Share

Kabanata 7

Repleksyon

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga salitang iyon upang sumahin ang takot at kaduwagan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y nahihilo at masusuka na ako anumang oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi makahinga ng maayos at nanginginig ang dalawang kamay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pintuang iyon ay sunod sunod na ang rehistro sa utak ng mga posibleng mangyari nang oras na pumasok ako doon.

"Hoy Tao, ayos ka lang? " Boses ni Adeem ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Hindi." Dahil yun naman ang totoo. Hindi ako ayos! Walang maayos sa sitwasyon na 'to! Ito namang lalaking katabi ko, pangisi ngisi lang na para bang walang masamang mangyayari ilang minuto mula ngayon.

Ang pakiramdam ko'y hinahatid na ako sa huling hantungan!

"Lilipas din yan." Sagot niya.

Anong 'lilipas din yan' ang sinasabi ng isang 'to? Lilipas din yan kung hindi na ako makalabas sa pintong 'yan?!

Hindi ko na nasabi ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil biglang may lumi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status