SUMASAKIT na ang ulo ni Jacob sa pagsagot sa kaliwa’t kanang tawag mula sa limang bagong branch na ipinapatayo niyang private resorts at fine dining restaurants. Araw-araw ganoon siya kaabala. Sa edad na dalawampu’t apat, siya ay naging ganap na bilyonaryo bunga ng pagtyatyaga at dedikasyon na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang.
Kapag ganitong sunod-sunod na ang natatanggap niyang tawag na puro problema ang ibinabalita ay lumalabas talaga ang pagiging masungit niya. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa kausap na engineer sa kabilang linya. Habang kausap niya ito ay paroo’t parito siya sa loob ng opisina at sinasabayan pa ng pagkumpas ng isang kamay.
Hindi sinasadyang natuon ang paningin niya sa CCTV footage dahil sa isang babaeng nakatayo sa harap ng restaurant na kinaroroonan niya. Saglit siyang nagpaalam sa kausap para tawagan ang gwardya sa labas.
“Roger, papasukin mo nga ‘yang isang aplikante,” utos niya sa gwardya na nakabantay sa labas.
“Sige po, Sir.”
Pinagmasdan niya ang babae sa CCTV. Mukhang ayaw nitong pumasok at parang nakikipagtalo pa ito sa gwardya. Alam niyang hindi ito aplikante at napadaan lang, lalo na kung pagbabasehan ang kasuotan nito. Naka T-shirt ito ng kulay pink na bumagay sa maputi nitong balat at simpleng kulay blue na pantalon. May nakasukbit din itong bag sa likod na tila punong-puno.
Napukaw nito ang atensyon niya kaya interesado siyang makilala ito at makita nang malapitan, kaya napagpasiyahan niyang bumaba para siya ang kumausap dito. Nasa second floor kasi ng restaurant ang opisina niya. mula sa malayo ay pinagmamasdan niya ito.
“What a beautiful and innocent face,” bulong niya sa sarili.
Habang naglalakad ay iniisip niya kung ano ang pwede niyang sabihin dito. Hindi dapat malaman nito ang tunay niyang pakay.
“Miss, why didn’t you go inside so I can interview you? Hindi ‘yong nakatayo ka lang diyan at parang tangang nakasilip sa loob.” Nagulat siya sa nasabi. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya?
Sa wakas ay nabaling ang atensyon nito sa kanya. Tumagal ang tingin nito sa mukha niya. At alam na niya ang tinginang iyon. Isa na naman sa mga biktima ng kanyang karisma. Taas noo niyang sinalubong ang tingin nito habang nakapamulsa. Siya naman ang muntik nang mapanganga nang magsimula itong magsalita. Sinusundan niya ang bawat galaw ng labi nito.
“Mawalang-galang na po kung sino ka man, pero hindi po ako aplikante. Napadaan lang ako at sumilip. Pero si Manong guard pinipilit akong pumasok. Sa hitsura kong ‘to, mag-a-apply?” Sabay turo nito sa sarili.
“Kung hindi ka naman pala aplikante, bakit nandito ka? Siguro may iba kang intensyon?” Tumingin siya nang tuwid sa mga mata nito.
“Grabe naman po kayo kung manghusga. Kung ano man ang iniisip niyo tungkol sa ‘kin, wala na akong pakialam diyan. Isip niyo ‘yan, eh.”
Muntikan na siyang mapaismid sa sagot nito. Mas lalo tuloy siyang naging interesado rito.
“Sa tingin mo ba maniniwala akong wala kang ibang intesyon? Mapapatunayan mo lang na wala ka talagang masamang binabalak kung sasama ka sa ‘kin sa loob para magpa-interview. Trabaho na nga ang lumalapit sa ‘yo, inaayawan mo pa.”
“Sige, kung ‘yan lang ang paraan para paniwalaan mo ako. Iyon lang pala. Basta pagkatapos nito, hahayaan mo na akong makaalis.”
Napapitik siya sa hangin pagkatapos marinig ang sagot nito. Nahulog ang babae sa patibong niya.
“So, let ‘s go inside?” Itinuro pa niya rito ang pinto.
Napangisi na lang siya nang matagumpay niyang napasunod ito.
HINDI alam ni Michaela kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Naglalakad-lakad lang naman siya at naglilibot dahil naghahanap siya ng karinderyang makakainan, napadaan lang talaga siya sa sosyal na restaurant. Halos dose oras din ang kanyang naging byahe, at hindi man lang siya nag-abalang bumaba para kumain sa tuwing humihinto ang bus.
