Share

KABANATA 2

Author: Josie M
last update publish date: 2026-03-03 22:08:27

THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR

KABANATA 2

AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. 

“SIMULA NGAYON ay dito ka na mag-aaral sa Andalucia, Brielle. Sa Andalucia Community College ka mag-aaral. Makakatulong ‘to sa pagtakbo namin sa susunod na eleksyon,” seryosong sabi ni Dad habang kumakain kami ng aming dinner ngayon. 

Kompleto na kami ngayon dahil nakauwi na rin si Kuya galing sa kanyang work. May work din siya sa kumpanya namin kahit na isa siyang SK Chairman. Para ngang walang work lagi si Kuya dahil nagagawa pa niyang pumunta sa mga clubs every night. Bakit ko alam? Nakikita ko ang mga mukha niya sa mga mutuals ko sa social media. Kitang-kita ko ang mga mukha ng kapatid ko habang nakikipaghalikan sa iba’t ibang babae sa bar. Hindi nga ako makapaniwala na nanalo siya sa eleksyon dahil nakikita naman ng mga tao kung anong klaseng tao ‘tong kapatid ko. 

Ngumiti ako kay Dad at napatango ako. “Thank you po sa pagpayag sa akin na dito na po ako mag-aral, Dad,” mahina kong sabi. 

Napa buntong-hininga siya bago siya muling mapatingin sa akin nang seryoso at nagsalita. 

“May magagawa pa ba ako? Alam ko naman na gagawin mo ang lahat para lang masunod ang gusto mo. Pero sige, papayagan kita sa gusto mong mangyari. Para na rin makatulong ka sa eleksyon na darating,” seryosong sabi ni Dad at bumalik siya muli sa kanyang pagkain. 

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng lungkot ngayon. Kararating ko lang dito sa bahay namin, pero ang bukambibig lagi ng aking ama ay walang iba kundi tungkol sa election at wala nang iba. Hindi niya man lang ako nakumusta—kung ano ang nangyari sa akin sa America? Wala talaga siyang pakialam sa akin. 

“Dad, gaano ka naman ka sure na makakatulong si Brielle sa pamilya natin? Muntik na nga niyang masira ang pamilya natin six years ago!” wika ni Kuya Hugo ngayon habang nakatingin siya nang masama sa akin. 

“Hugo! ‘’Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo!” sabi naman ni Mommy ngayon. 

Napalunok ako sa aking laway at bahagya akong yumuko at hindi nagsalita. Inaamin ko na may katangahan akong nagawa noong bata pa ako, kaya dinala ako ng mga magulang ko sa America at doon na nila ako pinatira at pinaaral. Pero ngayon ay nagbago na ako. Hindi na rin ako tanga at alam ko na ang tama at mali, kaya hindi ko na mapapahamak ang pamilya namin. 

“Hugo, dalaga na si Brielle. Alam na niya ang gagawin, right, Aubrielle?” sabi ni Dad kaya mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanila at natataranta akong tumango. 

“Y-Yes po, Dad,” mahina kong sabi. 

Ngumiti sa akin si Dad at nagpatuloy siya muli sa kanyang pagkain. Nang mapatingin ulit ako kay Kuya Hugo ay nakita ko siyang napairap at nagpatuloy ulit siya sa kanyang pagkain. Hindi kasi kami close ng kapatid ko na si Kuya Hugo. Well, dati kaming close dalawa… pero after ng nangyari six years ago ay hindi na kami naging close dalawa at lagi na lang siyang galit sa akin. Kaya ngayon sa pagbabalik ko, nagbabakasakali ako na bumalik ulit ang closeness namin ng kapatid ko dahil miss ko na si Kuya Hugo. 

Nang matapos kaming kumain sa aming dinner ay sinamahan na ako ni Mommy sa aking kwarto. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay hindi ko mapigilan na namamangha dahil ganoon pa rin ang kulay, kulay pink na paborito ko. Ang linis na rin ng kwarto ko at parang kwarto ko pa rin six years ago. Wala na nga lang mga laruan dahil hindi na rin naman ako bata. 

