nang mapansin kong may ilang tauhan sa loob na tila nagulat sa pagdating ko. May isang halos mabitawan ang hawak na tray. Ang isa naman ay agad na yumuko at nagbigay-galang. "Cassian?" Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses. Mula sa may hagdanan ay mabilis na lumapit si Nanay Marta. Hindi niya itinago ang gulat at tuwa sa mukha niya nang makilala ako. "Ian!" Napangiti ako nang bahagya. "Hello, Nanay Marta." Siya ang isa sa iilang taong hindi ko kailanman itinuring na simpleng empleyado lamang ng pamilya. Bata pa lang ako, naroon na siya sa tabi namin. Kaya kahit ilang taon akong nawala, hindi nagbago ang tawag ko sa kaniya. "Ian, hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka!" Natawa ako nang mahina nang makita ang ekspresyon niya. Para bang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako. "Gusto ko lang talaga kayong sorpresahin." "Sus! Alam mo namang kahit isang araw lang ang pagitan, makakapaghanda kami para sa pagdating mo." "That's exactly what I wanted to avoid." Umiling siya habang nakangiti. "Kumusta ka na? Kumain ka na ba? Pagod ka siguro sa biyahe. Bakit hindi ka man lang tumawag?" Ganoon pa rin siya. Kahit ilang taon akong nawala, hindi nagbago ang paraan niya ng pag-aalala sa akin. "I'm fine, Nanay Marta. Mahaba lang ang biyahe." "May ipapahanda akong pagkain. Ano bang gusto mong kainin?" "Anything is fine. Huwag na kayong mag-abala." "Hindi ka pa rin nagbabago. Lagi na lang kahit ano." Napailing ako at ngumiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap tungkol sa biyahe ko at sa mga nangyari habang wala ako. Sinabi niyang maayos naman ang lahat sa mansyon. May ilang bagong tauhan, may mga umalis na, at may mga bagay na inayos sa bahay. Hindi ko na masyadong sinundan ang mga detalye. Gusto ko munang makapagpahinga bago harapin ang mga kailangang asikasuhin. "Magpapahinga muna ako," sabi ko. "Oo sige. Ipapadala ko na lang ang pagkain mo sa kwarto." "Thank you, Nanay Marta." Kinuha ko ang susi na ibinigay ng isang staff at dumiretso sa ikalawang palapag. Walang gaanong nagbago sa mansyon. Pamilyar pa rin ang bawat sulok, mula sa hagdanan hanggang sa mahabang pasilyong patungo sa mga kwarto. Limang taon akong nawala, pero pagpasok ko pa lang ay parang walang lumipas na panahon. Huminto ako sa tapat ng p***o ng kwarto ko at binuksan iyon. Pareho pa rin ang ayos. Malinis ang kama, maayos ang mga kurtina, at walang gaanong nagbago sa mga gamit. Mukhang regular pa rin itong nililinis kahit hindi ako narito. Nauna nang naihatid ng staff ang maleta ko sa tabi ng aparador. Inilapag ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at hinubad ang suot kong jacket. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Ilang oras din akong nakaupo sa eroplano at halos hindi nakatulog nang maayos. Gusto ko na lang maligo at mahiga. Hinubad ko ang polo at pantalon ko. Naiwan na lamang akong naka-boxer shorts habang naghahanda ng malinis na damit. Kinuha ko ang tuwalya at naglakad papunta sa banyo. Pero bago pa ako makapasok, may narinig akong bahagyang kaluskos mula sa labas. Napalingon ako sa p***o. May pumihit sa doorknob. Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang robe na nakasabit sa likod ng p***o at mabilis na isinuot bago lumapit upang buksan iyon. Hindi ko na nagawang magtanong kung sino ang nasa labas. Pagbukas ko ng p***o, agad akong napahinto. "Who are you?" Isang babae ang nakatayo sa harapan ko. May hawak siyang ilang folder at tila hindi alam kung saan ilalagay ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Sandaling walang nagsalita sa amin. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may nakita siyang hindi dapat makita. Napansin ko pa ang bahagyang paggalaw ng lalamunan niya nang lumunok siya. Sumimangot ako. "I'm asking you. Who are you?" Hindi pa rin siya nakasagot. Bago pa ako makapagsalita ulit, may narinig akong boses mula sa kabilang bahagi ng pasilyo. "Lara!" Napalingon kami pareho. Si Nanay Marta iyon. Mabilis siyang lumapit sa amin, saka napahinto nang makita kaming nakatayo sa harap ng p***o. "Naku! Lara, hindi iyan ang opisina. Sa kabilang silid ka dapat pumunta." Bahagyang namutla ang babae. "P-pasensya na po. Paumanhin." Mabilis niyang ibinaba ang tingin at nagmadaling umalis. Halos yakapin na niya ang mga folder na hawak niya habang naglalakad palayo sa amin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala sa kabilang dulo ng pasilyo. Pagkatapos ay bumalik ang tingin ko kay Nanay Marta. "Sino iyon?" "Si Elara, ang bagong archivist. Kagabi lang siya dumating." "Archivist?" "Oo. Siya ang itinalaga ng Vale Group para tumulong sa pag-aayos ng mga records dito sa mansyon." Tumango ako