Share

Kabanata 19

Marka

Sinubukan kong burahin ang markang nasa pala pulsuhan ko ngunit kahit anong kuskos ang gawin ko, hindi iyon mawala, bagkus ay nagiging mas makintab pa iyon kaysa nakasanayan.

Hindi ko alam kung para saan ang markang 'to. Isa pa, wala namang nabanggit ang kapitan tungkol dito. Maging ang prinsipe.

Tinitigan ko ang marka. Lalo iyong lumiwanag at unti unti akong nakaramdam ng pagkapaso mula rito hanggang sa lalo na iyong lumala!

Sobrang init!

Parang sinusunog ako ng buhay!

"Ahhhh!" sigaw ko nang malakas nang kumalat ang na ang napakasakit na pakiramdam sa katawan ko.

Para akong inaapuyan!

Pawis na pawis ako habang namimilipit sa sakit dito sa sahig ng aking kwarto. Pakiramdam ko'y mahihimatay na ako anumang oras.

Tulong, pakiusap..

Piping sigaw ko sa aking isipan dahil nawalan na ako ng lakas upang sumigaw sa sakit. Tila inuubos nito ang lahat ng lakas ko.

Kahit sino, pakiusap...

Nararamdaman ko na nag pag bigay ng aking katawan.

Malakas na ihip hangin mula sa bintan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status