“Namiss mo ba ang kwarto mo, anak?” tanong sa akin ni Mommy. Napaupo ako sa aking kama at napaharap ako sa kanya at tumango. 

“Yes, Mom! Na-miss ko talaga ang room ko. Thank you po dahil ganito pa rin ang room ko dito sa Andalucia,” nakangiti kong sabi kay Mommy. 

Lumapit siya sa akin at umupo siya sa aking tabi at hinawakan niya ang aking kamay at nagsalita siya. 

“Alam mo bang sobrang saya ko na nandito ka na ulit, Brielle? Pakiramdam ko ay nagkaroon na ulit ako ng kakampi dito sa bahay. Alam mo naman, tayo lang dalawa ang babae sa pamilya natin,” madamdamin na sabi ni Mommy ngayon sa akin. Kitang-kita ko na rin ang maluha-luha niyang mga mata habang nakatingin sa akin. 

Mas lumapit pa ako kay Mom at pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay at ngumiti ako sa kanya. 

“Hindi na po ako lalayo sa inyo, Mom. Nandito na po ang baby girl niyo. Hindi ko na kayo iiwan ulit,” sabi ko sa kanya at ako na ang yumakap kay Mommy. Narinig ko ang kanyang pag-iyak nang mayakap ko siya, kaya hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata at naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng aking mga luha. 

Nang sumunod na umaga ay nakiusap ako kay Mommy na mamasyal sa sentro ng lugar namin kung saan may mga pasyalan. Pero ayaw pumayag ni Mommy. 

“Anak, mapapahamak ka lang!” 

Hindi ko mapigilan na magtaka sa kanyang sinabi. 

“Bakit naman po ako mapapahamak? Lugar po natin ‘to. Kahit na six years na po akong hindi nakabalik dito, alam ko pa rin ang pasikot-sikot sa lugar na ‘to dahil dito ako ipinanganak at lumaki. Mom, sige na po. Payagan mo na ako! Gusto kong mamasyal eh,” pakiusap ko ulit kay Mommy ngayon. 

Maaga kasing umalis si Dad dahil may event siya na pupuntahan kaya si Mom lang ang nandito ngayon sa bahay. 

Huminga siya ng malalim at wala siyang magawa kundi ang tumango at pumayag sa kagustuhan ko. Napangiti ako at natuwa ng sobra sa kanyang pagpayag. 

“Okay, fine! Papayagan na kita sa gusto mo. Pero kailangan mong magsama ng bodyguards.” 

“Mom! Ayoko ng maraming bodyguards. Hindi naman po ako sikat na artista, eh,” nakanguso kong sabi sa kanya. 

“Sige, isang bodyguard lang. Huwag ka nang magreklamo! Para na rin mapanatag ako, Aubrielle. Kailangan mo ng kasama!” sabi ni Mommy sa akin. 

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at napayakap ako sa kanya. “Thank you, Mom!” 

Nang pumayag si Mom sa gusto ko ay agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at nagbihis na ako ng aking susuotin. Isang simpleng skirt at T-shirt na pink lang ang suot ko ngayon at ang aking sling bag. Naglagay din ako ng dalawang clip sa mahaba kong buhok at naglagay lang ng liptint sa aking labi at sunscreen. Gusto ko nang maging simple lang ako dahil ganoon naman talaga ako. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako ng hagdan at nandoon na rin ang bodyguard na kasama ko. Nagpaalam na ako kay Mommy at lumabas na rin kami. Sumakay na ako sa sasakyan at excited na ako sa pupuntahan ko. 

“Ma’am Aubrielle, saan niyo po gustong mamasyal?” tanong sa akin ng kasama ko na bodyguard na siya ring nagda-drive ngayon sa kotse. 

“Uhm, gusto ko po munang pumunta sa park,” sabi ko sa kanya. Mabilis naman itong tumango at pumunta na kami doon. 

Hindi pa ako nakakapunta sa bagong park ng Andalucia. Nalaman ko lang ang tungkol dito sa mga post nila Dad sa social media at super akong natuwa dahil ang dami ng pasyalan sa bayan namin. 

