Share

CHAPTER 5

Penulis: Mariposa
last update Tanggal publikasi: 2026-11-02 14:52:03

Cassian's POV

Hindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.

Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko.

"Seriously?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Welcome back, Boss."

"Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?"

"Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."

Napailing ako.

Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking p***o. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay.

"Welcome back, Mr. Vale!"

Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.

Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo.

"Enjoy the welcome, Ian," bulong niya habang naglalakad kami. "Limang taon ka ring nawala. Hayaan mo naman silang magpakita ng saya."

"Masaya na ako kung makikita kong maayos ang trabaho nila."

"Grabe. First day mo pa lang, trabaho na agad ang iniisip mo."

Hindi na ako sumagot. Dumiretso kami sa elevator na magdadala sa amin sa executive floor.

Pagpasok namin sa opisina ko, agad kong napansin ang malinis na mesa at ang ilang dokumentong nakahanda roon. Malaki ang naging pagbabago sa interior kumpara sa huling araw na pumasok ako rito. Mas moderno na ang dating ng opisina, pero nandoon pa rin ang ilang lumang gamit na hindi ko ipinabago.

"Welcome to your office," sabi ni Jeo.

"Looks different."

"Of course. Hindi naman puwedeng limang taon akong nakaupo rito tapos walang babaguhin," sagot niya.

"Hindi mo naman sinira," saad ko.

"Wow. Compliment ba 'yan?" tanong niya.

"Take it however you want."

Tumawa siya at naupo sa sofa.

Sa unang pagkakataon mula nang dumating ako, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Hindi dahil sa opisina, kundi dahil kasama ko si Jeo.

Matagal na kaming magkaibigan. Bago pa man siya naging acting CEO, magkasama na kami sa maraming bagay. Siya ang isa sa mga taong hindi ko kailangang pakitaan ng ibang pagkatao. Kaya kahit limang taon kaming hindi nagkita nang personal, hindi naging mahirap na bumalik sa dati naming samahan.

"By the way, how's life in the States?" tanong niya.

"Quiet," sagot ko.

"That's all?"

"What do you want me to say?"

"Hindi ko alam. Baka may nakilala kang babae roon. Baka may girlfriend ka na. Baka may asawa ka na at hindi mo lang sinasabi."

Natawa ako nang mahina. "Wala."

"Wala talaga?" pangungulit niya.

"Do I look like someone who has time for that?"

"Actually, oo. Lalo na noong wala ka rito."

"Then you should know better."

Tumawa siya. Nagpatuloy ang kuwentuhan namin tungkol sa mga nangyari habang wala ako. Ikinuwento niya ang ilang pagbabago sa kumpanya, pati na rin ang mga personal na bagay na hindi naman nakikita sa mga report. May ilan siyang naikuwento tungkol sa pamilya niya at sa mga kaibigan naming matagal ko nang hindi nakikita.

Hindi ko namalayang lumipas ang ilang minuto.

Nakakatuwa rin palang makipag-usap nang hindi puro negosyo ang paksa.

Pero naputol ang usapan namin nang biglang bumukas ang p***o. Hindi man lang kumatok ang taong pumasok.

Napalingon ako. Isang babae ang mabilis na pumasok sa opisina. Nakasuot siya ng pulang body-hug dress na bumagay sa kaniya. Maayos ang buhok, mapula ang labi, at halatang pinaghandaan ang itsura niya.

Keyzia.

Hindi ko inaasahang makikita siya rito.

Hindi pa ako nakapagsalita nang tuluyan siyang lumapit at bigla akong sinampal.

Pak!

Napabaling ang mukha ko sa lakas ng sampal. Napahawak ako sa pisngi ko. Nang masagi ng daliri ko ang gilid ng labi, nakaramdam ako ng hapdi. May maliit na sugat iyon, marahil dahil sa singsing na suot niya.

"Para saan 'yon?!" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ni Jeo. Hindi yata siya agad nakapaniwala sa nasaksihan niya.

"For leaving me for five years!" galit na sagot ni Keyzia.

Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang bahid ng dugo sa labi ko gamit ang hinlalaki.

"Keyzia, hindi kita girlfriend. So huwag kang umasta na may responsibilidad ako sa'yo."

"Shut up, Cassian! I hate you!"

"Then stop coming here."

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw niya.

Nagtaas lang ako ng kilay.

May mga bagay kaming pinagsamahan noon, pero hindi iyon nangangahulugang naging kami. At lalong hindi iyon dahilan para isipin niyang may karapatan siyang gawin ang anumang gusto niya sa akin.

