LOGINElara's POV
Ilang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist. Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department. Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya. Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen. "Adam?" "Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo." Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?" "Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga." Saglit akong natahimik. "Sa mismong mansyon?" "Oo. May project ang records department para sa pag-aayos at pag-catalog ng mga lumang family archives ng mga Vale. Nandoon kasi nakatago ang karamihan sa mga personal na dokumento nila." Napahawak ako sa cellphone. "Sigurado ka ba?" "Confirmed na. Ipapadala ko sa'yo ang kumpletong detalye sa email mo. Nandoon din ang address at pangalan ng taong dapat mong hanapin pagdating mo roon." "Kailan ako pupunta?" "Today, kung maaari. Kailangan mo na ring ihanda ang mga personal mong gamit dahil posibleng mas tumagal ang pananatili mo roon." Huminga ako nang malalim. Unti-unti na akong inilalapit sa lugar na matagal ko nang gustong pasukin. "May iba pa ba akong dapat malaman?" tanong ko. "May ilang detalye akong ipapadala sa email. Basahin mo muna bago ka pumunta sa HR. Kailangan mong kumpirmahin ang assignment mo at siguraduhing kumpleto ang lahat ng papeles." "Sige. Salamat, Adam." "Lara." "Hmm?" "Mag-ingat ka. Tandaan mo kung bakit ka nandoon." Tumingin ako sa kisame. "Alam ko." "Good. Tatawagan na lang kita ulit kapag may bago akong impormasyon." Pagkatapos naming magpaalam, agad kong binuksan ang email ko. Ilang sandali pa ay pumasok ang mensahe mula kay Adam. Nandoon ang address ng Vale Residence, ang pangalan ng taong kailangan kong hanapin, at ilang paalala tungkol sa magiging trabaho ko. Nakalagay din doon na pansamantala akong maninirahan sa mansyon habang ginagawa ang project. Bahagi raw iyon ng arrangement para mas madali akong makapagtrabaho at makapag-coordinate sa mga taong namamahala sa mga lumang dokumento. Hindi ko inasahang ganoon kabilis akong makakapasok sa mismong tahanan ng mga Vale. Matagal ko nang pinag-aaralan ang pamilyang iyon. Marami na akong nakalap na impormasyon tungkol sa kanila, pati na rin sa sunog na nangyari labing-apat na taon na ang nakalilipas. Pero hanggang ngayon, marami pa ring bahagi ng pangyayaring iyon ang nananatiling malabo. At alam kong hindi ko makukuha ang mga sagot sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng mga lumang balita. Kailangan kong makapasok sa loob. Kailangan kong makita ang mga bagay na hindi kailanman inilabas sa publiko. Agad akong bumangon at naghanda. Pagkatapos magbihis, inilagay ko sa isang folder ang mga dokumentong kailangan kong dalhin. Sinigurado kong kumpleto ang mga iyon bago ako umalis. Dumiretso ako sa Vale Group upang personal na kumpirmahin ang bago kong assignment. Pagdating ko sa gusali, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa air-conditioning. Gaya noong una akong pumunta roon, abala ang paligid. May mga empleyadong mabilis na naglalakad, habang ang iba naman ay nakatutok sa kani-kanilang trabaho. Lumapit ako sa reception. "Good morning. May appointment po ako sa HR department," magalang kong sabi. "May I have your name, Ma'am?" "Elara Veyne po. Isa po ako sa mga bagong hired na archivist." Ngumiti ang receptionist matapos tingnan ang computer niya. "Yes, Miss Veyne. The HR department is expecting you. You may proceed to the eighteenth floor." "Thank you." Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button para sa ika-18 palapag. Pagdating doon, sinalubong ako ng babaeng nakaupo sa reception desk ng HR department. Matapos kong ipakilala ang sarili ko, pinapunta niya ako sa isang maliit na meeting room kung saan naroon ang staff na nakausap ko noong interview. "Good morning, Miss Veyne. Please, have a seat." "Good morning po." Inilapag ko sa mesa ang folder na dala ko. "I brought the remaining documents you requested." "Thank you. We'll check these first." Isa-isa niyang sinuri ang mga papeles bago tumango. "Everything seems to be in order." Bahagya akong napangiti. "Regarding your assignment at Vale Residence," pagpapatuloy niya, "you will be part of the Family Archives Project. The company has decided to organize, catalog, and digitize selected personal records of the Vale family." "Does that mean all the documents are stored at the residence?" "Most of the personal archives are kept there. Some of them are quite old, so the family prefers that they remain in the mansion while the inventory is being done." Tumango ako. "Who will be assisting me there?" "Aling Marta. She has been managing the household for many years and is familiar with the family's arrangements. She will help you locate the designated rooms and records." "May I ask kung sino po ang magiging immediate supervisor ko?" "For the project, you will coordinate with the records department. Any document that requires special authorization must be referred to the designated family representative before you handle or reproduce it." "I understand." "Also, the family has arranged temporary accommodation for you at the residence. Since the