Nang makarating kami sa park, mabilis akong lumabas. 

“Ma’am, wait lang po!” sabi ng bodyguard at nagmamadali itong lumabas upang sundin ako. 

Tumigil ako sa aking paglalakad at humarap ako sa bodyguard at tiningnan ko siya nang seryoso bago ako magsalita muli. 

“Kuya, puwede po bang huwag niyo akong sundan? Kung kailangan po talaga, puwede ba na iyong hindi masyadong malapit? Ayoko kasi na pagtitingnan ako ng tao eh,” seryoso kong sabi kay Kuya Bodyguard ngayon.

Tumango naman si Kuya bodyguard kaya napangiti rin ako sa kanyang pagpayagan.

“Thank you, Kuya!” sabi ko at nagsimula na akong maglakad-lakad ngayon. 

Ang daming mga kahoy sa paligid! May mga nakikita rin akong nagjo-jogging ngayon. May mga mag-jowa na nakaupo sa may grass. May mga bata rin na naglalaro. Ang saya na dito sa bayan!

Habang naglalakad ako ngayon, napatili na lang ako sa gulat nang may bumangga sa akin. Akala ko talaga ay matutumba na ako, pero may biglang humawak sa aking baywang upang saluhin ako at parang… parang bigla na lang nag-slowmo ang paligid nang makita ko kung sino ang dumalo sa akin ngayon. 

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino ang lalaking sumalo sa akin ngayon.

Iyong nakita ko sa rally kahapon sa kalye! 

Oh my gosh… nagkita ulit kaming dalawa. 

At ngayon ay may pagkakataon na ako na malaman ang kanyang pangalan, at hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito. 

“I’m so sorry, Miss! Hindi ko namalayan na may tao pala,” wika ng lalaking sumalo sa akin ngayon. 

Inayos ko na ang pagkakatayo ko ngayon at ang aking sarili habang nagkaharap kaming dalawa. Ang lakas na rin ng tibok ng aking puso ngayon habang nagkakatinginan kami ng lalaking nasa aking harapan. Ang gwapo niya talaga. Bakit ko ba ‘to nararamdaman ngayon? 

“Miss?” muling tawag niya sa akin. 

Hindi ko namamalayan na natulala na pala ako habang nakatingin sa kanya. Nakakahiya! 

Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at nagsasalita ako. 

“I-I’m so sorry. Masyado akong nawili sa mga nakikita ko dito sa park kaya nabangga kita,” nauutal kong sabi. 

Ngumiti siya sa akin. 

Gosh!

He smiled at me!

Mas gwapo siya kapag nakangiti siya. 

“Bago ka ba rito?” tanong niya sa akin. 

Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at tumango ako. 

“Y-Yes, bago lang ako dito,” mahina kong sabi sa kanya. 

Muli siyang ngumiti sa akin at nagsalita siya. 

“I’m Lio, Fidel Emilio Valencia,” nakangiti niyang sabi at inabot niya ang kanyang kamay sa akin. 

Napalunok ako ng aking laway at napatingin ako sa kanyang kamay. Should I say my whole name to him? Nasa rally siya kahapon laban sa pamilya namin. Kaya sigurado ako na kapag nalaman niyang isa akong Caballero ay magagalit siya sa akin. 

Huminga ako ng malalim at inabot ko ang kanyang kamay at sinabi ko ang aking pangalan sa kanya. 

“My name is Aubrielle Allison Dizon, you can call me Ali,” nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko pinakilala ang sarili ko bilang isang Caballero. Hindi ko kayang makita ang galit sa kanyang mga mata ngayon habang nakatingin sa akin. 

Ngumiti siya muli sa akin at tumango siya. 

“Nice to meet you, Ali. Welcome to Andalucia.” 

“Nice to meet you too, Lio.”

