Home / Romance / The Moonlighting Contract / 11: Final interview?!

Share

11: Final interview?!

Author: Oxy G
last update publish date: 2026-11-01 13:10:48

✤

May kumatok na naman. Parang reception area na ’to. “Anak,” bungad na bati ni Mama na kasama si Papa.

Biglang nawala ang kalahati ng jokes sa utak ko.

Si Mama ang unang lumapit. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, at agad napuno ng luha ang mga mata niya. “Ma, huwag kang iiyak.”

“Hindi ako umiiyak.” Malumanay na sagot ni mama. Idinampi niya nang marahan ang palad niya sa pisngi ko, parang gusto niyang namnamin ang sandali na ito.

“Ma, may luha.”

“Masaya lang ako.”

Ayaw kong umiyak, kaya sin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Moonlighting Contract   12: Contract sealed?!

    ✤“Breathe.” Bulong nito sa akin sa kalmadong boses na bahagyang lumusot sa mabigat na katahimikan ng silid.“I am breathing,” Inis kong bulong pabalik, habang nakatutok ang tingin sa altar at matuwid ang tayo.“You're crushing my fingers.”“Ay, sorry naman.”Bigla akong napatalon ng bahagya. It was very hilarious. Sana hindi nakuhanan sa video. Binitawan ko nang kaunti ang kamay niya, barely slackening my grip. Noon ko lang napagtanto kung gaano kakapit ang mga daliri ko sa kaniya. His thumb brushed my knuckles in a slow, deliberate stroke.“Nervous?”“No.”“Liar.”“Gumaganti ka?” Sulyap ko sa kaniya mula sa gilid ng mata ko.“Research.”The bastard. Gagamitin pa talaga ang sarili kong mga salita laban sa akin sa mismong araw na issangla namin ang mga buhay namin sa isa’t isa.“After today, bawal mo nang gamitin ang lines ko,” bulong ko nang hindi gumagalaw ang mga labi, nakatingin pa rin nang diretso sa judge.“Why?”“Intellectual property.”This time, he smiled. A faint, almost im

  • The Moonlighting Contract   11: Final interview?!

    ✤May kumatok na naman. Parang reception area na ’to. “Anak,” bungad na bati ni Mama na kasama si Papa.Biglang nawala ang kalahati ng jokes sa utak ko.Si Mama ang unang lumapit. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, at agad napuno ng luha ang mga mata niya. “Ma, huwag kang iiyak.”“Hindi ako umiiyak.” Malumanay na sagot ni mama. Idinampi niya nang marahan ang palad niya sa pisngi ko, parang gusto niyang namnamin ang sandali na ito. “Ma, may luha.”“Masaya lang ako.”Ayaw kong umiyak, kaya sinubukan kong pagaanin ang mood.“Same thing.”Natawa siya ng bahagya at pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.Katulad noong unang beses kong sumali sa school activity at kailangan mag-overnight.Katulad noong graduation.Katulad noong unang luwas ko sa Maynila.Iyong klase ng yakap na nagpapaalala na kahit gaano ka na katanda, anak ka pa rin niya. Baby ka pa rin sa paningin niya. Iyong tipong gusto ka pa ring alalayan kahit matagal mo nang pinapatunayan na kaya mo na.“Ang ganda-ganda ng

  • The Moonlighting Contract   10: Aggressive promotion?!

    ✤Secretary ako ni Damian hanggang alas-onse y medya.By two-fifteen, bride na ako.Talk about corporate efficiency.What we decided was a civil wedding. Something private and simple. Technically, ang request ko talaga ay walang wedding. Apparently, hindi iyon compatible sa marriage.Naghiwalay kami pagkarating sa venue para sa sariling prep time.Nandoon na nga mga mag-aayos. Naka-set up na ang lahat pagkarating ko sa kwarto ko. I let them do their work.May mga small conversations kami in between. At ang ilang mga tanong kung ano ang mas gusto kong ayos, pero hinayaan ko na lang silang magdesisyon.Hindi naman matagal. Just enough time. Hindi ako nainip, at hindi rin inantok. Kaya nang matapos akong bihisan, bago humarap sa salamin, I wasn’t really expecting much. Siguro dahil doon kaya bahagya akong napasinghap ng mahina nang tuluyan ko nang makita ang sarili ko sa salamin—I looked… exactly like a bride would be.Not a contract wife. Not an employee playing dress-up.A bride.Hin

  • The Moonlighting Contract   09: Pre-employment requirement?!