project will require you to work directly with the archives, it will be more convenient for you to stay there during your assignment." "Thank you for clarifying that." "Please remember that some of the documents may be confidential. You are expected to follow the instructions given to you and avoid moving or removing any records without proper authorization." "I'll make sure to follow the procedures." "Good. Your assignment details and the necessary instructions have already been sent to your email. You may review them before reporting to the residence." "Thank you very much." Bago ako umalis, muling sinigurado ng HR staff na mayroon akong kopya ng mga dokumentong kailangan ko. Nagpaalam ako at lumabas ng opisina. Habang pababa ako sakay ng elevator, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang pananabik. Sa wakas. Hindi na ako basta aplikanteng naghihintay ng pagkakataon. Isa na akong empleyado ng Vale Group, at higit sa lahat, may dahilan na akong makapasok sa kanilang tahanan. * * * Pagdating ko sa apartment, agad kong inilabas ang maleta ko at sinimulang ilagay ang mga damit na kakailanganin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ang pananatili ko sa mansyon, kaya sinigurado kong sapat ang mga dadalhin ko. Inayos ko rin ang mga personal kong gamit, ilang dokumento, at mga bagay na hindi ko kayang iwan. Habang abala ako sa pag-iimpake, narinig ko ang mahinang ngiyaw ni Snow. Paglingon ko, nakita ko siyang nakaupo malapit sa pintuan ng kwarto habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko habang lumalapit. Muli siyang ngumiyaw at ipinahid ang ulo sa binti ko. Napangiti ako bago siya marahang hinaplos. "May pupuntahan lang ako, Snow. Baka matagalan ako bago makauwi." Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha siya sa kandungan ko. "Pero huwag kang mag-alala. May mag-aalaga sa'yo habang wala ako. Babalik din ako, okay?" Tumingin siya sa akin, at saglit akong napatigil. Napabuntong-hininga ako. Hindi madaling iwan si Snow, lalo na't matagal na kaming magkasama. Pero wala akong ibang pagpipilian. Hindi ko siya maaaring isama sa mansyon, at nakapag-ayos na rin ako ng taong mag-aalaga sa kaniya habang wala ako. Hinalikan ko siya sa ulo bago muling tumayo. Ilang sandali pa ay natapos ko na ang pag-iimpake. Sinuri ko ang buong apartment upang matiyak na wala akong nakalimutan. Nang dumating ang taong pinagkatiwalaan kong mag-alaga kay Snow, ipinaliwanag ko ang ilang bagay na dapat niyang tandaan. Pagkatapos kong magpaalam, kinuha ko ang maleta at bag ko. Bago tuluyang lumabas, muli akong lumingon kay Snow. "See you soon, baby." Isinara ko ang p***o. * * * Dapit-hapon na nang makarating ako sa lugar kung saan matatagpuan ang Vale Residence. Habang papalapit ang sasakyan sa mataas na gate, mas lalo kong nararamdaman ang kaba sa dibdib ko. Mula sa labas, kitang-kita ang lawak ng lupain at ang matatayog na puno sa paligid. Sa likod ng mga ito ay nakatayo ang isang malaking mansyon na tila matagal nang nagtatago ng mga lihim. Ilang segundo akong nakatitig dito. Ito na iyon. Matagal ko nang pinapangarap na makarating sa lugar na ito, ngunit hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ko sa unang pagkakataong makita ko ito nang malapitan. Huminto ang sasakyan sa harap ng gate. Bumaba ako at lumapit sa maliit na guardhouse. "Good afternoon. May kailangan po ba kayo?" tanong ng security guard. "Good afternoon po. Ako po si Elara Veyne. May assignment po ako rito bilang archivist ng Vale Group." Tiningnan niya ang hawak niyang listahan bago muling tumingin sa akin. "Miss Veyne?" "Opo." "Sandali lang po." Pumasok siya sa guardhouse at may kinausap sa intercom. Hindi ko marinig ang kabuuan ng usapan nila, pero ilang sandali lang ay bumalik siya. "You may enter, Miss. May naghihintay na po sa inyo sa loob." Tumango ako bilang pasasalamat. Bumukas ang malaking gate at muli akong sumakay sa sasakyan. Dahan-dahan itong pumasok sa malawak na bakuran hanggang sa huminto sa harap ng mansyon. Pagbukas ko ng p***o, sinalubong ako ng malamig na simoy at ng amoy ng basang lupa. Mula roon, mas lalo kong nakita ang laki at ganda ng mansyon. Mataas ang mga haligi nito, malalaki ang mga bintana, at napapalibutan ito ng maayos na hardin. Tahimik ang paligid, maliban sa patak ng ulan na nagsisimula nang lumakas. May isang babaeng naghihintay sa may entrada. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit. "Miss Elara Veyne?" "Opo. Pero puwede n'yo po akong tawaging Lara. Kayo po ba si Aling Marta?" Ngumiti siya at bahagyang tumango. "Ako nga. Halika, iha. Kanina pa kita hinihintay." "Magandang hapon po." "Magandang hapon din. Naku, umuulan na. Pasok ka muna." Tinawag niya ang isa sa mga kasambahay upang tulungan ako sa mga dala ko. Kinuha ng isa ang maleta ko, habang si Aling Marta naman ang kumuha sa maliit kong bag. "Ako na ang bahala rito, iha." "Salamat po." Sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon. Pagbukas pa lamang ng malaking p***o, agad kong napansin ang malawak na sala. May malalaking sofa, mamahaling dekorasyon, at isang chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame. Makintab at maayos na napapanatili pati ang sahig. Tahimik ang buong lugar. "Dito ka muna umupo habang inaayos nila ang kwarto mo," sabi ni Aling Marta. "May iba pa po ba akong kailangang gawin ngayong araw?" "Wala naman muna. Bukas na natin pag-uusapan ang tungkol sa trabaho mo. Galing ka pa sa biyahe, kaya magpahinga ka muna." Tumango ako. Maya-maya ay bumalik ang kasambahay at sinabing handa na ang kwarto ko. "Halika, ihahatid na kita." Sumunod ako kay Aling Marta paakyat sa hagdan. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nakasabit na larawan sa dingding. Mga litrato ng pamilya Vale. May mga larawan ng magkakasamang miyembro ng pamilya, mga lumang larawan mula sa iba't ibang okasyon, at ilang retratong tila matagal nang naroon. Sinubukan kong huwag magtagal ang tingin ko sa mga iyon. Hindi pa ngayon. Pagdating namin sa dulo ng pasilyo, huminto si Aling Marta sa harap ng isang p***o. "Ito ang magiging kwarto mo habang nandito ka." Binuksan niya iyon at pinapasok ako. Simple ngunit maluwag ang silid. May malaking kama, aparador, mesa, at sariling banyo. May bintana rin sa gilid kung saan tanaw ang bahagi ng hardin. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin," dagdag niya. "Nandito lang ako sa mansyon." "Maraming salamat po, Aling Marta. Malaking tulong po ang pagtanggap ninyo sa akin." "Walang anuman, iha. Magpahinga ka muna. Bukas na lang tayo mag-usap nang mas maayos." Tumango ako at ngumiti. Pagkaalis niya, isinara ko ang p***o. Maya-maya, inilagay ng kasambahay ang maleta at bag ko sa tabi ng aparador. Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang paligid. Nandito na ako. Ngunit sa kabila ng katahimikan at karangyaan ng lugar, hindi ko maiwasang isipin ang mga pangyayaring naganap dito labing-apat na taon na ang nakalilipas. Ang sunog. Ang pagkamatay ni Seraphine Vale. At ang paratang na tuluyang sumira sa buhay ng aking ina. Napahawak ako sa dibdib ko, kung saan nakasabit ang pilak na pendant. "Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan," bulong ko sa sarili. Sisimulan ko nang hanapin ang mga sagot na matagal nang ipinagkait sa akin.Elara's POVMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi naman ako nahirapang matulog kagabi, pero iba pa rin ang pakiramdam na nasa isang bahay ako na halos wala akong alam tungkol sa mga taong nakatira rito.Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Aling Marta sa kusina. Abala siya sa paghahanda ng almusal."Good morning, Lara. Maaga ka yata nagising?""Good morning po, Nakasanayan ko na rin pong gumising nang maaga.""Halika na. Kumain ka muna bago kita ihatid sa records room."Umupo ako sa maliit na mesa habang inilalapag niya sa harap ko ang isang plato ng tinapay at itlog."Kumusta naman ang kuwarto mo? Maayos ba ang tulog mo?""Opo. Komportable naman po. Salamat."Ngumiti siya bago muling bumalik sa ginagawa.Ilang sandali kaming tahimik. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagtatanong, pero may isang bagay akong gustong malaman."Aling Marta, matagal na po ba si Mr. Vale na hindi umuuwi rito?"Napatingin siya sa akin."Si Cassian?"Tumango ako."Limang taon din. Dito siya lumaki,
Cassian's POVHindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko."Seriously?" tanong ko.Ngumisi siya. "Welcome back, Boss.""Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?""Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."Napailing ako.Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking pinto. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay."Welcome back, Mr. Vale!"Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo."Enjoy the welcome, Ian,
Cassian's POVHindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas.Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin.Nakakapagod din pala ang maging ako.Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group.At hindi naman ako binigo ni Jeo.Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo.Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo.Kung tutuusin, mas naging ma
Elara's POVIlang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist.Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department.Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya.Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen."Adam?""Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo."Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?""Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga."Saglit akong natahimik."Sa mismo
Elara's POVIlang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale.Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya.Ang mahalaga, maayos akong tingnan.Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan."Aalis muna ako
Elara's POVHindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko."Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento."Resignation letter," maikli kong tugon.Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya."Ano?""Magre-resign na ako," ulit ko."Elara, seryoso ka ba?"Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin."Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya."Matagal-tagal na rin.""At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako m