TO BE CONTINUED...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 54

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 54AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.WALA NA AKONG balita kay Emilio, kaya para na rin akong mababaliw dito sa New York. Dalawang araw na siyang hindi nakokontak at nag-aalala na talaga ako nang sobra sa kanya. Kaya ngayon ang ginawa ko na lang ay tawagan ang kapatid ko na si Mia na malapit din kay Emilio. Noong una ay hindi kaagad nasagot ng kapatid ko ang aking tawag. Siguro ay dahil natutulog na ito, o hindi naman ay busy? Umaga kasi ako tumawag sa kanya, kaya probably ay gabi na doon sa Pilipinas.Makalipas ang ilang minuto ng pagtawag sa kapatid ko, sinagot na talaga ni Mia ang aking tawag.“Mia!” Masayang nabanggit ko ang kanyang pangalan ngayon nang masagot niya ang tawag ko sa phone. Matagal na nakakapagsalita ang kapatid ko sa kabilang linya, pero hindi ko na ‘to binigyan ng malisya dahil baka nagising ko siya sa tawag ko.“Hello, Brielle? Kumusta ka dyan sa New York?” tanong ni Mia sa akin sa kabilang linya. Nang itanong iyon ng aking kapa

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 53

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 53AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG MISS KO na si Emilio! Wala akong ibang ginawa kundi makipag plastikan sa mga pinsan ko at sa buo kong pamilya. Wala akong close sa mga pinsan ko kahit na magkasing-edad lang kaming lahat. Mas lalo lang din akong nainis dahil katabi ko si Sean sa loob ng eroplano papuntang New York. Ang layo pa naman ng biyahe namin, kaya nakakairita talaga!Mas lalo akong nairita nang makita ko ulit ang pagmumukha ng kapatid ko na si Kuya Hugo. Ilang beses ko na siyang tiningnan, pero iniiwas niya ang tingin sa akin.“Anak, kanina ka pa tahimik…”Napatingin ako kay Mommy nang marinig ko ang kanyang boses. Nandito na kami sa bahay namin sa New York. Mas ginusto kong lumabas na muna sa bahay kaysa naman makipag plastikan sa mga pinsan ko. Ayoko na talaga rito, gusto ko nang umuwi.Kapag kasi nandito ako sa New York ay naaalala ko ang mga karanasan ko noon nang ipinatapon nila ako dito sa New York. Wala akong ibang kakampi

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 52

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 52AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAGPATULOY ANG ganung setup naming dalawa ni Emilio—ang pagpunta niya rito sa aking kwarto ng walang nakakalam na ibang tao maliban sa akin, kay Mia, at kay Kuya Edgar. Oo, kasabwat namin si Kuya Edgar sa aming ginagawa. Kaya malaki rin talaga ang utang na loob namin para sa kanya, at nangako namin ni Emilio na babawi kami kay Kuya Edgar.Ngayon ay term break namin, at isang linggo kaming walang klase. Magiging masaya na sana ako dahil mas may oras na kaming dalawa ni Emilio sa isa’t isa, pero bigla na lang sinabi ni Mommy na pupunta kami ng New York dahil magbabakasyon kami ng pamilya namin. Wala akong magagawa dahil reunion na rin ito ng mga Caballero dahil pupunta rin ang grandparents ko, at ang mga kapatid din ni Daddy.Ayoko sana na sumama dahil mas gusto ko pa na nandito ako sa Andalucia at makasama si Emilio, pero alam ko na hindi papayag ang pamilya ko kapag sinabi ko iyon sa kanila.“Okay lang naman. Is

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 51

    SA: 511104 wordsTHE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 51AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG SAYA ko na makita ko si Emilio dito sa loob ng aking kwarto. Siya na talaga ang gumawa ng paraan para lang makita ako muli, lalo na’t delikado ang sitwasyon ko ngayon at marami akong mga guards na nakapalibot kapag lumalabas ako ng bahay. Noon kasi ay hindi siya mahigpit sa akin, at okay lang sa kanila na si Kuya Edgar lang ang kasama ko. At si Kuya Edgar naman ay mapagkakatiwalaan ko ng sobra kaya walang problema sa akin.At dahil sa nangyari sa akin, mas naging mahigpit na silang lahat. Kaya nagpapasalamat din talaga ako na hindi ako iniwan ni Emilio at nandyan siya para sa akin.“Lumayo na kaya tayo?”Natigilan ako ng sabihin iyon ni Emilio. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon sa akin. May gulat akong ekspresyon sa mukha ng sabihin niya iyon sa akin, pero may excitement din akong nararamdaman ng sabihin niya rin iyon sa akin. Gusto niya ba na lumayo na kami dito? Na