Wala sana siya sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa malupit niyang tiyahin at pamilya nito. Gusto ba naman siyang ipakasal sa matandang byudong Congressman sa kanilang bayan. Hindi niya kayang makita ang sarili na nasa ganoong kalagayan kaya nilayasan niya ang mga ito.
At ngayon nga, nakasunod siya sa lalaking saksakan sana ng gwapo, pero saksakan din ng yabang at sungit. Pagbintangan ba naman siyang masama. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod rito para makaalis na. Halos manlupaypay na kasi siya sa labis na nararamdamang gutom.
Nakasunod lang siya rito hanggang pumasok ito sa isang silid. Napayakap siya sa sarili nang maramdaman niya ang sobrang lamig sa kanyang balat. Napansin siguro nito ang naging reaksyon niya kaya dinampot nito ang remote para babaan ang temperatura ng aircon.
“You may sit down.”
Umupo naman siya sa itinuro nitong upuan sa harap ng mesa. Umupo rin ito sa kabilang bahagi kaharap niya.
“By the way, I am Jacob Perkins, the owner of this restaurant. Do you have a resume or biodata?”
“Kaya naman pala mayabang kasi siya ang may-ari,” bulong niya sa sarili bago sagutin ang tanong nito.
“Sir, paano naman po ako magkakaroon niyan eh, hindi nga kasi ako mag-a-apply. Wala akong ibang dala maliban sa diploma ko no’ng highschool. Highschool lang ang natapos ko, baka hiritan mo pa ako ng diploma sa college. Kaya ibig sabihin lang niyan, hindi ako makakapasa sa interview niyo.”
Gusto na niya itong tarayan ngunit nagpipigil lang siya.
“Walang problema. Gagawan natin ng paraan ‘yan.”
Kumuha ito ng blangkong papel sa drawer at iniabot sa kanya.
“Write all your information here.”
Pagkatapos magsulat ay agad niyang ibinalik ang papel dito.
“So, you’re Michaela Gomez, eighteen years old, and you’re from Pampanga? Then why are you here in Quezon Province? Hinayaan ka lang ng mga magulang mong bumiyahe ng gano’n kalayo? O baka naman kasi, naglayas ka kasi napagalitan ka,” may pagdududa sa tono nito.
“Sir, hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit napadpad ako rito. At hindi rin po ako naglayas. At saka wala na po akong mga magulang na magpapalayas sa ‘kin.”
“Tumango-tango ito. Mukhang hindi kumbinsido sa mga sinabi niya.
“May boyfriend ka na ba?”
Muntik na siyang mapaubo sa tanong nito.
“Kasama talaga ‘yan Sir sa mga tanong? Parang masyadong personal naman yata ‘yan.”
“Kasama ito at kailangan mo rin sagutin dahil kung may boyfriend ka tapos nagtatrabaho ka, baka mapabayaan mo ang trabaho mo dahil sa pakikipag-date. Para mabigyan kita ng advice kung paano mo iha-handle ang trabaho mo kahit na may boyfriend ka.”
Napangiwi siya bago nag-aalangang sumagot.
“Wala po akong boyfriend. Wala pa sa isip ko ‘yan.”
“Then good. The interview is over. Dahil galing ka sa malayong lugar, I have a free staff house. Huwag kang mag-alala, lahat libre at wala kang babayaran doon. Just come back here tomorrow dahil magsisimula ka na sa trabaho. Tatawagan ko ang isa sa mga tauhan ko para ihatid ka. Pwede ka nang lumabas,” pinal na sabi nito.
“Teka lang, tapos na? Iyon na ‘yon?” Naguguluhang tanong niya dito.
“Bakit? Nakukulangan ka ba? Pwede kitang interview-hin maghapon kung gusto mo,” balik tanong nito sa kanya.
Sa halip na sumagot ay mas pinili na lang niyang manahimik. Baka magbago pa ang isip nito at bawiin pa ang trabahong ibinigay sa kanya. Maswerte na rin siya dahil ito ang nakatagpo niya lalo’t bagong salta siya sa lugar.
Nabigla lang talaga siya sa bilis ng pangyayari. Walang imik siyang lumabas ng opisina nito para hintayin sa labas ang susundo sa kanya.
“ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum
MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan
“HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t
MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong
PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag
SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko
PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang