Home / Romance / The Missing Billionaire (TAGLISH) / Chapter 82: An Unexpected Offer

Share

Chapter 82: An Unexpected Offer

Author: AnakNiIbarra
last update Last Updated: 2025-09-06 21:50:20

"Is there any problem, Erina?"

Napasinghap ako nang marinig ang boses mula sa likuran. Si Boss Yuki pala, na kalalabas lang sa kaniyang opisina. Hindi pa ako umaalis dahil hinihintay ko pang makaalis si Sir Wilbert, pero mukhang matatagalan pa iyon. Kasalukuyan na siyang nakaupo at naghihintay sa in-order niyang kape.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya narito o kung may hinahanap ba siya. Wala rin akong mapagtanungan dahil abala ang halos lahat ng katrabaho ko sa kani-kanilang gawain.

"Uh, w-wala po, Boss Yuki," tugon ko, bahagyang kinabahan. Pero kumunot ang noo niya, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Bakit parang may pinagtataguan ka? Is it your dad?" aniya, bakas ang pagdududa sa kaniyang boses. Napalunok ako nang wala sa oras at agad umiwas ng tingin sa kaniya. Pero bigla siyang dumungaw sa labas at inilibot ang mga mata sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin.

"H-Hindi po, Boss Yuki. H-Hindi po ang dad ko," pautal ko nang sabi, ngunit biglang sumeryoso ang ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 82: An Unexpected Offer

    "Is there any problem, Erina?"Napasinghap ako nang marinig ang boses mula sa likuran. Si Boss Yuki pala, na kalalabas lang sa kaniyang opisina. Hindi pa ako umaalis dahil hinihintay ko pang makaalis si Sir Wilbert, pero mukhang matatagalan pa iyon. Kasalukuyan na siyang nakaupo at naghihintay sa in-order niyang kape.Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya narito o kung may hinahanap ba siya. Wala rin akong mapagtanungan dahil abala ang halos lahat ng katrabaho ko sa kani-kanilang gawain."Uh, w-wala po, Boss Yuki," tugon ko, bahagyang kinabahan. Pero kumunot ang noo niya, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko."Bakit parang may pinagtataguan ka? Is it your dad?" aniya, bakas ang pagdududa sa kaniyang boses. Napalunok ako nang wala sa oras at agad umiwas ng tingin sa kaniya. Pero bigla siyang dumungaw sa labas at inilibot ang mga mata sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin."H-Hindi po, Boss Yuki. H-Hindi po ang dad ko," pautal ko nang sabi, ngunit biglang sumeryoso ang ka

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 81: Lingering Suspicion

    Ano'ng ginagawa niya rito?Ako ba ang sadya niya?I don’t want to assume, but I think I’m the one he’s looking for. Fuck. I need to hide.Bigla akong nagtago sa likod ng gate bago pa man ito tumingin sa direksyon ko. Ayokong magpakita sa kaniya at ayoko rin na makita niya 'ko. I don’t know why, but I don’t like getting close to him. And I don’t feel comfortable with his presence."Shit. Male-late ako nito kapag hindi pa siya umalis," usal ko, unti-unting dumungaw sa labas ng gate. Pero sa kasamaang palad, nakatayo pa rin siya sa harapan ng tindahan ni Aling Susan.Pinagtitinginan na siya ng mga tao sa labas, pero parang wala man lang itong pakialam. Obvious naman na may hinihintay siya, but I don’t know if it’s me or someone else.Mukha naman siyang mabait, pero nahihiwagaan talaga ako sa pagkatao nito."Erina? Ano'ng ginagawa mo d'yan?"Bigla akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses. Si Tiya Helen pala ito, naglalakad papunta sa direksyon ko. Pero bigla akong sumenyas na tumahim

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 80: When Silence Speaks Louder

    *ERINA ISABEL TUAZON'S POVKahit ang dami kong iniisip na problema, hindi pa rin mawala sa isip ko ang isang bagay na maaaring magpabago sa sitwasyon naming dalawa. Isang bagay na pilit kong iniiwasang mangyari… pero nangyari pa rin.I like him.I like Louie, the man I saved from the river a month ago.Alam kong wala itong magandang patutunguhan, pero hindi ko na kayang pigilan. Hindi ko na kayang pigilan ang puso kong gustuhin siya. Pero kahit gano’n, hindi ako aamin. Hindi ko sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya para sa’kin. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan niya para halikan ako. Pero siguro, hindi ko na kailangang alamin. "Louie, g-gising..." mahina kong bulong habang marahan na tinatapik ang braso niya.Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang dumako ang tingin ko sa labi niya. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi...I was about to kiss him, pero nag-alangan ako. Bago pa ako makapagdesisyon na huwag ng ituloy ay siy

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 79: Heartbeats in the Shadows

    *WAYNE LOUIE ANDERSON'S POV I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father. That was all a lie. The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned. Fuck! What should I do? Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me. I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life. [Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?] “Nothing happened, I just have something I need you to do,” I repl

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 78: Chains of Memory

    Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 77: Pieces of a Shattered Past

    Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless. He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this? "But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me. "B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. "Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin." Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim. "It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status