Ilang segundo pa siyang nagsalita nang galit bago tuluyang lumabas ng opisina. Malakas pa niyang isinara ang p***o.

Natahimik ang buong silid.

Paglingon ko kay Jeo, nakita kong pinipigilan niya ang pagtawa.

"Don't."

Hindi na niya napigilan. Napahalakhak siya habang nakasandal sa sofa.

"Bro! First day mo pa lang, may welcome slap ka na!"

Kumuha ako ng tissue sa mesa para punasan ang sugat sa labi ko.

"Mga babae talaga."

"Hindi lahat, bro. Si Keyzia lang."

"Whatever."

"Hindi ka man lang nagtaka kung bakit siya nandito?"

"Wala akong panahon para alamin."

Mas lalo siyang natawa.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. May mas mahalaga akong kailangang asikasuhin kaysa sa isang babaeng hindi pa rin marunong tumanggap ng katotohanan.

* * *

Lumipas ang ilang oras sa pagtingin namin sa mga report.

Nasa kabilang upuan si Jeo habang isa-isang ipinapaliwanag sa akin ang mga dokumentong kailangan kong balikan. Karamihan ay tungkol sa mga bagong investment, property development, at ilang kontratang kailangan ng final approval.

Mabilis ko namang naintindihan ang mga iyon. Hindi naman ako tuluyang nawala sa negosyo kahit nasa ibang bansa ako. Regular pa rin akong nakakatanggap ng updates mula kay Jeo.

May ilang bagay lang na kailangan kong suriin nang mas mabuti.

"Here," sabi niya habang inilalapag ang isang folder sa mesa ko. "Ito 'yung records na hindi pa rin natin mabuo."

Binuksan ko iyon.

May mga dokumentong kulang ang detalye, ilang lumang file na hindi tugma ang mga petsa, at mga record na hindi pa namin mahanapan ng kumpletong kopya.

"Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ito naaayos?"

"Some of the original files are missing. May mga naiwang kopya, pero hindi kumpleto. May ilang records din na hindi tugma sa database."

"Have you checked the old archives?" tanong ko.

"Several times. Kaya nga nagdagdag tayo ng archivist."

Tiningnan ko ulit ang laman ng folder.

Hindi ko gusto ang ganitong sistema. Mahirap gumawa ng desisyon kung kulang ang impormasyong hawak mo. At sa isang kumpanyang kasinglaki ng Vale Group, hindi puwedeng basta na lang balewalain ang mga nawawalang dokumento.

"Let's have this organized properly," sabi ko. "I want a complete list of missing records."

"Already working on it," ani Jeo.

Tumango ako at isinara ang folder.

Maya-maya, napatingin ako sa orasan. Oras na pala para magtanghalian.

"Let's eat," aya ni Jeo.

Sumang-ayon ako.

Sabay kaming lumabas ng opisina at nagtungo sa isang fine-dining restaurant na madalas naming puntahan noon. Hindi rin nagtagal ang paghihintay namin dahil agad kaming inalalayan ng staff papunta sa isang bakanteng mesa.

Umorder kami ng pagkain at nagpatuloy sa pag-uusap habang hinihintay ang order namin.

"By the way," sabi ni Jeo, "I hope magawan ng paraan ng bagong archivist 'yung mga records."

Napatingin ako sa kaniya. "What do you know about her?"

"Hindi mo pa ba siya nakakausap nang maayos?"

"Not properly."

"Bakit?"

"She looks weird."

Napakunot ang noo niya bago ngumisi.

"Come on, bro. Baka mamaya takutin mo na naman."

"Dapat lang matakot siya kung hindi niya gagawin nang maayos ang trabaho niya. Hindi basta-basta ang binabayad sa kaniya."

"Grabe ka naman. First impression agad?"

"I'm just saying."

Umiling siya habang natatawa.

"Anyway, siya na ang bahala sa records. Sana nga maayos na lahat."

Hindi na ako sumagot. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang kakayahan ng bagong empleyado. Isang beses ko pa lang siyang nakita, at hindi pa nga kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap.

Pagdating ng pagkain namin, pansamantala naming itinigil ang usapan tungkol sa trabaho.

Ilang minuto pa ang lumipas bago muling nagsalita si Jeo.

"O siya nga pala, bukas may party sa bahay. Huwag kang mawawala."

"Party? Anong meron?"

"Birthday ng anak ko."

Napatingin ako sa kaniya.

"What? May anak ka na? Since when?"

Napahalakhak siya.

"Five years kang nawala, bro. Hindi mo talaga alam ang nangyari sa buhay ko."

"Hindi mo naman sinabi."

"Hindi na kita inabala. Basta pumunta ka bukas. Maraming magagandang ninang na dadalo."