    ✤ “You can turn around now, sir.” Damian Villareal, the compliant man that he is, indeed turned around. Naglakad ito pabalik sa kinauupuan ko. Normal lang ang galaw niya. Walang bago sa usual niyang paglakad. Pero hindi ko alam, para bang napakabagal ng sandaling iyon? Baka dahil sa marahang tibok ng puso ko? O hindi pa sapat na pag-proseso ng isip ko sa mga nangyayari. Sandali pa, umupo siya sa pwesto niya, diretso sa pagkuha ng ballpen, at walang pag-aalinlangang pumirma sa kontrata. Damian Villareal. No hesitation. Of course. Kahit sa pirma, bossy. “Done.” Normal na banggit nito. Para bang business contract lang talaga. Hindi ko mapigilan, “That's it?” Tanong ko. “That's it.” Malinaw na sagot nito. “Parang anticlimactic.” “Do you want fireworks?” “Fifty-million-peso deal ito. Kahit confetti sana.” “I'll keep that in mind.” Mabilis na sambit nito. Napanganga ako. Parang one of these days, mangyayari nga ito. Napailing ako. This CEO and his limits. I held out my han

  • The Moonlighting Contract   08: Qualified ba siya?!

    ✤Pagbalik ko sa Villareal Group, si Shell agad ang nakita ko.Nagkatinginan kami.Ngumiti siya. Isa na namang masyadong malaking ngit. Deja vu?“Good morning, Ma’am!”“Bakit ganyan ka ngumiti?” Bungad ko na agad sa kaniya.“Normal smile lang po.”“Hindi. May alam ka.” Usisa ko uli. Ito talaga, parang siya na ang magiging information broker ko mula ngayon.“Wala po.”“Shell.”“Sir Damian is waiting for you, maam.”“Of course he is.” Sabi ko na lang at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator. “Ma’am?” Habol uli ni Shell kaya napalingon ako.“Good luck po.” Ito na naman! What is this foreshadowing?“Kapag naging disaster ang buhay ko, ilalagay kita sa witness list.” Sagot ko na lang sa kaniya.“Noted po.” Napailing ako. Fresh graduates. Napakasaya pa sa buhay. But seriously, abot lobby na naman ba ang memo? May memo ba uli? Pagkarating ko sa executive floor, huminto muna ako sandali sa labas ng pinto ng office ni Damian.Tatlong taon na akong pumapasok sa opisinang ito. Tatlong ta

  • The Moonlighting Contract   07: Nagbenta ba ako ng kaluluwa?!

    ✤ Hindi ako nakatulog. Hindi dahil excited akong maging asawa ni Damian Villareal. Gusto ko lang linawin 'yon. Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame ng studio condo ko sa The Linear Makati. Yung kisame ko nga pala ay may maliit na bitak sa bandang kaliwa na apat na buwan ko nang sinasabing ipapaayos ko. Pero, ayun, hanggang ngayon nagtititigan pa rin kami. Hindi naman major kaya hinayaan ko na lang. Well, priorities. It is now 2:43 A.M. Sa bintana ko, kita ko ang ilaw ng maraming opisina sa Makati CBD. Dati, pinapangarap ko lang makita ang ganitong city lights view. Maganda sa mata, totoo. Pero ang hindi nakikita mula rito ay kung ilang tao pa rin ang gising sa likod ng mga ilaw na iyon. Ilang empleyado ang humahabol sa deadline. Ilang executive ang hindi pa umuuwi. Corporate hub talaga ang Makati. Napatingin ako sa bedside table ko, nakapatong ang itim na folder na responsable sa insomnia ko. Katabi nito ang planner kong nakabukas sa monthly budget page. My

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status