nang bahagya. "Why was she entering my room?" Napahawak si Nanay Marta sa noo niya. "Ay, pasensya na, Ian. Kaninang umaga ko pa siya inaasikaso. Nagsimula na siyang mag-orient tungkol sa mga lumang records. May ipinakuha akong ilang folder sa kaniya at itinuturo ko sana kung saan ang gagamitin niyang opisina. Baka nalito siya sa mga kwarto." Tumingin ako sa direksyon kung saan nagpunta ang babae. "She should be more careful." "Ako na ang bahala. Bago pa lang kasi siya rito at hindi pa niya kabisado ang buong lugar." Hindi na ako nagtanong pa. Masyado na akong pagod para palakihin ang isang simpleng pagkakamali. At mukhang hindi naman sinasadya ng babae ang nangyari. "Just make sure she knows which room is which next time." "Oo, Ian." Tumango ako at tuluyang isinara ang p***o. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng malinis na damit at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang ilang missed calls at messages mula kay Jeo. May message din siya na nagtatanong kung nakarating na ba ako. Tinawagan ko siya. "Finally," bungad niya nang sagutin ang tawag. "Akala ko nakalimutan mo na akong tawagan." "Just got here." "Sa mansyon?" "Yes." "Hindi ka man lang nagpasabi. Alam mo bang nagulat ang lahat sa opisina nang malaman nilang nandito ka na?" "That's the point." Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Anyway, welcome back. Kailan ka pupunta sa office?" "Tomorrow, if I have time. Send me the reports I need to review." "Already prepared. May ilang contracts din na kailangan mong pirmahan." "Send them to my email." "Sure. By the way, may bagong archivist na sa mansyon." Napakunot ang noo ko. "Apparently." "May problema ba?" "Nothing." "Fine. Good night, Ian." Ibinaba ko ang tawag at inilapag ang cellphone sa mesa. Tumitig ako sa kisame. Bagong archivist. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad nakalimutan ang nangyari. Marahil dahil hindi ko inaasahang may makakapasok sa kwarto ko nang ganoon. O baka dahil sa itsura niya nang makita niya ako. May kung anong kakaiba sa reaksyon niya. Hindi iyon basta pagkagulat ng isang taong nakapasok sa maling kwarto. Saglit, parang may nakita siyang hindi niya inaasahan. Bahala siya. Hindi ko naman kailangang pag-aksayahan ng oras ang isang simpleng pagkakamali. May mas mahahalagang bagay akong kailangang asikasuhin. Limang taon akong wala sa kumpanya. Maraming nagbago at marami ring kailangang balikan. Bukas, magsisimula na ulit ang trabaho ko bilang CEO ng Vale Group. At sa pagkakataong ito, wala na akong planong umalis. Pumikit ako at hinayaan ang katahimikan ng kwarto na balutin ako.Cassian's POVHindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko."Seriously?" tanong ko.Ngumisi siya. "Welcome back, Boss.""Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?""Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."Napailing ako.Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking pinto. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay."Welcome back, Mr. Vale!"Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo."Enjoy the welcome, Ian,
Cassian's POVHindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas.Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin.Nakakapagod din pala ang maging ako.Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group.At hindi naman ako binigo ni Jeo.Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo.Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo.Kung tutuusin, mas naging ma
Elara's POVIlang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist.Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department.Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya.Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen."Adam?""Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo."Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?""Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga."Saglit akong natahimik."Sa mismo
Elara's POVIlang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale.Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya.Ang mahalaga, maayos akong tingnan.Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan."Aalis muna ako
Elara's POVHindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko."Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento."Resignation letter," maikli kong tugon.Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya."Ano?""Magre-resign na ako," ulit ko."Elara, seryoso ka ba?"Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin."Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya."Matagal-tagal na rin.""At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako m