Napailing ako.

"Let me see."

"Walang let me see. Pupunta ka," giit ni Jeo.

"Busy ako."

"Busy ka agad? Kakabalik mo pa lang!"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hoy, thirty-three ka na. Mag-asawa ka na para naman bumait ka."

Napatawa ako. "Unahin mo muna ang sarili mong pamilya."

"May pamilya na ako. Ikaw ang problema."

Nagtawanan kaming dalawa.

Sa totoo lang, nami-miss ko ang ganitong mga sandali. Hindi lahat ng araw ay kailangang seryoso. Minsan, kailangan mo rin ng kaibigang kayang asarin ka nang walang takot na masisigawan.

Pagkatapos naming kumain, bumalik muna kami sa opisina para kunin ang ilang gamit. Nagpaalam ako kay Jeo at umuwi na sa mansyon.

* * *

Pagdating ko sa mansyon, tahimik ang paligid. May ilang tauhan na abala sa kani-kanilang ginagawa, habang ang iba naman ay nasa kusina.

Ibinigay ko ang susi ng sasakyan sa isang staff at pumasok.

Habang naglalakad ako papunta sa living area, may napansin akong isang babaeng nakatayo sa harap ng malaking cabinet na puno ng mga litrato.

Pamilyar ang likod niya. Siya ang bagong archivist.

Lara.

May hawak siyang maliit na notebook habang pinagmamasdan ang mga framed photograph. Tila may hinahanap siya sa mga iyon. Hindi niya napansin ang pagdating ko dahil nakatalikod siya sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit.

Nang mapansin kong nakatuon ang tingin niya sa isang litrato, napahinto ako.

Larawan iyon ng aking ina. Hindi ko alam kung bakit iyon ang pinili niyang tingnan nang matagal.

"She is my mother."

Naputol ang katahimikan nang magsalita ako sa likuran niya.

Napapitlag siya at mabilis na lumingon. Halos mabitawan niya ang hawak na notebook.

"I'm sorry, Sir!"

Tiningnan ko siya.

Sa pagkakataong ito, hindi na siya nakatayo sa harap ng maling p***o. Pero ganoon pa rin siya kagulat nang makita ako.

"Why are you looking at that picture?"

Saglit siyang natigilan bago sumagot.

"I'm just looking at the photographs, Sir. I was checking the arrangement before I start organizing the records."

Tumingin ako sa litrato.

"Seraphine Vale."

"She's beautiful," mahinang sabi niya.

Muli siyang tumingin sa litrato. May kung anong kakaiba sa paraan ng pagtitig niya roon. Hindi ko lang matukoy kung paghanga ba iyon o may iba pang dahilan.

"May iba pa po ba akong dapat malaman tungkol sa mga pictures na ito?" tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Why?"

"Para po hindi ako magkamali sa pag-aayos. Baka may mga litrato kayong gustong manatili sa dating puwesto."

Simple lang ang tanong niya, pero napaisip ako sandali.

"Don't move anything until you know which ones are important."

Tumango siya agad.

"Yes, Sir."

"You don't have to call me Sir. Mr. Vale will do."

Napakunot ang noo niya nang bahagya bago tumango.

"Okay po, Mr. Vale."

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko siyang magsalita.

"Good evening, Mr. Vale."

Hindi na ako lumingon.

"Good evening, Lara."

Iyon ang unang beses na tinawag ko siya sa pangalan.

Hindi ko alam kung bakit ko pa iyon inalala habang paakyat ako sa hagdan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 5

    Cassian's POVHindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko."Seriously?" tanong ko.Ngumisi siya. "Welcome back, Boss.""Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?""Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."Napailing ako.Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking pinto. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay."Welcome back, Mr. Vale!"Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo."Enjoy the welcome, Ian,

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 4

    Cassian's POVHindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas.Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin.Nakakapagod din pala ang maging ako.Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group.At hindi naman ako binigo ni Jeo.Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo.Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo.Kung tutuusin, mas naging ma

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 3

    Elara's POVIlang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist.Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department.Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya.Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen."Adam?""Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo."Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?""Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga."Saglit akong natahimik."Sa mismo

  • The Man who Owned my Destiny   Chapter 2

    Elara's POVIlang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale.Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya.Ang mahalaga, maayos akong tingnan.Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan."Aalis muna ako

  • The Man who Owned my Destiny   Chapter 1

    Elara's POVHindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko."Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento."Resignation letter," maikli kong tugon.Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya."Ano?""Magre-resign na ako," ulit ko."Elara, seryoso ka ba?"Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin."Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya."Matagal-tagal na rin.""At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status