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 50

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 50AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAKALABAS NA ako ng hospital, pero nang dahil sa nangyari ay mas humigpit pa ang securities ko kapag lumalabas ako ng bahay, kaya hindi na ako nakakapunta doon sa bukid ni Emilio upang magkita kaming dalawa. At ngayon din ay mas lalong dumidikit lalo si Sean sa akin kaya nakakaramdam na ako ng inis sa kanya. Kagaya ngayon, gusto ko sanang mapag-isa dito sa cafeteria at hinihintay ko si Mia na pumunta rito, pero bigla na lang umupo si Sean sa harapan ng inuupuan ko.“What do you want, Sean?” malamig ko na sabi sa kanya.Ngumiti siya sa akin at naglagay siya ng milkshake sa aking harapan ngayon na para bang sinasabi niya na akin na iyon. Pero wala akong pakialam sa milkshake niya. Gusto kong tigilan niya ako.“Wala lang, gusto lang kitang samahan. Alam mo naman, delikado ang buhay mo, Aubrielle. Baka may bigla na lang manakit sayo rito—o baka may biglang bumaril kagaya ng nangyari sayo. Ayoko ng mangyari iyon sayo

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 49

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 49AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MASAYA NA AKO na makita si Mia dito sa ospital habang nagpapagaling ako. Marami siyang naging kwento sa akin at nalaman ko na may boyfriend na pala siya, at kaibigan pa ito ni Emilio. Masaya ako para sa aking kapatid dahil nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang nagkukwento siya sa akin tungkol sa kanyang boyfriend.Na-sad lang ako ng magpaalam na sa akin si Mia at hindi siya pwedeng mag stay dito sa ospital dahil may klase pa siya para bukas. Nangako naman siya sa akin na babalik siya rito sa ospital kaya ito na lang ang panghahawakan ko. Ako lang kasi mag-isa dito ngayon sa kwarto ko dahil busy rin si Mommy. Si Dad? Isang beses lang siyang dumalaw dito sa akin. Si Kuya Hugo naman ay never pang dumalaw dito kaya hindi na ako mag e-expect na pumunta siya. Si Sean naman—wag na siyang pumunta rito. Naiirita lang ako sa mukha niya kaya huwag na siyang pumunta.Dahil hindi pa ako makagalaw dito sa hospital bed,

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 48

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 48AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. PARANG PANAGINIP ang nangyari sa akin sa stage. Nagulat na lang ako ng may parang biglang masakit sa may tiyan ko at ng tingnan ko ito ay may dugo na sa aking damit. Hanggang sa tuluyan na akong napahiga sa sahig. Ang huli ko

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 47

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 47THIRD PERSON’S POINT OF VIEW. LAHAT AY NAGULAT ng may marinig silang tunog ng baril, lalo na ng bumulagta bigla si Aubrielle sa sahig habang naliligo ng sariling dugo. Nanlalaki ang mga mata ni Hugo ng makita niya ang kanyang kapatid na binaril. Para siyang hi

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 46

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 46AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.HINDI KO SINUNOD ang gustong mangyari ni Emilio na umalis ako sa event ng kapatid ko. Mas lalo niya lang akong ginalit. Kaya ang ginawa ko ay umakyat ako sa stage at tumabi ako kay Kuya Hugo. Nakita ko ang pagkamangha sa kanya

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 45

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 45AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.“KAILANGAN MONG sumama sa kapatid mo sa kanilang event bukas, Aubrielle. Marami nang mga kumakalat na fake news na hindi kayo magkasundo ng kapatid mo. Dapat ipakita natin sa kanila na mali ang sinasabi nila,” wika ni Mommy ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status