Share

Kabanata 8

Balatkayo

Nawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.

Anong nangyayari?

"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.

Napangiwi ako.

Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita.

"Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad.

"Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina.

"Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya.

Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status